“Bakit Kayo Natatakot?”

By : Jeanne Culp

Bilang isang mamamayan ng Gitnang bahagi ng Florida, alam ko na ang tungkol sa mga bagyo. Ang mga bagyo sa Tropiko at mga hurricanes ay bahagi na ng buhay dito mula Hunyo hanggang Nobyembre. Sa kabutihang palad, kami ay mayroong mga araw ng paghahanda bago sumapit ang pagdating ng bagyo. Ang bagyo na ating nabasa sa ika-8 kabanata ng Mateo ay kakaiba. Ang mga alagad na kasama ni Jesus sa bangka ay walang kaalaman sa babala. Sila ay mga bihasang mangingisda na walang pag-aalinlangan ay nakaligtas sa mga bagyo nang nagdaang panahon,nguni’t ang isang ito ay dumating nang malakas at walang babala.

“Sumakay ng bangka si Jesus, at sumama ang mga tagasunod Niya. At habang naglalayag sila, biglang lumakas ang hangin at halos matabunan ng malalaking alon ang kanilang bangka. Natutulog noon si Jesus, Kaya nilapitan Siya ng mga tagasunod Niya at ginising. “Panginoon, iligtas N’yo po kami! Malulunod na tayo.” Sumagot si Jesus, “Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya.” Bumangon si Jesus at pinatigil ang hangin at ang mga alon, at biglang kumalma ang tubig. Namangha ang mga tagasunod Niya at sinabi, “Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napasusunod Niya! ( Mateo 8: 23-27 ).

Sa paglipas ng mga taon, sa pagbabasa ko ng salaysay na ito, ako ay nakaramdam ng awa sa mga tagasunod Niya. Dahil nga Ito ay napakalakas na bagyo, at nangyari nang walang babala! Ang pagtawag kay Jesus ng dahil sa takot ay likas na tugon kung ang isang tao ay may banta ng panganib. Ang kanila bang takot ay makatarungan? Nguni’t naisip ko ang kanilang nasaksihan bago sila sumakay ng bangka - ang kahanga-hangang himala ng pagpapagaling, na sunod-sunod. Narinig nila ang patunay ni Jesus sa pananalig ng kawal, na naniwala na mapapagaling ni Jesus ang kanyang alipin kahit na hindi Siya pumasok sa kanyang tirahan...at ito’y nangyari! Nakita nila ang KAPANGYARIHAN ni Jesus nang malapitan.

 Kaya tinanong sila ni Jesus, “Bakit kayo natatakot?” Nasaksihan din nila ang KAPAYAPAAN habang Siya’y natutulog sa gitna ng matinding bagyo. Paano Siya nananatiling mahinahon sa kabila na ang kanilang buhay ay nanganganib? Ang kapayapaan na nararamdaman ni Cristo ay nagmumula sa ganap na pagsuko sa kalooban ng Kanyang Ama. Alam Niya na ang Kanyang misyon ay hindi pa natatapos. Hindi ba nila alam ito? Kaya tinanong Niya sila, “Bakit kayo natatakot?”

At naalala ko ang walang hanggang mga PANGAKO na ipinagkaloob ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod sa sermon sa bundok ( Mateo 5-7 ). Ibinahagi Niya ang Kanyang kaisipan “... Kaya ang sinumang nakikinig at sumusunod sa aking sinabi ay katulad ng isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato. Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa matibay na pundasyon.” Narinig nila ang pangako na sila’y pagpapalain kung sila ay magtitiis. Kaya tinanong sila ni Jesus, “Bakit kayo natatakot?” Kung minsan, tinatanong ko rin ang aking sarili. Bakit lubha akong natatakot?

Nakita ko rin ang Kanyang KAPANGYARIHAN - sa kalikasan, sa mga pusong nag bago, sa mga sinagot na panalangin... naramdaman ko ang ang Kanyang KAPAYAPAAN( kahit na hindi malimit! )kung ang aking pansin ay nasa Kanya. Doon lamang ako nakararanas ng katahimikan sa aking kalooban, kahit na mayroong kaguluhan sa paligid. At nakita ko ang Kanyang mga PANGAKO na patuloy na natutupad - ang bahag-hari makalipas ang malalakas na kulog at kidlat at ulan, ang pangako ng kapatawaran at masaganang buhay sa Kanya. Ipinangako ni Cristo na kahit na dumating ang kahirapan, maging ito man ay pang katawan, pandamdamin, pananalapi o mga kaganapan sa mundo, ang lahat ay malalagpasan natin kung ang ating pundasyon ay nakatatag sa Kanya.

Ito ay isang pag-alala sa isang awitin noong aking kabataan : “Standing on the promises of Christ, my King,

Through eternal ages, let His praises ring.

Glory in the highest, I will shout ang sing, Standing on the promises of God.

Standing on the promises that cannot fail,

When the howling storms of doubt and fear assail. By the living Word of God, I shall prevail,

Standing on the promises of God.

 - R K Carter 1886

Ako ay may malinaw na alaala ng aking ama habang pinangungunahan niya ang awitin at nagsasabi - “Follks, we need to start Standing on the Promises, not just Sitting on the Promises.” ( Mga kasama, kailangan nating mag simula na Tumayo sa mga Pangako, at hindi lamang Nakaupo sa mga Pangako ). Iniisip ko na ang ibig niyang sabihin ay iwasan natin na laging “naka-upo.” Sa halip, kailangan nating tumayo, kumilos, at magtiwala sa mga biyayang espirituwal na ipinagkaloob sa atin !

“ Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili” ( 2 Timoteo1:7 ).

Ito ay tila isang marahas at tiyak na pananalig, kahit na ang bagyo ay maaaring nakamamangha. Ang mga pangyayari sa ating buhay ay maaaring hindi magbago, NGUNIT MAGAGAWA NATIN, sa pamamagitan ng pagtitiwala sa İSA na pumipigil sa lahat ng bagyo. Marahil ang tagumpay laban sa pagkatakot ay nagsisimula sa pagpapa-alala sa atin ng KAPANGYARIHAN, ng KAPAYAPAAN,at sa mga PANGAKO ng ating Tagapagligtas !

Bakit lubha tayong natatakot? Sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, kapayapaan, at mga pangako, ano ang dapat nating ikatakot?


Next
Next

" என் ஊழியக்காரன் யோபுவை நினைத்தீர்களா?"