Lack of Knowledge

Si Hosea ay nagpahayag noong naghahari si Jeroboam 11, marahil ay matapos magpahayag si Amos sa Israel, noong 750 B.C. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugan ng “kaligtasan” o “tagapagdala”, at kahit hindi natin alam kung saan siya nagbuhat, maaaring siya ay nagmula sa hilagang kaharian ng Israel. Sa kaalaman na siya’y ipinadala sa magkatulad na panahon ni Amos, ang dalawang lalaking ito ay magkaiba. Kung saan si Amos ay mabalasik,at ang kanyang pananalita ay binibigyan ng diin ang katarungan, si Hosea ay tila nakatuon sa awa at puno ng damdamin. Si Hosea ay naghahatid ng mensahe ng paghatol laban sa mga Israelita, nguni’t ang kanyang tono ay napakaiba nang makikita kay Amos.

Si Hosea ay higit na kilala sa tagubilin na “mag-asawa ka ng babaeng nangangalunya.” Pinakasalan ni Hosea si Gomer, at nagkaroon sila ng anak na lalaki, na pinangalanan na Jezreel. Ang pangalang Jezreel ay ang hula ng darating na paghuhukom sa lambak ng Jezreel. Si Gomer ay muling nabuntis at nagsilang ng anak na babae,na pinangalanan na Lo-ruhamah- na ang kahulugan ay “hindi kinaaawaan.”Ito ay ang muling pagtukoy sa nalalapit na paghuhukom. Sa katapusan, si Gomer ay muling nagsilang ng anak na lalaki, at pinangalanan na Lo-ammi, na ang kahulugan ay “hindi Ko mga mamamayan.” Sinabi ng Diyos na ang mga Israelita ay hindi na Niya mamamayan,at hindi na rin Siya ang kanilang magiging Diyos.” Sa isang banda, si Gomer ay iniwan si Hosea, at si Hosea ay inatasan ng Diyos na muling kunin si Gomer at ipakita ang kanyang pagmamahal. Si Gomer ay nasa kalagayan na siya ay muling bilhin ni Hosea, na ginawa naman ni Hosea, at inatasan si Gomer na manatiling tapat. Ang kuwento ng sariling buhay ni Hosea ay nakapaloob sa unang 3 kabanata ng aklat at naging tagpo ng mensahe ng Diyos mula kay Hosea.

Ang pinakamainam na mensahe ay ang paghahambing ng ugnayan ng Diyos sa Kanyang mamamayan na ipinakita sa pamamagitan ni Hosea at ng kanyang pag-asawa. Ang mga Israelita ang mga hindi tapat na asawa na dahilan ng malalim na sakit at kalungkutan,nguni’t ang Diyos ay handa na muling tanggapin ang Kanyang mga tao, at hindi lamang tanggapin, kundi ipakita ang Kanyang pagmamahal. Ang totoo, sa ika-2 kabanata, sinabi ng Diyos na sila ang Kanyang magiging asawa magpakailanman (2:19).

Ang mga sumusunod na bahagi ng aklat ay ipinahayag ang usapin ng Diyos laban sa Israel at ang Kanyang pakiusap na magsisi. Sa ika-4 na kabanata, tiniyak ng Diyos na ang Kanyang mga tao ay mapapahamak dahil sa “kulang ng kaalaman”- ang kaalaman na ipinagkaloob ng Diyos. Sinabi rin ng Diyos na “nakalimutan nila ang batas” na nagpapatunay sa kanilang pagsamba sa diyos-diyosan. Ang mga tao ay sumasamba sa mga idolong gawa sa kahoy sa halip na sa buhay na Diyos. At sa ika-5 kabanata, ang Diyos ay maliwanag na tinuran na ang mga tao ay mayayabang at ang kanilang masasamang gawain ang humahadlang na magbalik-loob sa Panginoon. Ang ika-6 na kabanata ay sinimulan sa tawag ng pagbabalik-loob sa Panginoon, sapagkat Siya ang magpapagaling sa mga sugat na kanilang tinamo bilang parusa. Magandang mga salita ang ginamit upang ilarawan ang pagiging palagi ng Diyos sa paghahambing sa Kanya sa pagsikat ng araw (6:3). Sinabi ng Diyos sa mga Israelita na nais Niya ang “tapat na pagmamahal at hindi ang pag-aalay, ang kaalaman ng Diyos at hindi ang mga handog na sinusunog” (6:6). Inilalarawan sa ika-7 kabanata, na ang mga tao ay bulag kung sino ang makapagliligtas sa kanila: “Hindi tapat ang kanilang pagtawag sa Akin. Umiiyak sila sa kanilang mga higaan at sinasaktan ang sarili habang humihingi ng pagkain sa mga diyos-diyosan”(7:14). Ang talaan at katibayan ay patuloy na dumarami laban sa Israel, nguni’t ang huling 2 kabanata ay nagbibigay ng mensahe ng pag-asa. sa kabanata 13:14, sinabi ng Diyos na, “Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; Aking tutubusin sila mula sa kamatayan. O kamatayan, saan naroon ang iyong mga salot? O Sheol, saan naroon ang iyong kasiyahan?” At sa pagwawakas ng ika-7 kabanata, sinabi ng Panginoon na pagagalingin Niya ang Kanyang mga mamamayan sa kanilang pagkamasuwayin at ma mahalin sila nang taos-puso, at si Hosea ay nagdagdag ng isang nakama manghang salita sa wakas ng aklat, “Nawa’y malaman at maintindihan ng may pang-unawa ang nakasulat dito. Tama ang pamamaraan ng Panginoon,at sinusunod ito ng mga matuwid, pero nagiging katitisuran ito ng mga suwail” (14:9).

Ang pahabol ni Hosea sa huli ng aklat ay kaakit-akit at naghahatid sa atin sa Kawikaan 1:7, “Ang pagkatakot sa Panginoon nang may paggalang ay simula ng karunungan...”. Kung tayo ay matalino, tayo ay hindi


Previous
Previous

Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Abraham ( Unang Bahagi )

Next
Next

Ang Kaguluhan sa Pakikinig