Hindi Ba Dapat Alam Mo Kung Ano Ang Matuwid?

Si Micah ay ang nakababatang kapanahon nina Amos at Hosea (sa Israel) at ni Isaiah (sa Judah) at siya ay mula sa bayan ng Moresheth-Gath sa Judah. Nakamamangha, ang bayan na ito ay malapit sa tanggulang bayan ng Lachish na sinakop ng kaharian ng Assyria. Siya ay nagpahayag ng mensahe ng Diyos noong 740-690 BC, at ang kanyang pangalan ay nangangahulugan ng “Sino ang Katulad ni Yahweh?”

Ang kanyang aklat ay nahahati sa tatlong pangunahing bahagi (Kabanata 1-2; 3-5; 6-7) na ang bawat isa ay nagsisimula sa babala ng paghuhukom sinusundan ng pangako ng kaligtasan. Ang unang bahagi ay tumutukoy sa paghuhukom sa Samaria at Jerusalem at sa kasamaan ng kanilang mga pinuno. Subalit, sa katapusan ng ikalawang kabanata, ibinigay ni Micah ang pangako na pagbabalik ng mga natirang mamamayan. Ang ikalawang bahagi ay inilalarawan ang kabiguan ng mga pinuno at ang darating na pagkawasak ng Jerusalem. Nguni’t sa mga kabanata 4-5, inilarawan ni Micah ang darating na kaharian, puno ng kapayapaan at katarungan, na pamamahalaan ng Tagapagligtas. Sa huling bahagi, si Micah ay nagbigay ng isang pagsulyap sa kakulangan ng maka-diyos na mga tao at ang kabiguan ng Judah na ipatupad ang katarungan. Nguni’t ang aklat ay nagwawakas sa pagpapakita sa atin ng matatag na pag-ibig at awa ng Diyos na may paglalarawan na ang mga kasalanan ay ihahagis sa kalaliman ng dagat.

Ito ay isang maikling kabuuan ng pagkakabahagi sa pagitan ng paghuhukom at mga pangako, nguni’t upang maunawaan ng lubos si Micah, magbigay tayo ng ilang sanligan sa kasaysayan. Muling nagkaroon ng kapangyarihan ang Assyria na nagbunga ng pananakop at pagbihag sa kaharian ng hilagang Israel. Ang Assyria ay sinalakay din ang Judah. Gayunman, ang isa sa mga hari na walang kinikilalang diyos, si Ahaz, na namumuno noon, ay nakipag-isa sa mga taga-Assyria upang hindi pakialaman ang kanyang mga tao. Ipinakilala rin niya ang pagsamba ng mga taga-Assyria sa templo (2 Hari 16:10-18) at inialay ang isang anak bilang paghahandog sa mga diyos ng Assyria (2 Hari 16:2-4). Ito ang nagbigay ng daan sa Assyria na iwanan ang Judah, nguni’t humingi sa Judah na magbayad ng matataas na buwis upang mamalagi ang kanilang “kalayaan”. Ang anak ni Ahaz na si Hezekiah ay napakaiba sa kanyang ama at nagpasya na ilagay ang kanyang pagtitiwala sa Diyos sa halip na sa tao at itapon ang mga pabigat ng mga taga-Assyria. Ang pagtanggi ni Hezekiah na sundin ang kasunduan at nagbigay sa mga taga-Assyria, sa pamumuno ni Sennacherib, na sakupin ang 46 na mga siyudad sa Judah at ang Jerusalem ay pinaligiran. Ang mga bagay na ito ay nakakatakot. Gayunman, si Hezekiah ay nagtiwala sa Diyos, at ang bunga ay ang kaligtasan ng Judah. Nguni’t ang tagumpay ay nag-iwan ng malaking pinsala sa mga siyudad ng Judah. Si Hezekiah ay nakinig kay Propeta Isaiah, at ang paalala ni Micah na inihula niya,at ito ang nagligtas sa siyudad. Gayunman, ito ay hindi nangangahulugan na ang lahat ay katulad ni Hezekiah o ang tagumpay na ito ay magtatagal. Ang totoo, kahit na sila ay nailigtas mula sa mga taga-Assyria, ang paghuhukom na babala ng mga propeta ay natupad sa pagbihag sa kanila ng mga taga- Babilonia.

