“Huwag N’yo Silang Pananagutin sa Kasalanang Ito na Ginawa Nila”
“Do Not Hold This Sin Against Them” By : Cami Bunting
Paano ang taong ito, habang walang katarungan at marahas na pinapatay, ay nag wika ng mga huling salita, “Panginoon, huwag N’yo silang pananagutin sa kasalanang ito na ginawa nila”? Ako kaya, tulad ni Esteban sa ika-7 kabanata ng Mga Gawa ay magkakaroon ng kapatawaran sa aking puso at mga labi sa oras na iyon?
Nakilala natin si Esteban sa ika-6 na kabanata ng Mga Gawa, na siya ay isang Kristiyano sa iglesya sa Jerusalem at pinili na isa sa mga pitong kalalakihan na mamamahala sa pagbibigay ng pagkain sa mga nangangailangan. Si Estsban ay inilarawan na may matibay na pananam- palataya at puspos ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtuturo ng mga Salita ng Dios at ang maayos na pangangalaga sa bawat isa ang nagpalago sa iglesya.
Si Esteban ay maraming ginawa na himala at kamangha-manghang mga bagay na nasaksihan ng mga tao. Ito ay naka-akit sa pansin ng mga pinuno ng Judio mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig at nakipagtalo sa kanya. Nguni’t “hindi nila kayang talunin si Esteban dahil binigyan siya ng karunungan ng Banal na Espiritu.” Sa ibang salita, wala silang makitang kamalian o pagsalungat sa kanyang mga turo at hindi rin nila mahikayat na na siya’y umatras. Nguni’t sa halip na isaalang-alang na ang mensahe ay nag mula sa Dios, sila ay inudyukan ang mga nakasaksi na magsalita ng mga kasinungalingan at nagbigay ng galit sa mga tao. Siya ay pinaratangan na nagsasalita laban sa Banal na Templo at Kautusan at “papalitan ang mga kaugalian na iniwan ni Moses.”
Kung ito ay may tunog na parang pamilyar, ito ay katulad ng salaysay tungkol kay Jesus sa Kanyang pangangaral. Ang mga tao ay “namangha” Sa Kanyang mga salita at kapangyarihan sa Kanyang pagtuturo. Sila ay nagpuri sa Dios sa Kanyang hindi maikakailang kapangyarihan sa mga karamdaman, masasamang espiritu, at maging kamatayan. Maraming mga tao ang sumunod sa Kanya upang marinig Siya at makatanggap. Ang mga pinuno ng relihiyon noon ay nakipagtalo sa Kanya at Siya’y sinubok pa nila.Sila ay nagtangka na talunin Siya nguni’t ang Kanyang mga tugon ay nagpakita lamang ng kanilang mga pagpapakitang-tao at pag-uugnay sa mga “utos ng tao.” At sila ay nagtangka na Siya’y wasakin.
Sa pagsasalita ni Esteban sa mga tao, “ang lahat ng mga kasapi ng korte ay nakita ang kanyang mukha na nagliwanag na parang mukha ng anghel.” Ito Kaya ay nangangahulugan na ang kanyang mukha ay tunay na nag bago at nagliwanag? O siya ba ay hindi natakot, isang mahinahong tagapagdala ng mensahe ng salita ng Dios? Hindi natin alam, nguni’t ang pangyayari ay işinalaysay kay Lucas at isinalaysay sa atin.
Si Esteban ay nagsalita tungkol sa paratang na gigibain ang Templo at ang Kautusan. Ang kanyang pangungusap ay isang magandang pagsasaulat ng kasaysayan ng pakikipag-ugnayan ng Dios sa Kanyang piniling mga mamamayan. Si Esteban ay nagsimula kung saan sinimulan ng Dios ang pakikipagtipan, ang Kanyang mga pangako kay Abraham, bago pa isinilang si Moses. Ipinahayag niya ang mga tapat na lalaki tulad ni Abraham, Joseph at Moses at ang paulit-ulit a paghihimagsik at walang katapatan ng mga tao. Hindi niya sinabi na wawasakin ang Templo, nguni’t pinaalalahanan ng salita ng Dios sa pamamagitan ni Propeta Isaias: “Ang langit ang Aking trono, at ang lupa ang tuntungan ng Aking mga paa,kaya anong uri ng bahay ang gagawin ninyo para sa Akin...?” (Gawa 7: 49).
