Ang Kaguluhan sa Pakikinig

Kung ikaw ay gumugol ng isang araw kasama ang mga bata na kahit ano ang idad, ang hula ko ay pinaalalahanan mo sila na makinig. Kamakailan, ay kasama ko ang aking 2 taong pamangkin na babae na may malaking pagtitiwala sa sarili, at ang katagang “I do it” ay isa sa kanyang mga paborito. Bilang isang guro, ako ay may pakikipag-usap sa mga mag-aaral araw-araw, at masasabi ko na sa bawat araw ng nakalipas na 31 taon, ako ay tinanong at akin namang nabigyan ng katugunan...nguni’t siya ay hindi nakikinig.

Maraming dahilan kung bakit hindi tayo nakikinig. Ito ay hindi katigasan ng ulo na hindi makinig sa isang bagay. Ang pakikinig ay isang kasanayan na ang kabuuan ay hindi makasarili. Kung tayo ay tumitigil upang makinig... tunay na makinig, isina-isantabi natin ang ating sarili upang hindi lamang makinig kundi unawain kung ano ang kanilang sinasabi.

Sapagkat tayo ay likas na makasarili, tayo ay hindi likas na tagapakinig. Kailangan nating mag-aral na makinig, na nagsisimula sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansin kung ano ang sinasabi ng tao.

Hindi mawala sa isip ko ang talinghaga ng maghahasik kung iniisip ko kung paano tayo makinig. Sa talinghaga, si Jesus ay nag wika na may 4 na uri ng tagapakinig ng salita. Tunay, sa Kanyang mga tagapakinig ng araw na iyon, ang 4 na uri ng tagapakinig ay naroon. Napapakinggan...tiyak. Nakikinig... marahil.

Ang unang tagapakinig ay ang mga taong tumatanggi na marinig ang ayaw nilang pakinggan. Ang totoo, kung sila ay binigyan ng mabuting binhi, ang salita ng Diyos, sila ay hindi interesado. Ang iba ay nagiging marahas laban sa katotohanan at hinahamak ito, nguni’t ito ay ilan lamang ... noon at ngayon. Kaunti lamang ang taong nakaharap ko na naging marahas sa pagsalungat sa salita ng Diyos. Ang marami ay ipinalalagay na ito’y walang kaugnayan. Wala ng pagpapahalaga sa katotohanan. Maraming mga tao ang tamad na isipin ang katotohanan nang mahabang panahon. Wala silang tangka na magkaroon ng pagsasagawa sa kanilang buhay.


 Ilang ulit ka ba na nagtangka na kausapin ang isang tao tungkol sa Diyos at sasabihin na lang sa iyo na, “ mabuti,hindi ko lang alam kung maniniwala ako o hindi”? At iyan ang katapusan ng pag-uusap. Iyan ang sagisag ng “Ayaw kong marinig ang tungkol sa Diyos o katotohanan o anumang makakagulo na mag-uutos na baguhin ang paraan ng buhay na nais ko.” Hindi sila nakikinig na pakinggan ang katotohanan. Ang totoo, hindi sila nakikinig sapagkat maaari nilang marinig ang katotohanan !

Ang kaguluhan sa pakikinig sa katotohanan ng Diyos ay nangangailangan ito ng tugon. Kung napakinggan natin, at nalaman natin na ito’y katotohanan, kailangan nating gumawa ng pagpapasya. Ang salita ng Diyos ay higit na matalas sa alinmang espadang magkabila ang talim, tumatagos hanggang kaluluwa’t espiritu at hanggang sa kasu-kasuan, at kaloob-looban ng buto (Hebreo 4:12). Walang lugar na maaari kang magtago. Sa gayon, tayo ay tumatanggi na makinig. Sa ating kayabangan, ay nagiging matigas ang ating puso at tayo’y tumatalikod. Ang mga Pariseo ay may ganitong suliranin. Ang mga nakikinig ng araw na iyon ay tunay na ayaw ng katotohanan sapagkat ang akala nila ay alam na nila ang lahat. Sila ay nakikinig na may sariling layunin, naghihintay na makakita ng kamalian. Hindi sila nakikinig sa katotohanan.

Kailangan nating maging tiyak na hindi tayo ang mga tao na nag-iisip na maayos na ang lahat at wala ng dapat na pag-aralan pa. Kailangan nating maging maingat sa pag-iisip na ang lahat ay wasto. Malimit ay hindi, at kailangan nating laging mag-aral, lumago at gamitin ang mabuting binhi bilang pamantayan ng katotohanan. Kailangan nating laging makinig.

Ang pangalawa at pangatlong uri ng tagapakinig ng salita na tinalakay ni Jesus ay may magkatulad na suliranin sa pandinig. Ang nakinig na unang tinanggap ang salita nang may kagalakan ay ang naniniwala na tumugon sa Katotohanan na may kasiglahan at pagkasabik. Ito ang taong nakikinig at ang puso ay naantig; ito ay isang tunay na tugon. Ang suliranin dito, ay sa paglipas ng panahon, ang unang tugon ng damdamin ay hindi napalitan ng higit na malakas. Ang pananampalataya ay dadaan sa pagsubok, at ang tagapakinig na ito ay hindi gumawa ng paraan upang maging malalim ang ugat. Marami sa mundo ang naghahanap ng patuloy na kasiyahan upang busugin sila. Samantalang mayroong tiyak na damdamin sa ating pananampalataya, ang ating buhay kay Cristo ay hindi mataas na damdamin na magdadala sa atin sa kabila ng mga kaguluhan sa buhay.


 Ito ang suliranin dito. Ang tagapakinig ay nalalanta sa init ng araw sapagkat ang salita ay hindi patuloy na lumago. Ito ay tugon lamang ng damdamin, at ang pakikinig ay tumigil.

