Jesus: Ang Karunungan na Nagkatawang-Tao

Ang paksa ng Kawikaan 31 tungkol sa babae noong nakaraang buwan, ay tinalakay ko ang salitang Griego na ‘arete’- pinakamahusay o ang pagiging ganap ng mangyayari. Bilang Kristiyano, ay kilala natin na si Jesus na nagkatawang-tao ay ipinahayag nang ganap ang maaaring mangyari sa isang tao. Tinupad Niya ang pang araw-araw na karunungan sa Kawikaan tungkol sa pagiging maawain, pagiging mabuting kapit-bahay at iba pa. Nguni’t ang kawili-wili ay Siya ang buong kaganapan ng lahat ng karunungan ng Diyos. Maaaring magtaka kayo kung bakit inisip ko na ito’y kawili-wili.

Sa 1Corinto 1:22, mababasa natin na ang mga Griego ay naghahanap ng karunungan. Ito ay tinalakay ko rin noong nakaraang buwan - ang mga Griego ay mayroong pangunahing katangian at nais na pag-usapan at pagtalunan ang paksa ng karunungan. Gayunman, ang isa pang kaugalian ng mga Griego ay sila ay laging naghahanap ng bagong aral (Gawa 17:21). Ito ang dahilan kung bakit sa mga nagdaang taon ay ginagamit natin ang mga salitang ‘Greek Pottery’, sapagkat sila ay may pilosopiya na iwaksi ang luma at yakapin ang bago. Hindi ba parang alam natin ito? At, sila ay handang makinig kay Pablo tungkol sa “bagong kaisipan” sa Gawa 17, nguni’t ilan lamang ang naniniwala sa kaisipang ito. Marahil ay nagtataka kayo kung ano ang kinalaman sa kaganapan ng karunungan, at kung bakit ito kawili-wili. Sa pagpapatuloy ng pagbasa sa 1Corinto 1:27-29, sinabi ni Pablo:

“Nguni’t pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas. At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. Kaya walang makapagmamalaki sa Diyos.”

Ito ay nagbigay sa akin ng sandaling katahimikan - ang kaganapan ng karunungan ay kahangalan sa mundo. Ito ay mababa at hinahamon sa mundo.


 Kamakailan, ako ay nagbabasa ng aklat na ang titulo ay “A Little History of the World” kung saan ang manunulat (E.H. Gombrich), ay tinalakay ang buong kasaysayan sa isang maikling aklat para sa mga bata. Mayroong kabanata kung saan ang bansang Israel ay inilarawan na maliit at mahinang bansa na laging tinatalo ng ibang bansa, nguni’t ipinagpatuloy niya, “hindi lamang sila naging bahagi ng kasaysayan, bagkus sila ang gumawa ng kasaysayan - at dahil gayon, sila ang nagbigay ng anyo sa lahat ng kasaysayan na dumating. At ang natatanging bagay ay ang kanilang relihiyon.” Makikita mo na ang mga mananalaysay ay kinilala ang bansang Israel ang nagpabago sa pagkakasunod-sunod ng kasaysayan ng kanilang ISANG Diyos at isang kaanak ng bansa(na si Jesus). Ang Diyos ay pinili ang isang maliit, walang-halaga na bansa at pinili ang pinakabata o pinakamahinang bansa at inangkin na Kanyang mamamayan, at pagkatapos ay pinili ang walang-halaga na lalaki at babae upang alagaan ang isang lalaki na hindi maituturing na dakila sa pamantayan ng mundo na siyang naging pinaka-mahalagang tao sa kasaysayan- si Jesu Cristo. Siya ay “hangal”upang hiyain ang mga matatalino. Siya ay “mahina” upang hiyain ang mga malalakas. Siya ay “mababa at kinukutya” sa mundo upang ang balak ay maisagawa na walang sinumang tao ang makapagmamalaki sa kanilang gawa. At Ang karunungan ay natupad sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan natin - ang iglesya. Hindi tayo ang mga tao na binubuo ng mga pinaka mayaman, pinaka makapangyarihan o pinaka matalino. Hindi tayo sumasang-ayon sa bawat isa tungkol sa politika, o magalak sa parehong libangan. Hindi rin matalik na magkakaibigan. Hindi, tayo ay mga taong binubuo ng ISANG pagkakaisa - si Jesus. Nguni’t ang pagkakaisa ay upang likhain ang pag- uugnayan na wala sa iba. Ang isa na bumabagtas sa kasarian, lahi, kalagayan sa lipunan at pang kaisipang mga hadlang. Ang isa na lumilikha ng lakas na nagpabago ng mundo sa isang panahon. Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Diyos, ang kasaysayan ay punong-puno ng kamalian, at sa hinaharap ay marami pang darating-nguni’t may malalim na paniniwala sa mga lugar kung saan ang Mabuting Balita ay ipinahayag na kakaiba sa mga sinaunang kaharian na nabahala sa mundo. Ang paniniwala na ang bawat isang nilalang ay may halaga. Ang paniniwala na mayroong halaga ang sakripisyo para sa mahihina at walang kakayahan. İto ay sa dahilan sa kanyang kaibuturan , ang Ebanghelyo ay may patay na Diyos sa krus na pinatay ng mga tao na nais Niyang iligtas. At pagkatapos ng tatlong araw sa libingan ay nabuhay na muli. Mayroon bang isang tao na makapagbibigay ng ganyang kuwento ng kaligtasan?


 Ang mundo ay patuloy tayong hihimukin na ang paniniwala sa Diyos, o pagsamba o ang pagsasakripisyo ng ating sarili ay kahangalan. Nguni’t nakikita ko ang kaginhawahan sa mga salita ni Pablo habang ako’y nagkakaidad, at tulad ng mabuting babae,ako ay makakatawa sa darating na panahon sapagkat alam ko na ang Diyos ay ginamit ang sinasabi ng mundo na “kahangalan” upang hiyain ang malalakas. Nakikita ko ang kagandahan ng mga kapatid na babae kay Cristo at naunawaan ang panloob na kagandahan na pinalago ng buhay kay Cristo na higit sa kagandahan sa Hollywood. Nakikita ko ang kapayapaan na nagbubuhat sa Diyos na higit na mainam kaysa sa mga makabagong pansariling tulong. Ito ang dahilan kung bakit ang kaganapan ni Jesus sa karunungan ng Diyos ay nakawiwili. Ito ang nagpapabaligtad ng ating makamundong karunungan. Ito ay nangangailangan na isantabi ang mundo at maging taimtim na nakatuon sa pagiging Kristiyano.

Kung mayroon tayong pag-asa na paunlarin ang antas ng pinakamahusay o arete, tayo ay dapat na sumunod na may pagpapakumbaba sa karunungan ng Diyos at unawain na kailangan nating maging mahina upang maging malakas. Sinabi ni Pablo sa 1Corinto 1:30, “Si Jesus ang karunungan ng Diyos para sa atin. Sa pamamagitan Niya, itinuring tayo ng Diyos na matuwid, ibinukod para sa Kanya, at tinubos ang ating mga kasalanan.” At Dahil kay Cristo, tayo ay binigyan ng kapangyarihan na maging hangal upang maging matalino. Tayo ay nagiging mababa at kinukutya upang parangalan Niya tayo, ang ating dakilang Tagapamagitan. Amen, mangyari nawa.


Previous
Previous

Ang Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Noah

Next
Next

Magbalik- loob sa Panginoon