Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus
By : Amanda Olson
Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus ay nagpapatuloy ng pinaka- malakas na katibayan ng Kanyang pagka- Dios. Daang taon na ang nakalipas na nagpabago sa buhay ng Kanyang mahiyaing mga tagasunod hanggang sa maging haligi ng iglesya ng Bagong Tipan, ito ay patuloy na tumatawag sa atin ang hindi nagbabagong katotohanan na ang libingan ay natagpuang walang laman. Tulad ng mga nakatayo sa anino ng bato na pinagulong, tayo, gayundin, ay hinahanap ang nabuhay na Panginoon - at kung natagpuan natin Siya at napatunayang makapangyarihan higit sa libingan, ito ang makapagpapabago ng ating pananalig, pinalalakas tayo sa matagumpay na pamumuhay.
Nakita ko ang isang kamiseta sa isang tindahan ng mga aklat sa Kristiyanismo, at ito ay naka-akit sa akin - “Graves to Gardens”. Isang napakalakas na larawan na kailangang suriing mabuti! Nang lalangin ng Dios ang daigdig, ang Kanyang unang inilagay ay isang magandang hardin, ang larawan ng langit sa lupa. Sa pamamagitan ng isang lalaki, si Adan, ang kasalanan ay pumasok sa daigdig, at ito ang nagdala ng kamatayan. Gayundin, sa pamamagitan ng isang lalaki, si Jesus, sa halamanan, ang kasalanan at kamatayan ay nagapi sa muling pagkabuhay. Sa 1 Corinto 15, si Pablo ay tinalakay ang pagkabahala at maaaring hindi pagkakaunawa ng mga Kristiyano sa Corinto tungkol sa Pagkabuhay na Muli. Si Pablo ay tinalakay ang mapagkakatiwalaang mga nakasaksi sa muling pagkabuhay. Muli niyang itinatatag ang katotohanan kung saan ang kanilang pananalig ay nakasalalay.
Si Pablo ay nagpatuloy sa pinaka mainam na katuwiran na talakayin na gamit ang pagsalungat, “Kung si Cristo ay hindi muling nabuhay.” Noong unang siglo, kung hindi muling nabuhay si Cristo, ilang araw kaya dumalaw sa libingan ang mga babae? Gaano katagal na ang mga disipulo ay maghintay sa pagdating ng Mesiyas? Gaano katagal bago ang mga pinuno ng Judio ay huminto na sa pag-aalala at magpatuloy sa pang-araw-araw na gawain? Makalipas ang 2,000 taon - kung si Cristo ay hindi muling nabuhay, ay walang Banal na Aklat, walang iglesya, walang kapatawaran ng mga kasalanan. Ang walang laman na libingan ay binabago hindi lamang ang nakaraan, ito ay binabago ang ating pangkasalukuyan, at higit ang ating hinaharap.
Sa 15:17, si Pablo ay ipinahayag ang lawak ng bunga ng muling pagkabuhay sa ating mga buhay; kung walang pagkabuhay, walang silbi ang Inyong pananampalataya, walang kabuluhan ang pangangaral, at hindi pa kayo napatatawad sa inyong mga kasalanan. Ang bawat isang ideya o kuro-kuro ay may malungkot na bunga, at kung titingnan natin nang may katapatan ang bunga sa ating mga buhay, ako ay namamangha kung tayo ba ay tunay na nagbago sa muling pagkabuhay. Ano ang larawan ng pananampalataya na walang kapangyarihan ? Ito ay katulad ng isang tao na may pag-aalala, takot at pagkabalisa. Kung tayo ay nasa kasalanan pa, ang bunga ay ang mga tao ay ibinubuyo pa rin ng kasalanan, nababahala sa parusa, puno ng kapaitan, laging iniisip na siya’y walang kabuluhan. Ang nabubuhay na tulad ng mga kinaaawaan ay nagpapakita ng mga kaisipan na sila’y mga biktima. Kung tayo ay nagdaranas ng pag-uusig at kasamaan sa buhay na ito, nguni’t walang pag-asa sa pangako ng muling pagkabuhay, tayo ay magiging malungkot, tunay - mga martir at biktima ng walang kabuluhang pag-asa. Maging ang mundo ay kaaawaan tayo tulad ng mga nabubuhay nang malayo na walang matatanggap na pagpapala. “Playing by the rules” (Paglalaro ayon sa alituntunin), na walang taga-awat o hukom ay nangangahulugan na ikaw ay gumagawa sa mahirap na paraan - at ikaw ay tinatalo ng mga mandaraya. Maraming pagkakataonna naririnig ko ang sariling salita at pag-iisip at napatunayan ko na kailangan kong alisin ang pangamba, kasalanan, at ang pag- iisip na ako’y biktima. Ayon kay Pablo, ang kalutasan ay dalhin ang pansin sa katotohanan ng muling pagkabuhay.
Ang kabuuan ay inilalarawan ni Pablo sa pamamagitan ng halimbawa ng binhi sa 1 Corinto15: 35-49: “ Gayundin sa muling pagkabuhay ng mga patay, ang katawang inilibing ay mabubulok, nguni’t kapag ito’y muling binuhay, hindi na ito muling mabubulok kailanman.” Hindi ako mahilig sa paghahalaman, nguni’t alam ko na ito’y isang gawa ng pananalig. Ako ay mahilig tumingin sa mga katalogo ng mga binhi, at iniisip ko ang mga bunga ng kamatis, ang mga mababangong bulaklak, at mga kumpol ng ubas. Gayunman, ang mga katalogo ay ipinapakita ang larawan ng mga prutas, hindi ang mga pangit at pinatuyong binhi na ipinapadala sa koreo. Ang kagandahan ay makikita lamang kung ang gawain ay tapos na. Isipin mo ang panahon na ang Dios ay kinuha ang tigang, walang-buhay na bagay at ipinakita kung ano ang magagawa Niya: ang paglalang sa mundo, ang barko at ang baha, ang sinapupunan ni Sarah, ang pagka-alipin sa Ehipto, ang paglalakbay sa ilang, ang biyuda sa Zarapheth, ang kulungan ng mga leon, ang iniwang Templo, ang puso ng isang makasalanan, ang krus at ang libingan.
