Ang Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Noah

Sa Hebreo 11-6, sinabi sa atin na kung walang pananampalataya , ay hindi tayo kalugod-lugod sa Diyos. Ito ang simula; ang binhi ng ating pag-asa na nakasalalay sa kaalaman na ang Diyos ay tinutupad ang Kanyang mga pangako at ginagantimpalaan ang naghahanap sa Kanya, na ito ang sinusunod mula pa sa simula ng panahon, kung saan si Abel at Enoch ay nabuhay.

Ang katotohanan na ang Diyos ay nagkakaloob ng gantimpala sa mga naghahanap sa Kanya ay isa sa mga maka-langit na katangian na tumitiyak sa mga sumasamba sa espiritu at katotohanan na Siya ay magkakaloob ng kabayaran at ang totoo, ay binayaran na ang ating pagkukulang sa pamamagitan ng dugo ng Kanyang Anak. Ito ang nagtatayo ng ating panulukang bato, at ang paniniwala ay nagtatag at pinatunayan ang lahat ng pag-iisip at kilos sa ating buhay. Ang ating pananampalataya ay kailangang pananampalataya na may gawa. Kung titingnan natin ang magigiting na mga lalaki at babae sa Bibilia at ang lahat ng ating nakilala at minahal sa ating buhay, ang kanilang pananampalataya ay makikita ang katibayan sa kanilang buhay. Ang pananampalataya ay hindi pakikipaghabulan sa karunungan. Tunay, mayroong katuwiran at dahilan sa likod noon, nguni’t ang kabanatang ito ay ukol sa pananampalataya na may gawa. Ang pananampalataya ay ang nagpapabago para sa saloobin ng ating mga puso.

Sa mga talaan ng mga dakila at tapat mula pa sa simula ng kasaysayan, makikita natin na sa bawat pagkakaloob ng Tipan ng Diyos sa tao, noong panahon ng mga patriarka, ang batas ni Moses, at ang kasalukuyang batas ng bagong Tipan, mayroon lamang isang uri ng pananampalataya— ang isa na kumikilos na hanapin ang Diyos para sa ating patnubay. Ang mga batas ay hindi nagpapasya ng ating pananampalataya- ito ay ang ating pagnanais para sa ating Diyos at ang ating paniniwala na Siya’y nabubuhay at nagkakaloob ng sakripisyo para sa paglilinis na maghahatid sa atin sa Kanya. At gayun nga, tayo ay nananabik na tuparin ang Kanyang batas...alinmang batas na Kanyang iniuutos...sapagkat nauunawaan natin na Siya ay Diyos, at tulad ni Abel, at Enoch, at Noah, wala tayong kailangan kundi ang Siya ay mabigyan ng kaluguran.

 Sa aking pagtanda, nakikita ko na ang aking pagtitiis ay isang hamon. Ang aking pananampalataya ay hindi nagbabago, nguni’t ang aking lakas ay nagbabago, at ang aking likas na makasariling pagnanais na magpahinga sapagkat “Ako’y karapatdapat” ay mahirap na ipagwalang-bahala. Hindi ko alam kung mayroon pang higit na mabuting halimbawa ng pagtitiis sa mga gawain tulad ni Noah. Sa Hebreo 11:7 ay mababasa, “ Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noah ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na mangyayari kahit hindi pa niya nakikita. Kaya gumawa siya ng isang barko para mailigtas niya ang kanyang sarili at ang pamilya niya. At sa pananampalataya niya, hinatulan ang mga tao sa mundo, pero itinuring siyang matuwid ng Diyos.”

Una, kailangan nating mag-usap tungkol sa katotohanan na si Noah ay binalaan ng Diyos sa isang bagay na hindi pa niya nakikita. Siya ay inatasan na tingnan ang mangyayari sa hinaharap at unawain ang isang bagay na wala siyang kaalaman. At ang pangyayari na kailangang unawain ni Noah ay napakalaking kapahamakan. Siya ay binalaan sa mangyayaring sakuna na hindi pa nakikita kailanman. Maaaring mahirap kay Noah na maunawaan ang kalakihan ng sinasabi ng Diyos sa kanya. Alam ko na may pagtalakay hinggil sa kung umulan bago pa, nguni’t kung umulan man o hindi ay hindi mahalaga. Tayong lahat ay nakaranas ng ulan, at nakita natin ang mga larawan ng baha sa mga pagbabalita, ang malalaking alon at tsunami...nguni’t hindi natin maisip ang “lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan”

