Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Mga Pagbati at Pamamaalam
Matapos ipaalala sa mga Kristiyano ng Bagong Tipan ang pananalig nina Abel, Enoch, Noah, Abraham at Sarah, ang manunulat ay sumandaling tinalakay na silang lahat ay namatay sa kanilang pananalig, na hindi nakita ang ipinangako sa kanila:
13. Ang lahat ng taong ito’y namatay na sumasampalataya. Hindi man nila natanggap ang mga pangako ng Dios noong nabubuhay pa sila, natitiyak naman nilang darating ang araw na matatanggap nila ang kanilang hinihintay. Itinuring nilang mga dayuhan ang sarili nila at naninirahan lang sa mundong ito. 14. Ang mga taong may ganitong pananaw ay nagpapahiwatig ng naghahanap sila ng sariling bayan. 15. Kung ang bayan na iniwan nila ang iniisip nila, may pagkakataon pa silang makabalik. 16. Nguni’t hinahangad nila ang mas mabuting lugar at ito’y walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinahiya ng Dios na Siya’y tawagin nilang Dios, dahil ipinaghanda Niya sila ng isang lungsod.
Si Sarah at Abraham at iba pang nabanggit ay namatay bago nila natanggap ang gantimpala na ipinangako sa kanila. Maaaring hindi nila naunawaan ang malaking paraan na “ang lahat ng mga bansa sa daigdig ay pagpapalain” sa pamamagitan ng kanilang buhay. Maaaring naguguluhan sila kung ano ang ibig sabihin noon. Alam natin na si Abraham ay alam ito. Tinanong niya ang Dios kung paano ang pangako ay matutupad. Hindi siya nag-aalinlangan sa Dios kundi nagsisikap na makaunawa.
Ang ating pananalig ay hindi naiiba sa paraan ng pananalig ng mga nauna sa atin. Sa pamamagitan ng ating pananalig ay naunawaan natin kung sino ang Maylikha - ang Dios ay hindi mapatutunayan sa pamamagitan ng mga bilang, ang mga marunong sa agham ay hindi ito mapatutunayan. Ang ating pananalig ang nagsasabi sa atin na ang Dios ang Makapangyarihan sa buong daigdig, na Siya ay naroon sa labas ng ating mga kuro-kuro ng panahon at lugar, at Siya ang pumipigil at gumagawa sa mga paraan na hindi natin maisip o maunawaan.
May gawi tayo na mag-isip sa sariling paraan kung tayo ay naghahambing sa ating pangkasalukuyang pangyayari sa daigdig sa mga kasaysayan ng nagdaang panahon. Iniisip natin na ang ating kasaysayan ang pinaka- masalimuot, ang pinakamasama, ang pinaka baluktot. Hindi ko ikinakaila na ang ating daigdig ay masalimuot, masama at baluktot; gayunman, ito ang laging kalagayan ng mundo. Mayroon tayong mga bagong paraan kung paano ipahayag ang ating kahangalan at pagkamuhi. Marahil tayo ay higit na nilalason ng mga kuro-kuro ng mundo dahil sa telebisyon, internet, at social media, nguni’t hindi ko maisip na si Lot ay higit na protektado mula sa kasamaan na nakapaligid sa kanya, na tulad ko sa mga kasamaan na nakapaligid sa akin…gayunman, ako ay may off switch.
Ang buong katiyakan ng mga paalalang ito ay marami tayong dahilan na humawak sa ating pananalig higit sa mga taong ito - hindi nila natanggap ang pangako. Nguni’t natanggap na natin. May katibayan tayo ng malaking balak ng Dios na iligtas ang sanlibutan mula sa kanyang sarili. Tiyak na sila’y may katibayan, nguni’t hindi para sa kanilang kaligtasan. Hiniling ng Dios na mag-isip sila ng higit na malaki, higit na mataas, isang bagay na hindi abot ng kanilang pang-unawa at magtiwala sa Kanya. At ginawa nila ito. Sa pagkilala nila kung sino ang Dios sila ay nakatiyak sa Kanyang mga pangako. “Niyakap” nila ang mga ito. Gusto ko ang salitang ito; nguni’t ang higit na tumpak na pagsasalin ay “pagbati.” Binati nila angKanyang mga pangako. Sila ay nagalak sa pagsalubong, kunin ang mga ito, at mabuhay sa mga ito.
