Ang Pitong Wika Mula sa Krus

By : Heather VandenEinde

Sa aking gawain bilang guro ng English sa mataas na antas ng paaralan, ay sinisikap ko na bigyan ng pansin ang pagtuturo ng “layunin ng manunulat” sa pag-aaral ng isang nobela o tula. Mahalaga sa aking mga mag-aaral na maunawaan na ang manunulat na aming pinag-aaralan ay patuloy na inihahanda at iniwawasto ang anumang lathalain bago ito mailathala. Ang pagsusulat ay isang gawain na pinag-uukulan ng panahon; ang bawat salita, pangungusap at kuro-kuro o ideya ay maingat na iniisip bago ito maipalimbag. Samakatuwid, kung ako ay mangunguna sa pag-aaral ng anumang lathalain, ay aatasan ko ang aking mga estudyante na isaalang-alang kung ano ang nais ng manunulat na makita ng magbabasa mula sa mga salita na kanyang isinulat. Gayunman, sa pagsusuri ng “layunin ng manunulat” sa pagbabasa ng apat na ebanghelyo, hindi natin kailangang magtaka kung ano ang nais ng mga manunulat na ating malaman at maunawaan. Sinasabi sa 2 Timoteo 3:16, “Lahat ng kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid at pagsasanay sa matuwid na pamumuhay para maging handa sa lahat ng mabubuting Gawa ang naglilingkod sa Dios.” Anumang pag-aaral ng Salita ng Dios ay maghahatid sa atin sa pagtuturo, pagsasanay, at pagtutuwid na kailangan sa ating pagsisikap na lumakad sa landas ng katuwiran.

Sa pag-aaral ng apat na ebanghelyo sa Bagong Tipan, nakikita natin ang magkakatulad na kuwento ng pag-ibig at sakripisyo ni Cristo, sa pamamagitan ng mga mata ng ibat-ibang lalaki na isinulat sa ibat-ibang tagapakinig. Samantalang mayroong kaibahan sa paraan ng pagsusulat at kaalaman sabawat isang ebanghelyo, ang apat na manunulat ay binigyan ng kapangyarihan ng Dios upang itala ang mga pangyayari sa kamatayan at pagkabuhay na muli ng Panginoong Jesu Cristo.

Ang layunin ng pagsasama ng mga pangyayari sa apat na aklat ay maliwanag; ang kamatayan at pagkabuhay na muli ni Jesus ay ang saligang bato ng ating kaligtasan mula sa mga kasalanan. Sa 1 Corinto 15:17, isinulat ni Pablo, “At kung si Cristo’y hindi muling nabuhay, walang silbi ang inyong pananampalataya at hindi pa kayo napapatawad sa inyong mga kasalanan.”

Maliwanag na sina Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay binigyan ng Banal na Espiritu ng kaalaman upang isama ang pinaka - mahalagang pangyayari sa panahon ni Jesus dito sa lupa. At tunay na ating inaasahan mula sa apat na ibat-ibang tao, ang ibang mga kaalaman ay magkakatulad. Ang bawat isang manunulat ay ibinahagi ang ibang pangyayari na hindi naitala sa tatlong ebanghelyo.

Sa pagitan ng apat na manunulat ng ebanghelyo, naitala nila ang pitong pangungusap ni Jesus habang Siya’y nakapako sa krus. Narito ang mga sumusunod : *Mateo 27:46 ; Marcos 15:34: “Eloi, Eloi, lema sabachthani ?” (“ Dios Ko, Dios Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?”).

*Lucas 23:34: “Ama, patawarin Mo sila, dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”

*Lucas 23: 43: “Sasabihin Ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama Kita sa paraiso.”

*Lucas 23: 46: “Ama, ipinagkakatiwala Ko sa Iyo ang Aking Espiritu!”

*Juan 19: 26-27: Babae, ituring mo siyang iyong anak” at “ Ituring mo siyang iyong ina.”

*Juan 19: 28: “Nauuhaw Ako.”

*Juan 19: 30: “Tapos na.”Samantalang ang bawat pangungusap ni Cristo nang Siya’y nakapako sa krus ay makahulugan at karapat-dapat na pag-aralan, ang dalawang nauna ay tumutukoy kung anong uri ng Punong Pari si Jesus. Sa Hebreo 4: 15-16, “Nadarama rin ng ating Punong Pari ang lahat ng kahinaan natin , dahil naranasan din Niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi Siya nagkasala. Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa oras ng pangangailangan.”