( Genesis 7:11b ). Si Noah ay hindi naniwala sa sinabi sa kanya sapagkat ang sinabi sa kanya ay napag-iisipin o sapagkat ito ay may kahulugan sa kanya. Siya ay naniniwala sa ISA na nagpahayag ng mga bagay na ito. Ang buong tiwala ni Noah ay nasa Diyos. Ang kanyang kilos ay nakatuon sa katotohanan na ang Diyos ay mapagkakatiwalaan at Siya ang may hawak ng hinaharap ng daigdig at ang lahat ng naroon sa Kanyang mga kamay. Ang pagtitiwalang iyon ni Noah ang nagbigay sa kanya na tiisin ang pagkutya, at sa palagay ko, ang galit ng mga nakapaligid sa kanya sa loob ng 100 taon ng kanyang buhay sa paggawa ng barko.

Ang pananampalataya ni Noah ay may dalawang katugunan :

1. Pagkatakot- ang takot na likas na tugon sa kanyang narinig. Sapagkat si Noah ay naniwala sa sinabi ng Diyos, kaya siya ay natakot. Ito ay hindi takot para sa kanyang sariling kaligtasan- sinabi ng Diyos kay Noah na siya’y ligtas. Ito ay magkatulad na salita ng takot na ginamit ng manunulat ng Hebreo, “Kaya magpasalamat kayo sa Diyos dahil kabilang na tayo sa kaharian Niya na hindi nayayanig. Sambahin natin Siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa Kanya.” Ito ay ang makatuwirang takot sa Diyos- ang pagkaunawa kung sino ang Diyos sa ugnayan sa kanyang sarili. Ang pagkatakot na ito ay bunga ng pananampalataya ni Noah. Siya ay nagtitiwala sa Diyos, na tutuparin ang Kanyang mga pangako at siya ay magkakamit ng gantimpala kung siya ay mananatiling tapat. Ang ating sariling maka-Diyos na takot ay kailangang maging bahagi ng ating paglilingkod sa Diyos. Tinanggap na natin ang bagong kaharian- tayo ay wala na sa ilalim ng batas tulad ni Noah, ngunit kailangan nating magkaroon ng magkatulad na pananampalataya tulad ni Noah, ang magalang na takot sa Diyos, sa pagsunod.

2.Bunga ng paggawa- ang bunga na bịnalangkas, binigyan ng patutu- nguhan at itinalaga ng Diyos. Ang kilos ni Noah ay nakita sa kanyang unang tugon sa Diyos. Sapagkat siya ay may matuwid na takot sa Diyos, siya ay “gumawa ng barko.” Kung ang ulan ay hindi pumatak, o kung ang ulan ay madalang na mangyari, ang barko ay magiging kakaiba. Kung minsan ang kuwentong ito ay naituro na ng 100 ulit, inawit ang mga kanta, ang mga bata ay nakita ang mga hayop, nguni’t hindi tayo tumigil na isipin ang taong ito. Ang pananampalataya ni Noah ang naghiwalay sa mga taong nakapaligid sa kanya, nguni’t ngayon, siya ay nakahihigit sa lahat. Siya ay lubos na nakatuon sa kanyang ginagawa na tila ba isang malaking kabaliwan. Walang nabanggit sa kasulatan na si Noah ay kinutya; Nguni’t sa 2 Pedro 2:5, si Pedro ay tinuran siya na “nangaral sa matuwid na pamumuhay,” at ang manunulat ng Hebreo ay sinabi na ang kanyang pananampalataya ay “hinatulan ang daigdig,” sa gayon ay hindi malaking hakbang na tukuyin na mayroong pagkutya! Si Noah ay nangaral sa isang daigdig na ayaw tumanggap ng katuwiran. Alam natin dahil walang ibang naka ligtas maliban kina Noah. Kung sa ating buhay ay ipinangangaral ang katuwiran, maaasahan natin na tayo ay kukutyain ng mga taong nasa paligid natin. Ang mga kilos ni Noah ay tila mataos na pananalig sa mga nasa paligid niya. Sinisikap niya na sabihin ang ipinakita ng Diyos sa kanya, nguni’t siya’y nagsasalita sa daigdig na ayaw ng mensahe. Gayunman, sa kanyang pananampalataya, ay ipinagpatuloy niya ang paggawa.

