Napansin mo ba ang Lingkod Kong si Job?

Ang aklat ni Job ay halos nagsimula tulad ng isang kuwentong pambata: “May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job. Matuwid siya, walang kapintasan ang pamumuhay, may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.” Nakita natin sa simula pa lamang na si Job ay isang mabuting tao, may kaya sa buhay, at mayroong malaking pamilya na ginugugol ang oras sa pagsasama-sama- tila ba isang walang kapintasang buhay. At ang tampalasan ay dumating sa talata 6- si Satanas. Siya ay sumali sa pagtitipon ng mga anghel sa presensya ng Panginoon at sinabi na siya’y paroo’t parito na naglilibot sa buong mundo. Ang pakikipag-usap na ito sa Diyos ay nagkaroon ng isang nakamamanghang pag-ikot- ang Diyos ay tinanong si Satanas, “ Napansin mo ba ang lingkod Kong si Job?” at ipinagmalaki ang katangian ni Job na ito ay matuwid at malinis ang pamumuhay. Ang tugon ni Satanas sa Diyos, “ May takot siya sa Iyo dahil pinagpapala Mo siya. Iniingatan Mo Siya at ang sambahayan niya, patı na ang lahat ng ari-arian niya.”

Marami sa atin ang nakakaalam ng kuwentong ito- pinayagan ng Diyos si Satanas na kunin ang lahat kay Job huwag lamang sasaktan ito. Sa sunod sunod na kapahamakan, si Satanas ay madaling kinuha ang kayamanan ni Job at ang kanyang mga anak. Si Job ay nanatiling matatag sa Diyos at sinabi, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina at hubad na babalık ako roon.” Sa ikalawang kabanata ay ısınaad ang muling pakikipag-usap sa Diyos, at sa pangalawang pagkakataon ay muling tinanong ng Diyos si Satanas, “Napansin mo ba ang lingkod Kong si Job?” Sinabi ni Satanas na si Job ay nananatiling tapat sapagkat hindi ito nasaktan, nguni’t kung siya ay masasaktan, tiyak na isusumpa niya ang Diyos. Pinayagan ng Diyos si Satanas na gawin ang lahat kay Job huwag lang niyang patayin si Job. Si Job ay binigyan ni Satanas ng mga pigsa mula ulo hanggang talampakan, at maging ang asawa ni Job ay sinabi na sumpain niya ang Diyos at mamatay na. Pinagwikaan ni Job ang asawa at sinabi, “ mabubuting bagay lang ba ang tatanggapin natin mula sa Diyos at hindi ang masasama?” Maging ang mga kaibigan ni Job ay dumating din upang ipakita ang kanilang pagdamay at kaaliwan, at dito nagsimula ang pag-uusap sa pagitan nila sa mga dahilan ng paghihirap sa buhay.

 Ngayon, ay narito ang tunay na katanungan na nais kong pag-isipang mabuti- bakit ipinahintulot ng Diyos ang ganitong pagdurusa at sakit, at ang pinakamahalaga, bakit ibinigay ng Diyos si Job kay Satanas- tila ba kinukutya si Satanas para kay Job? Bago kayo mabigla, ako ay nakatitiyak na hindi ko matutugon ang tanong, nguni’t magbibigay ako ng isang kaisipan, nabanggit ko ang kuru-kuro ng kuwento noon. Si G.K.Chesterton ay isinulat sa kanyang aklat Orthodoxy:

“Sa isang kuwentong pambata ang hindi maunawaang kaligayahan ay nakasalalay sa isang hundi maunawaang kalagayan. Ang kahon ay binuksan, at lahat ng kasamaan ay lumipad. Ang salita ay nakalimutan at ang lungsod ay nawasak. Ang ilawan ay nag liwanag, at ang pag- mamahal ay napawi. Ang bulaklak ay pinitas, at ang buhay ng tao ay naparusahan. Ang mansanas ay kinain, at ang pag-asa sa Diyos ay nawala.”

Ang kanyang punto ay ang kapangyarihan ng kuwento ay nagsasabi sa atin ng mga mahahalagang katotohanan ng buhay. Ang unang linya ay napakalakas:

“Ang hindi maunawaang kaligayahan ay nakasalalay sa isang hindi maunawaang kalagayan.” Kay Satanas, ang kalagayan at kaligayahan ay parehong hindi maunawaan. Ako ay naniniwala na nais ng Diyos na maunawaan ni Job ang kalagayan upang ang kaligayahan ay mabuo. Bagaman, hindi tinalikuran ni Job ang Diyos, ay tinanong niya ang Diyos at naki-usap na makaharap ang Diyos upang ilahad ang kanyang kalagayan. Sa halip ay siya ang tinanong ng Diyos. Hindi nakuha ni Job ang tugon sa kanyang mga tanong, ngunit nakuha niya ang tugon Sa tanong- ang tanong ng buhay. Sino Ang nangunguna? Ang tugon dito ay ang Diyos. Ito ang hindi maunawaang kalagayan- tayo ay dapat maipasa-ilalim, sa Diyos sa anumang pangyayari. At ang kalagayang ito ang magdudulot sa atin ng hindi maunawaang kaligayahan.

Nakakahanga na ang simula ng aklat na ito at tulad sa pagsisimula sa mga kuwento sa Hebreo- “Mayroong isang lalaki...” Tayo ay may aral mula sa buhay ni Job tulad ng aral mula sa kuwento o alamat. Ako ay tunay na hindi lubos na maunawaan ang isip ng Diyos at hindi lubos na maunawaan kung bakit si Job ay ipinagkatiwala kay Satanas, nguni’t ako’y naniniwala na ang isang maaaring dahilan ay upang baguhin ang pag-iisip ni Job tungkol sa paghihirap. Inamin ni Job sa kanyang mga kaibigan na nararamdaman din niya ang nararamdaman ng kanyang mga kaibigan tungkol sa paghihirap- na siya ang may kasalanan sa kanyang mga sakit - kung hindi pa siya nabubuhay sa ganitong kalagayan. At naunawaan din niya sa huli, bagaman siya ay naniniwala na wala siyang ginawa upang mabuhay sa kanyang dinaranas, hindi rin siya ang maylikha ng daigdig. Kahit na narinig niya ang tungkol sa Diyos, ngayon ay nakita niya at naunawaan mula sa tinig ng Diyos na siya ay nakapagsasalita ng hindi niya nauunawaan.

Ngayon, paano ito isasagawa sa atin? Tayong lahat ay nakaranas ng paghihirap sa ibang paraan- ang bawat isa sa atin. Kung minsan ay dahil sa ating kasalanan (Roman’s 5:15). Kung minsan, tayo ay namumuhay sa isang makasalanang mundo (Juan 16:33). Kung minsan, ay magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos (Romans 8:17-18). Kung minsan, maaaring maliwanag sa atin na ang ugat ng paghihirap na ating nararanasan ay hindi natin lubos na mauunawaan ang dahilan. Gayunman, ang alam natin na ang Diyos ang may kontrol, at Siya ay nangako na mananatili Siya sa atin hanggang pinipili natin na huwag lisanin ang Kanyang presensya. Tayo ay tutugon tulad ni Job at unawain ang kalagayan ay hindi lubos na maunawaan, at ang kaligayahan ay hindi rin lubos na maunawaan.

Nawa’y patuloy tayong magsikap na tawaging lingkod ng Diyos tulad ni Job.


Previous
Previous

Bakit Ako ang Pinili Mong Pahirapan ?

Next
Next

Nasaan ang Kapatid Mong si Abel ?