Sino Ang Nagsabi Sa Iyo ?

By: Millie Harris , Woodbridge, VA

Sino ang nagsabi sa iyo? Ano ang iyong ginawa? Sa mga katanungan na ito sa ikatlong kabanata ng Genesis, ang Diyos ay sinimulan ang pakikipag-usap kay Eba. Anong nakakatakot na tanong na kailangang tugunin mula sa Maykapal ! Gayunman, si Eba ay hindi nag-iisa sa kanyang pananagutan na sagutin ang mga tanong na ito. Ang bawat isa sa atin ay tutugon sa pagtatanong ng Diyos kung tayo ay hindi sumunod sa Kanyang mga utos sa atin (Ecclesiastes 12:14), at hindi tayo lumuhod sa paanan ng Kanyang Anak at nagtiwala sa kapangyarihan ng Kanyang dugo. Paano sasagutin ni Eba ang Diyos? Si Eba ay hindi makatutugon at gayundin ako.

Madaling pag - aralan at basahin ang kuwento ni Eba at bigyan ng puwang ang ating sarili sa katotohanan ng kanyang kalagayan. Gayunman, ang bawat isa ba sa atin ay naiiba kay Eba? Tayo ay may biyaya ng Banal na Espiritu at ang pang-unawa at karunungan na ipinagkaloob Niya sa atin sa kasulatan, nguni’t kung hindi natin pagninilayan ang mga nakaraang tauhan at suriin ang ating mga puso

(2 Corinto 13:5), ang mga babala at mga halimbawa ay walang saysay. Si Eba ay tumayo sa harap ng Diyos nang walang dahilan, at gayundin ako. Sinikap niya na ilagay ang paninisi sa ahas, nguni’t ang totoo, ang paninisi ay naka-atang sa kanyang balıkat.

Alam ni Satanas kung paano tutuksuhin si Eba, at alam din niya kung paano ako tutuksuhin. Si Satanas ay hindi nagsinungaling nang sinabi niya kay Eba na siya’y magkakaroon ng karunungan kung kakain siya mula sa puno. Nang si Cristo ay tuksuhin, si Satanas ay gumamit ng kasulatan at umayon para kanyang gamitin (Mateo4:6). Si Satanas ay gagamit din ng “katotohanan” upang ako’y kanyang silain sa kanyang patibong. Ang marami sa sinasabi ng mundo sa akin ay may binhi ng katotohanan na nakapaloob sa panlilinglang. Kung hindi ako maingat sa pag-aaral ng Salita ng Diyos , at matapat sa aking sarili, ako ay nahaharap din sa kapahamakan tulad ng sinapit ni Eba.

Ang nakamamangha sa akin ay ang hindi paghamon ng paniniwala ni Eba sa Diyos. Ang hamon niya ay ang pagtitiwala sa Diyos at ang mga salita na sinabi sa kanya. Sa Hebreo 11:1-3, sinabi sa atin, “Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita.” Hindi nakita ni Eba ang kamatayan, nguni’t siya ay binalaan ng Diyos tungkol dito bago siya nagkasala. Ipinagkaloob ng Diyos kay Eba ang lahat ng kanyang kailangan para sa Kanyang kaginhawahan at hindi siya binigyan ng anumang dahilan para hindi paniwalaan ang Diyos. Ngayon, bakit naging matagumpay si Satanas? Siya ay binigyan ni Eba ng pagkakataon ! (Efeso 4:27). Sinasabi ni Satanas, tulad ng sinabi kay Eba, ang buhay ay hindi tungkol sa pakikipag-isa sa Diyos. Higit na mabuti, ang tunay na buhay ay ikaw ang may pagpipigil (Genesis 3:4-5). Kung wala akong nakuhang ibang aral mula sa kuwento ni Eba, kailangan kong maunawaan na sinira niya ang kanyang buhay dahilan sa kanyang pagsuway. At ang bunga ng kanyang paglipas sa paniniwala, si Eba ay itinaboy sa presensya ng Diyos, nagdanas ng hirap sa pagsisilang, at nakita ang pagpatay ni Cain sa kapatid na si Abel. Anong laking tahedya para sa unang ina ! Ang laking kamalian sa aking buhay kung ako’y maniniwala sa aking sarili na ako ang may kontrol !

Ang tanong ng Diyos kay Eba ay nagbigay sa akin na tumigil sandali at isipin ang aking kapalaran sa aking pagharap sa Makapangyarihang Diyos. Kung ako ay hindi sumunod, at namuhay sa paniniwala sa dugo ni Cristo na maglilinis sa aking kasalanan, sasagutin ko rin ang magkatulad na katanungan sa pagharap ko sa Kanya sa isang araw. Ano ang aking itutugon? Anong dahilan ang sasabihin ko? Sino Ang nagsabi sa akin? Ang mga “dalubhasa” ba sa media? Ang aking pamilya? Ang aking kasamahan sa hanap-buhay? Ang aking mga kaibigan? Ano ang aking ginawa? Ako ba ay umasa sa aking makamundong karunungan? Ako ba ay nakinig sa mga tinig sa aking kapaligiran? Huwag namang ipahintulot ng Diyos !


Previous
Previous

Nasaan ang Kapatid Mong si Abel ?

Next
Next

Nasaan Ka ?