Nasaan Ka ?

Ang paksa sa taong ito ay nakatuon sa pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ang naninirahan sa daigdig. Bagaman sila ay may malaking pagkakaiba, ang panahon ng isang ito ay mahalaga. Sa pagsisimula ng bagong taon, ang karamihan ay binibigyan ng halaga “kung nasaan sila”- sa pagpipigil sa pagkain ng marami, sa kalusugan, sa timbang, sa pagbabasa ng kasulatan, sa pag-aaral, sa mga kinagawian at iba pa. Ang iba ay gagawa ng bagong kapasiyahan matapos ang masusing pag-aaral, nauunawaan na sila’y hindi naging karapatdapat at hindi binigyan ng pansin, naging tamad, hindi ginawa ang dapat na unahin,o dinaya ang sarili ng nakaraang taon.

Nang ang Diyos ay nagpasya na magkaroon ng pakikipag-usap kay Adan at Eba, hindi kailangan na “hanapin sila.” Alam Niya kung nasaan sila. Ang tanong ng Diyos kay Adan at Eba ay tungkol sa paghahanap sa kanilang sarili- hindi ang paghahanap ng Diyos sa kanila.

Sa Genesis 3, ay natunghayan natin kung paano ang kasalanan ay pumasok sa daigdig :

“Nang pinagmasdan ng babae ang puno, napakaganda nitong tingnan at ang bunga ay parang masarap na kainin, at dahil sa pagnanais niyang maging marunong, pumitas siya ng bunga at kumain ito. Binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya at kinain din ito. Pagkatapos nilang kumain, nalaman nila kung ano ang mabuti at ang masama, at napansin nila na hubad pala sila. Kaya pinagtagni tagni nila ang mga dahon ng puno ng igos para ipantakip sa kanilang katawan. Pagdating ng hapon, narinig nila na lumalakad ang Panginoong Diyos sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno roon. Pero tinawag ng Panginoong Diyos ang lalaki, “Nasaan ka?” Sumagot ang lalaki, ‘narinig ko po Kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako.’”

Natuklasan ni Adan at Eba, sa kanilang kasalanan, na sila ay napahiwalay sa Diyos, sinuway nila ang Diyos at inatasan na suriin nila ang kanilang sarili sa paraan na hindi nila alam sa nakaraang panahon. Ako ay nag-iisip kung ano ang pakiramdam ng isang lalaki at babae na hindi naranasan ang bigat ng kasalanan. Sa pagkaunawa ng kanilang paghihiwalay, marahilay natuklasan nila kung paano sila makikipagkasundo sa kanilang Manlilikha at Diyos.

Sila ay nagtago. Marahil, kung sila ay hindi magpapakita, marahil kung hinayaan na lang nila na ang Diyos ay dumaan at lumisan, marahil kung dadayain nila ang Diyos at isipin na “wala sila sa paligid,” at sa pagdaan ng panahon, ang lahat ay makakalimutan, o kaya ay makipagkasundo sa hinaharap. Maaaring makita natin na ang pag-uusap na ito ay nakakatawa at parang pangbata, nguni’t kung uunawain natin ang ganap na ugnayan ni Adan at Eba sa Diyos sa halamanan at ang nakalulunos na kalagayan ng kasalanan at paghihiwalay, ito ay hindi nakakatuwa. Hindi ito laro ng taguan; si Adan at Eba ay nasa nakakatakot na kalagayan ng pagpapasya, at ang bunga ng kanilang kilos ay malaking pinsala sa kanila. Sa unang pagkakataon sa kanilang buhay, sila ay napilitang suriin ang kanilang puso- ang pakay ng kanilang kilos, at ang kanilang pasya na suwayin ang kanilang Manlilikha.

