Ang Kapus-Pusan ng Diyos kay Cristo

Sa unang kabanata ng Ebanghelyo ni Juan tungkol kay Jesu Cristo, ang apostol ay sinimulan, hindi tulad ng ibang ebanghelyo sa maka-lupang panahon, kundi siya ay bumalik bago pa ang paglalang at sinabi sa atin kung paano ang panahon noon kung paano ito nagsimula. Ang unang dalawang talata ay nagsasaad na bago ang paglalang, ay naroon na ang Salita at naroon ang Diyos, at samantalang Sila ay may ganap na ugnayan, Sila ay makikita na may magkahiwalay na katauhan.

Sa mga sumusunod na talata, sila ay lumikha - bahagi ng proseso . Ang bawat isa ay may ganap na pagkakaisa at kasunduan. Ang bago pa nabuhay na Salita at Diyos ay nagbigay sa lahat ng bagay na mabuhay. Tinalakay ni Juan kung paano ang Salita ay naging liwanag ng tao, at sinabi na si Juan na tagapag-bautismo ay ipinahayag ang liwanag na darating sa mundo. Ang mundo ay hindi nakilala ang Lumikha; ang totoo ang mundo ay hindi kailanman kinilala ang Lumikha. Ang mga propeta ay nagbabala, ang Diyos ay ipinakilala ang Kanyang sarili, ang batas ay nangangahulugan ng isang liwanag, isang ilawan, isang landas, subalit ang karamihan sa mga tao ay nakatuon ang paningin sa mundo at sila ay nabulagan. Mayroon mga naniwala at dahil sila’y nagtiwala sa Kanya, sila ay tinawag na mga anak ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng pagsilang o salin-lahi, hindi sa kalooban ng laman, hindi sa gawa ng pananampalataya, kundi sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos na nilalang sa kanila, na muli ay isang bagay na bago.

At ang Salita ay nagkatawang-tao. Sa talata 14, sinabi sa atin kung paano ang tao ay naging anak ng Diyos - ito ay sa dahilan na ang Anak ng Diyos ay nagkatawang-tao.

Juan 1:14, “Nagkatawang -tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan Niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos Siya ng biyaya at pawang katotohanan ang sinasabi Niya.”

Sa talatang ito, ang buhay ni Jesus sa lupa ay ipinahayag ang kapus - pusan ng Diyos sa pamamagitan ng mga katangian ng puso, biyaya, at ang nilalaman ng batas, ang katotohanan.


 Bilang Kristiyano ng Bagong Tipan sa makabagong mundo paano ko maipagkakasundo ang kuru-kuro ng paghuhukom at pag-ibig? Tiyak ko na ikaw rin ay may magkatulad na tanong na itinanong sa iyo. Ito ay malimit na katanungan sa mga pag-aaral ng Biblia o sa mga talakayan na sangkot ang mga bagay na espirituwal. Marami sa mga ibang pangkat ng relihiyon ang naninindigan na ang pag-ibig at biyaya at awa ng Diyos ay naiiba sa mga pananaw ng pagkakaroon ng batas at lubos na salungat sa pananaw ng paghuhukom. At ang iglesya ni Cristo ay naging tampulan ng ganitong kaisipan. Tayo ay tinatawag na masunurin sa batas - higit na pinahahalagahan ang batas kaysa mga bagay ng puso. Higit na pinahahalagahan ang balangkas at pagsasagawa ng pananambahan kaysa pag-ibig.

Ang totoo, ay may panganib dito. Tayo ay nakatuon sa panlabas na pagkilos, na tulad ng mga Pariseo, ay nakakaligtaan natin ang “mas mahalagang utos ng batas” (Mateo 23:23). Gayunman, ang dalawang pananaw ng biyaya at katotohanan ay hindi salungat sa isat-isa; ang nakikita natin sa Juan 1:14, ay sila ay may kaugnayan sa kabuuan ni Cristo. Ang ating puso ay mahalaga,at gayundin ang katotohanan.

Ang batas ng Diyos ay palaging tungkol sa puso. Hindi natin kailangan na basahin nang malawak ang Biblia upang makita na ang paghahandog ay nangangailangan na ang puso ng mananampalataya ay sangkot.

Sa Genesis 3, ay nakita natin na si Cain at Abel ay naghandog. Ang isa ay tinanggap at ang isa ay hindi. Iniisip natin na ang handog ni Cain ay tinanggihan sapagkat hindi ito handog ng dugo, na ipag-uutos ng batas sa isang panahon, nguni’t hindi natin alam ito. Ang alam natin ay ang sinabi sa Hebreo 11:4 - si Abel ay naghandog ng “mas mabuting handog” dahil sa kanyang pananampalataya. Ang handog ni Cain ay maliwanag na hindi ini alay nang wasto, kaya ito ay tinanggihan ng Diyos.

Ang laging inaasahan ng mga tao ng Diyos ay sila ay paroroon sa Kanya na may kabataang-loob at pagsunod, may pag-ibig sa kanilang mga puso para sa Kanya, at tanggapin ang Kanyang katotohanan sa pananalig at

paniniwala na alam ng Diyos kung paano sila babaguhin.

Alam ninyo, ito ang layunin ng Diyos para sa atin. Hindi Niya tayo iniligtas upang iwanan lamang kung nasaan tayo. Ano ang magiging layunin ng


 pagliligtas sa atin kung iiwan lang tayo sa mundo, ginagawa ang bawat nais at maging katulad ng mga nasa paligid natin?