Ang tanong sa ating pananalig ay kung ano ang ating babatiin - kung ano ang ating isasabuhay at ano ang ating yayakapin - at kung ano ang paaalamanan at kung ano ang ihihiwalay natin sa ating buhay.
Ito ay tungkol sa mga pagbati at mga pamamaalam. Binabati natin ang mga pangako ng Dios. Ikinakabit natin ang ating sarili sa mga iyon, binibigyan ng puwang ang ating mga puso at buhay, at tayo ay naninirahan doon. Ang aking kapatid na si Elizabeth ay may mga hanay ng aralin sa pagiging disipulo kung saan tinalakay niya ang paninirahan sa salita ng Dios. Tinalakay niya ang tunay na disipulo ay hindi lamang binibisita ang salita ng Dios paminsan-minsan at panandalian lamang.Tayo ay nananahan doon. İşinasama natin ang ating sarili sa Kanyang salita at tayo’y nananatili roon. Binabati natin ito nang may kagalakan, at kahit na hindi natin nauunawaan, tayo ay nananatili roon.
Isinasama natin ang ating sarili kay Cristo, at iniaalis natin ang ating sarili sa mundo. Ang mga halimbawa ng mga mananampalataya sa mga talatang ito ay binati ang mga pangako ng Dios at ipinahayag na sila’y mga dayuhan sa daigdig. Paulit-ulit sa kasulatan na sinasabi na tayo’y hindi mabubuhay sa dalawang daigdig. Hindi tayo maka paglilingkod sa dalawang amo. Hindi tayo makapagtatayo ng dalawang bahay o makapaglalakad sa dalawang daan o pumasok sa dalawang pintuan.
Ang nakikita natin ay isang aral sa magkatulad na pinanggalingan. Hindi tayo magkakaroon ng dalawang pinagkakabitan. Sa talata 14, sinasabi na kinikilala natin ang ating sarili na mga dayuhan at manlalakbay, ipinahahayag na tayo ay naghahanap ng bagong bayan. Ang ating buhay ay magkakaiba. Hindi maikakaila na si Abraham ay kakaiba. Si Enoch ay hindi naging bahagi ng kasamaan sa kanyang panahon na nagbigay ng daan sa Dios upang wasakin ang lupa sa pamamagitan ng baha. Si Noah ay tunay na kakaiba; ang kanyang mga kapanahunan ay inisip na siya ay balıw ! Ang pag-alis nila sa nakagawian sa lipunan noong kanilang panahon ay tiningnan sila na kakaiba,at sa kaibahang iyon ay ipinahayag nila ang pananalig nila sa Dios , kahit na wala ang pag-asa ng kaligtasan na ating pinanghahawakan ngayon. Kilala Nila ang Dios, at sila’y nagtiwala at Siya lamang ang makapipigil sa pagdaloy ng kaguluhan sa kultura.
Kung hindi tayo makaka-alis sa daigdig na ito, sa kasalukuyang kultura at politikal na kapaligiran, ay hindi na tayo kailanman na naghahanap ng higit na mainam. Marahil ay magtitiwala na lamang sa makabagong kuro-kuro na TAYO ay makalilikha ng higit na mabuti - dito sa daigdig. At marahil ay may mga paraan na baguhin ang lipunan para sa kabutihan- hindi ko alam. Ako ay nasa bahagi na ng aking buhay na kaunti na lamang ang nalalabi sa aking buhay kung ihahambing sa nakaraan, at ang pananaw ng gulang ay nagtuturo na wala akong kakayahan na baguhin ang lipunan sa anumang paraan.
Alam ko na ang lipunang ito ay magpapatuloy sa pag-ikot hanggang ang Dios ay magpasya na tapusin na ang lahat. At hindi na mahalaga kung sino ang aking ibinoto o anong kawanggawa ang pinagkalooban ng tulong o anong paaralan ang aking pinasukan o kung ano ang mga nakuhang marka ng aking mga anak o kung saan ako nakatira o kung saan ako namimili o kung ano man ang mga bagay na sinasabi ng aking kultura na mahalaga.
Maaari akong nakakapit sa mga bagay na iyo…ito ay Isang pagpili, nguni’t ito’y kahangalan.
