Sino ang Kinausap ni Jesus?

Habang si Jesus ay narito sa daigdig, Siya ay nagturo at nagtagubilin sa lahat ng tao at ipakita ang pagmamahal at awa ng Dios. Ang mga ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay nagtataglay ng mahigit na 40 pagpupulong sa pagitan ni Jesus at ibat-ibang mga tao. Siya ay nakipag- ugnayan sa mga pag-iisip at pakiramdam ng mga tao at nakipag-usap sa kanila upang sagutin ang mga katanungan o ituro ang daan patungo sa Dios na dapat nilang sundin.

Ang ibang mga tao ay dumating na may dalang mga katanungan; ang mga halimbawa ay sina Nicodemus at ang mayamang kabataang lalaki. Ang ibang pag-uusap ay sinimulan ni Jesus, tulad ng pakikipag-usap Niya sa babaeng Samaritana at sa pulubing lumpo.

Maraming aral ang ating makukuha sa mga pakikipag-usap at sermon ni Jesus na naitala para sa atin. Ang isang naitalang pakikipag-usap ay ang babae sa balon, ang babaeng taga- Samaria, na naitala sa ika-4 na kabanata ng Juan. Ang babaeng ito ay kakaiba. Hindi lamang siya isang Samaritana, isang lahi na hinahamak ng mga Judio na hindi naniniwala sa kanilang Dios, siya ay hindi tinatanggap ng lipunan at hinahamak pa ng sariling kalahi. Ito ay katibayan na siya’y kumukuha ng tubig sa balon ng bayan na nag-iisa, na noong mga panahong iyon, ang pagkuha ng tubig at pag-uusap sa tabi ng balon ay nakagawian na ng mga babae. Nguni’t ang babaeng ito ay hindi isinasama at tinaguriang walang moralidad sapagkat nakikisama sa ika-6 na lalaki na dumaan sa kanyang buhay.Gayunman, si Jesus ay nakipag-usap sa babae - ang babaeng may mababang uri ng buhay - ang kanyang kasarian, ang kanyang lahi, ang kanyang kalagayan bilang may-asawa, ang lahat ay taliwas sa nangyayari. Ipinakita ni Jesus ang Kanyang pagmamahal sa daigdig sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa babae. Ito ang unang aral na natutunan natin mula sa kuwento.

Ang dalawa ay nag-uusap na tulad ng magkapantay ang kalagayan. Ito ay ipinapakita ang puso ni Jesus sa lahat ng tao, hindi lamang sa ilan, at sa kabila ng ating nakalugmok na buhay, Siya ang nangangalaga sa atin na hindi magagawa ng iba. Pangalawa, tayo ay pinaaalalahanan na si Jesus lamang ang nagkakaloob ng kaligtasan. Pinagkalooban Niya ang Samaritana ng tubig na nagbibigay-buhay — buhay na walang hanggan : “Sumagot si Jesus, ‘Ang lahat ng umiinom ng tubig na ito’y muling mauuhaw, pero ang ang sinumang iinom ng tubig na ibibigay Ko ay hindi na muling mauuhaw. Dahil ang tubig na ibibigay Ko ay magiging tulad ng isang bukal sa loob niya na magbibigay ng buhay na walang hanggan’”(Juan 4: 13-14). Sinabi ni Pedro na walang sinuman sa mundong ito ang makapagliligtas sa atin kundi si Jesus lamang ( Gawa 4:12). Nasa ating pagpapasya kung tatanggapin natin ang handog ng kaligtasan. Hindi Niya tayo pipilitin na pumunta sa Kanya at umiinom ng tubig na buhay. Pinagkakaitan natin ang ating sarili ng katuwaan kung inaalis natin si Jesus at ang Kanyang mga turo.

Pangatlo, ang kuwento ay binibigyan ng diin kung paano si Jesus ang Mesiyas. Sa tukoy na paraan, sinabi ni Jesus sa babae kung sino Siya. Sinabi ng babae, “Nalalaman ko pong darating ang Mesiyas na tinatawag ding Cristo. At pagdating Niya, ipapaliwanag Niya sa amin ang lahat ng bagay.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Akong nag sasalita sa iyo ngayon ang tinutukoy mo” (Juan 4: 25-26). Hindi natin matatakasan ang kahalagahan ng mga salitang ito. Ipinahayag

Niya na Siya ang Tagapagligtas ng mundo, ang Mesiyas, ang Cristo. Hindi mapawawalang-saysay ang pangungusap na ito.Alınman, si Jesus ay totoong sinasabi kung sino Siya, o Siya ay sinungaling at manlilinlang. Ang Samaritana ay naniwala kay Jesus, bumalik sa bayan, at sinabi sa mga tagaroon ang nangyari, at ang taong-bayan ay pumaroon din kay Jesus at sila’y naniwala (Juan 4:28-30; 39-41). Tulad ng hindi pa niya lubos na nauunawaan kung sino si Jesus noong una, tayo man ay kailangang mabuksan ang mga mata sa katotohanan kung sino si Jesus (Awit 146:8, Efeso 4:18). Si Jesus lamang ang makapagliligtas sa ating mga kasalanan at magiging bagong tao kay Cristo (Titus 3:5; Galacia 2:20).

Ang ating mga buhay ay dapat na mag-umapaw sa pasasalamat sa lahat ng ipinagkaloob Niya sa atin nang ating makilala ang ating kawalang pag-asa na pangangailangan sa espirituwal na buhay na iniaalay Niya. Si Jesus ang nararapat na Panginoon ng ating buhay. Sa daigdig na pinahahalagahan ang mas mabuting bagay, tayo ay malimit na naghahanap ng katuparan sa mga materyal na bagay, pakikipag-ugnayan at pansariling adhikain. Ang ating mga kaluluwa ay hindi mapalagay, nananabik ng higit na malalim na kasiyahan na si Jesus lamang ang nagkakaloob, ang Tubig na Nagbibigay-buhay. Ang kuwento ng Samaritana ay inilalarawan ang katotohanan: tayo ay nananatiling bulag sa ating pangangailangan hanggang buksan ni Jesus ang ating mga mata ( Gawa 26: 16-18).

Si Jesus ay ipinahayag ang Kanyang sarili sa babae bilang Tubig na Nagbibigay ng Buhay,isang Propeta, at ang Mesiyas. Ipinakita Niya na Siya lamang ang makapagpupuno ng kakulangan sa ating mga puso. Tayo ay inaanyayahan ni Jesus na hanapin ang kaaliwan at kapayapaan sa Kanya, inihahandog ang bukal ng tubig ng buhay na hindi natutuyo. Tayo ay hinahanap upang iligtas sa ating mga kasalanan at muling makipagkasundo sa Dios, ipinagkakaloob ang kapatawaran ng mga kasalanan at bagong buhay (2 Corinto 5:17). Kung ating yayakapin si Jesus bilang Mesiyas, ang ating mga buhay ay mag- uumapaw sa pasasalamat at ang hangarin na luwalhatiin angKanyang pangalan. Tayo ay manatili sa karunungan na si Jesus lamang ang makapagbibigay ng kailangan natin, at ang Tubig na Nagbibigay-buhay ang makapagbibigay ng kasiyahan sa ating malalim na pangungulila, nagbibigay ng lakas upang mabuhay na may layunin at tuwa. Ang kaligtasan, katuwaan, kapayapaan, kaaliwan, at katuparan ay matatagpuan lamang kay Jesus, ang Tubig na Nagbibigay-buhay (Efeso 1: 3-8; Juan 7: 37-38). Sa Mateo 11:28, sinabi ni Jesus sa mga tao, “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan.” Ipinahayag ni Jesus ang Kanyang sarili; tatanggapin mo ba Siya o tatanggihan?


Previous
Previous

Sino ang Sinasabi ng mga Tao Tungkol Kay Jesus?

Next
Next

Ang Ipinahayag ni Jesus Kung Sino Siya