Kamakailan, ako ay nasa isang pag-aaral ng Biblia nang ang katanungan ay nabanggit “Ang mga pangyayari ba sa Ebanghelyo ay maituturing na talambuhay?” Hindi ko isinaalang- alang ang katanungan at hindi ko tiyak kung paano ito sasagutin. Kung susuriin mo ang mga katangian ng isang talambuhay at maraming magkakasamang sangkap nguni’t ito ba ay sapat na upang upang sabihin na ang Ebanghelyo ay talambuhay?
Ang talambuhay ay inilalarawan na ang pansin ay nasa mga pangyayari sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao at hindi ng kanyang sarili. Ang mga talambuhay ay malimit na binibigyan ng diin ang kanilang maagang buhay, mga pakikipag- ugnayan, mga hanap-buhay, mga paghihirap, at mga natamong karangalan. Ito ay malimit na isinisulat na ang layunin ay magbigay ng sigla sa mga bumabasa ng mga kahanga-hangang buhay ng tao. Kung mamasdan natin ang mga ebanghelyo, ang lahat ng mga sangkap ay naroon. Nguni’t ang pansin ay hindi sa buhay ni Jesus, kundi sa Kanyang kamatayan, at ang layunin nito, ito ba ay nararapat? Sa pagsusuri na ang mga ebanghelyo ay may mga katangian upang maging talambuhay, ang pagtatangka na lagyan ng tanda, ay mababawasan ang diin na ibinibigay ng ebanghelyo sa atin. Sa pagsasabi na ang mga ito ay mga pangyayari lamang sa buhay ni Jesus na ang manunulat ay nais lamang na magbigay ng pag-asa sa atin, ay inilalarawan si Jesus sa antas ng mga mabubuting tao at nabuhay nang marangal. Ang mga ebanghelyo ay higit kaysa mga talambuhay o kasaysayan, o mga gawa ng panitikan. Ang mga ebanghelyo ay ibinibigay sa atin ang mga turo ni Jesus at ang mga tanda ng
Kanyang pagka-Dios. Ang mga ebanghelyo ay dapat nating pahalagahan bilang kabanalan ni Cristo. Ang mga ito ay isinulatna bukod sa ibang naisulat na narito sa daigdig. Ito ay hindi lamang mga pangyayari ng isang kahanga-hangang buhay; ito ay ang katibayan ng nag-iisang katuwiran - na si Jesus ang buhay.
Si Juan ay sinimulan ang kanyang ebanghelyo, “Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita, ang Salita ay kasama ng Dios, at ang Salita ay Dios.” Nakita natin ang kabanalan sa maraming bahagi ng buhay ni Jesus; ang isa ay sa Kanyang bautismo. Si Juan na Tagapag-bautismo ay ipinahayag ang isang darating na higit kaysa kanya. Dumating ang maraming tao, kabilang si Jesus, at sila’y nagpa-bautismo. Nguni’t si Jesus ay hindi lamang isa sa pulutong ng mga tao. Sinasabi sa Lucas 3:21-22, “Isang araw, pagkatapos na mabautismuhan ni Juan ang mga tao, nagpabautismo rin si Jesus. At nang nananalangin si Jesus, bumukas ang langit, at bumaba sa Kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, ‘Ikaw ang minamahal Kong Anak, lubos Kitang kinalulugdan.’” Ito ang isa sa mga unang pahayag na si Jesus ay ibinukod sa mga ibang Israelita, at dito nagsimula sa Kanyang buhay ng pagtuturo at paggawa ng mga himala na kumilala sa Kanyang pagka-Dios.
Siya ay hindi lamang kinilala sa tinig ng Dios mula sa kalangitan, ang Kanyang mga turo at mga himala ay nagbigay ng kadakilaan sa Kanya higit sa mga taong unang naisulat na. Sa ika- 8 kabanata ng Mateo, natunghayan natin ang kuwento kung saan si Jesus at Kanyang mga alagad ay naglalayag, nang biglang lumakas ang hangin at halos matabunan ng malalaking alon ang kanilang bangka. Ang mga malalakas na hangin at alon ay hindi pangkaraniwang mga kuwento sa Biblia, isipin natin si Noah, Jonah at Pablo na dalawang ulit na nakaranas ng pagkawasak ng barko, nguni’t ang kuwentong ito ay kakaiba. Si Jesus ay natutulog sa kabila ng bagyo, at ang Kanyang mga alagad ay ginising Siya sa paniniwala na sila’y mapapahamak, at sa pamamagitan ng Kanyang salita, ay pinatigil Niya ang hangin at alon. Kilala ng mga disipulo kung sino Siya; iniwan nila anglahat upang sumunod sa Kanya, gayunman, sila ay patuloy pa ring namamangha sa pagpapatigil Niya ng hangin at alon. Unti- unti Niyang ipinapakilala ang Kanyang sarili, sa pamamagitan ng Kanyang mga kahanga-hangang gawain.