Pagkatapos ay sinabi ni Esteban na sila ay “matitigas ang ulo at nagbibingi-bingihan sa mga mensahe ng Dios.” Pinaratangan niya ang mga tao na ayaw maniwala at patuloy na kumakapit sa kultura ng kanilang mga ama at inuusig ang mga propeta. Sa wakas, ay ipinahayag niya ang kanilang kasalanan sa pagpatay sa “Matuwid na Lingkod.”
Tayo ay pinaalalahanan sa talinghaga na sinabi ni Jesus sa Jerusalem sa huling bahagi ng Kanyang buhay, tungkol sa lalaki na nagtanim ng ubasan, at pagkatapos ay nagpunta sa malayong lugar. Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, ang may-ari ng ubasan ay pinapunta ang kanyang alipin upang kunin ang kaparte niya. Sa halip na ibigay ang kaparte niya, ang mga nag-alaga ng ubasan ay pinagmalupitan ang mga mensahero at pinatay pa ang minamahal na bugtong na anak ng may-ari ng ubasan. Ang mga kaaway ni Cristo ay alam na sila ang tinutukoy at sila ay nagbalak na dakpin Siya.
Ang marahas na paratang ni Esteban ay nagbigay ng matinding galit sa mga tao. Pero si Esteban na puspos ng Banal na Espiritu ay tumingala sa langit at nakita niya ang nagniningning na kapangyarihan ng Dios at nakatayo si Jesus na Anak ng Tao sa kanan ng Dios. Sumigaw ang mga miyembro ng korte at tinakpan nila ang kanilang mga tainga para hindi nila marinig ang sinasabi ni Esteban at sabay-sabay na sumugod sa kanya, kinaladkad nila si Esteban palabas ng lungsod at binato siya.
Si Esteban ay patungo sa kanyang kamatayan, na nakita ang pangitain ng buhay na walang hanggan para sa mga tapat. Mayroon pa bang ibang buhay para sa kanya sa oras na iyon? Mayroon bang lugar para magalit o maghiganti sa mga nagpahirap sa kanya? Gaano katotoo at pagkatakot ang kapalaran ng mga taong iyon para sa kanya?
Sa ating pagbabalik kay Jesus, nang tanungin Siya ng punong pari kung Siya ba ang Anak ng Dios, sumagot Siya, “Ako nga, at Ako na Anak ng Tao ay makikita ninyong nakaupo sa kanan ng Makapangyarihang Dios. At makikita rin ninyo Ako sa mga ulap na paparating dito sa mundo” (Marcos 14:62). Alam ni Jesus na ang pangungusap na ito ay tumitiyak sa Kanyang kamatayan. Ipinagkaloob Niya ang sarili na bugbugin, tuyain, luraan at ipako sa krus upang bayaran ang ating mg kasalanan. Habang nakapako sa krus, sinabi Niya, “Ama, patawarin Mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” ( Lucas 23:34 ). Malimit Niyang sabihin na ang mga tao ay parang tupa na walang Pastol. Sa gitna ng Kanyang paghihirap, ang Mabuting Pastol ay minahal ang Kanyang mga tupa. Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, ipinagkakatiwala Ko sa Inyo ang Aking espiritu.”At pagkasabi Niya nito nalagot ang Kanyang hininga
(Lucas 23:46).
Ang aking sariling “mga kaaway at mga pag-uusig ay walang halaga kung ihahambing kay Jesus o Esteban. Nguni’t kung ako’y ginawan ng hindi tama o kaya’y tinanggihan, o pinagtawanan, o iniwan, nasaan ang aking puso? Nakalulungkot, ang aking pansin ay nasa sakit, at ang sakit ay nagbibigay ng galit, at ang galit ay nagbibigay ng saya sa paghihiganti. Ako ba, tulad ni Esteban, ay titingin sa langit, na may malinaw na larawan ng nagtagumpay na si Cristo na nasa kanang kamay ng Dios, at alam ko na mayroon akong pag-asa sapagkat ako ay pinatawad sa aking mga kasalanan? Mapatatawad ko ba ang mga nagkasala sa akin?
