Pamumuhay Nang May Katangian

Ang katangian ay nangangahulugan ng “asal na naaayon sa mabuting pamantayan,” o “mataas na kaugalian na kabilang ang moralidad, panlipunan at pangkaisipan.” Ang sinaunang mga Griego ay inilarawan ang apat (4) na pangunahing katangian na kabilang ang katalinuhan, katarungan, kahinahunan at tapang. Ito ang unang binalangkas ni Plato sa kanyang aklat “The Republic”, nguni’t tinalakay ni Aristotle sa

“ Nicomanchean Ethics.” Sa aklat ng Apokripa “Wisdom of Solomon”, mayroong binanggit na inilalarawan ang karunungan na isang babae, “Siya ay nagtuturo ng kahinahunan at katalinuhan, katuwiran, at katapangan, at wala ng iba sa buhay na higit na kapaki-pakinabang bukod dito.” Ang mga sinaunang pari ng iglesya ay tinutukoy ang apat na pangunahing katangian sa kanilang mga isinulat at idinagdag pa ang tatlong (3) katangian ng pagtitiwala, pag-asa at pag-ibig. Sa paglipas ng mga taon sa kasaysayan, ang pitong(7) katangian na ito ay inihambing / sinalungat sa 7 nakamamatay na kasalanan o masasamang hilig na matatagpuan sa turo ng Katoliko Romano.

Ngayon, bakit ko kayo binibigyan ng maliit na kabuuan sạ kasaysayan ng katangian? Nakamamangha, ang babae sa Kawikaan 31, ay tinatawag din na Mabuting Asawa. Nais kong bigyan ng mas malalim na pag-aaral ang bawat katangian at kung paano ang babae sa Kawikaan 31 ay ginagawa ang bawat katangian.

“Prudence” - katalinuhan - ang kahulugan ng salitang ito ay “ang kakayahan na makita ang angkop na paraan sa isang pangyayari sa isang angkop na panahon na may pagsasaalang-alang sa magiging bunga.” Ito ay pinakahulugan din ng karunungan sa ibang panahon. Maraming talata sa Kawikaan 31 na nagsasaad ng kakayahan na makita ang mga bagay. Marunong siyang pumili ng lupa na kanyang bibilhin. Siya ay magaling mangalakal. Siya ay nagsasalita nang may karunungan. Ang babae ay maliwanag na may kakayahan na maunawaan ang magiging bunga at kung paano niya hahawakan ang mga pangyayari. Sạ magkatulad na paraan, tayo ay dapat na isiping mabuti ang mga pagpapasya at isaalang- alang ang pinakamabuting kilos na angkop sa mga pangyayari.


 “Katarungan”- ito ay ang “katangian na maging patas o makatarungan.” Ang salitang Griego ay may kahulugan din na “katuwiran.” Ang babae sa Kawikaan 31 ay matulungin sa mga mahihirap at nangangailangan. Siya ay nagsasalita nang may karunungan at nagtuturo ng kabutihan. Sa lahat ng ginagawa niya sa pangangalakal,siya ay itinuturing na patas at makatarungan. Ang mga katangian bang ito ay nakikita sa atin? Nakikinig ba tayo sa iba at pinapakingan ang bawat panig ng kuwento? Bukas ba ang ating isip sa mga talakayan kahit na hindi tayo umaayon at manatili ang kabaitan kahit na tayo’y nayayamot o nabibigo?

“Katapangan” - ito ang pangatlong katangian na ang kahulugan ay “lakas ng loob sa panahon ng sakit o kasamaang-palad.” Ang katangiang ito ay tulad sa pagtitiis o katatagan. Ang babae ay inilarawan na may malakas na bisig- nagpapakita ng mahirap na gawain na nangangailangan ng kalakasan. Siya ay malakas at iginagalang at hindi nangangamba para sa kinabukasan. Siya ay may tiwala at katiyakan sa kanyang ugnayan sa Diyos at sa kanyang paghahanda. Tayo ba ay nagpapakita ng pagtitiis sa mga mahirap na panahon? Tayo ba ay gumagawa nang may paghihirap at manatiling matatag sa gawain? Ang kasuotan ba natin ay naaayon sa katangian o iyon lamang napapanahon?

“Kahinahunan” - ito ang ika-apat na katangian, na ang kahulugan ay pagpipigil o pagpipigil sa sarili. Ito ay ang kakayahan na pigilan ang pagnanasa sa lahat ng bagay. Ang babae na may takot sa Panginoon ay may asawa na nagtitiwala sa Kanya. Isipin ang mga bagay na pinangangalagaan niya sa kanyang pamilya upang ang kanyang asawa ay kasama ng mga matatanda sa lupain sapagkat ang babae ay napapanga- siwaan ang mga bagay sa kanilang tahanan. Siya ay gumigising nang maaga at nagtatrabaho hanggang gabi. Ang kanyang asawa at mga anak ay pinupuri siya. Ito ang babae na nagpapakita ng kahinahunan sa buhay. Natutunan ba natin ang magkatulad na katangian? Napipigil ba natin ang ating makalupang pagnanasa upang mapangalagaan nang maayos ang pamilya?

