Ang Hindi Nababantayang Dila

Ang paksa sa buwang ito ay Kawikaan 13: 3, “Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat sa kanyang buhay, nguni’t ang taong madaldal dulot sa sarili ay kapahamakan.”

Hindi ako ang dapat na magsulat ng artikulong ito ito. Ang aking bibig ay ang palaging pakikipaglaban ko sa aking buhay.

Noong ako’y kabataan pa, ako ay may ugali na palaging nagsisinungaling. Ako’y nagsinungaling na kahit anong bagay at lahat na. Sa pagbabalik- tanaw, iniisip ko na nais ko lang magsalita. Nais ko rin na ako’y hangaan ng mga tao...o gulatin sila. Sana’y masasabi ko ang tiyak na pakay, nguni’t iniisip ko na ang pagsisinungaling ay isang masamang kinagawian. Ako ay mapanghamak at walang paggalang sa bunga ng aking salita.

Ako’y nahihiya sa mga bagay na aking sinabi. Naniniwala ako na pinatawad na ako ng Diyos, nguni’t ang aking mga salita ay nakasakit sa ibang tao, may masamang hangarin at palaging hindi maingat.

Ang aking bibig ay nangunguna. Ang bantay ay hindi nakatalaga, at ang aking dila ay nangunguna sa pagtatanghal- hiwalay at malaya sa anumang maselang pag-iisip.

At ito ay isang kalagim-lagim na pamumuhay. Ito ay palagiang kaguluhan at pagkalito...ito’y nakapipinsala.

Marami sa mga karunungan sa aklat ng Kawikaan ay nagsasaad kung paano tayo makipagkasundo sa ating mga salita. Sa Kawikaan 6:16-19, ibinigay ni Solomon ang talaan ng pitong (7) bagay na kinamumuhian ng Diyos. Iniisip ko na tayo ay magiging hangal kung ipag wawalang-bahala ang tatlo(3) na tumutukoy sa mga bagay na sinasabi : “ang pagsisinungaling... ang pagpapatotoo sa kasinungalingan, at pinag-aaway ang kanyang kapwa.” Narito rin ang talaan, ang mapagmataas, na sila’y nakahihigit sa mga taong nakapaligid sa kanila, ang mga taong pumapatay, ang mga taong hindi gumagawa ng hakbang upang hindi


 magkasala, at ang mga tao na ang mga puso ay nagagalak sa paghahatid ng kapahamakan sa mga nasa paligid nila.

Ito ay hindi maliit na bagay.

Ang tunay na suliranin ay hindi ang ating mga dila; kundi ang ating mga puso.

Sa Mateo 15, si Jesus ay may katulad na pakikipag-usap sa Kanyang mga alagad, matapos ang pakikipag-talakayan sa mga eskriba at mga Pariseo. Ang mga Pariseo, “ang mga huwad na saksi na nagsasalita ng kasinungalingan”, ay hayagang pinaparatangan si Jesus ng paglapastangan sa Diyos- ang pagpapatawad ng kasalanan (Mateo 9:3), nakikisalo sa pagkain ng mga publikano at makasalanan (Mateo 9:11), ang hindi pagsunod sa pag-aayuno (Mateo 9:14), nakikipag-kaisa sa diablo upang itaboy ang masamang espiritu (Mateo 12:24), at ang paglabag sa araw ng pamamahinga (Mateo 12:10). Sila ay nagalit sapagkat ang mga alagad ay hindi naghugas ng kamay bago kumain.

Ito ay kinaugalian, hindi bahagi ng batas; gayunman, sila ay nagambala sapagkat ang ISA na tinatawag na Guro ay pinayagan ang paglabag sa tradisyon.

Ipinahayag ni Cristo na ginamit nila ang tradisyon upang isantabi ang batas. Ipinahayag Niya ang batas na igalang ang ama at ina, na ang mga Pariseo ay sinabi na inilaan na nila ang kanilang salapi para sa templo. Hindi masasabi na sila’y may utang , nguni’t ang salapi ay hindi maaaring gamitin upang itaguyod ang kahit na pinakamalapit na kamay-anak. At ang tungkulin na alagaan ang pamilya ay iniiwasan.