Hindi natin alam kung si Esteban ay nakita si Jesus dito sa mundo, o nakilala Siya ,o nakarinig sa Kanya, nguni’t maliwanag na kilala niya si Jesus. Si Esteban ay namuhay sa pagtuturo sa mga kapatid, naglingkod sa mga biyuda, at nangaral nang buong tapang para sa katotohanan. At sa kamatayan, kınausap niya ang Panginoon na tanggapin ang kanyang espiritu. Siya ay lumuhod at sinabi ang huling pakiusap, “Panginoon, huwag N’yo silang pananagutin sa kasalanang ito na ginawa nila.” Si Esteban ay sumusunod sa mga yapak ni Jesus, ang kanyang Panginoon at Tagapagligtas.
At habang ang salaysay ay totoong nakasusuklam at nakalulungkot, sinabi ito ni Albert Barnes :
“ Gaano kapayapa at katahimikan ang kamatayan tulad ng kay Esteban, kung ihahambing sa nakakatakot at dalamhati ng isang
makasalanan ! Isang saglit ng kapayapaan sa oras ng pagsubok, ay higit na mabuti kaysa mga kasiyahan at karangalan na maibibigay
ng mundo.”
Nais kong bigyan ng higit na malawak na pahayag kung paano ang kusang loob na pagpapatawad tulad ng pagpapatawad ni Cristo ay makikita ang kahihinatnan ng Kanyang iglesya.
Ang lalaking ang pangalan ay Saulo ay sumang-ayon sa pagpatay kay Esteban, hinubad ang balabal ng mga saksing laban kay Esteban at iniwan sa paanan ni Saulo. Si Saulo ay sinimulan ang matinding pag-uusig sa mga mananampalataya sa Jerusalem, at sa Gawa 8:3, sinasabi na, pinasok niya ang mga bahay-bahay, at dinakip ang mga mananampalataya, lalaki man o babae, at dinala sa bilangguan.
Tulad ng alam natin, ang Dios ay kilala ang puso ni Saulo at Siya’y may layunin para kay Saulo. Nakita ni Saulo ang pangitain sa langit at tinanggap ang mensahe mula sa tinig ng Dios. Si Saulo ay naninidigan para sa katotohanan at naniwala at kapagdaka ay naging malakas na tagapagpahayag na si Jesus ay Anak ng Dios.
Mayroong dalawang saloobin sa bagong buhay ni Saulo. Ang mga Judio ay kanyang naging kaaway at sinikap na siya’y patayin. Siya ay patuloy na pinag-uusig. Bagaman, dumating ang panahon ang lungsod ng Jerusalem at ang Templo ay nawasak. Ang pisikal na kaharian ng Israel ay wala na.
Paano ang mga Kristiyano? Ang mga mananampalataya ay natakot kay Saulo at atubili na tanggapin siya. Nguni’t sa Jerusalem, si Bernabe ay dinala siya sa mga alagad at ipinahayag ang buong pangyayari kung paano si Saulo ay nagpahayag nang buong tapang sa pangalan ni Jesus. Sa ika-9 na kabanata ng Gawa, sinabi sa atin na, “Kaya mula noon, kasama na nila si Saulo saan man sa Jerusalem”, at ang mga Kristiyano ay tinulungan siya nang ang kanyang buhay ay nanganib. Ang pamilya ng Dios ay pinatawad nang buong puso ang taong nagdala ng panganib sa kanilang pangkat.
At ano ang nangyari sa Kaharian ng Dios, ang Espirituwal na Israel? Sinasabi sa Gawa 9:31, “Naging matiwasay ang pamumuhay ng iglesya sa buong Judea, sa Galilea at Samaria. Lalo pang lumakas ang kanilang pananampalataya at namuhay silang may takot sa Panginoon. Pinalalakas ng Banal na Espiritu ang kanilang loob kaya lalo pa silang dumami.”
Sa aking puso na may pasasalamat sa Dios,hindi ako humaharap sa isang pulutong ng mga mamamatay-tao tulad ng kay Esteban. Subalit, ako ay makapananalangin, “Panginoon, tulungan Mo akong magpatawad, tulad ng pagpapatawad Mo, at nawa’y lumago ang Iyong Kaharian.”