Ang Halaga ng Pagiging Tagasunod
By : Teresa Bunting
Nagustuhan ko pelikulang Lord of the Rings - ang mabuti laban sa masama, di-mapaniwalaang kaibahan, tagumpay sa katapusan. Sa ikatlong pelikula, ang mabubuting tao ay nakaharap sa mahirap na pangyayari. Gayunman, nakilala nila na may pagkakataon pa sila para kina Frodo at Sam kung haharapin nila ang kanilang mga kaaway sa Black Gate. Si Aragorn, ang magiging hari ay inilantad ang balak, tumugon si Gimli, ang unano, “Tiyak ang kamatayan.” Maliit ang pagkakataon ng tagumpay. Ano ang hinihintay natin? Ang ating tapang ay nagbibigay ng lakas ng loob at itinataas natin ang sandata upang sumama sa digmaan.
Iwan natin ang drama at isipin ang tunay na digmaan ng mabuti at masama. Ang mga linya ay naiguhit na. Pinili na ang kakampihan. Walang pinapanigan. Kung ang katiyakan ng kamatayan ay totoo, ang pagpili ay nakapagpapahinahon. Kung pinili mo ang panig ni Cristo, ay pinili mo ang katapatan hanggang kamatayan.
Ang ating pangkasalukuyang kalagayan ng kapanatagan ay maaaring matakpan ng katotohanan sa pagtawag sa atin ng pagpili kay Cristo higit sa mundo. Ano ang halaga ng pagiging tagasunod? Si Jesus ay nagsasalita nang payak sa kung ano ang kailangan sa pagsunod sa Kanya. Nguni’t hindi pa natin inilalagay ang ating buhay sa paglilingkod sa Kanya.
Tingnan natin kung paano ipinahayag ni Jesus ang halaga ng pagsunod sa pagsusuri ng Kanyang mga salita. Sa Lucas 14: 25-53, ipinagkaloob ni Jesus ang kasulatan ng pagpapatala sa paglilingkod sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasabi ng 3 ulit “…hindi maaaring mga tagasunod ko.” Sila ay tinawag ni Jesusat tayo man upang isaalang-alang ang lawak ng pagpapasakop na ating gagawin kung pipiliin natin Siya.
Ang una Niyang sinabi ay, “Ang sinumang nais na sumunod sa Akin, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging ang kanyang sarili, ay hindi maaaring maging tagasunod Ko” ( v.26 ). Sinimulan Niya sa pinakamalapit at pinakamamahal natin sa lupa. Kahit na isaalang-alang natin ang ating pamilya, “ hindi tayo dapat magkaroon ng ibang Dios.” Mayroon laging timbangan sa ating buhay kay Cristo, at tunay nga, na dapat mahalin ang mga taong ito sa paraan na hindi abot ng pang-unawa ng mundo tungkol sa pagmamahal. Magmahal tayo tulad ni Cristo. Nguni’t kung ang digmaan ay umiigting na, ang pagpapasya ay dapat na gawin bago pa dumating ang pagpili kung ang aking mahal sa buhay o si Jesus. Pinili ko si Jesus. Si Jesus ay sinabi ang natatanging salita, “…at maging ang kanyang sarili…” Ito ang pagpapasakop hanggang kamatayan. Sinasabi sa Aklat ng Pahayag 12:11, “…. hindi sila takot na ialay nila ang kanilang buhay alang-alang sa kanilang pananampalataya.” At habang tayo ay nagiging matapang, ay may isa pang antas ng pagpapasakop. Tayo ay tinawag na ialay natin ang ating buhay para sa mga kapatid sa pananampalataya. Ito ay hindi lamang kusang-loob na mamatay, nguni’t tayo ay tinawag upang isakripisyo ang ating buhay . Kakatwa na ipinagkaloob sa Juan 3:16 ang halimbawa at sa 1 Juan 3:16 ang utos. Ano ang nagbubuyo para sa ganitong pagpapasakop? Pag- ibig. Ito ang tunay na pag-ibig.
