Sino ang Sinasabi ng mga Tao Tungkol Kay Jesus?

Ilang katanungan sa kasaysayan ang nagdadala ng bigat kundi

ang tanong ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod sa Mateo

16:15: “Pero sa inyo, sino Ako?” Ito ay katanungan na

umaalingawngaw sa bawat panahon, sinusubukan ang bawat isa

na nakakarinig nito.

Ang mga tugon ay nagmula sa mga kasama Niya araw-araw, at

sa mga sumasalungat sa Kanya nang mabalasik, mula sa mga

katunggali, hanggang sa mga pantas at mga mananalaysay ng

susunod na daang taon. Ang bawat pananaw ay nagbibigay ng

kakaibang larawan sa pagkakakilanlan kay Jesus —isang

pagkakakilanlan na humahamon sa inaasahan, nagbibigay ng

malakas na tugon, at patuloy na humuhubog sa mga buhay

ngayon.

Ang Mga Tagasunod at Mga Apostol

Walang ibang pangkat ang nakakakilala kay Jesus nang lubos

kundi ang Kanyang mga tagasunod. Sila ay kasama Niya sa

paglalakbay, pagsasalo-salo sa pagkain, at nasaksihan ang mga

himala, at ang mga sandali ng kapaguran. Ang kanilang mga

patunay ay hindi magkakahiwalay; kundi Ito ay malalim na pag-

uugnayang pansarili.

Ang Pahayag ni Pedro (Mateo 16:13-16) - Nang tanungin ni

Jesus, “Pero sa inyo, sino Ako?”, sumagot si Pedro nang mabilis

at may katapangan, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Dios na

Buhay.” Ito ay hindi pinag-aralang tugon — ito ay pagpapahayag

nang may paninindigan. Ito ay pinatotohanan ni Jesus na ang

pahayag ni Pedro ay hindi galing sa tao kundi galing sa Ama salangit. Ito ay hindi isang kuro-kuro lamang; ito ay pagkilala sa

maka-langit na katotohanan.

Ang Pahayag ni Tomas (Juan 20:28)

-

Si Tomas ay malimit na

nililibak - ang mapag-alinlangan. Nguni’t nang makaharap si

Cristo na nabuhay na mag-uli, ay ibinigay ni Tomas ang pinaka-

malalim na pahayag sa kasulatan: Panginoon ko at Dios ko!” Sa

limang salitang iyon , malinaw na ipinahayag ni Tomas ang

kanyang pagmamahal (Panginoon ko) at ang hindi

mapapantayang (Dios ko) si Jesus. Ang kanyang pag-

aalinlangan ay nagbigay-daan sa hindi maitatangging kalinawan.

Si Juan ay sinimulan ang kanyang Ebanghelyo sa isang matatag

na pahayag : “Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na

Salita…at nagkatawang-tao ang Salita” (Juan 1:1,14). Si Jesus ay

hindi lamang guro o propeta - Siya ang walang -hanggang Salita

ng Dios na nagkatawang-tao.

Si Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Colosas ay sinabi:

“Na Siya ang larawan ng Dios na di-nakikita, ang panganay ng

lahat ng mga nilalang” (Colosas 1:15). Si Jesus ay hindi lamang

mahalaga, Siya ay kataas- taasan.

Para sa mga disipulo at apostol, si Jesus ay hindi lamang isang

palagay o kuro-kuro o pinuno ng isang kilusan. Siya ang Mesiyas,

ang Anak ng Dios, ang nakikitang larawan ng hindi nakikitang

Dios. Ang kanilang mga salita ay hindi haka-haka — ito ay

nakatatag sa kanilang mga karanasan.

Ang Mga Masasamang Espiritu

Nakamamangha, samantalang ang mga tao ay nagsisikap na

makilala si Jesus, ang mga nasa kaharian ng espiritu ay walang

ganitong suliranin. Lagi na, ang mga masasamang espiritu ay

kilala si Jesus nang may kaliwanagan.Ang Masamang Espiritu sa Capernaum (Marcos 1:24)

-

Sa

unang kabanata ng Marcos, may isang lalaki roon na sinasaniban

ng masamang espiritu ang biglang sumigaw, “Kilala kita, Ikaw

ang Banal na Sugo ng Dios!” Walang pag-atubili, walang hindi

nauunawaan. Ang diablo ay kilala ang maka-langit na

kapangyarihan ni Jesus.

Ang Kawan sa Geraseno (Marcos 5:7)

-

Pagkatapos, isang

lalaki na sinasapian ng maraming masasamang espiritu na

tinatawag na “Kawan” ay patakbong lumapit kay Jesus at

lumuhod sa harapan Niya, “Ano ang pakıalam Mo sa akin, Jesus

na Anak ng Kataas-taasang Dios?” Kahit na may takot at

pagpipigil, ang mga Diablo ay kilala kung sino si Jesus.

Ang kabalintunaan ay hindi mahirap na makita: ang mga

masasamang espiritu ay kilala si Jesus samantalang ang mga tao

—mga pinuno ng relihiyon, mga nag-aalinlangan, maging ang

Kanyang mga tagasunod — ay nanatiling bulag. Ito ay isang

malinaw na paalala na ang pagkilala tungkol kay Jesus ay hindi

katulad ng pagkilala sa Kanya.

