“ Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis”
By : Sarah Focht, Denville, New Jersey
Sa lahat ng mga bagay kung saan ang pakikipag-ugnayan ay nakasalalay, ang pakikipag-usap marahil ang pinakamahalaga. Ang pakikipag-usap ay kung paano ang isang isipan ay nakakabit sa isang isipan at ang nakatagong lalim ng espiritu ay nabubunyag. Ang makipag buno at alamın ang isipan ng Dios, makipag-ugnayan sa Kanya, hikayatin ang Kanyang puso at ang ating mga puso ay hikayatin Niya, ay ang pinakamataas na pakikipag-ugnayan. At ang pakikipag-ugnayan sa Dios ay buhay.
Maaari bang ang isang tao na naniniwala na siya’y may pakikipag- ugnayan sa Dios ay mamuhay na isang kaaway Niya? Maaari bang ang nakatanim at itinurong mga paniniwala sa mahabang panahon ay maka bulag sa kanya sa katotohanan at mamuhay sa hindi nakikitang kamalian? Maaari bang gumawa ng mga kalupitan at hindi maka-taong gawain sa pangalan ng Panginoon at patuloy na mamuhay na may mabuting konsensya sa harapan Niya? Kung gayon nga, may pag-asa pa ba ang taong ito?
Sa mga nakakakilala kay Saulo ng Tarsus at ang Kanyang dating tampalasang buhay, ay alam ang maikling tugon, “Oo, ito ay maaari.” Ang Dios ay nagsasalita at ang mga puso ay nagbabago. “Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan ng Makapangyarihan Niyang salita” (Hebreo1:3). Nakamamangha, na ang lahat ng mga salita , mga dahilan, at kapangyarihan ng paghikayat na nasa Kanya, ang malimit na payak na katanungan ang pinili ng Dios upang makipag-usap sa tao. At gayon nga ang nangyari kay Saulo. Isang katanungan ang magpapabago sa takbo ng buhay ni Saulo at sa buhay ng hindi-mabilang na mga mamamayan ng Kaharian.
Sa panahon na una nating nakita si Saulo sa pagbato kay Esteban, si Cristo ay pinaslang na at nabuhay na mag-uli, at ang Kanyang makalangit na Kaharian ay naitatag na sa daigdig sa Kanyang iglesya. Bagaman ang kaharian ay napatotohanan na kay Cristo, ito ay hindi pa napatotohanan sa mga puso ng mga nakatagpo nito. Si Lucas ay pinangalanan si Saulo na isang pangunahing kaaway ng Kaharian sa kanyang mga unang panahon. Ang kanyang “makatuwirang layunin” ay lipulin ang mga tagasunod ni Cristo, at nasa Kanya ang lahat ng mga kalamangan sa lupa. Siya ay isinilang na mamamayan ng pinakamakapangyarihang kaharian sa lupa - ang Roma. Siya ay matalinong mag-aaral at isang magiging pinuno ng pinakatanyag na sekta ng mga Judio - “At kung pagsunod sa kautusan ng mga Judio naman ang pag-uusapan, talagang sinusunod ko dahil Pariseo ako” ( Filipos 3:5 ). Siya ay may tiyak na paraan ng pakikipag-usap sa Punong Pari, at sa gayon ay may kakayahang politikal na kanyang ipatutupad (Gawa 9:1). Siya ay may sapat na katibayan ng kanyang gagawing pinsala: “Nagsumikap na wasakin ang iglesya, pinasok ang mga bahay-bahay, at dinakip ang mga mananampalataya, lalaki man o babae, at dinala sa bilangguan (Gawa 8:3). Patuloy pa rin ang “pagbabanta” ni Saulo sa buhay ng mga tagasunod ng Panginoon (Gawa 9:1). Kalaunan, si Saulo ay nagsalita para sa kanyang sarili, inilarawan niya ang kanyang “matinding galit” at kung paano niya pinilit ang mga tagasunod ni Cristo na magsalita ng laban sa Kanya (Gawa 26:11). Sa lahat ng ito, si Saulo ay naniniwala na siya ay makatarungan at inamin, “Noong una, napag-isipan ko mismo na dapat kong gawin ang aking makakaya para kalabanin si Jesus na taga- Nazareth” ( Gawa 26:9 ).
