Pagpili sa Pakikipaglaban

By: Millie Harris, Washington, D.C.


Sa aking pagninilay nilay sa aking pagsisikap at maliit na kaparaanan, ay naiparating ko sa ibang mga babae sa buong mundo na nagsisikap na mabuhay para kay Kristo, ang kapayakan kahirapan at pangkalahatan ng ating pagiging mga alagad. Kailanman ay hindi naging mataas ang aking pamantayan bilang Kristiano, nguni’t iyan ang kagandahan ng biyaya ng Diyos. Kung ang antas ng aking pamantayan ay pangkaraniwan kasama ng lahat ng nilalang, tayong lahat ay malulugmok. Ngayon ang aking buhay ay ipinagkaloob ko na sa mahabaging Diyos at tinanggap ko ang hamon na isuot ang kalasag na isinasaad sa Efeso 6: 10-20 na makipaglaban para sa Kanyang hukbo.


Ang laban na ito ay kakaiba, nguni’t magkakatulad para sa ating lahat. Ang pasya ng bawat babae ay lumaban ano man ang dumating sa ating buhay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa ating buhay. Noong ako ay nasa murang idad pa, ay wala akong alam kung ano ang aking magiging buhay,( na sa pag aakala ko ay alam ko na ). Sinimulan ko ang aking pagiging Kristiano na may masidhing katiyakan at galak. Ang aking mga magulang ay kapwa Kristiano at walang sagabal upang mapanatili ko ang aking pananampalataya. Nguni’t ang buhay ay patuloy na nangyayari. Dumarating ang pagsubok. Nabibigo tayo sa mga kapwa natin. Nabibigo din tayo sa ating sarili, Nais nating sumuko. Ang ating kultura ay nagtuturo kung ano ang dapat nating gawin. Ito ang panahon na paalalahanan natin ang ating sarili sa Efeso 6: 12. Tayo ay nakikidigma laban sa kapangyarihan ng kasamaan. Ang diablo ay hinihikayat tayo na making sa mga nawala sa pananampalataya: ang ating mga asawa, mga anak, mga magulang, mga kaibigan at kultura. Itinalaga natin ang ating sarili para sa Diyos, nguni’t tayo ay napagod at nawalan ng sigla.
Tayo ay nakakaranas ng ibat ibang uri ng kasamaan. Nawa ang aking pinagdaanan ay iba sa inyo. Ang aking asawa ay tumiwalag sa pananampalataya at ang aming pagsasama ay hindi nagtagal. Sana ay masasabi ko na hindi ko pinagisipan ang sumuko, na ang aking mga mata ay nakatuon lamang kay Kristo,nguni’t hindi iyan ang nangyari. Nguni’t patuloy parin akong naniniwala at alam ko na ako ay naniniwala. Efeso 6:16 “ Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.” Kung ang akala natin ay wala ng natitira, paalalahanan natin ang ating sarili sa laban na sinimulan at pinaniniwalaan.


Nguni’t ang pagkawala ng aking asawa ay hindi ang pinakamatinding espiritual na laban. Para sa akin, ang pinakamalaking pakikipaglaban ay ang pagkawala ng aking anak sa pananampalataya. Hindi ako naniniwala na ito ay isang di pangkaraniwang laban ng mga Kristiano. Sinabi ni Kristo sa Mateo 10: 35, “ Sapagkat Ako’y naparito upang pagagalitin ang lalaki laban sa kanyang ama, at ang anak na babae laban sa kanyang ina, at ang manugang na babae laban sa kanyang biyanang babae.” Kung pinasan natin ang ating krus at ang ating mga baywang ay may bigkis ng katotohanan( Efeso 6: 14 ),ang ating ugnayan sa mga tao na pinili ang mundo ay nangangailangan ng pagbabago. Ang maliwanag na katotohanan ay sinabi ni Kristo sa Mateo 10:37, na kung higit kong mahal ang aking anak kaysa Kanya ay hindi ako karapatdapat sa Kanya. At sa sumunod na talata (38), “Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin ay hindi karapatdapat sa Akin.”


