Nasaan ang Kapatid Mong si Abel ?

Alam nating lahat ang kuwento tungkol kay Cain. Dahil sa panibugho, ay pinatay niya ang kapatid na si Abel, sapagkat tinanggap ng Diyos ang handog ni Abel, nguni’t ang handog ng Cain ay hindi. Sa Genesis 4:9, nang tanungin ng Diyos si Cain, kung nasaan ang Kanyang kapatid, tila may oras at agwat sa pagitan ni Cain at ang kanyang ginawa. Hindi natin alam kung inilibing niya si Abel o iniwan na lamang sa bukirin sa kanyang pagmamadali na lumisan, nguni’t alam ng Diyos ang ginawa ni Cain, at malimit, ang Diyos ay nagbibigay ng pagkakataon na panagutin ang nagkasala.

Tulad ng pakikipag-usap ng Diyos kina Adan at Eba, ang Diyos ay nagtatanong bagaman alam na Niya ang kasagutan, upang bigyan si Cain ng pagkakataon na suriin ang kanyang sarili. Ang tanong ng Diyos kay Cain ay hindi pagbibintang; ang nais ng Diyos ay paratangan ni Cain ang kanyang sarili. Kailangan nating unawain ang pakay ng ating mga puso at paratangan ang sarili kung tayo’y nahaharap sa ating kasalanan. Magsisisi ba tayo o hindi? Maliwanag na si Cain ay hindi nagsisi. Ang unang bahagi ng kanyang tugon ay tuwirang pangungusap - ang pangalawa ay isang tanong.

Si Cain ay tahasang nagsinungaling sa Diyos nang sinabi niya na hindi niya alam kung nasaan si Abel. Samantalang ang kanyang pangungusap ay may pandaraya, ang kanyang tanong ay may pang-uuyam. Ang isang puna o pansin sa paggamit ng salitang tagapag -bantay o tagapag-alaga ay isang pagtukoy na si Abel ay tagapag-alaga ng mga tupa. At sa kayabangan ni Cain, sinabi niya sa Diyos, “Bakit ako ba ang tagapag- bantay niya?”

Nakamamangha na ang Diyos, sa Kanyang pagtatanong,ay ipinaalala Niya kay Cain na si Abel ay kanyang kapatid. Hindi ito isang dayuhan. Kahit na nanibugho si Cain, si Abel ay kanyang kapatid, at ito’y may kahulugan. Ang pakay ng pagtatanong ay nawalan ng saysay kay Cain. Siya ay walang kuşa, walang pakiramdam na paratangan ang sarili; at ang bunga, ang Diyos ay muli siyang binigyan ng katanungan, “Ano ang iyong ginawa?” Ito ay magkatulad na tanong ng Diyos sa ina ni Cain sa ikatlong kabanata ng Genesis. Ito rin ang katulad na tanong ni Samuel kay Saul sa 1 Samuel 13. Ang mga tanong ay sinadya upang mag-isip si Cain, nguni’t pinairal niya ang kataasan ng sarili. Ako’y nag-iisip kung inisip ni Cain na malalamangan niya ang Diyos.

Hindi pangkaraniwan na ang kasalanan ay magkakaroon pa ng kasunod. Ito ay nangyari kay Cain. Sinabi ng Diyos kay Cain na ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nagbabantay sa iyo para tuklawin ka. Si Cain ay natuklaw na. Sinisi ni Cain si Abel sa kanyang mga pagkukulang, at sa kanyang patuloy na pagbagsak at hindi mapunuan ang kanyang pagkukulang, ay marahas niyang inalis ang liwanag na lalong nagpakita ng kanyang kadiliman.

Kung palalawigin natin ang katanungan sa ating sarili, ay maaari nating ipalit ang pangalan ni Abel sa sinuman na nasa paligid natin na nakababahala ang katayuan. Nang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad sa ikatlong kabanata ng Juan, na Siya’y aalis at kung saan Siya pupunta, ang mga alagad ay hindi makasusunod. Sila ay binigyan ng bagong utos sa talata 34, na mahalin ang bawat isa tulad ng Kanyang pagmamahal. Ang pakay ng pagmamahal na iniutos Niya ay ang katotohanan na Siya ang unang nagmahal, at ang pagmamahal ng paglilingkod, ang pakikipag- ugnayan ng bawat isa, ay malalaman ng lahat ng tao na sila’y tagasunod ni Jesus. Ito ay hindi sa mga biyayang espirituwal o mahimalang pagpapa galing. Ito ay magpapatotoo sa Salita, ang mundo ay makikilala na ang kaharian ito ay naiiba sa paraang ang mga tao ay nangangalaga sa isat isa.

Tayo ay dapat maging handang magmahal tulad ng pagmamahal ni Cristo. Hindi sinasabi ni Jesus ang tungkol sa marubdob Niyang pagmamahal. Ang sinasabi Niya ay tungkol sa mga gawa ng pagmamahal. Hinugasan Niya ang paa ng Kanyang mga alagad, at sinabi Niya na kailangan nilang magmahal tulad nito. Paglingkuran ang bawat isa tulad ng paglilingkod Niya.

