Binibigyan Niya Ako ng Panibagong Kalakasan

“ Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Tulad ng tupa, pinapahinga Niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan ako’y Kanyang inaakay. Panibagong kalakasan ako’y Kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang Siya’y aking maparangalan. Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil Kayo ang aking kasama. Ang dala N’yong panalo ang sa akin ay nag-iingat; ang Inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban. Ipinaghanda N’yo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinahiran N’yo ng langis ang aking ulo, tanda ng Inyong pagtanggap at parangal sa akın. At hindi mauubusan ng laman ang aking inuman. Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan N’yo ay mapapasaakin habang ako’y nabubuhay. At titira ako sa bahay N’yo Panginoon, magpakailanman.”

Ipinaalala ni Matthew Henry na karamihan ng mga awit ni David ay “puno ng karaingan, nguni’t ang mga ito ay puno rin ng kaaliwan at pananalita ng kaluguran sa dakilang kabutihan ng Diyos at ang pag -asa ng tao sa Kanya.” Tulad ng mga mananampalataya noong panahon ni David, ito ay awit na nagkaloob at patuloy na magkakaloob ng kaaliwan at katawan sa mga Kristiano.

Ang Awit 23 ay isang magandang paglalarawan ng ating espirituwal na paglalakbay: sumusunod sa ating Pastol, nanginginain sa masaganang damuhan, namamahinga nang payapa, iniingatan sa panganib, nagpapalamig sa batisan, at pinapakain na may pag-iingat. Ang larawan ay katotohanan kay David na ang Diyos ay nagkakaloob ng lahat ng kabutihan at kaginhawahan sa kanya, may karangalan, masaganang hapag-kainan, sa mga kaaway sa digmaan, na may inuman na umaapaw sa kabutihan at awa sa kanyang buong buhay. Ang Awit ay larawan ng katotohanan sa atin at gayundin ay inilalarawan ang ating pakikipag- ugnayan kay Cristo Jesus.

Ang magandang awit na ito ay ang pinakadalisay na larawan ng ating Panginoong Jesus. Ang patuloy na pagbabago ng ating mga kaluluwa , puso at isipan ay nararanasan natin kung tayo ay pinangungunahan ng ating Pastol, naninirahan sa pastulan na Kanyang iniingatan. Isinabuhay ni Jesus ang Pastol nang Siya ay nagkatawang-tao- isang paglalarawan ng lahat ng kabutihan, ang kabuuan ng liwanag, ang pinagmulan ng panibagong kalakasan ng kaluluwa na nagkakaloob ng kaginhawahan, pag-iingat at kapayapaan.

Ito ay mahirap na lubos na maunawaan kung paano ang panibagong espirituwal na kalakasan at kapahingahan ay gumagawa habang tayo ay nasa pastulan ng ating Panginoon, nguni’t ito’y nangyayari. Si Jesus sa Kanyang magandang pahayag sa Juan 10, ay pinayagan ang mga nakasaksi sa mapait na pagtatalo na Kanyang naranasan sa Jerusalem,upang makapasok sa Kanyang payapang pastulan. Inilarawan ni Jesus na ang Kanyang tupa ay iyong nakikinig at kilala ang Kanyang tinig. Siya ang mapagmahal na Pastol na handang hanapin ang Kanyang nawawalang tupa, masiglang iniingatan ang mga tupa na Kanyang pag- aari sa pamamagitan ng pagbabantay sa pintuan at nagtayo ng pader sa paligid nila.

Ang kahulugan ng pagbibigay ng bagong kalakasan ay ang pagpapanum- balik sa buhay, sariwain o ibalik sa dating kalagayan. Si David ay pinupuri ang kanyang Pastol, ang kanyang Panginoon sa pag-akay sa kanya sa masaganang pastulan at dalisay na tubig na nagkakaloob ng tuloy-tuloy na kapahingahan at pagbabago. Ang tubig at pastulan ng walang- hanggang buhay, kung saan wala ng takot maging sa kamatayan. Ang kawan na hindi nagkukulang sa anuman. Ang panibagong kalakasan ng ating mga kaluluwa ay sa pamamagitan ng ating Pastol na tumatawag sa atin ng may pagmamahal, sumusunod sa Kanyang mga bagong tupa na may pag-iingat, at sinasagip ang mga nawawala. Ako’y nag-aalala kung ang bagong kalakasan ay ating nakaligtaan sapagkat hindi natin narinig ang tinig ng Pastol o hindi natin naunawaan ang biyayang espirituwal na ipinagkakaloob sa Kanyang kawan.