Kung ikaw ay binigyan ng pagkakataon na maka-usap ang taong ito - kung mangangahas ka na kunin ang pagkakataon - ano ang sasabihin mo sa kanya? Paano mo isusulat ang pag-uusap sa pagitan ni Jesus at ang kaaway ng Kanyang mga tao? Ang isang matalim na şumbat ay maaaring makatarungan. At ano pang pangyayari ang makapipigil sa manlulupig na ito na pumunta sa Damascus upang ipagpatuloy na gawin ang panlulupig? Alam nating lahat ang nangyari. İsang nakasisilaw na liwanag ang biglang kumislap mula sa langit, at si Saulo ay napaluhod. Ang Panginoon ay nakuha ang buong pansin ni Saulo. Sa lahat ng maaari Niyang sabihin kay Saulo sa oras na iyon, payak na sinabi niya, “ Saulo,Saulo! Bakit mo Ako inuusig?” (Gawa 26:14). Kahit na alam ni Jesus ang mga puso at alam Niya ang lahat ng bagay, hindi Niya ipinahayag ang puso ni Saulo o mga layunin, kundi pinakiusap na suriin ni Saulo ang kanyang sarili.
Ang pangungusap na binanggit ng Panginoon pagkatapos ng unang tanong, ay ang pinakamamangha sa lahat. Sinabi Niya, “Mahirap sa iyo na sumikad sa mga matutulis.”
Mahirap? Para kay Saulo? Ang lalaking ito na may kakayahan at nasa itaas ng kapangyarihan? Paano ito? Si Saulo na umuusig sa mga tagasunod ni Cristo, bakit hindi na lang sumbatan kung paano niya pinahihirapan ang buhay ng mga tao? O kung gaano kahirap sa puso ni Cristo na makita ang mga pinabanal na pinahihirapan? Ang pangungusap ni Cristo kay Saulo ay naging pala isipin kung titingnan natin ang pangungusap ni Jesus kay Ananias sa Gawa 9:16. Doon sinabi ni Cristo para kay Saulo, “ At ipakikita Ko rin sa kanya ang mga paghihirap na dapat niyang danasın para sa Akin.”
Sa pagsasama ng dalawang pangungusap na ito, tila si Cristo ay tinatawag si Saulo na lisanin ang kasalukuyang paghihirap at palitan ito ng buhay ng pagdurusa? Ano ang pagkakaiba? Hindi madaling isipin na ang buhay ay higit na mahirap sa buhay kung saan tinawag si Pablo. Maaari bang ang paghihirap na kanyang daranasin bilang alipin ni Cristo ay higit na magiging madali kung ihahambing sa dating buhay na inuusig si Cristo?
Ang pagsikad sa matutulis na bagay ay nangangahulugan ng sakit na galing sa pagtanggi sa direksiyon kung saan ka dinadala. Noong ako ay bata pa, ay mayroon kaming malakas, matigas ang ulong aso na hinahabol ang aming kabayo at kınakagat ang sakong. Ang aking ama ay nilagyan siya ng tali sa leeg na nakakagulat, at siya’y tumatahol at nais na sırain ang tali, nguni’t hindi siya nagbago ng ugali. Patuloy niyang hinahabol ang kabayo kahit na siya’y nasisipa sa ulo at nasasaktan ng mas malakas na hayop. Ito ay isang pisikal na halimbawa ng isang espirituwal na katotohanan. Tayo ay matigas ang ulo na nilalabanan ang gabay ng Espiritu na naghahatid sa ating sariling panganib at pagkawasak.
