Sa Bawat Hininga, Nananabik Akong Sundan si Jesus
Ano ba ang lagi mong iniisip?
Sa isang tao, maaaring pananamit.
Sa iba, maaaring pagpapatayo ng bahay at mga bagong palamuti.
Sa iba, maaaring patuloy na pag aalala sa mga pagsusulit, o kung paano ang kanilang mga
anak ay kumikilos sa paaralan.
Sa iba naman, maaaring pagkabahala sa kanilang matandang magulang, o ang kalusugan ng
kaibigan.
Tayo ay laging nag iisip ng isang bagay. Madalas, kung hindi tayo nagsasalita o gumagamit ng kaalaman, tayo ay nag iisip. Isinaalang alang mo ba kung malimit kang makipag usap sa iyong sarili? Tunay na nakakakilabot na tumigil at isipin kung gaano kadalas na tayo’y nag iisip at ginugugol ang oras sa pakikipag usap sa ating sarili.
Para sa akin, ako ay mahilig sa mga awit. Nais ko ang mga awitin ay manatili sa aking isipan, lalo na ito’y may kaloob na mensahe. Habang ako’y nagkakaidad, ay higit kong nakikita at nararanasan ang mga kasawian at pagsubok, at nakikita ko ang aking sarili na inaawit ang City ALight nang paulit ulit :
“ With every breath, I long to follow Jesus for He has said that He will bring me home and day by day, I know He will renew me until I stand with joy before the throne.
To this I hold, my hope is only Jesus
all the glory ever more to Him
When the race is complete, still my lips shall repeat Yet not I, but through Christ in me.”
Kung ang mga lirikong ito ay tumimo sa aking isipan, ito ay umuubos ng aking pag iisip. Ako ay patuloy na nababalutan ng pag iisip na makasama si Jesus at ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Kanya.
Noong aking kabataan, ang pag iisip tungkol kay Jesus ay dahil sa takot. Ako ay takot sa impiyerno at nais ko ang daan upang makatakas. Nang ako’y nagkakaidad ng kaunti, ang aking pag iisip kay Jesus ay dahil sa pag galang. Alam ko na iyon ang dapat na gawin, at Siya ang Hari ng mga Hari. At sa pagtanda ko pa, sa bawat paglipas ng mga araw, ang aking isipan tungkol kay Jesus ay nakatuon sa Kanya sapagkat mahal ko Siya. Nananabik ako na makapiling Siya, at nais ko na yumukod sa pagsamba kay Yahweh na aking Diyos. Kaya nais ko na ang awit na ito ay mamalagi sa aking isipan.
Gayon nga, ako’y nagpasya na hindi lamang ako makikipag usap sa aking sarili kung ako’y nag iisip, pinangalanan ko ito na aking palagiang pakikipag usap sa Diyos. Alam na Niya kung ano ang aking iniisip, kaya nga, ay bakit hindi natin Siya isama sa ating pag uusap? Ito ay lubos kong pinaniniwalaan ng sinabi ni Pablo noong sinabi niya sa iglesya ng Tesalonica, “Laging manalangin” (1 Thessalonians 5:17).
Sa simula pa, ay gusto ko na ang pananaw na ito, sapagkat ito’y nagbibigay ng tamang pag iisip. Kung ako’y nag iisip, bakit hindi natin kilalanin na ang Diyos ay nakikinig sa halip na dalhin ang parehong isipan sa Kanya sa ibang panahon? At sa patuloy kong pagsasanay sa “ laging
manalangin,” ito ay ang tamang katuwiran, at nauunawaan nang higit na ito ay isang bagay na dapat nating makasanayan sapagkat ito ang tunay na tagumpay: patuloy na pakikipag isa kay Yahweh na aking Diyos.
Ginugugol natin ang ating buhay sa mundo na binibigkis at binabalutan ang ating sarili ng pananggalang ng Diyos, upang malabanan ang mga lalang ng diablo upang tayo’y makatira sa bahay ng Panginoon. Tayo ay nakikipaglaban araw araw upang makamit ang tagumpay sa wakas, nguni’t tayo ba ay tumitigil upang isaalang alang kung ano ang tagumpay?
Ako ay patuloy na napapalapit sa puso ni David at sa kanyang mga salmo sapagkat siya ay patuloy at palaging nag iisip ng tagumpay. Ang mga salmo na ito ay katipunan ng kanyang malalim na pag iisip- ang kanyang patuloy na pakikipag usap kay Yahweh.
Sinuri mo ba ang puso ni David sa likod ng kanyang mga pagluhog?
Salmo 142:7, sinabi niya, “Palayain Nyo ako sa bilangguang ito,upang ako’y makapagpuri sa Inyo.”
Salmo 119:17, sinabi niya, “Gawan nang mabuti ang inyong lingkod, upang ako’y mabuhay; Sa gayo’y susundin ko ang Iyong salita.”
Salmo 51:15, sinabi niya, “Panginoon, buksan Nyo ang aking mga labi, nang ang mga ito’y magpuri sa Inyo.”
Kahit na sa gitna ng malalim na panangis ni David, sinabi niya, “Pupurihin ko ang Diyos sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko Siya sa pamamagitan ng Pasasalamat,” ( Salmo 69:30 ).
Ang puso ni David ay nakatuon sa tagumpay. Ang kanyang bawat tanong, ang kanyang pangungulila, ang kanyang malalim na pagnanais ay makaharap ang Diyos upang siya’y magpuri magpakailanman. Siya ay nakipaglaban bilang kawal ni Yahweh. Siya ay namuhay nang “ matatag upang kalabanin ang kasamaan ng diablo,” At ang kanyang puso ay nakatuon sa tunay na tagumpay: hindi korona, hindi templo na gawa ng mga kamay, nguni’t upang
“ tumayo nang may kagalakan sa harap ng trono.”
Ang Pahayag ay nagbibigay sa atin ng bahagyang tanaw sa araw na mararating natin ang tagumpay. Sa kabanata 7: 13-17, “ Tinanong ako ng isa sa 24 na namumuno, “Sino ang mga taong iyon na nakadamit ng puti, at saan sila nang galing ?” Sumagot ako, “Hindi ko po alam, kayo po ang nakakaalam.” At sinabi niya sa akin, “ Sila ang mga dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang damit sa pamamagitan ng dugo ng tupa. Iyon ang dahilan kung bakit nasa harap sila ng trono ng Diyos. Naglilingkod sila araw at gabi sa Kanyang templo. At ang Diyos mismo na nakaupo sa Kanyang trono ang kumakalinga sa kanila. Hindi na sila magugutom o mauuhaw pang muli. At hindi na sila mabibilad sa init o mapapaso sa sinag ng araw. Sapagkat ang Tupang nasa trono ang magiging pastol nila, at dadalhin sila sa mga bukal na nagbibigay buhay, at papahirin na ng Diyos ang lahat ng luha sa kanilang mga mata.”
Ngayon ay inialay mo na ang iyong buhay, at isinuot mo na ang lahat ng Kanyang pananggalang: ang Kanyang Katotohanan, Kanyang katuwiran, Kanyang kapayapaan, Kanyang pananampalataya, Kanyang kaligtasan. Lahat ng mabuting biyaya mula sa ating butihing Ama.
Handa ka na ba sa tagumpay ? Ano ang lagi mong iniisip? Ang puso mo ba ay nananabik sa harap ng Panginoon upang purihin at paglingkuran Siya araw at gabi? Ito ang ating walang hanggang gantimpala- isang walang hanggang Eden, naglalakad sa Hardin kasama ang Diyos Ama.