Ang Karunungan ay Tumatawag
By : Karen Padgett, Moody, AL
Nang ang aking panganay na anak na lalaki na halos ay dalawang taong gulang na, ay malinaw kong natatandaan na hawak ko ang kanyang kamay habang kami ay naglalakad sa tulay na bumabagtas sa malaking lansangan mula sa dagat. Ako ay may dalang mga tuwalya at laruan, ang aking asawa ay nasa likuran ko, at bitbit din ang mga silya at ibang laruan. Nang kami’y malapit na sa lalakaran, ang aking anak ay nagpumiglas a tumakbo palayo sa amin, na walang malay sa sementadong hagdan sa kabilang gilid. Tinawag namin ang kanyang pangalan at sumigaw kami ng “Tigil.” Tumigil siya pansamantala, tumingin at ngumiti sa amin, at nagpatuloy sa pagtakbo at nahulog sa hagdan una ang ulo. Salamat, at siya ay nagtamo lamang ng maliit na pinsala, na hindi na niya natatandaan. Gayunman, ako ay nagkaroon ng pilat sa aking isipan kung paano ang Diyos ay minamasdaan ang Kanyang mga anak. Gaano kadalas, na tayo bilang anak ay iniisip na tayo ay matalino, may kakayahan, walang kaalaman, may katuwaan, na tumatakbo nang una ang ulo sa panganib at kamatayan? At ang Diyos ay tinatawag tayo nang madalian pabalik sa mas ligtas at mabuting landas na maghahatid sa buhay.
Ang kuro-kuro na ito ay may katalinuhan na isinulat sa aklat ng Kawikaan. Sa unang kabanata,tayo ay ipinakilala sa isang matapang at dakilang babae. Ang babaeng ito ay kakaiba sa maraming tauhan sa kasulatan sapagkat siya ang kabuuan ng isa sa mga katangian ng Diyos; Siya ang pagsasalarawan ng karunungan ng Diyos. Ang paglalakad sa kanyang daan ay tulad ng paglalakad na kasama ang Diyos. Tulad ng sa Diyos, ang kanyang paraan ay nagdadala sa buhay. Kailangan nating siyang makilala at sundin ang kanyang pagtawag.
Ang mangangaral (Lady Wisdom) ay humihiyaw sa gitna ng ingay ng mga lansangan (1:20). Siya ay nakatayo sa mga mataas na lugar at sa mga pintuan ng siyudad (8:3). Inuutusan din niya ang kanyang mga katulong na babae na ihatid ang kanyang mensahe (9:3). Ang karunungan ay hindi nakatago at lalong hindi tahimik. Ang kanyang tawag ay payak, malinaw at nagpapatuloy. Siya ay nagmamakaawa sa mga mangmang ng mundo- sa mga hangal, sa mga walang alam, sa mga nanunuya, sa mga matitigas ang ulo, at sa mga nasisiyahan sa kanilang sarili- na makinig (1:22,32).
Siya ay nagkakaloob ng makabuluhang pagsuway at payo. Sa Kawikaan 8:35, ipinangako niya, “Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin ay magkakaroon ng maganda at mahabang buhay, at pagpapalain siya ng Panginoon.”
Ang karunungan ay handa na patunayan ang kanyang sarili sa mga nag-aalinlangan. Ipinahahayag niya na ang kanyang mga salita ay tototo. Kinamumuhian niya ang mga baluktot na salita ng mga masasama, at magsasalita lamang ng tuwid na mga salita ng katuwiran (8:7-9, 13). Napakarami sa mundo ang nagtitinda ng mga bagay na makapagliligtas ng buhay, nguni’t magtitiwala ka lamang sa karunungan. Siya ay higit na mahalaga kaysa sa mga nakikita mo sa mundo. Siya ay mas higit na mahalaga kaysa pilak at ginto (8:10-12).
Ang mga paraan ng karunungan ay mayroong praktikal na halaga. Ang kanyang mga paraan ay nagkakaloob ng kapayapaan, yaman, dangal at katarungan. Sa pamamagitan niya, ang mga hari ay nakapamamahala at nakagagawa ng makatuwirang batas (8:15-21). Maiisip natin ang larawan ng kaharian ni Solomon, na siyang may-akda, na siya ay nakinig sa karunungan. Anong inam ng kanyang kaharian !
Ang karunungan ay ipinaliwanag na siya’y naroon na sa simula pa lang ng panahon isang pangangailangan na bahagi ng paglikha. “ Noong una pa, nilikha na ako ng Panginoon bago Niya likhain ang lahat...Nilikha na Niya ako noong una pa man...Natutuwa ako sa mundong nilikha Niya at sa mga taong inilagay Niya dito” (Kawikaan 8:22-23). Sa pamamagitan ng karunungan, ang Diyos ay lumikha at iniabot sa kanyang mga nilalang. Ang Diyos sa Kanyang pag-ibig at awa, ay inaanyayahan tayo na makibahagi sa Kanyang sina-unang karunungan, na maghahatid sa atin sa Kanya at makipag-isa sa Kanya. Sino ang tatanggi sa ganitong karunungan? Tunay nga, ang karunungan ay pinatutunayan ang kanyang sarili. Nguni’t tulad ni Eba sa halamanan, simula sa paglikha,kinukuha natin ang matalinong pagtutuwid ng Panginoon at ginugugol natin sa “masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata at ang anumang pagyayabang sa buhay” (1 Juan 2:16).