Hindi na tayo kailangang tumingin nang malayo sa salita ni Jesus upang maunawaan ang Kanyang pagmamahal at Kanyang kakayahan na tunay na maunawaan ang ating mga kahinaan. Ang naitala ni Lucas na pangungusap ni Jesus, “Ama, patawarin Mo sila, dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” ay ipinapakita na ito’y sinabi Niya sa unang bahagi ng Kanyang paghihirap habang nakapako sa krus. Malimit kong sinisikap, higit sa umaga ng Linggo, na maunawaan kung paano ang ating Panginoon at Tagapagligtas ay sabihin ito matapos na ang mga pako ay ibinaon sa Kanyang mga kamay. Sa Kanyang pagtingin sa mga namumuhing mga Judio at Romano na nasa paligid, ang Kanyang isipan ay awa at pagpapatawad, hindi paghihiganti at paninisi. Ipinakita ni Jesus ang biyaya, ang awa, sa gitna ng maka-hayop at malupit na kamatayang pisikal upang ako’y Kanyang iligtas sa walang hanggang kamatayan at pagkakahiwalay sa Dios. Ang aking pag-iisip na may hangganan ay nahihirapan sa pagdadala ng ganitong kaisipan.

Tulad ng marami, ako ay nahihirapan na patawarin ang pinakamaliit at walang kabuluhan na kamalian na aking naranasan sa ibang tao. Sa aking buhay, kung saan ang isang minamahal ay nagkasala sa akin, lalo na ang kasalanan ay lubhang masakit, ako ay madaling nahulog sa patibong ni Satanas ng kapaitan at hinanakit. Subalit sinabi ni Pablo sa Efeso 4:31, “Alisin ninyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin,” at idinagdag pa niya sa talata 32, “Sa halip maging mabait kayo at maawain sa isat-isa. At magpatawad kayo sa isat-isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo. Kung nais kong maging katulad ni Cristo, kailangan kong magkaroon ng katangian ng awa at pagpapatawad. Ang Dios, sa Kanyang walang hanggang karunungan, ay tiniyak na ang mga manunulat ng ebanghelyo ay naitala ang mga salita ni Jesus habang Siya’y nakapako sa krus para sa ating kaalaman at pagtutuwid. Paano ko mabibigyan ng katarungan ang hindi ko pagpapatawad kung si Cristo sa Kanyang pagkakapako sa krus ay kusang loob na pinatawad ang mga nagpataw ng kamatayan sa Kanya? Kung ako ay nasasaktan at nagagalit, ito ay nauunawaan ni Jesus, at ito ay nararamdaman din ni Jesus, nguni’t ang kasamaan na ginawa sa Kanya ay higit sa mga naranasan ko sa aking buhay sa lupa.

Siya’y walang kasalanan, hindi makatarungan ang pagpatay sa Kanya, gayunman, ang aking Panginoon ay nagpatawad. Idinadalangin ko na sa pagsisikap na maging tulad ni Jesus, ay alalahanin ang Kanyang mga salita at ang Kanyang pakikitungo sa mga nagpahirap sa Kanya.

