Ano ang Gagawin Mo Kay Jesus ?

Ang mga masiglang manunulat ng bawat ebanghelyo ay gumawa ng pagpapakilala o kalagayan, na pinaniniwalaan na si Jesus na taga-Nazareth ay ang Anak ng Dios,ang ipinangakong Mesiyas. Ang pagpapakilala ni Marcos ay tila isang hamon. Sinimulan ni Marcos sa 1:1, “Ito ang Magandang Balita tungkol kay Jesu Cristo na Anak ng Dios.” Winakasan ni Marcos sa 16:19, “Pagkatapos magsalita ni Jesus sa kanila, iniakyat Siya sa langit at umupo sa kanan ng Ama.”

Ang iba pang bahagi ng Ebanghelyo ay isang mabilis na pagkilos, puno ng mga galaw na ginawa at sinabi ni Jesus at kung paano tinanggap ng mga tao ito. Paano ka kikilos, ano ang gagawin mo ?

Ako ay lubos na nasiyahan sa pag-aaral ng Ebanghelyo ni Marcos, at ikaw ay inaanyayahan ko na basahin ito na may bagong pag tingin Ito ay may 16 na kabanata na maaari mong basahin sa maghapon. Sa salaysay ni Marcos, nakita ko na si Jesus ay buong-ingat na inayos ang Kanyang gawain at pagtuturo sa panahon ng Kanyang pangangaral. Siya ay hindi mahina ang loob na biktima ng mga pangyayari, kundi may katiyakan sa Kanyang mga layunin, hindi nahihiya sa mga walang-katarungang pamumuna, at hindi natatakot sa lumalalang damdamin na laban sa Kanya mula sa Kanyang mga kaaway.

Ngayon, paano tinanggap ng mga tao si Jesus? 

Sila ay “namangha sa Kanyang pagtuturo.” Ito ay sinabi ng 3 ulit. Ano ang katangi-tangi? … “ Dahil nangaral Siya nang may awtoridad at hindi tulad ng kanilang mga tagapagturo ng Kaututsan.” Isipin mo na ikaw ay nasa isang lupon ng mganagbabasa ng aklat kung saan ang mga nagbabasa ay nagbibigay ng mga kuro-kuro tungkol sa aklat. At pumasok ang may-akda, dinampot ang aklat, at sinagot ang mga katanungan .Si Jesus ang “may-akda ng ating pananampalataya.”

Paano tinanggap ng mga tao si Jesus? Sila ay tumakbo patungo sa Kanya, para sa Kanyang mga turo at pagpapagaling ng mga karamdaman. Ang ilan sa mga salitang ginamit ni Marcos: sila’y “sumunod” sa Kanya, “hinanap” Siya, “pinagkakaguluhan”Siya ng mga tao, “lumuhod sa Kanyang paanan.” Sila ay tumanggap ng katotohanan, awa, kagalingan at pagpapatawad. Nang kumalat ang kasikatan ni Jesus, ay “ hindi na Siya lantarang makapasok sa mga bayan… pero pumupunta pa rin ang mga tao mula sa ibat-ibang lugar” ( Marcos 1:45 ).

Kahit ang mga demonyo ay kilala si Jesus at sila’y sumuko sa Kanya. Ipinaalala sa atin sa Efeso 6:12, “Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid - mga pinuno, may kapangyarihan at tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.” Pinahintulutan ng Dios na ang mga masasamang espiritu ay nasa daigdig sa panahon ni Jesus dito sa lupa. Sila ay higit na makapangyarihan kaysa tao. Nguni’t kung sila’y nasa harapan ni Jesus, hindi lamang nila kinilala si Jesus, kundi kaagad na sumuko sa Kanya at sa Kanyang kalooban.

Pansinin, na maraming tao ang tumanggi kay Jesus. Ang mga pinuno ng relihiyon ng panahong iyon ay masugid sa kanilang hindi pagsang-ayon. Nang Kanyang pinagaling ang tao na hindi makalakad, at una ay sinabi sa tao na ang kanyang mga kasalanan ay pinatawad na, ang mga eskriba ay hindi nakita ang kapangyarihan ng himala,at pinaratangan si Jesus ng paglapastangan sa Dios. Nang Kanyang pinagaling ang lalaking may kapansanan sa kamay, at ibinalik sa buhay na kapaki- pakinabang, ang mga Pariseo ay pinaratangan Siya dahil ito’yginawa sa Araw ng Pamamahinga. Pansinin na ang mga lalaking ito ay nakita ang katibayan, nguni’t pinili ang ibang tugon. Hindi sila ang mga taong nakatagpo ng pagsalungat at nakilala ang panlilinlang. Hindi sila ang mga tao na may matapat na katanungan na hindi masasagot ni Jesus. Buo na ang kanilang mga isipan, at naghahanap na lamang ng paraan kung paano Siya tatanggihan.