Ano ang “matutulis na bagay” na sinisipa ni Saulo? Marahil ang isa ay ang nakasulat na at ang pahayag na salita ng Dios na alam ni Saulo nang lubos. Sa kanyang pagtatanggol kay Haring Agrippa, nagtanong si Pablo, “Haring Agrippa, naniniwala po ba kayo sa mga sinasabi ng mga propeta? Alam kong naniniwala kayo?”(Gawa 26:27). Si Pablo ay sinabihan si Agrippa na tumigil sa pagsipa sa “matutulis na bagay” na siya mismo ay tumanggi ng nakaraang mga taon. Ang Salita ng Dios ay ipinahahayag ang layunin ng Kaharian. Ang pagtanggi rito ay pagtanggi sa ating kalagayan sa Kaharian.Ang isa pang bagay na sinisipa ni Saulo ay maaaring ang mga buhay na halimbawa ng mga di-mabilang na mga tapat na kaluluwa na kanyang inuusig. Paano ang isang nakasaksi sa kamatayan tulad ng kay Esteban ay hindi maramdaman ang matulis na bagay? Ang presensya ni Saulo sa kamatayan ni Esteban ay isang pagkakataon sa kanya na makita ang kapangyarihan ng Kaharian sa anyo ng isang tao? Hindi ba sinabi sa kasulatan ni Pablo na tulad ng palayok na pinalalagyan para maipakita a ng di-mapaparisang kapangyarihan ng ating Hari?(2 Corinto 4:7). Ang kayamanan na inihantad mula sa kamatayan ni Esteban na “palayok na putik” noong araw na iyon ay saksı na sipain ang mga naroon patungo sa katotohanan.
Sa kalagayan ni Saulo, ang sumipa sa matulis na bagay ay nanganga- hulugan na siya ay nakikipaglaban sa katotohanan na nasa harapan niya , at ito’y nagpapakita ng pagkabulag ng puso. Isang nakamamangha sa Kasulatan na sinabi tungkol kay Pablo makalipas ang kanyang pakikipag- usap kay Jesus sa Gawa 9:8, “Tumayo si Saulo, pero pagmulat niya’y hindi na siya makakita.” Bilang isang mahusay na mag-aaral ng batas sa ilalim ng pagtuturo ni Gamaliel, ang kabataang si Saulo ay may mga dahilan upang makilala nang malinaw si Jesus na Siya ang ipinangakong Tagapagligtas. Maaari kayang ang kanyang mataas na pinag-aralan ang nagbigay sa kanya na sipain ang matulis na bagay?
Nang si Saulo ay tinamaan ng pisikal na pagkabulag, ay kaya lamang naliwanagan ang mga mata ng kanyang puso. Marahil si Pablo ay iniisip ang dating pagkabulag ng puso habang ibinabahagi niya ang panalangin ng pasasalamat kasama ang mga kapatid sa Efeso at sinabi na binuksan din ng Dios ang kanilang mga puso upang maunawaan ang pag-asa at mga pagpapala sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ni Cristo
( Efeso1 :15-20 ). Ang pagsipa sa matutulis na bagay sa mahabang panahon, ang puso ni Pablo ay nasasaktang makita na ito ay ginagawa rin ng iba. Ang kanyang nagbagong layunin sa buhay na iniatas ni Cristo sa daan habang papuntang Damascus ay, “Iniligtas Kita sa mga Judio at sa mga hindi Judio. Ipadadala Kita sa kanila, upang imulat ang kanilang mga mata at dalhin sila mula sa kadiliman papunta sa liwanag, at mula sa kapangyarihan ni Satanas papunta sa Dios” (Gawa 26:17-18). Sa ibang salita, na ang kaharian na pinatotohanan sa pamamagitan ni Cristo, at ngayon ni Pablo, ay mapatotohanan din sa “buong mundo”. Si Pablo ay dinala ang layunin sa kanyang buong buhay - maging sa kanyang pagiging bilanggo sa tahanan sa Roma kung saan siya’y nagpatunay sa kaharian ng Dios, at nagsikap na hikayatin ang mga Judio tungkol kay Jesus mula sa kautusan ni Moses at sa mga Propeta
(Gawa 28:23). Ang iba’y naniwala; ang iba’y tumanggi : “At dahil hindi sila magkasundo, nagsiuwian sila. Pero bago sila umalis, sinabi ni Pablo sa kanila, ‘Tama ang sinabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias.’Sapagkat sinabi niya, ‘Puntahan mo ang mga taong ito, at sabihin mo sa kanila na kahit na makinig sila, hindi sila makakaunawa, at kahit tumingin sila, hindi sila makakakita’”
( Gawa 28:25-26 ).
