Ang Kapangyarihan ng Wika at Pagsasalita

By: Gundula Sohr, Werdan, Germany

Ang wika ay isang bagay na kahanga-hanga. Sa pamamagitan ng wika, tayong mga tao ay nagkakaroon ng ugnayan, at ang ating Lumikha ay gumagamit din ng wika upang makipag-ugnayan din sa atin. Ipinahahayag din Niya ang Kanyang kalooban sa atin sa pamamagitan ng wika.

Ang ating wika ay isang bagay na kakaiba na nilikha ng Diyos para sa atin. Ang mga hayop ay mayroon ding sariling pakikipag-ugnayan, at mayroon ding pag-aaral tungkol sa ugnayan sa pagitan ng mga puno sa kagubatan at maging sa pagitan ng mga halaman.

Gayunman, tayo lamang ang mga nilalang na makagagawa ng buong kamalayan sa ating pagpapasya tungkol sa ating sinasabi, na nanganga- hulugan na hindi ito nangyayari dahil sa katutubo at hindi laganap na kailangan para mabuhay.

Ang ating mga salita ay makagagawa ng kabutihan at kasamaan. Sa pamamagitan ng salita, ay maipapahayag natin ang pagmamahal, ang kagalakan, makapagbibigay ng tulong, kaaliwan at pag-asa. Sa isang bahagi, tulad ni Satanas, sa pamamagitan ng salita, tayo ay makapag- sisinungaling, tanungin ang katotohanan, ipahayag ang pag-ayaw at poot, ipakita ang galit at karahasan.

Sa pamamagitan ng salita, pinupuri natin ang Diyos at ipinahahayag natin ang Diyos at hilingin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng ating salita, ay mapapasalamatan natin ang Diyos sa Kanyang kapatawaran at sa ating kaligtasan.

Sa lahat ng bagay, ang Diyos at si Jesus ay nagkaloob ng paraan na makipag-ugnayan sa atin at para sa atin; mayroong plano kung paano at ano ang gagamitin. Tunay nga, ang gamit ng “lahat ng nilikha ng Diyos... ay nilinis ng salita ng Diyos (at ng panalangin)” (1Timoteo4:4-5). Gayun nga, ang Biblia ay naglalaman ng mga mungkahing di tuwiran at mga babala sa paggamit ng ating wika. Anong laking kasiyahan na malaman kung paano ang Diyos ay nais na isama ang wika sa ating buhay at gamitin ito sa ating pananampalataya. Nais din Niya na akayin tayo na

kilalanin at maging karapat-dapat na huwag gamitin ang ating pagsasalita at makayanan na huwag magsalita.

Sa mga talata sa Biblia, ang Diyos ay ipinahayag ang Kanyang sarili nang hayagan at may karahasan. Sa Kawikaan 13:3, ang Diyos ay nagtagubilin at nagbabala , “Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Nguni’t ang taong madaldal dulot sa sarili ay kapahamakan.” Maliwanag, na marami sa atin ay mauunawaan na ang buhay na dapat pangalagaan ay ang ating pisikal na buhay. Katulad din, na ating ipinapalagay na ang pananakot na nabanggit ay tumutukoy sa pagkasira ng ating katawan at pagkatao. Ito ay tiyak na may pinagbabatayan. Gayunman, hindi natin kailangang isipin ang kalagayan ng pagpapahayag ng isang tao ay magdudulot ng karahasan at kawalan ng pagpipigil sa kanyang sarili sa kanyang kapwa na ang pagpatay ay magaganap. Kahit ang salita na inisip at sinabi nang mahinahon, isang halimbawa, sa isang manggagamot na naghahanap ng pagpayag o hindi pagpayag sa isang panukalang panggagamot, ay maaaring magkaroon ng buhay na maayos o magkaroon ng hindi magandang bunga na hahantong sa kapahamakan o kamatayan. Si Ananias at Sapphira ay pinarusahan ng kamatayan batay sa ilang pangungusap na hindi totoo (Gawa 5:1-10).

