Ang Ipinahayag ni Jesus Kung Sino Siya
Noong Disyembre 1896, si Franziska Schanzkowska ay isinilang sa Prussia. Ang pangalan na ito ay hindi maaaring kilala, nguni’t marahil ang pangalang Anna Anderson ay kilala ng ilan. Bagaman, ang babaeng ito na nagpakilala kung sino siya ay maaaring makikilala ng marami. Ang babaeng ito ay pinaka- kilalang mapagpanggap o impostor bilang Grand Duchess Anastasia Romanov na bahagi ng makapangyarihang pamilya ng Russia at pinatawan ng parusang kamatayan kasama ang kanyang pamilya noong 1918. Inangkin ni Anna Anderson na siya ay anak ng Tsar, at noong 2007 sa tulong ng katibayan ng DNA ay napatotohanan na si Anastasia ay namatay noong 1918, at ang lahat ng pag-aalinlangan ay nawala na.
Marahil ay magtataka kayo kung bakit ko binanggit ang impostor na ito. Siya ay isang halimbawa kung paano ang mga tao ay nag susumigasig sa pag-aangkin ng mga karapatan ng mga tanyag na pamilya. Ang pagpipilian ay ang maniwala sa kanyang sinasabi o siya ay may sakit sa pag-iisip o siya ay sinungaling. Isinulat ni C.S.Lewis na tayong lahat ay may ganitong pagpipilian kung tayo ay nagsisikap na unawain ang inaangkin ni Jesus.
Ngayon, sino ang inaangkin ni Jesus na kung sino Siya? Sa buong buhay Niya, Siya ay maraming pag-aangkin. Ang aklat ni Juan ay inilahad ang lahat ng “Ako” na pangungusap ni Jesus - kasama ang pangungusap na “ …bago pa ipinanganak si Abraham, nariyan na Ako,” malinaw na pagtukoy sa tugon ng Dios kay Moses sa tanong na kung sino ang nagsugo sa kanya upang palayain ang Kanyang mga mamamayan (Juan 6:20; 8:24; 8;58; 18:5). Sa karagdagan, si Jesus ay gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng paghahambing na magkatulad ang kahuluganna nakakabit sa salitang “Ako” upang matulungan tayong unawain kung sino Siya. Ipinakilala Niya ang Kanyang sarili na tinapay na nagbibigay-buhay, ang ilaw ng mundo, ang pintuan ng mga tupa, ang Mabuting Pastol, ang bumubuhay sa mga patay, ang daan, ang katotohanan at ang buhay at ang tunay na puno ng ubas. Sa pagtingin sa mga salitang ito, lalo na sa kabuuan, nauunawaan natin na sinasabi ni Jesus na Siya ay mahalaga sa ating kaligtasan at ang tunay na daan patungo sa tunay na buhay. Ang manunulat na si Juan ay malinaw na sinabi na si Jesus ay nagmula sa langit at kapantay ng Dios.
Sa aklat ni Marcos, sinabi ni Jesus na Siya ang Panginoon ng Pamamahinga at mayroong Siyang kapangyarihan kung ano ang nararapat na gawin sa Araw ng Pamamahinga (Marcos 2: 23-28). Sinabi rin ni Jesus na Siya ay may kapangyarihan na magpatawad ng mga kasalanan (Marcos 2:5), at may kapangyarihan na hatulan ang daigdig (Marcos 14:62). Ang Ebanghelyo ay malinaw na ipinahahayag na si Jesus ay may kapantay na kapangyarihan tulad ng Dios.
Maraming pang mga pagpapahayag sa apat na aklat ng Ebanghelyo, nguni’t ang mga nabanggit sa una ay sapat na upang makita natin na walang pag-aalinlangan sa pag-aangkin ni Jesus kung sino Siya. Gayunman, ang susunod na hakbang upang tiyakin kung si Anna Anderson ay ang tunay na Anastasia Romanov ay kailangang makita kung mayroon bang sapat na katibayan ang kanyang pag-aangkin. Ang magkatulad ay masasabi rin kay Jesus. Ano ang magbibigay ng patotoo sa Kanyang pag-aangkin?
Si Jesus ang katuparan ng mga pahayag ng mga propeta sa pagdating ng Mesiyas noong Lumang Tipan. Kung ikaw ay magsasaliksik kung ilang mga hula o pahayag ang natupad ni Cristo, ikaw ay makakakuha ng maraming katugunan kasama na ang sinabi ni Alfred Edersheim na mayroong 456 sa Lumang Tipan na mga hula na natupad. Sa kabila ng wastong bilang -mayroong mga 100 ang bilang. Ano ang kakaiba sa isang lalaki na natupad ang mga hulang ito?
Si Jesus ay gumawa ng maraming mga himala nang Siya ay narito pa sa daigdig. Sinabi niJuan na marami pang ginawa si Jesus na hindi naitala (Juan 21:25). Ikaw ay maaaring makipagtalo na marami ring gumawa ng mga himala bago pa dumating si Jesus at hindi sila makapapantay sa Dios. Ito ang isa sa mga pag-aangkin ni Jesus, at ang katuparan ng pag-aangkin ay mahalaga. Sinabi ni Jesus sa Juan 10:17-18 na Siya’y mamamatay , nguni’t Siya’y muling mabubuhay. Walang propeta na may ganitong kapangyarihan. Nang si Jesus ay muling nabuhay, ito ang tunay na katibayan ng Kanyang pag-aangkin.
Ngayon, sa pagkaka-alam ng pag-aangkin ni Jesus, hindi lamang tayo naniniwala na si Jesus ay mabuting tao, Siya ay nagbibigay ng mabuting payo. Tulad ng sinabi ni C.S.Lewis, tayo ay magsikap sa pag-aangkin ni Jesus at tanggapin Siya bilang Dios o tanggihan bilang baliw o sinungaling. Ang Dios ay nag-aanyaya ng pakikipag-usap sa Kanya at idinadalangin ko na tingnan ang pag-aangkin ni Jesus at unawain ang bigat at katotohanan ng mga pag-aangkin, at sa pananalig ay sumunod tayo sa Kanya bilang ating Tagapagligtas.