Sa pagkakaalam ng kasaysayan, nakamamangha na marinig ang mensahe ni Micah at malaman ang pangwakas a bunga. Sinabi agad ni Micah ang nalalapit na pagkawasak sa Israel (na bibihagin ng mga taga-Assyria). Ibinahagi din niya kung anong uri ng tao ang kanyang binibigyan ng pahayag at inilalarawan na “nagpupuyat sa pagpaplano ng masama” sa 2:1. Ang mga tao ay malinaw na hindi interesado sa sinasabi ni Micah sa 2:6, sinabi nila na “huwag na ninyo kaming pangaralan,” at sinabi ni Micah na ang gusto nilang mangangaral ay iyong nangangaral ng walang kabuluhan, manlilinlang at sinungaling, at sinasabi na sasagana sa alak at iba pang inumin (2:11). Sa kabanata 3:1-2, sinabi ni Micah na ang mga tao ay dapat malaman kung ano ang makatarungan, sa halip sila ay namumuhi at gusto ang masama. Ang lunas sa ganitong kalagayan ay matatagpuan sa kabanata 4: 2, nang si Micah ay binigyan ng sigla ang mga tao na

“ Tayo na sa bundok ng Panginoon, sa templo ng Diyos ni Jacob. Tuturuan Niya tayo roon ng Kanyang mga pamamaran upang sundin natin.” Sa ika- limang kabanata ay isinama ang magandang wika ng isang makata na hula tungkol kay Jesus at kung paano Siya ang magiging pastol ng mga tao at kanilang kapayapaan. Sa Micah 6:8, ang isa sa mga kilalang talata mula sa Biblia, “Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapa- kumbabang sumunod sa Diyos.” Ang kabanata 7 ay nagtatapos sa pag- asa, nangangako na ang Diyos ay hindi mananatiling galit magpakailanman (7:18).

Makalipas ang 100 taon ng mga hula ni Micah, ang mga matatanda ng Judah ay muling ipinahayag kay Haring Hezekiah ang mga hula at kung paanong si Micah ay hindi ipinapatay ni Hezekiah, sa halip ay nanikluhod sa Diyos. Pinaghambing nila ang mga hula ni Micah sa mga hula ni Jeremiah upang patunayan na si Jeremiah ay hindi dapat patayin. Ang mga pahayag ni Micah ay may bunga sa buhay ni Haring Hezekiah, isang daang taon para kay Jeremiah, at pagkatapos ay sa Bagong Tipan nang ang kanyang hula sa Bethlehem ay natupad nang si Kristo ay isinilang sa Bethlehem. Anuman, tayo ay patuloy na natututo kay Micah. Ngayon, ano ang mga aral na matututunan natin kay Micah?

1. Nais ba nating marinig ang katotohanan mula sa Diyos, o piliin ang kasinungalingan?

2. Ang atin bang paghahangad ay naghahatid sa atin na “wasakin” ang bawat isa?

3. Tayo ba, tulad ni Micah, ay mapupuno ng lakas at tapang na magsalita ng katotohanan sa kultura na nagmamahal sa kasinungalingan?

4. Tayo ba ay sabik na pumaroon sa “bundok ng Diyos” upang malaman ang Kanyang mga pamamaran at lumakad sa Kanyang

landas?

5. Sumusunod ba tayo sa mga ipinagagawa ng Diyos na kumilos nang

makatarungan, mahalin ang katapatan at lumakad nang may pag

papakumbaba kasama ang Diyos?

6. Tayo ba ay naaaliw sa kaalaman na ang katangian ng Diyos na

matapat at tumutupad sa kanyang mga pangako?

Nawa’y isa-puso natin ang babala ni Micah, at magdiwang sa mga pahayag ni Micah na natupad sa ating Panginoon at Tagapagligtas, na si Jesu Cristo. Dahil sa ating Pastol mula sa Bethlehem, ang ating mga pagkukulang ay pinatawad at ang mga kasalanan ay itinapon sa kalaliman ng dagat (7:18-19).


Previous
Previous

Pamumuhay Nang May Katangian

Next
Next

Ang Kapangyarihan ng Wika at Pagsasalita