Pumasok ang isang babae, si “Madame Folly.” Siya ang ikalawang walang katuwiran na tauhan ng karunungan na kinakatawan ang karunungan ng mundo. Sa kabanata 9, nakita natin ang dalawang karunungan na naghahanda ng magkasalungat na kapistahan. Ang
Karunungan ay muling tumatawag sa mga mangmang at inaanyayahan sila na makisalo sa Kanya. Siya ay naghanda ng mainam na pagkain at inumin at nangako, “ sa pamamagitan ng karunungan, hahaba ang iyong buhay (9:11). Ito ay isang dakilang kapistahan na may kaloob na mga pagpapala.
Si Madame Folly ay nakaupo sa kanyang pintuan tulad ng isang babaeng bayaran na tinatawag ang mga matuwid, inaakit na saluhan siya sa “masarap na tubig na ninakaw at mas masarap na pagkain na kinakain ng lihim.” Siya ay nakikiusap sa hilig ng laman. Ang matuwid ay sasama sa kanya, masisiyahan sa dala ng kasalanan,nguni’t nag-aakala na sila’y matuwid. Sila ay nagpapakalayaw sa kanilang paghahangad na maaaring “ito’y minsan lamang.” Hindi nila nalalaman na sa pagpasok nila sa bahay ng babae ay hindi na sila makalalabas. Sa loob ang lahat ng naroon ay mga patay na! Ito’y isang nakatatakot na eksena sa pelikula.
Ang karunungan ng mundo ay nakahanay sa katutubong hilig at hindi isinaalang-alang ang Diyos. Ito ay naghahanap ng katugunan sa loob at hindi kailanman sa labas. Ito ay maliit na gawain, ang nais lamang. Ito ay naghahanap na magbigay ng pag-asa, nguni’t hindi para magwasto. Ito ay buong sigla na nagsasabi “Mahalin mo ang iyong sarili.” “Sundin mo ang iyong puso.” “Mabuhay ka ayon sa katotohanan mo.” Nguni’t sa ikatlong kabanata ng Santiago, “Kung pagkamainggitin at pagkamakasarili ang umiiral sa inyong puso, huwag ninyong ipagyabang na may karunungan kayo, dahil pinasisinungalingan ninyo ang katotohanan. Ang ganitong karunungan ay hindi nagmumula sa Diyos, kundi sa mundo. Mula ito sa diablo at hindi sa Banal na Espiritu. Sapagkat kung saan a umiiral ang pag kainggit at pagkamakasarili, naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng kasamaan (Santiago 3:14-16).
Tiyak na makikita mo ang ganitong bunga sa pagkamakasarili at pagsamba na kultura. Ang ating bansa ay nakaharap sa napakataas na antas ng krimen at pagpapatiwakal. Ang mga tao ay nakakahanap ng bagong paraan ng poot at karahasan sa bawat pagbabalita. Nguni’t higit sa pisikal na kamatayan, ang pagtanggi sa karunungan ng Diyos ay nagdudulot ng espirituwal na kamatayan at paghihiwalay sa Diyos. Ito ay may pinsalang habang buhay na bunga. Isang babala, kapatid, “ Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa Inyo’y nag-aakala na siya’y marunong ayon sa karunungan ng mundo, kinakailangan na tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya sa paningin ng Diyos. Sapagkat ang karunungan ng mundo ay kamangmangan lamang sa paningin ng Diyos...”(1 Corinto 3:18-19).
Kailangan nating bigyan ng pansin ang tawag ng mabuting karunungan, ang tawag na mangunguna sa atin sa maka-Diyos na pamumuhay dito sa daigdig at maluwalhating buhay sa kabila pa roon. Ito ay nangangailangan ng gawain. Tunay, ang karunungan ay nagmamakaawa na pakinggan natin ang kanyang pagsaway at pagtutuwid. Tayo ay makakaharap sa hindi maginhawang katotohanan at gumawa ng mahirap at hindi tanyag na pagbabago. Maaaring gumawa rin tayo ng mga bagay na hindi likas. Sinabi ni Jesus na “huwag mahalin ang sarili,” nguni’t “itanggi ang sarili,” “huwag sundin ang puso,” nguni’t “dalhin ang kanyang krus at sundan Ako,” “hindi mamuhay sa sariling katotohanan,” kundi malaman na “Siya ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay.” Inaanyayahan tayo ni Jesus na magtiwala sa karunungan ng Diyos at iwasan ang sariling maling kaisipan.
Maaaring ito ay nakakatakot. Paano natin tunay na malalaman kung tayo ay naglalakad sa katotohanan? Ito ay ating masusubok. Bumalik tayo sa Santiago 3, “ Sino sa inyo ang marunong at nakauunawa? Ipakita ninyo na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba...Nguni’t ang taong may karunungan mula sa Diyos, una sa lahat ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabautihan,walang pinapaboran at hindi nagkukunwari.” Alam natin na ang ulan ay pumapatak sa mabuti at masama ( Mateo 5:45). Ang karunungan ay hindi tinitiyak na tayo ay binabantayan sa bawat kasamaang palad. Nguni’t kung ang maka-Diyos na karunungan ay kasama sa ating buhay, makikita natin ang bunga ng ating mga kilos, at kung magkagayon ay magtatamo tayo ng maka-Diyos na kapayapaan sa ating buhay. At ito’y simula lamang ! Ang panghabang buhay na biyaya ay mas mahalaga.
Ang karunungan ay hindi para iwasan ang masama sa pamamagitan ng ating pinakamabuting ugali, nguni’t ito’y paghahangad ng mga bagay na hinahangad ng Diyos. At ang ating Diyos, ang “Diyos ng mga Buhay”
( Mateo 22:32 )ay naghahangad na ibahagi ang Kanyang nagbibigay buhay na kalikasan sa atin. Hinahangad Niya na tayo ay lumakad sa Kanyang karunungan at tugunin ang Kanyang payak, malinaw at paulit-ulit na tawag. Ito ang maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan.