Pagninilay sa Mga Bunga ng Espiritu - Pag-ibig
Kamakailan, ay inanyayahan ko ang mga kaibigang babae para sa isang pag-aaral sa Biblia tungkol sa bunga ng Banal na Espiritu sa ika-5 kabanata ng Galatia. Napagpasyahan na gagamitin namin ang isang klase sa bawat bunga, Kaya ako ay nagsa-ayos ng 9 na hanay ng pag-aaral, gumawa ng isang pangkalahatang pag-aaral, at inisip na ito’y isang payak na pag- aaral. Nang ilabas ko na ang aking kuwaderno at Biblia at simulan ang unang “bunga”- pag-ibig, napag-alaman ko na ito’y hindi payak! Saan magsisimula? Sa totoo lang, saan nga ba magsisimula? Sa paglalarawan ng bunga ng Espiritu, sinimulan ni Pablo sa pag-ibig, sapagkat marahil, ang iba pang katangian ay nagsisimula sa pag-ibig. Nguni’t paano ako magsisimula na paliitin ang pansin sa isang kaisipan na nakapaloob sa bawat paksa at siyang pinaka paksa ng Biblia? Ako ay lubos na namangha sa gawain at nahiya sa lubos na pagtitiwala sa sarili sa pagtalakay sa aming pag-aaral.
Maaaring magsimula sa unang panahon na ang salita ay nakita sa paksa sa ika-22 kabanata ng Genesis, kung saan ay sinabi ng Dios kay Abraham na dalhin ang kanyang anak na si Isaac, na “lubos niyang minamahal” at ihandog na susunugin bilang alay. Anong laking pagpapahiwatig ng ating kaligtasan! O, nang tugunin ni Jesus ang katanungan, “Ano ang pinakamahalagang utos?” na tinugon Niya, “Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas” at “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” (Marcos 12:30-31). O, kaya ay magsimula sa 1Corinto 13, isang sulyap kung paano inilalarawan ang pag-ibig. O, kaya ay pumunta tayo sa Aklat ng Pahayag kung saan ay binalaan ni Jesus ang iglesya sa Efeso na ang kanilang pag-ibig ay hindi na tulad ng dati (Pahayag 2:4).
Ako ay nag-alinlangan, nag-iisip kung paano tatalakayin ang pag- ibig nang lubos at mainam na hindi nagsisikap na ituro ang buong Biblia! At gayun nga, ang tugon ay tumigil sa pagtatangka. Tumigil sa pagtatangka na paikliin at ayusin ang turo sa Biblia tungkol sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay nasa bawat pahina ng pahayag ng Espiritu. Maituturo mo ang tungkol sa pag-ibig na hindi kailangang ituro ang buong Biblia. Nguni’t hindi ka makapagtuturo ng anuman sa Biblia na hindi mababago ng pag- ibig ng Dios. Ang Biblia ang kuwento ng pag-ibig ng Dios.
Nakita natin ang pag-ibig sa kuwento ng paglalang. Ang Dios ay nilalang ang daigdig na naaayon sa ating pangangailangan at napaka- masalimuot na hindi natin lubos na maunawaan kahit na nakalipas na ang libong taon. At gayunman, ginawa Niya itong lugar ng maringal na kagandahan para sa ating kasiyahan. At pagkatapos na lalangin ng Dios ang daigdig, ay binigyan Niya ng hardin sina Adan at Eba upang manirahan doon. Mailalarawan natin sa ating isipan ang panahon na ang Dios ay naglalakad na kasama ang tao sa “malamig na oras ng araw.” At tayo’y mamamangha na ang Dios ay hindi winasak sina Adan at Eba at nagsimula muli nang Siya ay kanilang itinakwil, nguni’t ipina-alam sa kanila na isang araw na Siya ay magbibigay ng paraan upang ang sanlibutan ay mapanumbalik.
Sa mga huling kabanata ng Biblia, si Juan ay binigyan ng pahayag mula sa Kalangitan, na may mensahe para sa mga Kristiyano sa daigdig na dumaranas ng malaking pag-uusig. Ang Dios ay magpapadala ng pagkawasak sa mga masasamang kaharian sa lupa. Ang mga Kristiyano ay maaaring magtaka kung sila ba ay makakasama sa kalituhan ! Sa gitna ng kaguluhan, ipinakita ng Dios kay Juan ang apat na anghel na “pinipigil ang apat na hangin sa daigdig” at ang malakas na tinig na nagsasabi, “Huwag na muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punong kahoy hanggat hindi pa natin natatatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Dios” (Pahayag 7:3). Nakikita ng Diosang Kanyang mga anak sa daigdig, at nais Niya na malaman nila ito. Kahit na ang malaking tagumpay ay nagaganap sa Langit, ito ay naglalarawan ng kasal ng Kordero at ng mapangangasawa. Ang huling kuwento ay kuwento ng pag-ibig.
