Anong Payo at Tagubilin ang Pinapakinggan Natin?
By: Lori Voyzey and Sheila White
Kawikaan 1:8, “Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag- ugali ng iyong mga magulang.”
Tayo ay inutusan na makinig (sundin, bigyan ng pansin, isa-puso) sa mga tagubilin ng ating mga ama. Ang maka- Diyos na pagsasanay kung tatanggapin, ay magdudulot ng malaking halaga at biyaya.
Ang katotohanan ng ating pamilya sa lupa kung minsan ay binabaluktot ang ating kakayahan na unawain kung ano ang wastong pakikinig at pagsunod. Una, ay kailangan nating makinig sa ating magulang, habang tayo’y sumusunod sa ating Ama sa langit.
Ang mga ama at ina sa lupa ang pinakaunang kinatawan sa mga anak sa simulain ng kapangyarihan. Sila ang may pagkakataon sa unang salita, at sila ang gumagawa ng pinakamaaga at pinakamalalim na impresyon. Sa maraming pangyayari, ang ating ama at ina ang pinakamatapat sa mga guro, dahil wala silang tukso na hindi maging tapat sa kanilang mga anak. Ang kanilang pangunahing pakay ay para sa kabutihan ng kanilang anak.
Tayo, bilang magulang, ay dapat na turuan ang ating mga anak sa tagubilin at disiplina ng ating Panginoon bago sila mamuhay sa mundo. Ang Panginoon ay nagkakaloob sa mga magulang ng mga salita ng karunungan at karanasan upang sanayin tayo at tulungan na lumago, na atin namang ibabahagi sa ating mga anak. Ito ay nagbibigay sa kanila ng pinakamabuting pagkakataon na magtagumpay sa pisikal at espirituwal na buhay.
Kahit na ang iba ay hindi lumaki sa salita ng Diyos; walang maka-Diyos na mga magulang, ay inatasan na igalang ang ama at ina. Sila ay nabuhay nang higit na mahaba kaysa kanilang mga anak, ginawa nila ang pinaka mabuting magagawa, at alam natin na nais ng Diyos ang pagbabalik ng lahat ng ugnayan.
Exodus 20:12, “Igalang ninyo ang inyong ama at ina para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay Ko sa inyo.”
Tulad ng pagbibigay ng karangalan sa Lumikha sa atin, gayundin ibigay din natin ang karangalan sa hinirang ng Diyos upang isagawa ang Kanyang plano sa paglikha sa atin- ang ating ama at ina. Si Jesus ay iginalang at sinunod ang Kanyang mga magulang. Ang pamilya ay mahalaga sa Diyos. Tayo ang Kanyang pamilya. Kung iginagalang natin ang ating pamilya, ito ay tuwirang pag-iisip ng Kanyang pagmamahal sa atin. Ang ating pamilya sa lupa ay malimit na hindi maayos at hindi nag kakasundo, nguni’t mahal pa rin Niya tayo.
Ang aklat ng Kawikaan ay ang paanyaya ng Diyos na aralin ang karunungan mula sa nakaraang henerasyon. Tayo ay nakatitiyak na ipagkakaloob ni Jesus ang lahat ng pagsasanay na ating kailangan upang magtagumpay sa paglalakbay natin sa buhay kung hahanapin natin ang Kanyang kalooban at landas. At kung ang ating ama at ina sa lupa ay nag- kulang, tayo ay may magkatulad na karapatan tulad ni Solomon na humiling sa Diyos ng karunungan, sa pagkaka-alam na ibibigay ito.
Hanapin natin ang tamang tagubilin na galing sa Diyos at maka-Diyos na mga magulang upang maiwasan ang masamang bunga ng buhay na walang Diyos. Kung kalooban ng Diyos, sa bawat araw ay binibigyan tayo ng landas na dapat sundin :
Maka-Diyos/ tagubilin ng Magulang: Makinig sa tagubilin at matakot sa Diyos- magpakumbaba at mamuhay nang may kabutihan, mapagbigay at may katapatan na maghahatid sa tagumpay at kapayapaan.
Tagubilin ng mundo: Ang kahibangan at kasamaan ay nagbubunga ng pagka-makasarili at kayabangan na maghahatid sa pagkawasak at kahihiyan.
Sino ang ating pinakinggan? Ang Diyos ba o ang mundo? Ang kasulatan ay inaatasan tayo na makinig sa mga tagubilin ng ating ama at huwag kalimutan ang turo ng ina.
Colossians 3:20, “ Mga anak, sundin n’yo ang mga magulang ninyo sa lahat ng bagay, dahil kalugod-lugod ito sa Panginoon .”
Ang mga utos ng Diyos ay bantay at taga-pangalaga na isasalin sa mga anak mula sa mga magulang. Sila ay nabubuhay dahil sa pagmamahal,
tumutulong sa atin upang mabuhay tayo nang maayos. Kung ang pamilya sa lupa ay nabigo sa pagtutuwid ayon sa karunungan ng Diyos, dapat ay humawak tayo sa pinagmumulan ng ganitong tagubilin.
Ang buhay na ayon sa kalooban ng Diyos at tagubilin ay hindi nangyayari nang ganoon na lang; ito ay dapat hanapin, pag-aralan, ipagpatuloy at disiplinahin ang sarili. Ang ganitong buhay ay nakalaan sa naghahanap nito. Ang alam natin ay ayaw nating marinig ang pinakamalaking bunga ng ating kasalanan na ipinahayag ng ating Panginoon: “ Nguni’t sasabihin Ko sa kanila, Hindi Ko kayo kilala ! Lumayo kayo sa Akin, kayong gumagawa ng masama !” (Mateo 7:23).
Tayong dalawa ay nabuhay dito sa mundo nang halos buong buhay natin. Nguni’t salamat sa Diyos, mayroong nagturo sa atin ng salita ng Diyos. Matapos mag-aral at matuto, sumunod tayo sa Mabuting Balita at naging anak ng Diyos. Tayo ang unang henerasyon na Kristiyano, at araw-araw ay nagpasya tayo na ibahagi si Jesus sa ating pamilya, mga kaibigan at kung sino ang tutulungan upang isama sa Kanyang kaharian !
Kailangan nating gumising at piliin na mabuhay araw-araw para sa Diyos. Kailangan nating piliin na maging magtagumpay sa paningin ng Diyos sa halip na sa lipunan. Ang Diyos ay nananabik sa atin na tumawag sa Kanya na pinagmumulan ng buhay, karunungan, patnubay at katotohanan. Nasa Kanya ang tamang pagtutuwid. Kung kilala mo ang Panginoon, babaguhin Niya ang iyong buhay sapagkat Siya ay Makapangyarihan ! Ipagkatiwala mo ang iyong paglalalakbay. Ipahinga ang iyong kaluluwa. Ang Diyos ay sumasaiyo sa lahat ng oras.