Ang Kanyang layunin ay baguhin tayo. Ito ang sinasabi ni Pablo sa Roma 12:2. Hindi natin dapat tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito, sa halip ay hayaang baguhin tayo ng Diyos na maging mabuti, ganap at kalugod-lugod sa Kanyang paningin. Sa Roma 8:29, sinasabi na alam na ng Diyos noon pa man kung sino-sino ang Kanyang magiging mga anak, at sila’y itinalaga Niyang matulad sa Kanyang Anak, na puno ng biyaya at katotohanan. Samakatuwid, ang lahat ng sumasang- ayon ay iyong gumagawa ng lahat ng pagpupunyagi na pagsamahin ang biyaya at katotohanan, ang puso at batas, na nabubuhay kay Cristo.

Ang ating paksa sa taon 2023, ay ang karunungan ng Diyos, at sa pamamagitan ni Cristo ay nakita natin ang Kanyang karunungan.

Ang katotohanan ay laging puno ng biyaya at ang biyaya ay nakikita sa pamamagitan ng katotohanan. Ang kalooban ng Diyos ay magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa bawat isang mananampalataya. Ito ang nais Niya sa bansang Israel. Kung babasahin natin ang Isaiah 1, makikita natin na ang Diyos ay nais na Siya’y mahalin, at ang ating pagtitiwala at mga handog sa Kanya ay bunga ng ating pag-ibig at pasasalamat. Ang bansa ay patuloy na nagkakaloob ng handog, ngunit ang mga ito ay kalapastanganan sa Diyos, sapagkat hindi ito buhat sa puso - hindi ito dahil sa pag-ibig kundi pagsunod lamang sa batas. Sinabi ng Diyos na Siya ay pagod na sa mga handog na hindi mula sa pag-ibig, na sinabi ni Pablo sa Romans 12, “Kaya nga mga kapatid,nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataon kinaawaan tayo ng Diyos, ibigay ninyo sa Kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal, at kalugod-lugod sa Kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa Kanya.”

Nguni’t kung titingnan natin si Nadab at Abihu, malinaw nating makikita na ang Diyos ay nababahala rin sa paraan ng ating pagsamba. Si Nadab at Abihu ay naghandog ng “ibang apoy” sa Leviticus 10. Hindi nila sinunod ang utos ng Panginoon sang-ayon sa pananambahan, at ang parusa ay agad dumating at ang Panginoon ay nagpadala ng apoy mula sa altar at sila’y natupok. Kahit na sila’y mga anak ni Aaron at bagong talagang mga pari. Hindi ito ang nais ng Diyos.


 Kung tayo ay naniniwala na ang kalooban ng Diyos ay baguhin tayo at magkaroon ng bunga sa ating buhay, samakatuwid ay susundin natin ang Kanyang mga batas upang makita ang mabungang pagbabago. Ang Kanyang karunungan ay hindi ko laging nauunawaan, nguni’t ako’y naniniwala na nais Niya ang pinakamabuti para sa akin. Ako ay naniniwala na binabantayan Niya ang aking landas, at sa wakas, ay naniniwala ako na ito ang Kanyang gagawin at hindi ako ang magpapasya kung ano ang katanggap-tanggap ; ang totoo, ang Diyos ay nagpasya na at ginawang malinaw ang Kanyang kalooban. Ang magagawa ko ay tiyakin na ang aking handog ay naaayon sa Kanyang kahilingan.

Sa Micah 6, nang ang mga Israelta ay dumaing na tila hindi nila nabibigyan ng kasiyahan ang Diyos sa kanilang mga handog, nagtanong sila kung ano pa ang dapat nilang gawin. Sila ay gumamit ng sukdulang mga halimbawa, tulad ng “Mag-aalay ba ako ng guya bilang handog na sinusunog,o hahandugan Siya ng libo-libong tupa o nag-uumapaw na langis o ihahandog ba ang panganay na anak bilang kabayaran sa kasalanan?” Ano ang dapat gawin upang makawala sa ganitong kalagayan? Ang pananaw na mabibili nila ang kaligtasan sa paghuhukom ng Diyos ay nakapangingilabot.

Maliban, na ginagawa natin ang magka tulad na bagay. Tila iniisip natin na ang mga dahilan na nasa isip natin ay makakatulong sa darating na paghuhukom ng Diyos. Nakakatakot na isipin a tayo ay maaaring makipagkasundo,o magpaliwanag o gamitin ang awa ng Diyos sa ating pagharap sa Kanya.

Sa Micah 6:8, sinabi ng propeta sa Israel na tinuran na ng Diyos kung ano ang mabuti - ibinigay na ang katotohanan, at gayundin sa atin ! At sa salitang ipinahayag nang mainam na si Jesus ang pinaka dakila. Sinabi ni Micah na kung sinuman ang maghahandog sa Diyos, ay gawin din “ ang pagiging matuwid, pairalin ang pagka maawain at buong pagpapa- kumbaba na sumunod sa Diyos.”

“ Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” - makipagkasundo ka sa iba na may katarungan at awa , at “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip at buong lakas” - lumakad na kasama ang Diyos na may pagpapakumbaba at pagsunod (Marcos 12:30-31).


 Kung ito ang ating saloobin...kung mahal natin ang ating Diyos nang buong puso, ay mamahalin din natin ang ibang tao, at pangangalagaan natin ang sinabi ng Diyos na dapat gawin. Ang Kanyang katotohanan ang saligan ng ating paraan ng paglilingkod at pamumuhay. At ang Kanyang karunungan ang mamumuhay sa atin, tayo ay magbabago at magbubunga at ang ating mga handog ay may kabataang-loob mula sa puso na may paniniwala at pagtitiwala - na magkakasamang ugnayan na nakita kay Jesus na ating Tagapagligtas. At gayon nga , ang ating mga handog ay katanggap-tanggap sa Diyos.


Previous
Previous

Binibigyan Niya Ako ng Panibagong Kalakasan

Next
Next

Ang Babae sa Kawikaan 31–Ang Buhay ng Pag-ibig at Paglilingkod