Ako’y namamangha at naniniwala na ang ugnayan na tinatalakay ni Kristo sa Mateo 10:34-39, ay sa pagitan ng magulang at anak. Ito ang relasyon o ugnayan na siyang bumubuo sa ating pagkatao. Ito ang una nating pakikipag ugnayan. Noong ako’y bata pa, ang aking mga magulang ang nagturo sa akin ng kahalagahan ng Diyos at ng daigdig, maging ito man ay positibo o negatibo. Bilang isang magulang, ako ay may tungkulin na palakihin ang aking anak

 sa turo at aral ng Panginoon. Bilang ina, ginugol ko ang buhay sa pagmamahal, pagtuturo, paggabay at pagpapahalaga sa anak na ipinagkaloob ng Diyos sa akin. Ito ay isang pangunahing ugnayan. Nguni’t kung ang anak na iyon ay tinutulan ang aking turo at ang aking Diyos, ang puso ay nasasaktan. Ang pagtutol na ito ang aking naging krus. Ang anak na ito na nais akong hikayatin na siya ang nasa wasto, ay bahagi ng aking puso. Ang tanong ay ito, siya ba ang higit na nagmamay ari ng aking puso bukod kay Kristo? Ito ang tanong para sa ating lahat. Maraming magulang ang nahihikayat ng mga anak na hindi naging tapat sa Panginoon. Hindi nila matanggap na ang kanilang mga anak ay magdaranas ng kaparusahan ng Diyos. At parang mabuti na lang tanggapin ang doktrina ng mga anak sa halip na masira ang samahan ng pamilya. Nguni’t ito ay hindi mainam sa bandang huli. Ang katotohanan ay hindi nagbabago, kahit tayo ay nagbago. Pinapasan ba natin ang ating krus habang ang lahat ay nasa ayos? Nakatayo ba tayo sa katotohanan upang ang pamilya ay manatili sa pagkakaisa? Tayo ba ang tinatawag na minanang Kristiano? Huwag nawang mangyari.


Noong pinasan natin ang ating krus at sumunod kay Kristo, tayo ay nagpatala sa Kanyang hukbo. Hindi natin papayagan sinuman o alinman na tayo ay malinlang sa ating pinakamataas na mithiin. Tayong lahat ay mga kawal. Kailangan nating kumilos upang palakasin at itayo ang bawat isa, at makilala na tayo ay kasama ni Kristo sa daigdig na ito. Napakadali na tingnan ang ating mga kapatid na babae at maramdaman na hindi natin nauunawaan ang kahirapan ng bawat isa. Sa ilang bahagi ay tama ito. Ang ating mga pinagdaanan sa buhay ay hindi magkatulad. Nguni’t ang pagsubok ay bahagi ng ating buhay. Ginawa natin ang magkatulad na pagsangayon sa ibang bahagi ng ating buhay. Lahat tayo dumaranas ng mga pagsubok o kagipitan upang subukin ang ating pananagutan. Hindi ko alam kung ang ating pinapasan na krus ay magkatulad o magkaiba. Ang alam ko ay tunay ang pasan nating krus. Tayo ay nasa digmaang espiiritual na ating pinili. Naglilingkod tayo sa Panginoon. Hindi natin dapat na payagan ang pansamantala at makamundong bagay ( kasama ang ating mga anak ) na mag pahina sa ating ginawang pananagutan.
Sa buhay,hindi ko lubos na maunawaan ang dang pasulong nguni’t walang ibang daan kundi si Kristo. Malimit kong isaisip ang tugon ni Pedro kay Kristo sa Juan 6:68. Maraming alagad ang tumalikod kay Hesus, at tinanong Niya ang labindalawa kung sila’y lilisan din. Ang tugon ni Pedro, “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan.”

Previous
Previous

Ano ba ang kahulugan ng ganap na Kristiano?

Next
Next

Ang Pagpapatala sa Hukbo ng mga Disipulo