Kung babasahin mo ang kabuuan ng Ebanghelyo ni Marcos, ay masusundan mo si Jesus na pumupunta sa ibat-ibang bayan, nagtuturo, at nagpapagaling ng mga karamdaman, at ipinapakilala ang Kanyang sarili. Mababasa mo ang mga talinghaga at mauunawaan mo kung anong uri ang pagka- Hari Niya at kung ano ang ipinagkakaloob ng Kanyang kaharian at kung ano ang kailangan. Makikita mo Siyang gumagawa nang walang kapaguran kasama ang 12 lalaki na magiging sugo Niya sa daigdig, nguni’t kulang pa sa pang-unawa. Maririnig mo Siyang nakikipag-usap na may awa sa mga “taong mababa ang kalagayan sa buhay” na nasa paligid Niya at Kanyang pinapahiya ang mga matatalino, ang mapagkunwaring mga pantas noong panahong iyon. Ang mga lalaking iyon ay titigil sa pagtatanong sa Kanya at may pagpapasya na patayin Siya. Makikita mo si Jesus na ang paningin ay nasa Jerusalem kung saan ay alam Niya na ipagkakaloob Niya ang Kanyang buhay bilang handog sa kapatawaran ng kasalanan ng mga tao - gayundin ng mga nagpapatay sa Kanya. At sa katapusan, makikita mo ang iyong sarili na kasama ng mga babae na pumunta sa libingan at natagpuan itong walang laman, tulad ng sinabi Niya na mangyayari.

Ang tanong sa makabagong magbabasa ay, ano ang gagawin MO kay Jesus?

Ikaw ba ay mamamangha sa Kanyang pagtuturo? Marahil ay mahirap para sa atin na maramdaman ang pagkamangha sapagkat ang Kanyang mga salita ay hinubog ang kasaysayan ngating makabagong mundo! Nguni’t basahin at makinig sa Kanya na ipinapakita ang landas patungo sa buhay na walang-hanggan. Tatakbo ka ba palapit sa Kanya? Nakikita mo ba ang iyong pangangailangan at ang Kanyang kakayahan na ipagkaloob ito? Kailangan mo ba ng espirituwal na kagalingan mula sa Dakilang Manggagamot? Ikaw ba ay nananabik sa kapayapaan mula sa İSA na nagpapakalma sa mga unos ng buhay? Ikaw ba ay naniniwala sa pangako ng buhay na higit dito?

Ikaw ba ay musmos pa sa iyong pananalig? Makapagsisimula ka kung nasaan ka ngayon. Ang mga piniling alagad ni Jesus ay hindi nauunawaan ang mga talinghaga. Hindi abot ng kanilang kaisipan ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan. Sinabi Niya ng 3 ulit na Siya ay maghihirap, mamamatay, at mabubuhay na muli sa ikatlong araw - gayunman, sila ay nalungkot sa Kanyang kamatayan at naging maingat sa mga nagsabing ang libingan ay walang laman. Gayunman, sila ay sapat na naniwala sa Kanya, at iniwan ang lahat at sumunod sa Kanya. Habang sila’y natututo, tinanggap nila ang Kanyang sinabi. Siya ay matiyaga sa kanila, tulad din ng pagtitiyaga sa atin.

O, Siya ba ay iyong tatanggihan? Tatanggapin mo ba ang katibayan at sasabihin na ito ay hindi para sa iyo? Nasa iyo ang pagpili - sa ngayon. Ang ibig kong sabihin, ang Dios ay hindi ka pipilitin na magpasakop kay Jesus. Sa huwad na paglilitis kay Jesus, ang Punong Pari ay tinanong si Jesus kung Siya ba Anak ng Kapuri-puring Dios. Ang tugon ni Jesus, “Ako nga, at Ako na Anak ng Tao ay makikita ninyong nakaupo sa kanan ng Makapangyarihang Dios. At makikita rin ninyo Ako sa mga ulap na paparating dito sa mundo.” Alam ni Jesus na ang Kanyang pangungusap ang magsasaad ng Kanyang kapalaran - Siya ay agad na pinaratangan ng kalapastanganan at hinatulan ng kamatayan. At sa parehong panahon, ang hinaharap ng Punong Pari ay tiyak na. Sa Filipos 2:10, sinasabi na ang bawat isa ay luluhod sa pagsamba sa Kanya at ang bawat dila ay ipahahayagna si Jesus ay Panginoon. Habang ikaw ay nasa daigdig, ang pagpapasya ay nasa iyo. Kung ang buhay mo sa lupa ay tapos na, at ikaw ay papasok na sa espirituwal na kaharian, wala ng ibang pagpipilian kundi ang kilalanin at magpasakop sa Anak ng Dios. Nguni’t kaibigan, sa oras na iyon, ay huli na ang lahat.