Tunghayan natin ang kahalagahan ng simula ng kaharian sa Jerusalem sa mga unang kabanata ng aklat ng Mga Gawa. Sa Gawa 2:44, sinabi sa atin na ang mga bagong Kristiyano, “Maganda ang pagsasamahan ng mga mananampalataya, at pinag-isa nila ang kanilang mga ari-arian para maka bahagi ang lahat.” Ito ay kusang-loob na bunga ng pagmamahal. Ang espiritu ay nagpakita sa maraming paraan, nguni’t ang pinakamalakas ay ang pagmamahal at pag-aalala sa mga bagong kapatid na lalaki at babae.

Nakita ito ng ibang tao at sila’y nahikayat na sumama sa kanila. Ito ang liwanag sa isang madilim na daigdig. Alam nila kung sino ang may pangangailangan, ito ang gawain ng lahat na pangalagaan ang mga bagong kapatid - hindi nila kilala - may mga wika na hindi nila alam o sabihin- na ang mga gawi ay naiiba. Kusang-loob nilang ibinigay ang pansariling ari-arian upang matulungan ang mga nangangailangan.

Sila ay nagmahal at nag lingkod kung sinuman ang nangangailangan. Madali ang pumili kung sino ang ating paglilingkuran. Minamahal kung sino ang nais natin at iniisip na may magmamahal din sa iba. Hindi tayo nag-aabala na kilalanin ang ibang tao, dahil hindi magkatulad ang ating buhay. Hindi ito ang pagmamahal na nakita natin sa Gawa at hindi ito ang pagmamahal na huwaran ni Cristo.

Kailangan nating mahalin ang mga kapatid na lalaki at babae, at nanganga hulugan na alamın kung nasaan sila. Kailangan na may ugnayan tayo at alamın kung ano ang kailangan ng bawat isa, paano matutulungan at paano mapaglilingkuran.

Kailangan tayong maging handa at kusang-loob na isakripisyo ang ating pagpapahalaga sa sarili. Hindi kaakit-akit ang maglingkod sa kapwa. Maaaring ito ay marumi at magulo. May makikita ka na mga bagay sa ibang tao na ayaw mong malaman. Sinasabi ko sa iyo, ako ay naroon sa mga lugar at pangyayari na iniisip ko, “Bakit ito ang naging buhay ko?” Hindi naman masasamang lugar, nguni’t mga lugar na hindi ko inaakala na naroon ako, at ito ay tiyak !

Kung tayo’y nagmamahal, alam natin kung nasaan ang mga kapatid na lalaki at babae sa buhay. Inaalala natin sila at tutulungan. Sinasabi ko noon pa, na ang ugali na nakapanglulumo sa akin ay ang pagtatanong o pag- uusap tungkol sa ibang tao, hindi sa dahilan na nais nilang tumulong, kundi nais lang na malaman ang lahat. Kung nais mong malaman ang kalagayan ng isang kapatid, tanungin mo siya at maging handa sa pagtulong.

Ang pagmamahal sa mga kapatid na lalaki at babae ay masalimuot. Ito ay hindi madali. Maaaring ito ay magastos - sa pananalapi at damdamin. Nguni’t hindi tayo makapagmamahal ng tao sa tumpak na paraan kung hindi natin alamın.


Ito ang mag-uugnay sa atin. Ipinagkaloob ni Cristo sa Kanyang mga alagad ang kaaliwan ng bawat isa. Sila ay magsasama-sama, ang mga lalaki at babae na may iba’t ibang pinagmulan, at may ibat ibang paniniwala sa politika sa isang daigdig na tila walang pangkaraniwan sa bawat isa, sila ay magiging magkakapatid. Ito ang lakas ng kaharian!

Sa kahulugan na si Abel at Cain ay magkapatid, ito ay may kahulugan din sa atin, na tayo ay magkakapatid din kay Cristo. Sila ang ating pamilya.

Nasaan ang iyong kapatid na lalaki at babae? Nakalulungkot, ang malimit kong tugon ay, “Hindi ko alam.” At ako’y nahihiya sa aking sarili. Kailangan kong paratangan ang aking sarili. Kailangan kong gumawa ng lahat ng pagsisikap na kilalanin ang mga kapatid na lalaki at babae at hanapin kung ano ang maitutulong sa kanila upang ang Mabuting Balita ay maipalaganap, ang iba ay bigyan ng sigla, at ang ilaw ni Cristo ay magbigay ng liwanag sa madilim na daigdig.

At ngayon, kung ako’y pagod na sa paglilingkod sa iba, at ako ay tatanungin, “ Ano ang ginawa mo?”.... Ako ay may katugunan. Ginawa ko ang dapat kong gawin.


Previous
Previous

Napansin mo ba ang Lingkod Kong si Job?

Next
Next

Sino Ang Nagsabi Sa Iyo ?