Ang susunod na natatanging pangungusap ni Jesus tungkol sa pagiging tagasunod ay, “Ang sinumang hindi nagdadala ng kanyang sariling krus at ayaw sumunod sa Akin ay hindi maaaring maging tagasunod Ko (v.27). Ang Krus. Ang kasangkapan ng mga Romano ng pinakamataas na pagpapahirap at pagpataw ng kamatayan. Alam ni Jesus na haharapin Niya ito, at tinawag Niya ang mga alagad na susunod sa Kanya na dalhin din ito. Sina Mateo at Lucas ay naitala nangdalawang ulit ang mga kailangan sa paglilingkod sa mga pangangaral ni Jesus. Sa Mateo 10:38, ay binalaan ni Jesus ang Labingdalawa(12) na ang ayaw sumunod sa Kanya dahil natatakot mamatay ay hindi karapat-dapat sa Kanya, at ito ay para rin sa atin. Sinabi rin Niya na ang susi sa ganitong pagpapasakop ay huwag unahin ang sarılı (Mateo 16:24). Idinagdag ni Lucas ang salitang Araw-Araw (Lucas 9:23). Ano ang ibig sabihin nito? Ang pagtatatwa sa sarili ay huwag bigyan ng daan ang pansariling pangangailangan at hangarin, sariling pagnanais, mga kuro-kuro, sariling landas para sa kaluwalhatian ng Dios. Si Pablo ay nagbigay ng isang magandang paglalarawan sa Filipos 2, nang sabihin niya na dapat maging katulad ni Cristo ang pananaw. Sinabi niya, “Huwag kayang gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip magpakumbaba kayo sa isat-isa at ituring na mas mabuti ang iba sa inyo.” Maging tulad ka ni Cristo. Maging alipin ka. Magpakumbaba ka hanggang sa kamatayan… maging sa kamatayan sa krus (Filipos 2:1-8). Nais mo bang maging tagasunod ni Jesus? Mabuti, maaari! Kung dadalhin mo nang kusang-loob ang iyong krus. Sa Bawat Araw.
Sa Lucas 14, ipinahayag ni Jesus ang mga halimbawa kung ano ang dapat isaalang-alang sa pagsunod sa Kanya. Alamın ang halaga. Bago ka magmadali, magkaroon ka ng kamalayan kung ano ang mangyayari hanggang sa katapusan. Bago ka magtayo ng bahay o magpahayag ng digmaan, mag-isip kang mabuti. Nais ni Jesus na mag-isip ka at timbangin ang lahat. Nauunawaan ba natin ang mga sinasabi Niya bago tayo pumayag sa pakikipagkaisa sa paglilingkod sa Kanya? Sapagkat kung hindi, hindi tayo karapat-dapat na maging tagasunod Niya.
Ang huling pahayag ni Jesuskung sino ang hindi maaaring maging tagasunod Niya ay mababasa sa talata 33, “ Ganyan din ang gawin ninyo. Isipin ninyong mabuti ang pagsunod sa Akin, dahil kung hindi ninyo magagawang talikuran ang lahat ng nasainyo ay hindi kayo maaaring maging tagasunod Ko.” Ngayon, ako ay kusang-loob na uunahin ang Dios bago ang lahat. Ako ay handang mamatay. Ako ay handa na dalhin ang aking krus…. habang ako ay nasa loob ng aking tahanan. Sandali, ano ? Bilang mga Kristiyano sa makabagong kultura ng mga Kanluranin, ang marami sa atin ay namumuhay nang maginhawa. Hindi ito totoo sa lahat ng mga Kristiyano, at mayroong panganib sa maginhawang buhay kung hindi ito gagamitin para sa kabutihan ng kaharian. Kung mayroon kang mga bagay na nagbibigay ng ginhawa sa iyo - pagkain, kasuotan, higaan, mainit na tubig - magpasalamat ka sapagkat ito ay mga karangyaan - hindi mga kailangan. Hindi sinabi ni Jesus na, “Kusang- loob na iwanan ang mga ito.” Ang Kanyang pangungusap ay “…iwan ang lahat o hindi ka maaaring sumunod sa akin.”
