Pagkakamit ng Tagumpay

Sa kanyang Tula,”Success is Counted Sweetest,” ang Amerikanang makata, si Emily Dickinson, ay isinulat na “success is counted sweetest by those who ne’er succeed.” Ang tagumpay ay ibinibilang na matamis ng mga hindi nagwagi.

Ang paksa ng tula ay upang maunawaan ang tagumpay. Kailangan muna nating maunawaan kung ano ang kahulugan ng pagkatalo. Sa palagay ko ay ito ay isang espirituwal na konsepto na nagpapaalala sa atin sa Kasulatan. Upang manabik sa tagumpay na mula kay Kristo, kailangan nating kilalanin kung saan tayo nagmula, at kung wala si Kristo, para sa atin, ay walang tagumpay.

Sa pagsalungat sa makataong karunungan, ang tanging daan sa tagumpay ay gawin nating alipin ang ating sarili. Sa Roma 6:15-19, si Pablo ay nagsalita sa mga Kristiano sa Roma tungkol sa biyaya ng Diyos na ipinaaabot sa lahat na nais na maging alipin ng Diyos. Nakama mangha na ang punto ay ginawa na tayo lahat ay alipin. Ang hindi pagiging alipin ay hindi isang pagpili; bagaman, maaari tayong pumili kung sino ang ating susundin. Sa Roma 6:16, “Hindi n’yo ba alam na alipin tayo ng anumang sinusunod natin? Kaya kung sinusunod natin ang kasalanan, alipin tayo ng kasalanan at ang dulot nito’y kamatayan. Pero kung sumusunod tayo sa Diyos, mga alipin tayo ng Diyos, at ang dulot nito’y katuwiran.” Ang buong sangkatauhan, sa isang bahagi, ay alipin ng kasalanan. Kailangan nating magpasya na magpasakop sa Diyos sapagkat ang Kanyang mga pangako ay mapagkakatiwalaan. Sa ating pagkakawala sa dilim ng kasalanan, higit nating italaga ang ating sarili sa Isa na nagbigay sa atin ng liwanag !

Ipinaalala sa atin ni Pablo sa talata 23, “ Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, nguni’t ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.” Iyan ang tagumpay ! Kung wala si Kristo, tayo ay nakatalaga na mamuhay sa kadiliman at ang bunga ay kamatayan. Sa pamamagitan lamang Niya, na makukuha natin ang gantimpala.

Sa Roma 8, ay inaliw ni Pablo ang mga nagbabasa sa pangako na tayo ay malaya na sa batas ng kasalanan at kamatayan sapagkat and Diyos ay isinugo ang Kanyang bugtong na Anak. Kung tayo ay nabubuhay ayon sa espiritu, ang ating mga isipan ay hindi na mag iisip ng mga bagay na makalupa, kundi mga bagay na espirituwal. Mayroon tayong tagumpay laban sa ating laman, sapagkat tayo’y na kay Kristo na. Ang hinaharap na tagumpay sa kalangitan ay ang ating pag asa, at ako’y naniniwala na tayo’y may bahagi na ng tagumpay. Sa talata 31, ipinaalala ni Pablo, “ Ngayon kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi natin na panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.” Ang salitang tagumpay ay may pagsasalungatan- kung mayroon nag tagumpay, ay mayroon ding nagapi, at ang mga nagapi sa digmaang ito ay hindi na muling makatatayo pa.

Ako ay nanirahan sa bansa na nakasaksi sa pagkatalo. Sa wakas ng ikalawang digmaang pan daigdig, ang Germany ay nawasak. Maraming malaking bahagi ng bayan ang makikita pa hanggang ngayon makalipas ang 80 taon. Ang totoo, may mga siyudad tulad ng Frankfurt na makabago- kaunti lamang ang mga lumang gusali ang natira kahit na ang mga sina unang nanirahan ay mula pa noong ‘Middle Ages.’ Ang siyudad ay nawasak noong panahon ng digmaan, nguni’t sa paglisan ng mga taon, ito ay napalitan na ng mga bagong gusali. Hindi lamang nawasak ang Germany sa kanyang pisikal a kapaligiran, kundi ito’y isang nasakop na bansa. Ang mga Ruso at Amerikano ay hinati ito sa dalawang bahagi, at ang mga bakas ay makikita pa ngayon. Gayunman, ang Germany ay hindi na itinuturing na kaaway; ito ngayon ay may sariling hukbong sandatahan, at may pinakamalakas na ekonomiya sa Europa. Kahit na

ito’ masasabing natalo, ang bansa ay muling bumangon. Kahit hindi ko lubos na maunawaan ang espirituwal na digmaan na aking nilalabanan ang mga kapangyarihan ng mga nilalang ng kadiliman, isang bagay ang nauunawaan ko, na sa digmaang ito ay wala ng pagbangon sa mga natalo. Ipinakita na ni Kristo ito; ang tagumpay ay nagtataglay na, at bilang mga Kristiano, kailangan nating maging tiyak na sa pagtunog ng huling trumpeta ay makita natin ang ating sarili na patuloy na nakikipaglaban sa panig ng tagumpay.

Si Pedro ay pinalalakas ang ating loob na makipaglaban para sa tagumpay. Sa 2 Pedro 1:3-4, “ Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbigay sa atin ng lahat ng kailangan natin para mamuhay nang may kabanalan. Ito’y sa pamamagitan ng pagkakakilala natin sa Kanya na tumawag sa atin. Tinawag tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan Niya at kabutihan. At sa pamamagitan din nito, ipinagkaloob Niya sa atin ang mahalaga at dakila Niyang mga pangako. Ginawa Niya ito para makabahagi tayo sa kabanalan ng Diyos at matakasan ang mapanirang pagnanasa na umiiral sa mundong ito.”