Ang mga naitala nina Mateo at Marcos sa mga huling sandali ni Jesus sa Kanyang pagkakapako sa krus ay nakadudurog ng puso, “Dios Ko, Dios Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?” Ang mga salitang ito ay nakapanglulumo na subukin na unawain, nguni’t ito ay mahalaga na maunawaan kung bakit sinabi ito ni Jesus at kung ano ang naalala Niya sa mga salitang ito. Ang mga salitang ito ay tuwirang binanggit mula sa mga isinulat ni David daang taon na ang nakalipas bago pa ipinako si Cristo. Ang Awit 22 ay binanggit ang paghihirap at pagdurusa na daranasin ni Jesus sa krus. Ito ay naglalaman ng maraming larawan ng pangkatawan at pandamdaming kalungkutan na daranasin ni Jesus, at kapansin-pansin na ang mga larawang ito ay nagkaroon ng katuparan sa Kanyang pagkakapako sa krus !Kung ako ay nagninilay sa mga salitang ito na binanggit ni Jesus, ako ay dagling naaalala ang mga sandali sa aking buhay na naramdaman ko na ako’y “pinabayaan” ng Dios. Nabanggit ko kung paano ang patibong ni Satanas na kapaitan at hinanakit ay nagbibigay sa akin na hindi lubos na magpatawad na dapat ko sanang gawin. Si Satanas ay gagamitin ang patibong ng aking kasalanan upang iparamdam sa akin na ako’y malayo sa Dios na hindi naman. Samantalang ang kasalanan ay tunay na makapaghihiwalay sa Dios, ako ay natatakot kung minsan na madaling mahulog sa bitag ng kasiphayuan at maramdaman na malayo ang Dios sa halip na baguhin ang aking pag-uugali, magsisi at humingi ng kapatawaran sa Dios. Muli, hindi ko na kailangang tumingin sa malayo kundi sa krus at mga salita ni Jesus upang ako’y ituro sa mga salita ni David na pinangalagaan sa Aklat ng mga Awit. Kahit na ang Awit 22 ay nagtataglay ng malalim na larawan ng isang taong nakaharap sa matinding pagsubok, ang pag-asa ay patuloy na sumisikat sa kabila ng kanyang mga pagdaing at higit sa katapusan ng awit. Si David ay nanalangin ng kaligtasan mula sa kanyang mga kaaway, at sa Awit 22: 24, isinulat niya, “Sapagkat hindi Niya hinamak o pinag- taniman man ng kadalamhatian ng nagdadalamhati; Ni ikinubli man Niya ang Kanyang mukha sa Kanya; Kundi nang Siya’y dumaing sa Kanya, ay Kanyang dininig.”

Sa ibabaw ng lahat, nababasa natin ang Salita ni Jesus sa krus, “Dios Ko, Dios Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?” at isipin na si Cristo ay pinabayaan sa Kanyang pinaka malungkot na kalagayan. Samantalang ito ay magbibigay sa atin ng kaaliwan sa kaalaman na alam Niya at nauunawaan ang ating nararamdaman kahit na sa ating pinakamalungkot na kalagayan, ang kahalagahan ng mga salitang ito ay nakasalalay sa tunay na mensahe ng pag-asa at pag-ibig na isinulat ni David bago pa nangyari ang pagkakapako sa krus. Isinulat ni David sa Awit 22-28, “ Sapagkat Kayo ang naghahari, at namumuno sa lahat ng mga bansa.” Wala ng naka-aaliw na isipan sa aking sarili, kundiang Dios ay nasa Kanyang trono anuman ang nangyayari dito sa mundo, at mayroong isang Tagapagligtas na nagbibigay ng kaisipan kahit na nasa huling sandali ng Kanyang buhay sa krus!

Ang apat na ebanghelyo na tinatalakay ang pagkakapako ni Cristo sa krus ay nagbibigay ng ibat-ibang kaalaman na lumikha ng buong larawan ng lahat ng paghihirap ng Panginoon sa panahon ng pagkakanulo sa Kanya, kamatayan, at pagkabuhay na muli. Si Lucas lamang ang nagpahayag ng pagpapatawad ni Jesus sa mga nagpapatay sa Kanya, at isang tunay na huwaran ng awa at biyaya na ipinakita sa mga hindi karapatdapat. Sa pagdaragdag, si Mateo at Marcos ay ibinahagi ang malulungkot na Salita ni Cristo sa pag-aalaala sa mga salita ni David sa Awit 28. Samantalang ang mga salitang ito ay tunay na inilalarawan ang matinding paghihirap na tiniis ni Jesus, ito ay mahalagang itinuturo ang pag-asa sa ating Dios na hindi ikinukubli ang Kanyang mukha kung tayo ay tumatawag sa Kanya. Ako ay dumadalangin na pagnilayan natin ang mga salita na buong ingat na pinangalagaan at gamitin sa parang nararapat sa pagtuturo, pagsasaway, pagtutuwid, at pagsasanay para maging “ganap” at “handa sa lahat ng mabubuting gawa” ( 2 Timoteo 3: 17 ).


Previous
Previous

Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus

Next
Next

Mga Himala at Pangungusap ni Cristo