Ang aking unang iniisip tungkol sa paglalarawan ng pag-aaral ay hindi na mahalaga. Nakilala ko na ang bawat pagpapahayag ng Salita ay isang pagkakataon para sa Espiritu na turuan tayo na magmahal. Kaya,pinakiusapan ko ang bawat mag-aaral na maghanda ng isang talata na tutulong sa kanila na maunawaan ang pag- ibig sa Biblia at isang kuwento sa Bilblia na ilalarawan ito. Walang “maling tugon.” Kami ay mag-uusap tungkol sa mga hamon na ang aming pansin ay nasa pag-ibig sa aming pang - araw-araw na paglalakbay, at kami ay titingnan ang Kasulatan upang palakasin ang aming kahinaan.
Gayunman, habang ako’y naghahanda at nag-aaral, ako ay nakakita ng mga huwaran at nasiyahan sa pagsasa-ayos ng mga kaisipan tungkol sa pag-ibig sa Kasulatan. Nagsimula akong makita ang katotohanan kung gaano kahaba at kalalım ang pag- aaral tungkol sa pag-ibig. Nakita ko ang likas at walang katapusang pagmamahal ng Dios sa tao, ang ating pagmamahal sa Dios, at ang ating pagmamahal sa kapwa.
Nakita ko ang mga salitang “ang hindi nagbabagong pag-ibig ng Dios” at “ang Tipan ng pag-ibig ng Dios” na inuulit nang malimit. Ang kalikasan ng Dios na hindi nagbabago at matatag ay nagpapakilala na ang Kanyang pag-ibig ay nakahihigit sa lahat. Ano ang mangyayari sa pag-ibig kung ito ay isang pangako? Ano ang makapagbibigay ng higit na pag-asa kundi ang pangako ng Dios na ako ay Kanyang mamahalin?
Ako ngayon ay naghahanap ng pag-ibig sa mga kuwento sa Biblia kung saan ang salitang pag-ibig ay hindi nakikita. Nauunawaan ko na walang “pagkakataon” na kuwento. Ang paghahanap sa pag-ibig ng Dios ay naghahabi ng kuwento ngbawat isang tao sa isang kuwento sa Biblia. Ito ay nagbibigay sa bawat isa ng higit na kahalagahan, higit na pagkakasangkot, at pagsasagawa sa aking buhay.
Natagpuan ko na ang pag-ibig ay ibinigay na isang utos, mahigpit na nakatali sa pagsunod. Sinabi ni Jesus na ang pagmamahal sa kapwa ay isang bagong utos at ang pagmamahal na iyon ay nagpapakita na tayo ay Kanya (Juan 13).
Kaya, ako at ang aking mga kaibigan ay mag-uusap tungkol sa pag-ibig na bunga ng Espiritu sa aming mga buhay. Hindi namin matatalakay ang lahat ng sinabi ng Espiritu tungkol sa pag-ibig ; ang totoo, ay bahagya na lamang namin masisiyasat ang ibabaw. Nguni’t babasahin namin ang Kasulatan at iuugnay ang kuwento sa Biblia kami ay nananalangin para sa patnubay at karunungan upang pahintulutan ang Espiritu na gabayan ang aming hakbang. Dahil sa pag-ibig, ibibigay namin ang suporta sa bawat isa sa susunod na mga araw.
Ang pag-aaral ay magsisimula sa Setyembre - ang panahon ng pamimitas ng mansanas dito sa Hilagang silangan. Nais kong umalis sa lungsod kung saan ako naninirahan at pumunta sa mga lugar ng tanıman ng mansanas upang makita ang mga malulusog na puno na hitik sa makukulay na bunga. Mayroon bang kasaganaan ng bunga ng Espiritu na makikita sa aking buhay? Mayroon bang pag-ibig sa aking ginagawa at sinasabi? Sa pag tingin sa bunga ng aking buhay, malalaman ba ng ibang tao na ako ay kabilang kay Cristo? “ Nguni’t ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili…” ( Galatia 5: 22 ).