Ang Babae sa Kawikaan 31–Ang Buhay ng Pag-ibig at Paglilingkod

Susan Angell, Valley Center, KS

Nang ako ay atasan na sulatin ang paksang ito, ay sumagot ako, “Sige!”, sa pag-iisip sa aking sarili na ito ay magiging madali na gawin. Sa pag- aaral ng Kawikaang ito, ay naramdaman ko na ako ay may kakulangan. Mga kapwa ko babae, ang babaeng ito ay kahanga-hanga, at naramdaman ko na ako ay kulang sa pagsusulat tungkol sa kanya. Sa totoo lang, ako ay napahiya sa kanya.

Ngayon na ang aking mga anak ay malalaki na at ang aking asawa ay huminto na sa pagtatrabaho, ako ay mayroon ng mahabang oras sa paglilingkod sa Panginoon. Ako ay nahihiya na aminin na hindi ko kinuha ang pagkakataon na iyon. Huwag po tayong magkamali, kami ay patuloy na naghahanda sa mga pagpupulong ng mga pangkat, mayroong panlipunang pagsasama-sama sa aming tahanan, at nagtuturo ng Biblia- nguni’t gayundin ang mga kabataang pamilya sa aming kongregasyon. Kaming lahat ay kailangang may gawain para sa Panginoon, at aaminin ko na ako ay may sapat na oras, hindi tulad ng dati, na maaari kong gamitin sa paglilingkod sa aking Hari at Tagapagligtas.

At sa kaisipang iyon, tunghayan natin kahanga-hangang huwaran na magagawa ng isang maka-Diyos na babae.

Ang babae sa Kawikaan 31 ay tinatawag na “napakahusay na asawa.” Siya ay mahalaga sa kanyang asawa at lubos ang tiwala sa kanya. Siya ay mabuti sa kanyang asawa at gumagawa nang kusang- loob, maging ito’y paghahabi ng tela, o naghahanda ng pagkain para sa kanyang kasam- bahay. Siya ay maagang gumigising! Hindi ko alam kung paano kayo, nguni’t ako ay hindi gumigising bago sumikat ang araw.

Hindi ako humahabi ng lino o kumukuha ng balahibo ng tupa (upang gumawa ng damit)! Isipin natin ang mga paraan na ginagawa ng babaeng ito upang ipaghanda ng pagkain at damit ang kanyang pamilya, hindi lamang para sa kanyang sarili. Hindi lamang siya naghahanda para sa kanyang pamilya, siya ay lumalabas din,pumipili ng lupa,binibili ito at pinatatamnan ng ubas. Hindi ko alam kung siya ang nagtanim, onangasiwa sa mga trabahador na nagtanim, nguni’t siya ay naroon upang tingnan kung ang gawain ay natapos. Ilan sa atin na makabagong kababaihan ang nag-rereklamo na pumunta sa pamilihan kung saan ay mabibili na natin ang halos lahat na kailangan natin at maraming bagay na nais natin?

Sa kabuuan ng Kawikaan 31, nakita natin ang babae na ipinagbibili niya ang kanyang kalakal, gumagawa hanggang gabi, matulungin sa mga mahihirap, gumagawa ng mga kobre-kama at mga damit para sa kanyang sarili at pamilya, at ipinagbibili rin ang ilan sa mga ginawa niya. Siya ay matalino at mabuti, inaalagaan ang kanyang pamilya at hindi siya tamad. Ang kanyang mga anak ay tinatawag siyang pinagpala, at siya ay pinupuri ng kanyang asawa.

Ako ay napapagod sa pagbabasa kung ano ang mga ginawa ng babaeng ito. Ang mga babae ngayon ay may mainam na buhay kung ihahambing sapagkat tayo ay may makabagong gamit na makapag papaikli ng oras sa pagluluto, paglilinis at paglalaba. Mayroon tayong lutuan na makapag- luluto kahit wala tayo sa bahay, at sa pag-uwi natin ay mayroon ng makakain, at pagkatapos ang mga pinag-kainan ay ilalagay na lang sa de- makitang hugasan at ito na ang maghuhugas ng lahat. Pagkatapos, ay may panahon na tayo para magpahinga, hindi ba tama?

Nakita mo ba sa Kawikaan 31 na ang babae ay naupo at nagpahinga? Hindi ko iyon nakita, nguni’t sa talata 25 ay binanggit ang kanyang “lakas” at sa talata 26 ay sinabi na “nagsasalita siya ng karunungan.ang babae ay may karunungan na kung walang tamang pamamahinga at pagkain ay hindi siya makagagawa nang maayos. Tayong lahat ay kailangan ang panahon ng pamamahinga upang maging malakas na muli. Kung hindi natin aalagaan ang ating sarili, ay magiging walang silbi sa iba at maging sa paglilingkod sa ating Diyos Ama.

Ang paglilingkod ng babae ay ipinapakita ang tatlong bahagi ng pagmamahal sa kanyang buhay- una, ang kanyang pag-ibig sa Diyos, pangalawa, ang pagmamahal sa kanyang pamilya, at pangatlo, ang kanyang pagmamahal sa ibang tao. Ang pag-ibig ang lakas na nagtutulak sa kanya upang makapag lingkod sa lahat, at dapat ay sa atin din.

Kahit ano mang kaluwagan mayroon tayo o wala o anumang suliranin ang dumating, lahat tayo ay may pagkakataon na maglingkod at ipakita ang pagmamahal sa ibang tao tulad ng babae sa Kawikaan 31. Kailangan nating magsikap na maging katulad ng babae na nais ng Diyos. Gayunman, kailangan din natin na may tamang panahon sa pagitan ng ating pagmamahal at paglilingkod sa Diyos, sa ating pamilya, at sa ibang nangangailngan sa atin.

Kawikaan 31: 30-31– “Ang pagiging kaakit-akit ay makapandaraya, at ang kagandahan ay kumukupas. Pero ang babaeng may takot sa Panginoon ay dapat purihin. Dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawang kabutihan at parangalan sa karamihan.”


Previous
Previous

Ang Kapus-Pusan ng Diyos kay Cristo

Next
Next

Pamumuhay Nang May Katangian