Gayunman, tulad sa ating pagkatao, ang mga salita na mula sa bukas na bibig ay maaaring makapinsala at ang tikom na bibig ay nagbibigay ng lakas. Tulad nito, hindi ko pinakakahulugan ang kalagayan kung saan tayo ay hinahampas, sinasaktan o tinatanong sa ating buong katauhan sa pamamagitan ng salita ng ibang tao. Sa aking sarili, ito ay mahirap na dalhin na ang aking salita ay nakasakit at nadurog ang isang tao. Ang parehong karanasan, sa kasamaang-palad ay mamamalagi sa aking isipan sa mahabang panahon. Ang parehong karanasan ay may pisikal na bunga gaya ng panghihina, hindi matiwasay, kawalan ng lakas. Gayunman, ang pinakamasamang karanasan ay ako ang naging dahilan ng sakit at paghihirap ng isang tao sapagkat ito ay paglabag sa Diyos. Hindi lamang ako ay may kasalanan sapagkat nasaktan ko ang isang tao,nguni’t dapat ay alam ko at magawa ang nararapat na mabuti; ako ay nagkasala laban sa Diyos kahit na tinanggap ko ang payo at tulong na kailangan ko na “pigilan ang aking dila” (Santiago 3:8).

Kailangan kong tanggapin ang Kanyang payo at hayaan na ang kapangyarihan ng Kanyang Espiritu ang gumawa sa akin. Ang payo ng tao ay walang bisa sa akin. Hindi ko kailanman na “magbilang hanggang

sampu” o “lumabas at magpahangin” upang hindi ko “marumihan” ang isang tao, at ang aking sarili sa mabilis at masamang pagpuna (Santiago 3:6).

Sa Kawikaan sa Lumang Tipan, ang Diyos ay nagkaloob ng maraming kaalaman tungkol sa bunga ng ating pananalita. Ang ating Lumikha ay binigyan tayo ng mga babala na hindi dapat na maging hangal at gumagawa ng kapahamakan; nguni’t hinihikayat tayo na maging mabuti at magtaguyod ng kapayapaan.

Gayunman, sa Bagong Tipan, ang Diyos ay ipinakita sa atin kung paano ipakita sa Kanya sa pamamagitan ng ating pangungusap at sa pamamagitan ng hindi nangungusap na tayo ay “nilalang sa Kanyang anyo” (Santiago 3:18). Sa pagtingin sa kapangyarihan ng pananalita sa paningin ng Diyos at buong paggalang na hinahawakan ito ayon sa Kanyang tagubilin, ay mayroon akong pagkakataon na isagawa ang Kanyang plano para sa akin. At ako ay nagkaroon ng pagkakataon na lumago bilang Kristiano. Kung susundin ko ang payo ni Pablo, “Kaya mamuhay kayo ayon sa nais ng Banal na Espiritu”, hindi lamang mapag lalabanan ang pagnanasa ng katawan (Galatian 5:16), nguni’t nangako ang Diyos na ako’y magbubunga; pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan at kahinahunan at pagpipigil sa sarili. Ang bawat bahagi ng bunga ay maipapahayag sa pamamagitan ng mga salita o kikilos upang hindi magbitiw ng salita.

Ang Diyos ang nakakaalam ng mabuti. Mapapayuhan ko lamang ang aking sarili at kapwa kapatid na “Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki- pakinabang sa makakarinig” (Efeso 4:29). O, sa tulong ng Banal na Espiritu, huwag magsalita. Ang karanasan na pamahalaan ang maging tahimik ay malimit na nagbibigay ng kasiyahan at kaginhawahan sa akin. Kahit na nararamdaman ko na tạpusin ang mga katunayan na may pagsasalita, o ipakita ang isang bagay na mainam, na gayunman,ay hindi kailangan o makakasakit, na aking napamahalaan, sa Kanyang tulong, na pigilin ang pagsasagawa. Ako ay namangha,na ang bunga ng aking katahimikan, ang ibang tao ay nagsalita nang may kabuluhan o may pagmamahal na maaaring na hadlangan ng aking salita. O, ang kapayapaan ay darating. Ang nakamamanghang karanasan sa kapangyarihan ng pananalita ay isang bagay na nais ko para sa aking sarili at sa mga kapatid na babae na gawin nang paulit-ulit.


Previous
Previous

Hindi Ba Dapat Alam Mo Kung Ano Ang Matuwid?

Next
Next

Panganib ng Sunog Ngayon : Mataas