Magbalik- loob sa Panginoon

Magbalik- loob sa Panginoon

Ang aklat ni Joel ay isang mahirap o malalim a aklat, at sang-ayon sa pantas ay isinulat noong 900-400 BC. Wala ring gaanong kaalaman tungkol sa propeta. Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay “si Yahyeh ay Diyos”, at nalaman natin mula sa aklat na siya ay “anak ni Petuel.” Kahit na walang maraming kaalaman tungkol sa panahon ni Joel, ang kanyang mensahe ay napapanahon ngayon tulad din ng mga tagapakinig niya noon.

Si Joel ay nagpahayag makalipas ang isang malaking salot ng balang na nagwasak sa lupain at mga pananim. Ginamit ni Joel ang salot na ito bilang paalala na magbalik- loob sa Panginoon- tulad ng mga sumpa na nakatala sa Deuteronomio ni Moses na mararanasan ng mga tao kung sila ay hindi mananatiling tapat sa Diyos (Deuteronomio 28: 38-42).

Ang balang ay tulad ng mga tipaklong nguni’t sila’y may malaking paa sa likuran. Ang balang sa disyerto ay karaniwan sa Gitnang Silangan, at ang salot na ito ay pangkaraniwan sa kanilang panahon. Ang sumusunod na talata mula sa National Geographic ay makatutulong sa atin na maunawaan natin kung gaano kalaking pinsala ang dulot ng salot na ito :

Ang pulutong ng balang sa disyerto ay maaaring 450 metro kwadrado sa laki at nagkakatipon mula sa 40-80 milyon ng balang sa isang kalahating milya pa kwadrado. Ang bawat balang ay kumakain ng halaman na kasing bigat niya araw-araw, kaya ang bawat pulutong

ay kumakain ng 423 milyon na libra ng halaman araw-araw. Sa pag- bibigay-linaw, ang isang pulutong ng balang na sinlaki ng Paris ay makakakain ng parehong pagkain sa isang araw na kalahati ng mamamayan ng France.

Sa pagsisimula ng aklat ni Joel, malinaw na ang uri ng salot na ito ay nangyari, ang hindi malinaw ay kung ang pananalita sa ikalawang kabanata ay may kaugnayan sa salot ng balang, o ito ay tumutukoy sa isang pulutong ng mga kawal na sasalakay sa kanila. Ang larawan ng pananalita ay nagbigay ng imahen na kasama ang kadiliman at

 kalungkutan (2:2), pagsalakay ng mga balang na parang apoy (2:3), at pagyanig ng mga lupa (2:10).

Binanggit ni Joel ang “Araw ng Panginoon” ng maraming ulit sa kabuuan ng aklat, at ito’y tila tumutukoy sa dalawang uri ng paghuhukom. Ang una ay paghuhukom sa mga Israelita sa anyo ng salot ng balang at isang kawan ng mga sasalakay. Ang pangalawa ay tumutukoy sa huling araw ng Panginoon- ang araw ng paghuhukom. Ang aklat na ito ay nahahati sa 2 pangunahing bahagi. Ang una ay ang pagsasalita ng propeta at sinasabi ang pang kasalukuyang mga pagsubok. Ang pangalawa ay ang Panginoon ay nangungusap at ang pangako ng pagbabalik ay mangyayari.

Sa unang kabanata, ipinakita ni Joel ang ikot ng buhay ng mga balang at ang pinsala ng bawat bahagi ay nararagdagan sa mga susunod na pananalanta. Ito ay nag-iiwan sa mga lupain at mga tao na walang karangyaan, gayundin ng mga pangangailangan. Wala ring sapat na butil at inumin na ihahandog sa templo (1:13). Si Joel ay nananawagan sa mga tao na magsisi at mag-ayuno, umaasa na ang pisikal na pinsala ay magbigay-daan sa espirituwal na pagbabago. Ang ikalawang kabanata ay inilalarawan ang Araw ng Panginoon kung saan ang lupain na katulad ng hardin sa Eden, ngayon ay lupain na tila na disyerto matapos na sila’y salakayin ng kawan (2:3). Muli, si Joel ay nanawagan sa mga tao na magsisi, sa pamamagitan ng pag-aayuno, manangis at magdalamhati. Gayunman, nilinaw niya na ang kanilang mga puso ang pangunahing pag- alala nang sabihin niya na “magsisi nang buong puso at hindi ang pagpunit ng mga damit” (2:13). Sinabi pa niya na, “Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, dahil mahabagin Siya at maalalahanin. Mapagmahal Siya at hindi madaling magalit. Handa Siyang magbago ng isip upang hindi na magpadala ng parusa. Baka sakaling magbago ang isip ng Panginoon na inyong Diyos, at pagpalain kayo ng masaganang ani, para maghandog kayo sa Kanya ng mga butil at inumin” (2:13-14). Sa wakas ng ikalawang kabanata, ang Panginoon ay naawa sa Kanyang mga tao at binigyan ng pangako ng pagpapala. Ibinigay din Niya ang pangako ng Banal na Espiritu sa Araw ng Pentekostes. Sa wakas ng ikatlong kabanata, ang paghuhukom sa lahat ng bansa ay ipinahayag. Sang-ayon sa kaugnayan mo sa Diyos, ang araw na ito ay nakakatakot, o ikaw ay maghahanap ng kanlungan sa Diyos (3:16).

Sang-ayon sa iyong gulang at tirahan sa mundo, ikaw ay may pagtukoy sa isang malaking kapahamakan. Sa Estados Unidos, ang ilan ay natatandaan kung nasaan sila noong si John F. Kennedy ay binaril, o ang pagsabog ng Challenger sa himpapawid, o ang Twin Towers ay nawasak. Sa hindi pa nagtatagal na mga taon, marami ang nakakaalala na ang kanilang mga lugar ay ipinasara dahil sa Covid. Anuman ang tiyak na pag- alala, ito ay katulad ng kapinsalaan na tinukoy ni Joel sa simula ng aklat- ito ay kapinsalaan na sasabihin sa kanilang mga anak at mga susunod na salin-lahi. Nais ni Joel na ang mga tao ay magbalik sa Panginoon dahil sa pinsalang ito- nguni’t kung tayo ay magbabalik lamang sa mga

panahon ng kapinsalaan, ang pagbabago ay hindi magtatagal. Sa halip, alalahanin atin na ang katangian ng Diyos na inilarawan ni Joel at sundin ang Panginoon kung sino Siya at ang masaganang pagbabagong espirituwal na Kanyang ipagkakaloob. Ang paghuhukom ay darating, nguni’t ang ating kanlungan ay matatagpuan sa Diyos. Ang huling Araw ng Panginoon ay naghihintay, nguni’t Siya ang matibay na sandigan ng lahat ng tumatawag sa Kanya. Nawa’y alalahanin natin at isabuhay ang mensahe ni Joel hindi lamang sa panahon ng kapahamakan, kundi sa lahat ng araw ng ating buhay.


Previous
Previous

Jesus: Ang Karunungan na Nagkatawang-Tao

Next
Next

Binibigyan Niya Ako ng Panibagong Kalakasan