Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Abraham ( Unang Bahagi )
Sa pagpapatuloy natin sa Hebreo 11, matapos ang mga halimbawa nina Abel, Enoch at Noah, ang may-akda ng Hebreo ay binanggit si Abraham. Siya ay magsasalita tungkol kay Abraham sa mga talata 8-10, at muli sa talata 17-19. Tatalakayin ko si Abraham sa dalawang bahagi sapagkat hindi ko alam...kung ito ay sapat sa manunulat ng Hebreo.
Sa English Standard Version at New King James Version, ang mga pagkakasunod ng mga salitang “sumunod” at “tinawag” ay magkaiba na makikita natin sa ibang salin. Sa ibang salin, si Abraham ay tinawag at pagkatapos ay sumunod.
Marahil, dahil sa ako ay guro ng wikang English, ang salitang “sumunod” ay binago ang aking iniisip na kung ano ang nangyari. Si Abraham ay unang sumunod. Ito ang dahilan kung bakit siya tinawag. Marahil, ang pagkamasunurin ni Abraham ay naroon na bago ang pagtawag, at ito’y naghatid sa pagsunod pagkatapos ng pagtawag. Iisipin natin na tinawag ng Diyos si Abraham dahil naniniwala at kilala na ang Diyos. Siya ay taong masunurin na nagmula sa pananampalataya. Ang Diyos ay susubukin ang pananampalataya ni Abraham, nguni’t ito ang pananampalataya na magbibigay ng patutunguhan sa buhay ni Abraham.
Hindi tinawag ng Diyos si Lot o Nahor. Tinawag Niya ang kanyang aliping si Abraham. Nang lumisan si Abraham sa Haran, ang pangako ay hindi pa ibinigay sa kanya, kaya si Abraham ay lumisan ng walang inaasahan, walang garantiya, walang hangarin, maliban sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hindi niya alam kung ano ang matatagpuan doon. Siya ay pumaroon lamang . Ang paniniwala ay naging gawa.
Ako ay nag-aalala na napakadali ng katotohanan sa ginawa ni Abraham. Iisipin natin na “Mabuti, siya’y tinawag ng Diyos...samakatuwid siya’y sumunod !” Tinanggap natin na ang kanyang ginawa ay likas, at tayo rin ay iiwan ang lahat kung tayo tuwirang tatawagin ng Diyos...na hindi mangyayari, kaya ligtas tayo.
Subalit, kung tayo ay tapat,aalis ba tayo? Mahirap para sa ibang tao na isipin na iwanan ang kanilang tinitirhan na marahil ay doon sila namuhay sa buong buhay nila. Narinig ko sa mga tao na hindi sila maninirahan sa ibang lugar. Hindi nila maisip ang buhay na nakagisnan nila- ang mga taong nakapaligid sa kanila- ang mga tao na katulad din nila. Maaaring ito ay nakakatakot,ang paglisan ay isang malayong posibilidad.
Sa totoo lang, hindi ko maisip iyon. Kami ay palipat-lipat noong ako ay bata pa. Ito ay maaaring mahirap, maninirahan sa ibang lugar at mga tao, bagong kultura kung ikaw ay magtatawid dagat.
Hindi ko alam na ang ganitong paglisan ay mga bagay ng pananampalataya. Hindi ko rin alam kung ito ay hindi. Tiyak ko ang paglipat sa India noong 1970, ay nagpapatunay na kaloob ng Diyos sa aking mga magulang at hindi ako nag-aalinlangan na ang aking ama ay nanalangin nang buong taimtim.
Anong mangyayari kung sasarhan natin ang ating isipan sa pagkilos? Kung tayo ay lubhang naka-ugnay sa isang tiyak na lugar at mga tao na sinasarhan na natin ang maaaring pagbabago? At kung minsan ay hindi lang natin sinasarhan ang posibilidad para sa ating sarili, nguni’t pati narin sa ating mga anak. Alam ko ang mga magulang na binibigyan ng alalahanin ang kanilang mga anak na manatili kung nasaan sila- malapit sa kanila- pinipigilan ang pagbabago at maaaring paglago ng kanilang anak at pamilya.
