Tayo Ba ay Mabuting Tagapakinig ?

Natatandaan ko ang sermon na ipinangaral ng aking ama kung saan ay sinabi niya ang pakikiharap sa isang kabataang babae na kumuha ng order niya sa isang fast food na kainan. Matapos ang isang kaaya-ayang pagbati, ay nag-order siya ng “isang sausage biscuit.” Inulit ng babae ang order niya- “isang sausage at egg biscuit.” Sabi niya, “hindi, isang sausage biscuit lang.” Siya ay ngumiti at tumango at sinabi, “ah ok, - isang sausage, cheese biscuit.” Siya’y napatawa sa kanyang sarili, naramdaman na tila siya ay nasa kanilang tahanan at nakikipag-usap sa isa sa kanyang mga anak na kabataan- nguni’t nagpasya na ulitin pa ang kanyang order, “Hindi, isa lang sausage biscuit,” malinaw niyang sinabi, na tinugon ng babae, “ Ah, ok, nakuha ko na.”

Ang paala-ala ni Solomon sa Kawikaan 1:8-9, ay ang payo na ibinigay sa isang bata na makinig sa tagubilin ng kanyang magulang :

“Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama,

At huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina; Sapagkat sila’y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, At mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.”

Ang pakikinig ay mahirap, ang pakikinig nang mabuti ay lalong mahirap. Ang mabuting pakikinig ay nangangailangan ng ugnayan ang ating isipan at makisali sa pag-uusap nang walang sasabihing salita, hindi binabago ang mga salita ng nagsasalita, at hindi nag-aakala na nauunawaan na natin ang sinasabi. Maraming ulit na tayo ay nabibigo bilang mabuting tagapakinig. Gayunman, tayo ay hiniling na maging mabuting tagapakinig upang maging mabuting anak ng Diyos.

Tayo ay lubos na nakikilala ang mga panganib na inilalarawan sa Kasulatan, ang mga tainga na hindi nakakarinig,at mga mata na hindi nakakakita, ang walang kakayahan o hindi sumasang-ayon na ayaw ang katotohanan at gawin ang tagubilin. Ang pagwawalang-bahala at kapabayaan na ginagawa kung ang Diyos ay nangungusap, kung ang tagubilin ay ibinibigay, kung saan ang karunungan at batas ay pinagbibigay-alam sa mga lalaki at babae ay palasak. Ang pakikinig ay


 nagiging pagsasanay sa pandinig kung ano ang nais nating marinig at isa ayos ang utos sa paraang mabuti sa atin. Marahil ang kabataang babae na kumuha ng order ng aking ama ay inisip na ang “sausage biscuit” ay nakababagot o hindi masarap kung walang keso o itlog. Marahil siya ay abala o nawala ang pansin sa sinasabi ng kustomer sapagkat ang kanyang pag-iisip ay nasa detalye ng gawain. Marahil siya ay nakikinig habang nag- iisip ng higit na mahalagang bagay- ang kasintahan, isang pagsusulit o ang sirang sasakyan. O marahil siya ay nakinig pero nakalimutan agad dahil hindi mahalaga para sa kanya na matandaan.

Ang tatalakayin ngayon buwan ay naka sentro sa mga anak na nakikinig kanilang ama at ina, at tiyak ko na ito’y mahalaga na bigyan ng diin. Gayunman, ang espirituwal na karunungan sa pagtalakay na ito ay karuktong ng paksa noong nakaraang buwan. Tayo ay dapat na makinig, nang mabuting pakikinig, sa mga tagubilin na ibinigay ng ating Ama, angkinin natin, isuot at isa-puso. Ang Kabanata 3 ay pagpapatuloy ng kaisipan na ito, ang mga talata 1-6, ay nagpapaalala sa atin ng mga pagpapala kung tayo ay nakikinig at huwag kalimutan ang sinabi:

“Anak ko,huwag mong kalimutan ang Aking kautusan; Kundi ingatan ng iyong puso ang Aking mga utos; Sapagkat karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.

Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan:

Itali mo sa palibot ng iyong leeg;

Ikintal mo sa iyong puso:

Sa gayo’y makasusumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, Sa paningin ng Diyos at ng tao.

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, At huwag kang manalig sa sariling kaunawaan: Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, At Kanyang ituturo ang iyong mga landas.”

Nang ang aking anak na lalaki ay kabataan pa, ay hinahawakan ko ang kanyang mukha at tinatakpan ang paligid ng kanyang mata upang ibuhos ang pag-iisip sa sasabihin ko, walang pinagkakaabalahan, walang nakama-manghang bagay o walang libangan na makaaagaw ng pansin. Ito ay hindi palaisipan sa atin- nauunawaan natin kung gaano kahirap ang makinig. Kahit tayong may mga idad na, ay ginugugol natin ang araw na kalahati ang pansin sa mga bagay na sinasabi, nawawaglit ang mas


 mahalagang bahagi ng isang kuwento, nilalaktawan ang isang bahagi ng tagubilin dahil sa pagka-inip, pagwawalang-bahala, o kapabayaan. Tayo ay naging ma ginhawa “buksan na aklat” na pagsusulit dahil lahat ng sinabi ng guro ay pumasok sa isang tainga at lumabas sa kabilang tainga.

Ang bahaging ito ng kawikaan ay bahagi ng mga babala at paalala na makinig sa karunungan ng ating Ama, hanapin ang pagkaunawa at ipag patuloy ang kaalaman na nagmumula sa itaas. Nguni’t kung tayo ay magsisimula bilang mahinang tagapakinig, ito ay makakalimutan o ang ilang bahagi nito. Kailangan nating makinig upang hindi makalimutan o mapabayaan, makinig na mabuti upang isa puso ang batas sa buong buhay, isuot ang mga tagubilin at pagkaunawa na ating natutunan upang hindi tayo mapahamak. Ang pakikinig ay dapat pag-aralan at isagawa, at sa pakikinig nang mabuti,ay ating pinalalamutian ang ating mga puso at isipan ng masiglang salita ng Diyos, nakasuot sa ating leeg, sa ating ulo, at sa ating puso. Tayo ay nakikinig upang ang mga tagubilin at karunungan ay makapasok sa ating tainga at hindi lumabas sa kabila. Ang karunungan ay tumitigil at naninirahan sa atin, sa ating mga mata, nasa ating mga puso at nasa ating isipan.

Ang aking ama ay umalis na sa fast food na iyon at bumalik na sa kanyang tanggapan sa inaasahang pagkain na “sausage biscuit.” Siya ay nabigo, ang nakita niya sa supot ay isang “ham biscuit.” Marahil, ang pag- order ng ika-apat na ulit ay maaari na, nguni’t hindi iyon ang kinalabasan. Ang nakikinig ay hindi laan na makinig, siya ay may tainga, nguni’t hindi nakakarinig, siya ay may ibang iniisip at hindi interesado.

“Binabasa” natin ang ating Biblia at umalis na hindi alam kung ano ang binasa. Tayo ay “nakikinig” sa sermon, nguni’t hindi alam kung ano ang aral, at hindi masabi ang pinakabuod na bahagi. Tayo ay “nakipag- tatalakayan” sa usapang espirituwal nguni’t hindi naririnig ang mga paalala at karunungan ng iba sapagkat tayo ay bumubuo ng mga salita habang sila’y nagsasalita. Tayo ay lubhang abala sa ating buhay upang magnilay sa salita ng Diyos na sana ay tumimo sa ating sarili.

Panginoon, tulungan Mo po kaming makinig, na maging panatag at makinig, huwag maging abala at maging matiyaga, at maging tiyak sa pakikinig. At sa pakikinig ng Salita, tulungan Mo po kami na isulat ito sa aming mga puso,itali sa aming mga leeg, at palamutian ang aming mga ulo upang ang aming mga araw ay pagpalain.


Previous
Previous

Anong Payo at Tagubilin ang Pinapakinggan Natin?

Next
Next

Ang Karunungan ay Tumatawag