Iniisip ko na madaling maunawaan ang udyok na magtago sa puno o halamanan. Hindi karaniwan na isipin natin na “lilipas din ang lahat” o huwag bigyan ng pansin ang ating kasalanan hanggang magbago ang mga pangyayari. Madaling bigyan ng katuwiran ang ating kahinaan tulad ni Adan at Eba- na magtanggol at sisihin ang iba sa kanilang ginawang pagsuway. Sa Genesis 3: 12-13, “Sumagot ang lalaki, ‘ang babae po kasi na ibinigay Ninyo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kınain ko.’... Sumagot ang babae, ‘Nilinlang po kasi ako ng ahas kaya kumain ako.’” Ang kasalanan na hindi patungo sa pagsisisi ay isang nakakatakot na kalagayan. Ito ay nangangailangan ng maraming gawang pagbabago- na tayo ay magtatago, gagawa ng dahilan, hindi pansinin, magpaliwanag at naghimagsik bawat araw upang payapain ang hayop. Si Adan at si Eba ang ganap na halimbawa ng larawan ng pagtatago at pagdadahilan.

Ngayon, sa pagsisimula ng bagong taon, at tayo ay tatanungin ng Diyos, “Nasaan ka?” Tayo ba ay may pag-iingat na suriin ang ating sarili? At kung gagawin natin- ano ang pipiliin mong kilos? Tayo ba ay hindi magsasalita at mananahimik na nagtatago sa kaaliwan ng kasalanan? Tayo ba ay gagawa upang hindi bigyan ng pansin at iwaglit ang kasalanan na naghihiwalay sa atin, nagtatamo ng biyaya sa maikling panahon sa lupa? Gagawin ba nating dahilan ang ating kataasan, katamaran, pagseselos o tsismis- nakatala ang mga dahilan ng mga salita at kilos aykailangan o makatuwiran? Tayo ba ay magkukunwari at isipin na ang Diyos ay nauunawaan ang mga dahilan ng ating walang kakayahan na maglingkod? Hindi ba ang mga pinili nating pasya ay ang ating kanlungan? Hindi ba alam ng Diyos kung saan tayo matatagpuan? At sa gayon,saan natin matatagpuan ang ating sarili? Dalangin ko na maging mabuti ang ating tugon.

Makikita ba natin ang ating sarili sa pastulan ng ating Pastol, kung saan hindi na kailangang magtago? “Ang Panginoon ang aking Pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Tulad ng tupa, pinagpapahinga Niya ako sa masaganang damuhan,patungo sa tahimik na batisan ako’y Kanyang inaakay. Panibagong kalakasan ako’y Kanyang binibigyan. Pinapatnubayan Niya ako sa tamang daan, upang Siya’y aking maparangalan.” Awit 23:1-3

Ihahandog ba natin ang ating sarili sa paglilingkod habang Siya ay naglalakad na kasama natin? “Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, “Sino ang susuguin Ko? Sino Ang lalakad para sa Amin?” Sumagot ako, “Narito po ako! Ako ang isugo Ninyo.” Isaiah 6:8.

Makikita ba natin ang ating sarili sa daan ng liwanag? “ Nguni’t kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Diyos na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na Kanyang Anak sa lahat ng kasalanan. 1 Juan 1:7

Ang bigat ng kasalanan ay nagbibigay sa atin na “tingnan ang ating sarili.” Sa ating pagkaka-alam, kahit na si Adan at Eba, ang pagtatago ay hindi dahilan sa isang Diyos na alam kung nasaan ang isang tao. Iniisip ko na tapusin ang maikling talakayan sa magandang salita ni David na mariing sinabi na mahirap na mangyari na magtago tayo sa Diyos, at gaano kahalaga ang huwag magtangka.

Awit 139 :

“ Panginoon, siniyasat N’yo ako at kilalang-kilala. Nalalaman N’yo kung

ako’y nakaupo o nakatayo. Kahit na Kayo ay nasa malayo, nalalaman N’yo ang aking iniisip. Nakikita N’yo ako habang ako’y nagpapahinga o nagtatrabaho. Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman Ninyo. Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam N’yo na ang aking sasabihin. Lagi ko Kayong kasama, at kinakalinga N’yo ako sa pamamagitan ng Inyong kapangyarihan. Ang pagkakilala N’yo sa akin ay tunay na kahanga-hanga; hindi ko kayang unawain....O Diyos, siyasatin N’yo ako, upang nalaman N’yo ang nasa puso ko. Subukin N’yo ako, at alamın ang aking iniisip. Tingnan N’yo kung ako ay may masamang pag-ugali, at patnubayan N’yo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.”


Previous
Previous

Sino Ang Nagsabi Sa Iyo ?

Next
Next

Ang Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Noah