Ano kaya, sa pagtanggi na lumipat o humiwalay sa ating mga anak, ay ma kaligtaan natin ang pagkakataon na gumawa para sa kaharian? O, tayo ang dahilan ng pagkawala ng pagkakataon para sa kanila na gawin ang isang tanging gawain? Hindi natin malalaman kung ano at sino ang ating matatagpuan kung ibinukas natin ang ating sarili sa pagbabago. Hindi lahat ng maaaring paglipat ay kaloob ng Diyos, nguni’t kung tumanggi tayo na isaalang-alang-anong kahulugan nito sa akin o sa ating mga anak? Para sa kaharian?
Maaaring madali para sa akin na sabihin. Ito ay hindi naging madali. Kung minsan, ito ay nakapanghihina ng loob. Nakakatakot na iwanan ang aking 18 taong gulang na anak na lalaki sa isang kontinente at lumipad ako ng 3,500 na milya papunta sa ibang lugar.
Sa pagdaan ng mga taon, malimit akong nag-iisip kung ano ang ginagawa ko sa lugar na nararamdaman na ako’y naguguluhan at may pagkukulang sa gawain na dapat tapusin. At sa palagay ko, ito ay mabuti para sa akin. Ang totoo, ako ay hindi sapat para sa gawain, at ito’y nakababahala kung ilang mga tao ang nangangailangan ng mga bagay. Nguni’t hindi ito ang ating tahanan... hindi lamang ang isang tiyak na tahanan...ang daigdig na ito ay hindi natin pag-ari.
Hindi ko iniisip na mayroong mali sa pamamalagi sa isang lugar, at walang masama na malapit tayo sa ating mga anak. Marahil ay iyon ang buhay na laan para sa kanya. Kahit na tayo ay manatili o umalis, iniisip ko na kailangan nating pagnilayan ang gawain nasaan man tayo.
Si Abraham ay lumisan ng Ur at pumaroon sa lugar na ipagpapatuloy niya ang pag-alala sa kanyang sarili at sa mga nasa paligid niya na siya ay isang banyaga-isang dayuhan at isang manlalakbay. Kung tayo ay lubhang tiwasay sa ating katayuan,ay mayroong panganib na malilimutan natin kung sino tayo- mga banyaga, dayuhan at manlalakbay. Ang labis na pakikipag-ugnayan sa mga lugar sa mundo ay humahadlang sa atin na kumilos- sa pisikal at espirituwal man.
Ano kaya kung si Abraham ay hindi sumang-ayon na umalis? Ang kanyang buhay sa Ur ay matiwasay, ayon sa kasaysayan. Tila si Abraham ay taong may kabuhayan, at kahit na hindi maayos ang lahat ng bagay, nauunawaan niya ang galaw ng buhay sa Ur.
Tiyak ko na may maiisip siyang mga dahilan kung bakit ang paglisan sa pook na kanyang sinilangan at maglakbay sa Timog ng Canaan sa loob ng 100 taon ay hindi ang pinakamabuting balak. Wala siyang lupain kundi ang binili niyang kuweba para paglibingan kay Sarah. Ano kaya kung ang pagtawag ay isang hakbang na malayo? Tiyak ang Diyos ay hindi siya uutusan na malayo sa kanyang matiwasay na kalagayan.
Makikita mo kung saan papunta ito. Si Abraham ay sumunod sa Diyos at lumisan; hindi niya nasabi sa kanyang pamilya kung saan siya pupunta sapagkat hindi pa siya nakaparoon at hindi niya alam ang daan.
Ang kanyang pananampalataya ay una sa lahat, ito ay nagpahayag sa kanyang buhay na masunurin, at nang tawagin siya ng Diyos, ginawa niya ang kinagawian- ang pagsunod.