Ang manunulat ng Hebreo ay tinalakay ang suliraning ito nang sinabi niya sa mga tagapakinig na “nagsipurol kayo sa pakikinig.” Tinalakay niya ang pagiging dakilang pari ni Cristo, at sinabi niya na marami pa sanang sasabihin sa kanila, pero mahirap ipaliwanag, dahil mahina ang pang- unawa nila (Hebreo 5:11).

Ang suliranin sa pakikinig ay mapapakinggan natin ang mga bagay na hahamon sa atin...mga bagay na masalimuot... mga bagay na mahirap ituro at panghawakan sa ating buhay. Ang manunulat ay sinabi sa mga Kristiyanong Judio na kahit na sila’y handang magturo, kailangan pa rin nila ng gatas tulad ng mga sanggol. Sila ay tumigil sa pakikinig at hindi na makayanan na kilalanin ang mabuti at masama (Hebreo 5:14).

Ang suliranin ng pangatlong tagapakinig ay pagkalibang. Ito ang matinik na lupa. Dito ay tila mayroong ugat. Gayunman, ang taong ito na nakinig noong una, ay hindi inalis ang mga bagay na nagpapahirap upang makinig. Ang ating alalahanin, ang mga sama ng loob, ang pagkahumaling sa mundo... ay naroon pa rin. Walang lugar o silid upang ang salita ay mag-ugat.

Kailangan nating ihanda ang sarili sa pakikinig. Muli, ito’y isang bagay na hindi tayo likas na handa. Ang mga tagapakinig na ito ay hindi mabitiwan ang mga bagay sa mundo, at magkagayon, ang halaman na may kaunting ugat ay nasakal. Sinabi ni Jesus ang panganib sa pagiging abala sa mundo. Sinabi Niya na hindi tayo makapaglilingkod nang sabay sa dalawang amo (Mateo 6:24).

Ang suliranin sa pakikinig ay hindi tayo makapapakinig sa dalawang nag- uusap...hindi talaga. Kung ako ay kasamang kumakain ng maraming tao, ang pinaka-ayaw ko ay ang maupo sa gitna ng hapag. Hindi ko gusto na nakakarinig ako ng iba’t ibang pag-uusap; ito’y nagpapahirap sa akin ! Naramdaman ko na hindi ako nakipag-usap kanino man sapagkat ako ay nahihirapan na bigyan ng pansin ang alinmang pag-uusap. Hindi ako maka rinig sa mga tinig sa paligid ko.


 Sa buhay espirituwal, tayo ay nasa magkatulad na gipit na kalagayan. Hindi mo masasabi na ikaw ay nakikinig sa Diyos, habang ikaw naman ay nakikinig sa mundo. Kung naririnig ko ang tinig ng aking Pastol, ngayon ay hindi ko na naririnig ang ibang tinig na umaagaw sa aking pansin.

(Juan 10: 27-28).

Kanino ako nakikinig? Nakikinig ako sa isang tao. May naririnig ako na isang bagay. Ang iniisip ko at laman ng aking pakikipag-usap ay isang natatanging tanda na kung saan ang aking tainga ay nakatuon, nguni’t kailangan kong maghinay-hinay upang mapag-ukulan ng pansin kung ano ang nasa aking utak at kung ano ang lumalabas sa aking bibig- sapagkat ito rin ang nasa aking puso (Mateo 12:34-40).

Sa katapusan, tinalakay ni Jesus ang tagapakinig na tunay na nakikinig. Nakikinig nang walang sariling pakay, nakikinig na ang puso ay nais ang katotohanan, nakikinig na ang isipan ay patuloy na umuunawa. Hindi ito ang tao na nakikinig para magbigay ng sariling kuro-kuro, isang payo o pansariling karanasan. Ito ang tao na nais ang katotohanan, na alam na ang mga utos ng Diyos ay may halaga, at nagnanais na nasa Kanyang presensya. Ang binhi na itinanim sa mabuting lupa ay mag-uugat at lalago at magiging mabunga. Ito ang sinasabi ni Santiago sa Santiago 1:19-22.

Tiniyak ni Santiago na kung tayo ay “handa sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit,” at kung tatalikuran natin ang mundo, na hindi nalilibang tulad ng tagapakinig sa matinik na lupa, hindi pabigla-bigla at nadadala ng damdamin tulad ng tagapakinig sa mabatong lupa, ngayon, tulad ng mabuting lupa, ay matatanggap natin ang salita nang may kababaang loob. Ito ay maitatanim sa atin at ito lamang ang maghahatid sa atin sa kaligtasan.

At sa wakas, ipinahayag ni Santiago ang suliranin sa pakikinig. Kung maririnig natin ang katotohanan at ma pakinggan ito, italaga natin ang ating sarili na gawin ang narinig. “ Huwag lang kayong tagapakinig ng salita ng Diyos, kundi sundin din ninyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya n’yo lang ang sarili ninyo.”

Hindi natin madadaya ang ating sarili sa pag-iisip na narinig natin ang salita ng Diyos kung hindi naman natin isinasabuhay ang Kanyang mga batas. Sa Kanyang pangaral sa bundok, si Jesus ay nagbabala na hindi lahat ng tumatawag sa Panginoon ay makapapasok sa kaharian. Nguni’t


 iyon lamang na nakikinig sa Kanyang Salita at tumutupad nito ay tulad ng matalinong tao na nagtayo ng bahay sa pundasyong bato (Mateo 7: 21-24).

“He who has ears, let him hear !”

“Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig !”


Previous
Previous

Lack of Knowledge

Next
Next

Anong Payo at Tagubilin ang Pinapakinggan Natin?