Ipinagkaloob Niya sa atin ang “ lahat ng bagay.” Hindi Siya nagkait ng anuman upang makamit natin ang tagumpay. Ipinangako Niya na tayo’y makakasama sa maka Diyos na kalikasan. Ang mga salitang ito ay may katapangan, nguni’t malimit nating marinig kay Pablo, “Ipakita ninyo na binago na kayo ng Diyos at binigyan ng buhay na matuwid at banal tulad ng sa Diyos,”

(Efeso 4:24, Colosas 3:10), at sa Roma 8:29, “ Sapagkat alam na ng Diyos noon pa man kung sino sino ang Kanyang magiging mga anak. At sila’y itinalaga na tulad ng Kanyang Anak na si Hesus para Siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.”

Hindi ako naniniwala na mayroon tayong ganap na kaligayahan sa maka Diyos na kalikasan habang naririto pa tayo sa daigdig; bagaman,sa pamamagitan ng kaharian,ako’y naniniwala na ipinakikita ng Diyos ang bahagyang silay ng kaluwalhatian nga darating.

Kung ito’y ating nauunawaan- kung alam natin na tayo’y bahagi at alam natin kung kanino tayo kasama- bakit natin ipagwawalang bahala ang digmaan?

Ako’y naging alipin din ng kasalanan. Nagdaan ako doon at nakagawa ng kamalian- ito ay hungkag at walang layunin. Ay ito’y hahantong sa kamatayan. Patuloy akong nakikipaglaban sa aking makasalanang kalikasan, nguni’t hindi ako magpapasakop dito, ang aking sinusunod ay ang aking pinaglilingkuran. Susundin ko ba ang aking sarili o susundin ko ang Diyos? Dalawang pagpipilian... walang nasa gitna.

Sa huling bahagi ng kanyang maikling tula, si Dickinson ay ginamit ang larawan ng isang digmaan :

Not one of all the purple Host Who took the Flag today

Can tell the definition

So clear of victory

As he defeated - dying -

On whose forbidden ear

The distant strains of triumph Burst agonized and clear !

Ang “purple Host” na nagwagi sa digmaan ay hindi ang iyong tatanungin tungkol sa tagumpay. Kung nais mong malaman ang kahulugan ng tagumpay ay tanungin mo ang naghihingalong kawal na nakikinig sa pagdiriwang ng kampo ng mga kaaway. Sino sa akala mo na ang paraiso ay matamis - si Lazarus ba o ang mayamang lalaki? Ang mayamang lalaki ay desperado na magpadala ng Salita sa kanyang mga kapatid- huli na ang lahat at talunan, naunawaan niya kung ano ang kahulugan ng pagtatagumpay.

 Ang espirituwal na tagumpay ay napagwagihan na- si Hesus ang gumawa noon. Kailangan lang natin na maging tiyak na hindi Iwan ang ating lugar sa digmaan.

Ang mundo ay isang magaspang na lugar. Bilang Kristiyano, tayo ay hindi ligtas sa kahirapan ng mundo. Tayo ay nawawalan ng mga mahal sa buhay, tayo ay nahihirapan sa pinansiyal, nawawalan ng trabaho- may mga Kristiano na nabubuhay sa ilalim ng masamang pamamahala at mga bansang nagdaranas ng digmaan. Mayroon ding mga Kristiyano na kulang ang pang araw araw na pangangailangan sa kanilang buhay- tulad ng malinis na tubig at tirahan. Ang mga Kristiyano sa buong mundo ay namumuhay sa lahat ng uri ng tirahan- ang iba ay mayaman, ang iba ay naghihikahos, ang iba ay malusog, ang iba ay may malubhang karamdaman, ang iba ay hindi nakaranas ng pinsala, nguni’t sa iba, ang sakuna o kapahamakan ay bahagi na ng kanilang buhay.

Gayunman, sa anumang pagkakataon na makita ang ating sarili, kung tayo’y tagasunod ni Kristo at kasama sa Kanyang katawan... mga kawal sa Kanyang Hukbo...ay nakamit na natin ang tagumpay. Ang pangako ni Kristo na nakamit na Niya ang tagumpay laban sa mundong ito at sa kahirapan ay sapat na upang panghawakan ang lahat sa atin.

Habang ako’y tumatanda, ang mundo ay nakakapagod na. Ako’y pagod na sa pakikipaglaban, naghihintay ng huling tunog ng trumpeta. Ito ay tutunog. Kung matapos ko ang laban dito sa mundo o hindi, hindi ko alam. Ang aking laban ay matatapos anumang paraan, at dala gin ko na ako’y makapagtiis at hindi bigyan ng pawang si Satanas sa aking buhay.

Dahil sa tagumpay ni Kristo sa kasalanan at kamatayan,ang wakas ng buhay ay hindi magbibigay ng takot sa atin. Kung ang aking ilawan ay maayos at puno, ako ay handa at ang tagumpay ni Kristo ay tagumpay ko rin !


Previous
Previous

Sa Bawat Hininga, Nananabik Akong Sundan si Jesus

Next
Next

Ang Taong Nais Kong Makilala— Juan na Tagapagbautismo