Ang isang napaka-pangkaraniwan na tugon kay Jesus ay isa na inililigaw tayo. At iyan ay pahinain ang katauhan si Jesus na taga-Nazareth, ang Anak ng Dios, na isang mabuting tao, isang tauhan sa kasaysayan, at isang “mabuting guro.” Na ang totoo, Siya ang kamangha-manghang Guro, ipinahahayag ang katotohanan at tinatawag ang mga tao na kumilos. Ang Kanyang mga salita sa Marcos 1:15, “Dumating na ang takdang panahon! Malapit na ang paghahari ng Dios. Pagsisihan na ninyo ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Magandang Balita!”

Siya ay kilalang gumagawa ng mga himala. Sa 16 na kabanata ng Ebanghelyo ni Marcos, ang mga salitang “napakaraming tao” ay inulit ng 8 beses. Sa ilang panahon, ang bilang ng mga tao ay maaari Siyang masaktan; ang mga nakikinig sa Kanya ay umaabot sa libong mga tao. Sa maliit na bahaging ito ng mundo, mahirap na isipin na ang isang tao ay hindi maapektuhan ng hindi pangkaraniwan. Nang isinulat ni Marcos ang Ebanghelyo, maaaring may mga tao pa na nabubuhay pa noon, na magpapatunay o sasalungat sa pangyayari. Hindi ito mga kathang-isip o alamat. Ito ay mga ginawa ni Jesus na taga- Nazareth nagbibigay sa tao ng dahilan na maniwala na Siya ang Anak ng Dios.

Ang hangaan si Jesus na isang “Mabuting guro”ay isang hindi matapat na pagtingin. Maaaring Siya ay hindi tapat tulad ng pagsasabi Niya na Siya ay Dios, o tayo, na inaalis natin ang katibayan sa sinasabi Niya na Siya ay Dios. Nguni’t ito ay isang mapanganib na pagtingin. Ito ay nagbibigay sa atin na isaalang- alang ang ating sarili na mga tagasunod na hindi naman tunay na mga disipulo.

Sa ika-10 kabanata ng Marcos, isang mayamang kabataang lalaki ang pumaroon kay Jesus at tinawag Siyang “mabuting guro.” Ang lalaking ito ay tunay na nais ang buhay na walang- hanggan at ipinagmamalaki ang matuwid niyang pamumuhay. Nang sinabi ni Jesus na iwan niya ang kanyang mga ari-arian at sumunod sa Kanya, sinasabi na “malungkot na umalis ang lalaki.” Sa pagsunod kay Jesus,ang “mabuting guro,” hanggang ang Kanyang salita ay tawagin tayo na gawin ang ayaw natin ay aalis din tayo nang may kalungkutan, nakaligtaan ang daan na papunta sa buhay na walang-hanggan.

At gayon, ano ang gagawin mo kay Jesus? Sa ika-5 kabanata ng Marcos, may isang lalaki na sinasaniban ng isang kawan ng masasamang espiritu. Ang mga masasamang espiritu ang dahilan kung bakit niya laging sinasaktan ang Kanyang sarili, at hindi siya mapigilan at siya ay naninirahan sa mga kuweba sa ilang. Matapos na siya’y palayain ni Jesus sa mga masasamang espiritu, ang lalaki ay naki-usap na sumunod kay Jesus. Sinasabi sa Marcos 5:19-20, “Pero hindi pumayag si Jesus. Sa halip, sinabi Niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.”” Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Jesus. At namangha ang lahat ng nakarinig tungkol sa nangyari.

Basahin ang mga pangyayari sa buhay ni Jesus. Isaalang-alang kung paano Niya naisakatuparan ang mga pangako na ipinahayag sa simula ng panahon. Alamın mo na dapat mong gawin ang pagpapasya tungkol sa iyong pananalig. Ipagkaloob mo sa Kanya ang iyong puso at buhay. At pagkatapos ay sabihin mo sa iyong mga kaibigan kung gaano kalaki ang ginawa ni Jesus para sa iyo at kung paano Siya naawa sa iyo.


Previous
Previous

Ang Halaga ng Pagiging Tagasunod

Next
Next

Pagninilay sa Mga Bunga ng Espiritu - Pag-ibig