Sa Galatia 6:6-10, ipinaliwanag kung paano ang pagtatanim at pag-aani ay nagbibigay ng pansin sa mga dapat unahin ng mga Kristiyano. Tayo ay tinawag sa mahirap na gawain na dapat na dalhin ang espirituwal na kabigatan ng bawat isa, mga guro at mga mag-aaral na nagtutulungan sa lahat ng bagay, gumagawa ng kabutihan sa isat-isa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya. Sa 1 Corinto15:32-34 ay binanggit din ang magkatulad, hindi binigyan ng pansin ang pagkain at inumin na iisipin na ito ang huling araw sa buhay ng tao. Si Pablo ay ipinaalala ang mandarayang kalikasan ng pakikipag- ugnayan sa mga hindi mananampalataya: “Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting ugali.” Kung tayo ay pinagpala namanirahan sa isang lupain na maraming Kristiyano at mga pagkakataon na paglingkuran ang bawat isa, kaya nararapat na maging abala tayo! Patalasin ang pag-iisip sa pag-aaral, magbigay liwanag sa kadiliman, at makisama sa mga tao ng Dios hanggang maaari. Kung tatawagin ang biyayang ito na “bula” o tumanggi na makisama sa kapwa mananampalataya, upang sayangin lamang ang panahon sa makamundong hangarin, ay isang kahangalan sa pagtanggi sa karunungan ng kasulatan. Kung ano ang ating itinanim ay siya nating aanihin. Ang bunga na ating inaasahan na aanihin sa buhay na walang hanggan ay higit na maganda, higit na kahanga-hanga, kaysa ibinibigay ng mundo. Ang ating pansin ay hindi sa binhi; ang bunga ang mahalaga. Ang binhi ay itinatanim; ang bulaklak ay sisibol.
Ang aking asawa ay buhat sa isang matatag na lahi ng mga Kristiyano sa Bagong Tipan sa Hilagang Alabama. May isang malawak na lupain na tinirhan ng mga pamilya ng Jennings at Hall sa Limestone County. Sila ay nagtayo ng isang maliit na gusali para sa pananambahan, ang Jennings’ Chapel, at sa likod ng gusali ay ang libingan ng pamilya kung saan ang pitong henerasyon ng pamilya ay nakalibing. Tatlong taon na ang nakaraan, ay inilibing ang kanyang lola, at napagmasdan ko kung paano ang tradisyon sa paglilibing ay ginagawa, isang kaisipan na kakaiba sa akin na lumaki sa lungsod. Habang ang kabaong ay ibinababa sa hukay, ang mga bata, mga apo, at mga ka apo -apuhan ay kumuha ng pala at tinabunan ng lupa ang kabaong. Ako ay nabigla sa nakita ko at kung ano ang kahulugan nito. Ito ay may pansariling kahulugan sa pamilya. Pagkatapos ay nakita ko ang mga babae na inilagay ang mga bulaklak at isina-ayos sa ibabaw ng puntod. Makalipas ang siyam na buwan, kami ay bumalik upang ilibing naman ang ina ng aking asawa, na ginawa rin ang magkatulad na tradisyon - ang kalungkutan sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay ay isang paalala ng kakayahan ng Dios na baguhin ang pagdadalamhati sa Kanyang tagumpay. Ang binhi ay mamumulaklak lamang kung ang binhi ay itinanim.
Sa huli, ang ideya ay tinapos sa tatlong malalakas na pangungusap sa huling bahagi ng kabanata. Sa mga talata 53-58, ipinahayag ni Pablo, na ang kamatayan ay nalupig na. Kung ikaw ay nawalan ng isang mahal sa buhay, ito ay mauunawaan mo. Tunay nga, naroon ang pagkawala at kalungkutan, nguni’t hindi tayo nalulungkot tulad ng mga walang pag-asa. Naroon pa rin ang sakit ng damdamin nguni’t hindi ng kawalang pag-asa. Ang Kanyang utos na maging matatag - hindi natitinag - huwag manghina sa pananampalataya ay nagbibigay - buhay. Ibigay ang sarili sa gawain para sa Panginoon. Ibigay ang lahat ng makakaya: ang iyong panahon, ang iyong kaalaman, at kayamanan - ang lahat ay itinanim para sa buhay na walang - hanggan. At angkinin ang tagumpay sa pamamagitan ni Jesus! Hindi mo mababago ang gawain na tinapos Niya sa krus. Ito ay tapos na. Alam mo kung paano nagwakas ang kuwento, Kayamanatili ka sa pangkat ng mga nagtatagumpay.
Tayo ay magdiwang sa muling pagkabuhay at hayaan na ang bunga ng ating mga buhay ay ipahayag ang kuwento ng ating pananalig. Ibinaling Niya ang ating mga libingan sa mga halamanan - mga kapatid na babae ng muling pagkabuhay, ipahayag natin nang buong tapang : “Si Cristo na ating Panginoon ay tunay na nabuhay na mag-uli !”