Maliwanag na ang mga taong nakakita kay Jesus at napakinggan ang Kanyang mga turo ay nalaman na Siya ay naiiba. Sa ebanghelyo ni Mateo 5:7, si Jesus ay ipinahayag ang isang pangaral na ayon kay Mateo, “ang mga tao ay namangha” sapagkat Siya ay nangaral na hindi tulad ng kanilang mga tagapagturo ng kasulatan na handa, kundi sapagkat Siya ay nagturo ng may kapangyarihan. Si Jesus ay ginagawa ang tuwid na landas tulad ng ipinahayag ni Juan na tagapag bautismo, ang tanging tuwid na landas na itinakda.
Ang mga tao na ang buhay ay nakasulat sa mga talambuhay ay gumawa ng mga di- pangkaraniwang bagay; sila ay nagligtas ng buhay, tumutuklas ng mga makabagong teknolohiya, at naninindigan sa likas na pagbabago ng lipunan, nguni’t sila ay hindi naiiba. Sila ay may mga kapintasan, o hindi nagkakasala, o ang Kaligtasan ng daigdig tulad ng Taong nakapako sa krus. Ang lahat ng mga himala at pangangaral ni Jesus ay paghahanda para sa Kanyang paghahandog sa krus.
Tulad ng inihandog na mga hayop sa Lumang Tipan, si Jesus ay ibinukod mula sa iba upang maging handog na walang anumang bahid ng dungis. Sa ika-12 kabanata ng Juan, ipinakita na si Jesus ay ibinukod para sa paghahandog. Siya ay binuhusan ng pabango ni Maria kung saan ay sinaway Niya si Judas at sinabi na ang ginawa ni Maria ay bilang paghahanda sa Kanyang libing, at Siya’y hindi nila laging kasama. Ang sumunod na araw, si Jesus at ang Kanyang mga tagasunod ay nagpatuloy sa paglalakbay patungo sa Jerusalem kung saan si Jesus ay itinalaga, naisakatuparan ang pahayag ni Propeta Zacarias 500 taon na ang nakalipas na Siya’y nakasakay sa bisirong asno (Zacarias 9:9). Sinabi Niya sa mga tao na Siya’y itataas mula sa lupa, na Siya ang Anak ng Tao, ang Ilaw na lumalakad na kasamanila na hindi na magtatagal. At pagkatapos nga, Siya ay ipinagkanulo at ipinagkaloob bilang handog na ibinukod noong una pa man.
Maraming mga talambuhay ay tungkol sa mga taong nagsimula sa mababang antas ng buhay at umangat at dinaig ang mga hamon na kinaharap nila, nguni’t ang mga ebanghelyo ay tinalakay ang buhay ng isang mahirap na tao, isinilang sa isang sabsaban, na nanatiling may kababaang-loob, hinamak at tinuya hanggang sa marahas na kamatayan sa krus kung saan Siya ay ipinahayag na isang kriminal. Si Jesus ay hindi naghahanap ng kadakilaan tulad ng nakikita natin sa iba; hinahanap Niya ang mga nawawala upang Kanyang iligtas inihahanda Niya ang daigdig para sa Kanyang kaharian. Hindi Niya nais ang kaluwalhatian at papuri sa Kanya dito sa lupa, nguni’t hinahanap Niya ang pagmamahal at pagsamba para sa Dios Ama.
Ang mga talambuhay ay nagbibigay ng mga halimbawa ng mga tao na nakaharap ang mga hamon at pagpili na magbabago sa kanilang buhay. Si Jesus ay nakaharap ang maraming hamon sa Kanyang buhay dito sa daigdig na maaari nating makaharap sa ating buhay. Maging ang Kanyang kamatayan ay hindi naiiba.
Hindi ito naiiba dahil Siya’y malinis; maraming walang muwang ang namatay. Hindi ito naiiba sapagkat ito ay maka-hayop at walang katarungan. Maraming namatay sa magkatulad na paraan. Ang Kanyang mga tugon ay ang nagpahiwalay sa mga ibang tauhan na maaaring panatilihing buhay sa mga naisulat. Sa katapusan, ang Kanyang huling tanda ng tagumpay laban sa kamatayan - ang Kanyang Pagkabuhay na Muli, ang nagbibigay ng kaibahan sa Kanyang kamatayan. Ginawa Niya ang pagliligtas sa daigdig na hindi magagawa ng ibang tao. Ang mga ginawang mga himala at mga pangungusap ni Cristo ay nag-uudyok sa atin ng buhay na may kabanalan, hindi tulad ng mga iba na nasa paligid natin, nguni’t pinipili ang may kababaang landas naisusulat sa isang aklat na mahalaga, Ang Aklat ng Buhay, nguni’t hindi sa maka-lupang talambuhay.