Bago mo simulan ang pagbebenta ng iyong mga ari-arian, tingnan natin nang may wastong pagtingin. Si Pablo ay binigyan tayo ng talaan kung paano ito gagawin. “… Natutunan ko na ang lahat ng ito. Kaya maging ano man ang kalagayan ko, busog man o gutom, sagana o salat, kuntento pa rin ako” (Filipos 4:12b). Ang tugon ay payak : Si CRISTO. Sa ikatlong kabanata, sinabi ni Pablo na “ang lahat ay walang halaga” at “basura”, makamtan lang si Cristo at makibahagi sa mga paghihirap sa kamatayan at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang pananalig na iwanan ang lahat ng mga ari-arian sa mundo at lahat ng mahal sa atin ay maghahatid sa atin kay Cristo at malagpasan ang kamatayan kung saan tayo tinawag! Anumang tinatawag na “kayamanang madaling mawala” na tinalakay ni Pablo sa 1Timoteo 6:17, ay pumipigil sa atin sa pagtatamo sa kayamanan ng Dios na ipinagkakaloob Niya. Tinatanong ko ang aking sarili, mayroon ba sa aking buhay na pumipigil sa akin at ako’y umaasa sa kayamanang nawawala, at ang pagkawala ay matutulad ako sa mayamang lalaki na nakaharap ni Jesus, umalis nang malungkot sapagkat ako’y maraming ari-arian? Lahat ng kayamanan sa mundo, marami man o kaunti, ay dapat na gamitin sa paraan na makapagbibigay ng kaluwalhatian sa kaharian ngDios. Ano ang gagawin mo sa mga ipinagkaloob sa iyo? Ikaw ba ang may pagpipigil sa iyong kayamanan o ang mga ito ang pumipigil sa iyo?
Alam ni Jesus ang kaugnayan ng ating mga yaman at puso. Sa Mateo 6:19-21, si Jesus ay nagbabala sa pag-jipon ng kayamanan na kinakain ng mga insekto at kalawang na sisira at kinukuha ng mga magnanakaw. Sinabi Niya na mag-ipon ng kayamanan sa langit, “…Sapagkat kung nasaan ang Inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”
At iyan mga kapatid, ang tunay na halaga: ang aking puso. Ang aking buong puso na walang pumipigil nang ako’y tawagin na maging tagasunod Niya. Walang tao, walang bagay, hindi ang aking sarili ang makapipigil sa akin upang ipagkaloob kay Jesus ang aking buong puso para sa paglilingkod sa Kanya. Kung ito ay mangyayari, hindi ako magiging tagasunod Niya. Sinabi Niya ito. Ang totoo, ang aking puso lamang ang tanging maipagkakaloob ko. Siya ang may-ari ng aking buhay at ari- arian. Kaya sinabi Niya, “Ibigay mo sa Akin ang iyong puso.”
Ngayon, matapos nating maunawaan kung paano natin titingnan ang pagsunod at tunay na maunawaan kung ano ang magagawa sa buhay, puso at kaluluwa, na sumunod sa Kanya, ang isang katanungan, matapos na makita ang halaga, ako ba ay handa? Ang karamihan sa mundo ay magsasabi ng hindi. Nguni’t ang puso ng isang mandirigma na ibinigay nang lubos sa kanyang Tagapagligtas ay ang kanyang buhay. Si Gimli, ang unano, ay may kamalian. “Tiyak Ang kamatayan.” Oo. BAWAT pagkakataon ng tagumpay! “ Ano pa ang hinihintay natin.”