Sa wakas, sa talata 10, sinabi kung bakit si Abraham ay umalis- siya ay nakatingin sa hinaharap. Ang kanyang isipan ay nasa hinaharap, ang kalangitan. Nang ang manunulat ng Hebreo ay pinag-uusapan si Noah, isinulat niya na si Noah ay binigyan ng babala ng Diyos sa isang darating na pangyayari sa hinaharap- ang baha. Si Abraham din ay tila may pagkaunawa sa hinaharap.
Si Abraham ay tiyak na alam na ang pagtira sa tolda bilang dayuhan ay makalupa at samakatuwid ay pansamantalang pamumuhay lamang. Sa hinaharap, siya ay maninirahan sa isang siyudad na ang saligang bato ay ang Diyos. Ang manunulat ng Hebreo ay maliwanag na isinulat na alam ni Abraham na ang pangako ay hindi sa pisikal na lupa- gaano pa kalawak iyon. Kung gaano naunawaan ni Abraham ay hindi napatunayan, nguni’t alam niya na ang mga pangako ng Diyos at ang ugnayan niya sa Diyos ay hindi magwawakas sa kanyang buhay sa lupa.
Ang mga pangako sa lupa ay pagpapala, nguni’t ito ay panguna lamang sa mga biyaya na matatamo niya sa panahon ng pagtira niya sa tolda ay mapapalitan ng maka-langit na tirahan, palagian at matatag, na may matibay na panulukan na ginawa ng Diyos, ang nagplano at nagtayo.Si Abraham ay nakatingin sa hinaharap , sa parehong kahulugan ng parirala; siya ay nakatingin sa panahong darating-nakikita ang mangyayari sa hinaharap,at siya’y nakatingin na may pag-asa-hinahangad ang mangyayari sa hinaharap.
Ang pananalig ay mahahawakan ang mga bagay na hindi mahawakan at tumutulong sa atin na tanggalin ang ngayon. Ikaw ba ay may mahirap na kalagayan sa pamilya? Tumingin ka sa hinaharap! Mayroong siyudad na kung saan ang Diyos Ama ay naghanda ng lugar para sa iyo, kung saan si Cristo, ang iyong kapatid ang ilaw ! Ikaw ba ay may mahirap na kasal? Tumingin ka sa hinaharap! Walang kasal sa langit! Mayroon ka bang mahirap na kalagayan sa buhay, puno ng kahirapan at kawalan? Tumingin ka sa hinaharap! Ang Diyos ang nagdisenyo ng siyudad kung saan wala ng luha,walang kalungkutan,walang mahirap na gawain!
Tayo ay napaliligiran ng kasalanan, at sakit at kamatayan. Tumingin sa hinaharap! Tayo ay pinangakuan ng tahanan sa isang siyudad na hindi na maghahari ang kasalanan. Tayong lahat ay magpapanibagong bihis, at ang ating pakikipaglaban sa kasalanan at maka lupang nasa ay mawawala na. Ang aking utak ay halos hindi maunawaan ang posibilidad- nguni’t ang Diyos ay sinabi sa akin ang hinaharap at gayon nga, ako ay nakatingin sa hinaharap.
Anuman ang ating kalagayan sa mundo, ito ay pansamantala lamang. Tulad ni Noah, ni Abraham, tayo ay patuloy na nakatingin sa hinaharap.
Alam ko ang mga taong nagpupunta sa mga manghuhula na nagsisikap na makita ang mga pangyayari sa hinaharap. Hindi natin sila kailangan. Ipinagkaloob na sa atin ng Diyos ang pangitain ng hinaharap at kailangan nating mabuhay na nakatingin sa hinaharap na may pag-asa at pananabik. At kung ang hinaharap na iyon ang ating nina nais-hindi lamang sinasabi na nais... tulad ni Abraham, kailangan nating alisin ang ating sarili sa mundong ito at kumilos sa hinaharap na may pananalig, hindi natatakot sa pagbabago, maging kapaki-pakinabang saan man tayo naroon,at bigyan ng pag-asa ang iba na gawin ang magkatulad.