Sa anong paraan ikaw at ako ay “şumisipa sa matulis na bagay” sa ating mga buhay? Mayroon bang pinaninindigang katotohanan sa kasulatan na tayo’y tumatanggi at marahil ay hindi pumapayag na baguhin tayo? Tayo ba ay tumatanggi na isuko nang lubos kay Cristo bilang mga buhay na sisidlan sa gawain ng Kanyang kaharian? Kailangan ba nating matiyagang manalangin upang ang mga mata ng ating mga puso ay mabuksan upang maunawaan ang kalooban ng ating Hari? Tayo ba, sa pamamagitan ng ating mga kilos o hindi pag kilos, ay hinahadlangan ang mga nasa kadiliman na pumunta sa karunungan ng liwanag? Salamat sa Dios, ang Kaharian ay naitatag at nakilala sa pamamagitan Niya. Anong laking kahihiyan, kung hindi ito nakilala sa atin. Anong laking kahihiyan kung ito’y hindi nakilala dahil sa atin.
Ang ating mga kaluluwa ay nilalang sa pamamagitan ng espiritu ng Dios, at ang ating hangarin ay mamuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ( Galatia 5:25 ). Ang pagtanggi sa Espiritu ay pagtanggi sa ating kabuuan kung sino tayo. Ito ba ang ibig sabihin ni Jesus kay Saulo na “mahirap” na sipain ang matulis na bagay? Ang paghihirap kaya sa laman ay hindi maihahambing sa kahungkagan ng kaluluwa na tinanggihan ang Espiritu na kailangan nating mabuhay sa Kanya nang may pagkakaisa? Kung ang “isip ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” ( Roma 8:6 ), ngayon, ang pagtanggi sa Espiritu ay pagtanggi sa mga bagay na ating hinahanap nang lubos - buhay at kapayapaan. Si Agustin ay nagsalita ng tumpak nang sabihin niya, “Ginawa Mo kami para sa Iyong sarili, O Panginoon, at ang aming mga puso ay hindi makapagpahinga hanggang ito’y makapag- pahinga sa Iyo.” Tunay nga, na mahirap na sumipa sa matutulis na bagay.
Kahit na sinabi ni Cristo kay Pablo, “At ipapakita Ko sa kanya ang mga paghihirap na dapat niyang danasin para sa Akin”, Siya ay patuloy na ipapakita sa buong buhay ni Pablo na hindi lamang siya tinawag upang maghirap kundi para sa kaluwalhatian. Salamat sa Dios, tayo na mga mananampalataya ay inaanyayahan din sa pag-uusap na ito. Ang tinig ni Cristo ay patuloy na nangungusap s pamamagitan ni Pablo sa mga kapatid sa Roma, at gayun din sa atin, na tinitiyak sa atin, “ ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa napakagandang kalagayan na mapapasaatin balang araw ( Roma 8:18 ).
Ang pagtanggi sa Espiritu ni Cristo ay lubhang mahirap kaysa pagsuko sa İsa na tumitiyak ng pangako.