Alam ninyo, ang uri ng panibagong kalakasan na inilalarawan sa Awit ni David ay ang pastulan na ayaw paroonan ng marami. Ang sabi ni Matthew Perry tungkol sa awit, “Ang pinaka malaking kasaganaan ay isang tuyong pastulan para sa isang masamang tao,na nalulugod lamang sa kanyang pakiramdam; Nguni’t sa isang maka-Diyos na tao, na naranasan ang kabutihan ng Diyos at sa paniniwala, siya ay nalulugod, at kahit na hindi siya mariwasa sa buhay, ito ay masaganang pastulan.” Ang bagong kalakasan ay hindi makikita sa maka- mundong kapistahan at masaganang kainan, mga mamahaling alak at kasuotan, mataas na kalagayan sa lipunan, mga aliwan, kayamanan sa mundo, siyensya at medisina o karunungan na matatagpuan sa matataas na paaralan.

Ang kaaliwan at panibagong kalakasan ng kaluluwa ay mararanasan lamang ng mga tupa sa kawan ng Mabuting Pastol na si Jesus. Ito ay dumarating kung ang biyaya at awa ni Jesus,ang mapagmahal na Tagapag-alaga, ay ipinagkaloob sa isang karapat-dapat na nilalang na makapasok sa Kanyang pastulan. Ang kulungan ay kailangan ng isang pastol - upang tipunin ang kanyang kawan pagdating ng gabi. Ito ay maaaring isang lugar sa siyudad, o mga batong pader na ginawa sa disyerto, pastulan o hayag na bukirin. Ang mga pader ay maaaring mga sanga ng puno na may mga tinik upang tiyakin na ang mga papasok ay iyon lamang karapat-dapat ayon sa Pastol.

Ang Awit 119: 173-176, ay nagpapaalala sa atin na tayo ay madaling mawala, at ang manunulat ay nagmamakaawa sa Panginoon na siya ay hanapin kung siya ay nawawala; “Palagi sana Kayong handa na ako’y tulungan,dahil pinili kong sundin ang Inyong mga tuntunin. Panginoon, nasasabik ako sa Inyong pagliligtas. Ang kautusan N’yo ang nagbibigay sa akin ng kagalakan. Panatilihin N’yo ang aking buhay upang Kayo’y aking mapapurihan, at sana’y tulungan ako ng Inyong mga utos na masunod ang Inyong kalooban. Para akong tupa na naligaw at nawala, kaya hanapin Ninyo ako na Inyong lingkod, dahil hindi ko kinakalimutan ang Inyong mga utos.”

Si Jesus ang mapagmahal na Pastol ay binibigyan tayo ng bagong kalakasan kung tayo’y nawawala, at kung hindi, kung hindi Siya ang ating laging kasamang Pastol, ay hahantong tayo sa pagkaligaw na walang pupuntahan at walang katapusan pagkawala sa disyertong walang kulungan. At habang ang Diyos ay pinaranas sa atin na magkasala, hindi Siya nagbigay ng pagdaranas ng walang paraan ng pagbabago...ito ay sa pamamagitan ni Jesus, ang ating Pastol. Siya ang pinagmulan, ang lakas, ang mapagmahal na Pastol na handang mamatay para sa Kanyang mga tupa upang tayo’y mabigyan ng panibagong lakas, makipagkasundo, at manirahan sa Kanyang walang-hanggang kaharian.


Previous
Previous

Magbalik- loob sa Panginoon

Next
Next

Ang Kapus-Pusan ng Diyos kay Cristo