Sila ay tinawag ni Jesus na mga pakitang-tao: ang kanilang sinasabi ay hindi tugma sa kanilang gawa. Sinasabi Niya sa Mateo 15:8, “Iginagalang Ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila, nguni’t malayo sa Akin ang kanilang mga puso.”

Ang mga Pariseo ay sumasamba sa panlabas,sa publiko, malimit ay nasa lansangan at sinagoga na tila sumasamba ng taos, nguni’t hindi, “...ang kanilang mga puso ay malayo sa Akin.” Wala silang tunay na pagmamahal sa Diyos. Ito ay mga salita lamang at pangkaraniwang kilos.


 Hindi sila nakikinig sa salita ng Diyos at hindi isinasa -puso. Sila ay lubhang abala sa kanilang sariling kuro-kuro at salita- ang binibigkas ng kanilang mga puso- na hindi nila nakikita ang puso ng Diyos.

Hindi nila alintana kung ano ang nais ng Diyos sa kanila. Nais nila na sila’y pakinggan, sundin sila, makinig at sila’y maturuan. At ang kanilang gipit na kalagayan ay malaking kapahamakan.

Sinabi ni Jesus na kailangan nilang unawain ang isang bagay; hindi ang pumapasok sa bibig ng isang tao ang nagpaparumi sa kanila, kundi ang lumalabas dito.

Nang ang mga taga-sunod ni Jesus ay lumapit sa Kanya at sinabi na ang Kanyang mga salita ay nakasakit ng damdamin ng mga tao, sinabi ni Jesus na huwag silang mag-alala; ang mga taong ito ay mga bulag na taga-akay na aakay sa mga bulag at sila ay parehong mahuhulog sa hukay. Ipinaliwanag pa Niya na ang mga salitang lumalabas sa bibig ng tao ay nagmumula sa puso, at iyon ang nagpaparumi sa tao

Ang ating mga salita ay maaaring maging mabuti nguni’t kapahamakan sa ating kaluluwa. Hindi mo kailangang magsalita ng kasinungalingan laban sa ibang tao upang magkaroon ng hindi nababantayang dila. Maaari kang mabuhay nang may kasinungalingan sa iyong sarili- nagsisikap na gumamit ng mga salita na magtatakip sa tunay na layunin ng kanyang puso.

Sa panahon ngayon ng pamamahayag (media), hindi tayo nagsasalita sa mga nasa paligid natin; tayo ay nagsasalita sa 1,000 mga “kaibigan”sa isang panahon. Ito rin ang ating mga salita. Ano ang nais nating iparating? Ano ang mayroon tayo upang tayo’y paniwalaan? Ilang mga salita ang ginugugol natin upang ilabas ang tunay na katauhan natin na nais nilang makita? Walang pangit na larawan o salungat na puna ang hindi maaaring baguhin. At napakarami talagang mga salita !

Ako ay nagpasya na tingnan kung ilang aralin ang nagsasabi tungkol sa kung gaano tayo madalas magsalita, kung ilang mga salita ang binibigkas sa isang araw. Sa “Who Talks More,Men or Women? Ang Sagot ay Hindi Malinaw,Tulad ng Iyong Iniisip”isang artikulo sa Time magazine noong July 16, 2014, ang manunulat, si Joan Greve, ay tiningnan ang isang pag-aaral


 na ginawa sa Northeastern University kung saan ang mga taga-saliksik ay nagsisikap na alamin kung sino ang gumagamit ng mas maraming salita. Mayroon isang pag-aaral na nagsasabi na ang mga babae ay nagsasalita na humigit kumulang sa 20,000 mga salita sa bawat araw, habang ang mga lalaki ay 7,000 lamang. Samantalang ang pag-aaral ay hindi napatunayan, ang kasalukuyang pag-aaral ay nakamamangha. Ang pag- aaral sa Northeastern University ay nagpakita na ang bawat kasarian ay nagsasalita ng 16,000- 17,000 mga salita sa isang araw na ang mga lalaki ay nagsasalita nang mas kaunti sa pangkaraniwan, at ang kalagayan kung anong kasarian ang mas malimit magsalita. Ang mga lalaki ay malimit magsalita sa kalagayang pang- edukasyon o propesyonal. Ang marami sa kanilang mga salita ay mga natapos na gawain. Ang mga babae naman ay nagsasalita sa karaniwang pag-uusap sa kalagayang panlipunan. At ang mga lihim at tsismis ay may malaking bahagi sa pag-uusap ng mga babae.