Mahirap paniwalaan kung ito’y iyong isinaalang-alang. Ang tanong ko sa aking sarili at sa iyo ay, ginagawa ba natin ang magkatulad? Tayo ay pina- kitaan ng isang pangyayari sa hinaharap, at sinabihan kung ano ang gagawin upang iligtas ang ating sarili, ang ating mga mahal sa buhay at sinuman sa paligid natin na makikinig. Hindi ba maniniwala tayo at magtitiwala sa Diyos na tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako? Tayo ba ay nakatitiyak na tayo’y magkakamit ng gantimpala kung tayo ay matiyagang maghahanap sa Kanya? Mahal ba natin ang mga nasa paligid natin na Kaya nating mapagtiisan ang paghamak ng mga ayaw makinig?

Kung ang ating pananampalataya ay hindi nagbunga ng gawa sa atin, ito ay hindi ang pananampalataya ni Noah. Iniisip ko na maraming naniniwala sa Diyos. Naniniwala sila na mayroong naglalang, na bawat tao ay may kaluluwa at mayroong langit at impiyerno. Sila ay naniniwala na kailangan nilang maging “mabuti”...kahit ano pa ang ipakahulugan nila. Nguni’t hanggang doon na lang ang kanilang “pananampalataya.”

Bago ako lumipat sa Germany, ako ay nananambahan sa Helena,Alabama. Isang Sabado ng umaga, kasama ang aking nạ si John, ako’y naroon sa gusali upang maglinis, at si Ginoong John Clark, ang aming mangangaral, ay nagtatrabaho sa kanyang opisina. Ang aking anak ay natutulog sa kanyang maliit na upuan, at si Ginoong Clark ay nag-alok na siya na ang magbabantay, habang tinatapos ko ang paglilinis sa auditorium. Natapos ko ang aking gawain at kukunin ko na ang anak ko para umuwi na, nguni’t ako’y naupo at nakipag-usap kay Ginoong Clark ng ilang sandali. Ako ay hindi bagong Kristiyano, nguni’t dahil ako’y mahina at hindi lubos na napa- sasakop sa maraming taon, ako ay nagsisikap na mabuo muli ang sarili. Ito ay isang pakikipaglaban-sa palagay ko ay palagi. Ako ay may isang mahal na kaibigan na tumalikod sa Diyos at iniwan ang kapatiran, at ako ay nanlumo. Siya ay napakabait, nakikipag-usap sa akin tungkol sa kalagayan ng aming pananampalataya. Sa aming pag-uusap, sinabi niya, “Na kung sana ang Diyos ay pagsasamahin ang aming mga paa sa maliit na bahagdan ng segundo, sa apoy ng impiyerno, kami ay higit na magiging masigasig sa gawain para sa Kanya.

Nais kong isipin, na tulad ni Noah, kung ang Diyos ay ipinakita ang baha, tayo ay magsisimulang gumawa ng barko. Na, ipinakita sa atin ng Diyos ang banaag ng mas malalim na pangyayari- at kung minsan ay nakikita ko ang aking sarili na walang martilyo sa aking kamay. Kung hindi ako maingat, katatakutan ko ang aking kultura- ang pangungutya ng aking

kauri- higit sa pagkatakot ko sa Diyos. Ang takot ko sa Diyos ay magbibigay ng dahilan upang ako’y kumilos, samantalang ang takot ko na ako’y itinaboy ng ibang tao ay magbibigay ng dahilan para maging tamad- na tulad ng mga nasa paligid ko. Hindi ako mangingibabaw, hindi ako magiging ilaw, at hindi ako magiging handa sa Kanyang pagbabalik. Ito ang ipinakita Niya sa atin- mayroong isang araw na ang Panginoon ay mag babalik; ito ay papunta na sa atin. Ito ay tiyak na darating tulad ng baha.

Kung gagamitin natin si Noah na halimbawa ng ating pananampalataya,ngayon nga ay kailangan nating magtiwala sa ISA na nagpahayag ng isang hindi maipaliwanag na pangyayari sa hinaharap sa atin. Kailangan nating lumapit sa Kanya nang may takot at panginginig, may katiyakan na ibinigay sa atin ang paraan ng kaligtasan mula sa kasawian. Kailangan nating ipahayag ang katuwiran sa mga nakapaligid sa atin- anuman ang kanilang tugon,at kailangan nating hanapin sa Diyos ang plano at disenyo ng gawain na nais Niya para sa atin. At sa wakas, kailangan nating sunggaban ang ating mapakikinabangan na mga kasangkapan, at ilagay ang ating pananampalataya sa pagkilos.


Previous
Previous

Nasaan Ka ?

Next
Next

Jesus: Ang Karunungan na Nagkatawang-Tao