Nang sabihin ko na ako’y isang manlalakbay, ay iniaalis ko ang alalahanin ng mundo. Ako ay makakaboto pa rin, nguni’t hindi na mahalaga kung sino at ano ang resulta. Maka paglilingkod pa rin ako sa kawanggawa, nguni’t nauunawaan ko na naglalagay lamang ako ng panapal sa mga naghihirap na mamamayan, hindi ko mapipigilan ang paghihirap. Mabibigyan ko ng lakas ng loob ang mga mag-aaral na gawin ang mabuti sa paaralan, nguni’t anuman ang gawin sa paaralan, ay hindi maihahambing sa kung paano sila mabubuhay sa paglilingkod sa Dios, at sa gayon ay aking pipiliin ang bigyan ng pansin ang aking pagsisikap.
Ano ang pahahalagahan mo sa iyong buhay?
Kung iyong pahahalagahan ang iyong buhay dito at ngayon, ikaw ay pababayaan ng Dios. Sinasabi ng manunulat ng Hebreo na kung ang mga taong ito ay nais na bumalik sa kanilang bayan, ay magagawa nila. Si Noah ay maaaring tumanggi na gawin ang barko. Si Abraham ay maaaring bumalik sa Ur. Si Sarah ay maaaring gawin na masalimuot, kundi man imposible, para kay Abraham na tumungo kung saan siya dadalhin. Ang Dios ay hindi sila pipigilan kung nais nilang makisama sa mundo.
Hindi ka rin Niya pipigilan. Nais niya na piliin mo na isama ang iyong sarili sa Kanya. At kung gagawin natin na isama ang ating sarili sa Kanya sa pamamagitan ng ating pagkukusa, ay tatawagin Niya tayong pinili. At hindi Siya mahihiya na siya ang ating Dios sapagkat pinili natin ang Siya na higit na mahalaga kaysa mundong ito.
Sa kultura ng Kanluranin, ang bahagi ng suliranin ay nasa atin ang lahat ng kaginhawahan. Marami tayong pagkain na nagiging pihikan tayo. Marami tayong kasaganaan na inaaliw natin ang ating sarili ng mahabang oras… mga linggo at mga buwan. At kung iyan ang ating pinahahalagahan, ay iisipin natin na tayo ay nasa langit. At nakakalimutan natin na may mga paghihirap, sakit at paghihikahos. Nais mo bang malaman kung bakit ang kultura ng Kanluranin ay tila hindi na “maka-Dios” kung ihahambing 20 taon na ang nakalipas? Bakit ang aking mga mag-aaral na lumaki sa pananambahan ay hindi alam ang kuwento ni David at Goliath? Alam mo ba kung bakit ang mga Kristiyano ay pinipili na matulog na lang kung araw ng Linggo at piliin na lamang ang pananambahan on line? Sapagkat si Satanas ay magaling sa kanyang gawain. Ginagawa niya na maramdaman natin na nasa atin na ang lahat, at sinasabi niya na hindi ipinakakahulugan ng Dios nang sabihin Niya ang tungkol sa kabanalan at paghuhukom, at pinahahalagahan ang mensahe, at niyayakap ito at nabubuhay doon. At inilalagay natin ang pagiging mamamayan sa mundong ito at nakakalimutan ang pag-asa ng kalangitan. Kung hindi mo nararamdaman na ikaw ay isang dayuhan sa gitna ng kaguluhan sa iyong kultura, ay kailangan mong mag-isip-isip.
Magpaalam ka sa mga mensaheng iyon, mga kapatid na babae. Maging manlalakbay ka at dayuhan. Hindi ka mag-iisa. Ang isa sa mga malalaking biyaya ng kahariang ito ay ang pag-ibig at pagsasamahan ng ibang manlalakbay at sila’y nasa lahat ng bahagi ng daigdig. Sa pagpili kay Cristo, ikaw ay magiging dayuhan sa mga nakapaligid sa iyo, nguni’t ikaw ay makakapasok sa alinmang pagtitipon ng mga anak ng Dios saan mang dako ng mundo at mararamdaman mo na ikaw ay isa sa kanila …sapagkat ikaw ay nabibilang sa mga tao na nagpasya na maging dayuhan dito sa mundo at mamamayan ng kalangitan.