Sa isang panayam tungkol sa aklat ni Deborah Tannen, You’re The Only One I Can Tell: Inside The Language of Women’s Frienship, ipinaliwanag niya na ang mga lihim at tsismis ay positibong bahagi ng pakikipag— kaibigan ng mga babae. Ito ay isang maka-mundong kaalaman para sa iyo! Siya ay naniniwala na ang mga babae ay nagsasama upang sirain ang tiwala na ibinahagi sa kanila at malimit na ipagkanulo ang “kaibigan” sapagkat tayo ay may pakikipag paligsahan na malaman ang marami higit sa iba at malaman nang mas una.

Isang malungkot na pag pansin sa ugnayan ng mga kababaihan ! Mga kapwa ko babae, kailangan nating suriin kung ano ang sinasabi natin at kung bakit natin sinabi ito. Ang ating mga salita ay makapag bibigay ng pinsala sa ating gawa para sa kaharian. Ang pagsusuri sa ating salita, ay pagsusuri sa ating puso. Kung ang ating mga salita ay karapatdapat, ang mabagsik na mga salita, ang nakagagalit na mga salita, ang masasamang salita ay hindi lalabas sa ating bibig sapagkat hindi ito galing sa ating puso. Hindi natin dadayain ang ibang tao o ang ating sarili kung sino tayo at bakit natin ginagawa ang mga bagay.

Kailangan nating maging tapat sa ating pakikipag-usap. Maraming tsismis ang nagaganap na nagbabalatkayo bilang pagmamahal, nguni’t ito ay niloloko lamang ang tsismis; hindi nito maloloko ang taong pinag-uusapan! At ang totoo, ito ay maghahasik ng hidwaan sa mga mananampalataya, na kung iyong iisipin, ay isa sa mga bagay na kinamumuhian ng Diyos.


 Ang maupo lamang at makipag-usap ay hindi para sa akin. Isang dahilan, ito ay nagbibigay sa akin ng bigat ng damdamin. Ito ay nagbibigay sa akin ng kapaguran na kailangan kong bantayan ang aking pagsasalita. Ako ay may karanasan kung gaano kabilis lumabas ang salita sa aking bibig. Hindi ako hangal para isipin na hindi ako mahuhulog muli sa bitag. Alam ko, at ito’y mapanganib. Mapanganib sa akin at maging sa makaririnig ng aking matalas na salita

Mayroong Kawikaan ang mga taga-China na nagsasabi na ang salita ng babae ay ang kanyang sandata na hindi niya pababayaan na magkaroon ng kalawang. Nawa’y ang ating matalas na salita ay mangalawang sa kanyang sisidlan. Ang tanging sandata na nais nating iwagayway ay ang sandata ng Banal na Espiritu na siyang salita ng Diyos. Ito ang sandata na ipinagkaloob sa atin. Isinulat ni Amy ang sandata ng Espiritu noong nakaraang taon,at ang isa sa kanyang punto ay ang sandata ay dapat ibaling sa sariling kalooban. Gagamitin natin ito una sa ating sarili- at malimit, nagkakaloob na paghiwalayin ang laman mula sa espiritu at ipakita sa atin ang layunin ng ating mga puso.

Ang ating mga salita ay nagpapakita kung ano ang nasa ating mga puso. Huwag nating iwagayway ang sandata ng poot, mapanlinlang na mga salita kundi ang sandata ng Espiritu, naghahati una sa ating mga puso,at pagkatapos ay mag-akay sa iba kay Cristo. Panginoon, tulungan Mo po na ang aming mga puso ay mapuno ng pag-ibig upang ang aming mga dila ay magsalita ng katotohanan at awa, at palagiang ang Iyong mensahe ng kapayapaan.


Previous
Previous

Panganib ng Sunog Ngayon : Mataas

Next
Next

Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Abraham ( Unang Bahagi )