Ang pagkilala ng mga demonyo ay hindi pananalig —ito ay

pagkatakot. Nguni’t ang kanilang mga salita ay nagbibigay ng

diin sa katanungan: kung ang Kanyang mga kaaway ay kinikilala

Siya, gaano na kaya tayo ?

Ang mga Tao at mga Pinuno ng Relihiyon

Sa bawat pulutong ng mga tao, si Jesus ay pumupukaw ng ibat-

ibang damdamin ng paghanga, kalituhan, at pagsasalungatan.

Ang iba ay tinatawag Siyang propeta (Mateo 21:11). Ang iba ay

tinatawag Siyang “Anak ni David” (Mateo 9:27), nakikilala ang

Kanyang kaugnayan sa pangako ng darating ng Mesiyas. Marami

ang sumunod sa Kanya, hindi dahil kung sino Siya, kundi sa kungano ang Kanyang ginagawa — magpagaling ng mga may

karamdaman, magpakain at gumawa ng mga himala (Juan 6:26).

Para sa mga tanyag na mga relihiyoso, si Jesus ay isang banta

sa kanila. Siya ay pinaratangan ng paglapastangan sa Dios (Juan

10:33) at panlilinlang (Mateo 27:33) at sila’y nagkaisa na patayin

Siya. Ang kanilang pagtanggi ay hindi dahil sa

pagkakaunawaan,kundi upang mapangalagaan ang kanilang

sarili.

Si Pilato, na nasa gitna ng gipit na kalagayan sa politika at

moralidad, at tinanong si Jesus: “Ano ang katotohanan?”

(Juan 18:38). Kahit na ipinahayag niya na walang kasalanan si

Jesus,ay hinatulan pa rin niya ng kamatayan. Sa huling pang-

uuyam, ay pinalagyan niya ng karatula ang krus ni Jesus :

“Si Jesus na taga-Nazareth, ang Hari ng mga Judio.”

Ang tugon ng mga tao kay Jesus —hanggang ngayon ay — hati-

hati. Ang iba ay sumamba, ang iba ay nagtataka, at iba ay

tumanggi.

Mga Pananaw ng Kasaysayan

Ang katanungan tungkol sa pagkakakilanlan kay Jesus ay hindi

kumupas sa pagdaan ng panahon. Ito ay patuloy na nagbibigay

ng pagmumuni-muni sa mga pantas, mga mapag-isip, at mga

tao sa kasaysayan.

Sa aklat ni Alfred Edersheim, ang The Life and Times of Jesus

the Messiah, ay inilarawan niya si Jesus na katuparan ng sina-

unang hula o pahayag ng mga Judio. Ang kanyang pagsusuri ay

binigyan ng diin ang malalim na kaugnayan sa pagitan ng buhay

ni Jesus at mga pangako sa Lumang Tipan - ang maayos na mga

pagkaka-ugnayan sa kasaysayan ng daigdig.Si C.S.Lewis ay binuo ang katanungan nang may diin: Si Jesus

ay maaaring Sinungaling, Baliw o Panginoon. Ang kanyang

pakikipagtalo ay upang buwagin ang kuro-kuro na si Jesus ay

isang payak na “Mabuting guro ng moralidad.” Ang Kanyang

pag-aangkin ay lubhang likas. Siya ay ang sinasabi na Siya nga o

isang manlilinlang.

Minsan ay sinabi ni Napoleon Bonaparte,

Kilala ko ang mga

tao, at sinasabi ko na si Jesus ay hindi lamang isang tao.” Si

Napoleon na isang mahusay na pinuno ng digmaan, ay kinilala

niya na si Jesus ay nakahihigit sa lakas ng hukbong sandatahan

o kapangyarihan ng politika. Ang Kanyang handog ay nakatatag

sa pag-ibig, hindi sa pananakop.

Mula sa mga nag-aaral ng tungkol sa Dios hanggang sa mga

emperador, ang kasaysayan ay patuloy na nagsisikap upang

maunawaan ang katauhan ni Jesus. At gayundin nga, ang

katanungan ay nananatiling malalim na pansarili.

Ang Tunay na Katanungan

-

Sino si Jesus?

Ang mga tinig na narinig — mga disipulo, mga diablo, mga

pulutong, mga pinuno, mga mananalaysay, — ang lahat ay

nagsalita na. Nguni’t ang tanong ni Jesus kay Pedro ay

magkatulad na tanong sa atin: “Sino Ako para sa iyo ?”

Tinawag Siya ni Pedro na Cristo. Tinawag Siya ni Tomas na

Panginoon at Dios. Ang mga masasamang espiritu ay tinawag

Siyang Anak ng Kataas-taasan. Ang kasaysayan ay nagbigay ng

katugunan. Ngayon, ito ang ating panahon.

Hindi ito katanungan na sasagutin nang may kababawan. Ang

tugon ay magbabago sa ating mga buhay, mga pasya at ang

buhay na walang hanggan. Ang paanyaya ay nananatili :“Sumunod kayo sa Akin” (Mateo 4:19). At ang katanungan ay

nananatili: “Sino Ako para sa iyo?”


Next
Next

Sino ang Kinausap ni Jesus?