Ngayon ay dumating tayo sa pang relihiyong katangian na kilala natin, ang pagtitiwala, pag-asa at pag-ibig. Ang magkatulad na talaan ay nakasaad sa 1 Corinto 13:13, kung saan sinabi ni Pablo, “Tatlong bagay ang mananatili : ang pagtitiwala, pag-asa at pag-ibig. Nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay pag-ibig.” Nakikita mo ba kung saan ang babae sa


 Kawikaan 31 ay tinutupad ang mga katangian ito? Sa Kawikaan 31:30, malinaw na nauunawaan ng babae na ang pagiging kaakit-akit ay maka- pandaraya at ang kagandahan ay kumukupas, at gayun nga, nauunawaan niya na kailangan niyang matakot sa Panginoon. Siya ay nagtitiwala sa Panginoon sa halip na maka-mundong katangian. Si Pedro at Pablo ay nagbigay ng magkatulad na payo sa Bagong Tipan kung saan natin dapat ilagay ang ating pagtitiwala at pananalig. Sa 1 Pedro 3: 3-4, ay isinasaad:

“ Kung gusto ninyong maging maganda, huwag sa panlabas lang tulad sa pag-aayos n’yo ng buhok na nilalagyan ng mamahaling alahas, at pagsusuot ng mamahaling damit. Sa halip,pagandahin ninyo ang inyong kalooban, ang mabuting pag-uugali na hindi magbabago. Maging mahinhin kayo at maging mabait. Ito ang mahalaga sạ paningin ng Diyos.”

At sinabi ni Pablo sa 1 Timoteo 2: 9-10:

“ Gusto ko rin na maging maayos at marangal ang mga babae sa pananamit nila, at iwasan ang labis na pag-aayos ng mga buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit. Sa halip, magpakita sila ng mabuting gawa na nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Diyos.”

Tayo ba ay higit na nababahala kung tayo ay nakapagsusuot ng makabagong kasuotan o higit na dapat makita ang ating mga puso? Gaano karaming oras ang ginugugol mo sa iyong panlabas na kaanyuan kung ihahambing sa panloob na katauhan?

Ang magkatulad na mga talata ay nagpapakita ng laki ng pag-asa ng babae, nguni’t naniniwala ako sa talata ng tungkol sa pagtawa sa pagdating ng panahon ay nagpapakita ng kanyang tunay na pag-asa,

( 31-25 ). Hindi lamang niya pinaghandaan ang sarili, nguni’t siya ay nama- mahinga sa ISA na kanyang kanlungan. Ano ang ating pag-asa? Sa kayamanan ba sa mundo kung saan ay may mga insekto at kalawang na sisira sa mga ito at may mga magnanakaw na kukuha nito? Mayroon ba tayong angkla na matatag at tiyak, nakatali sa ating Panginoon at Tagapagligtas?

Sa katapusan-ang mananatili sa lahat ng katangian- pag-ibig. Ang buong talata sa wakas ng Kawikaan 31 ay nagpapakita ng kahanga-hangang


 antas ng pag-ibig mula sa babae. Siya ay walang kapaguran na gumagawa para sa kanyang pamilya at para sa pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan. Ang walang halong pag-iimbot na pag-ibig ay hindi madali, nguni’t ang babaeng ito ay malinaw na ipinakita ang mga kilos at gawi upang ang kanyang kakayahan sa katangian ay lumago pa.

Ang mga Griego ay may salitang “arete”na ang kahulugan ay “napakagaling” (napakahusay) o “ang buong kamalayan ng maaaring mangyari.” Ang salitang ito ng Griego ay ginagamit sa 4 na magkakaibang talata sa Bagong Tipan, sa Pilipos 4:8 at 2 Pedro 1:3-5. Sinabi ni Pablo na “laging isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda at kanais-nais.” Sinabi naman ni Pedro, “ pagsikapan ninyong maidagdag sa pananampalataya ninyo ang kabutihang-asal.” Sa ibang salin,ang salita ay “katangian.” Kailangan, tayo ay sumapit sa buong kamalayan ng ating kakayahan-na siyang tama sa mga talata ng Kawikaan 31. Ang maka-Diyos na babae ay naabot ang buong kamalayan ng kanyang kakayahan. Kung ikaw ay nakapasok sa aking paliguan, ay makikita mo ang hanay ng ibat-ibang produkto upang ako’y maging tingnan nang maayos. Sạ pagsusulat ng araling ito, ay nagbigay sa akin ng paghanga kung ano ang tingin ko sa aking puso sa aking paglalakad. Makikita ko ba ang mga katangian doon, o masasamang hilig? Anong mga ugali ang naroon na naglalarawan sa aking panloob na katauhan? Idinadalangin ko na patuloy nating palaguin ang mga kaugalian at kasanayan na kailangan upang maabot ang buong kamalayan at paunlarin ang katangian na inihanay para sa atin sa Kawikaan 31.


Previous
Previous

Ang Babae sa Kawikaan 31–Ang Buhay ng Pag-ibig at Paglilingkod

Next
Next

Hindi Ba Dapat Alam Mo Kung Ano Ang Matuwid?