Ang Taong Nais Kong Makilala— Juan na Tagapagbautismo
Matapos na si Juan na Tagapagbautismo ay pinapugutan ng ulo ni Herod Antipas, si Jesus ay umalis upang magdalamhati at sinabi, “ Sinasabi Ko sa inyo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan. Nguni’t mas dakila pa sa kanya ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Diyos” ( Luke7:28 ). Tunay na nais ko siyang makilala at alam ko na magugustuhan ko siya.
Tinuran ni Malakias ang huling hula ni Juan; sa Malakias 4:5-6, mababasa natin, “Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng Aking pagpaparusa, isinugo Ko sa inyo si Propeta Elias. Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating Ko ay hindi na isusumpa ang inyong bayan.”
Mula sa ilang ay narinig ang tinig ni Juan tungkol sa kahanga hanga at makapangyarihang Balita sa lahat ng naghihintay na Tagapagligtas. Ang kanyang tinig ay biglang narinig sa ilang ng Judea. Ang kanyang tinig ay nakagulat tulad ng kay Elias- binasag ang katahimikan ng apat na raang taon. Ipapahayag niya ang kaharian ay nalalapit na. Ihahayag niya ang unang alagad na maniniwala kay Jesus. Sa sagutin niya ang hula ni Isaiah 40:3, tungkol kay Juan, sapagkat siya ang “ May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao,”Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Diyos.”
Tila ba sa loob ng 400 taon sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan, ang Israel ay hindi nakakita ng mga propeta na nagsalita nang may kapangyarihan at gumawa ng mga tanda at kababalaghan tulad nina Moses at Elias. Mayroon mga pamilya at mga lalaki na nakipaglaban at binago ang bansang Israel sa ibang panahon; ang pamilya ng mga Macabees at si Simon na Makatarungan ay mga kahanga hangang pinuno na bumalik sa kanilang bayan. Nguni’t kahit na sa mga Macabees, ay walang naging katulad ng sa hula ng isang sumisigaw sa ilang.
Si Juan ay anak ng isang pari na naglilingkod sa Pinakabanal na lugar, ay hindi naisulat sa loob o labas man ng templo. Ang kanyang buhay ay hindi lantad tulad ng buhay ng kanyang pinsan. Hindi siya kailanman na nakita sa tahanan ng ibang alagad tulad ni Jesus. Hindi siya nakita na kumakain sa hapag kainan, natutulog sa higaan, nakisasalimuha sa paanyaya ng mga tao. Samantalang ang mga bagay at pagdiriwang ay maaaring mangyari sa kanyang buhay, ito ay walang kinalaman sa kanyang layunin, misyon o katotohanan ng buhay.
Si Juan ay hindi makinis; ang ilang ang kanyang tahanan at ang kapaligiran ang nagbigay ng apoy at kapangyarihan sa kanyang salita- nagsalita siya tungkol sa mga ulupong, mga bato at tigang na lupa. Ang damit niya ay gawa sa balahibo ng kamelyo, at ang sinturon ay gawa sa balat ng hayop; ito’y nangangahulugan na hindi siya nag aahit at hindi maayos ang kasuotan- ang ilang ay hindi pinahihintulutan iyon.
Ang kanyang pagkain ay balang na malinis na pagkain ng mga anak ng Israel. Ang pulot pukyutan ay sagana sa lugar na iyon ng Palestina- at iyon ang naging pagkain ni Juan.
Nguni’t sa loob ng mahigit na isang taon, mula sa kanyang pagpapahayag, ay nakita natin si Juan sa loob ng piitan sa silangang bahagi ng Patay na Dagat. Sa Mateo 11:2-6, “ Nang nasa bilangguan si Juan na Tagapagbautismo, narinig niya ang mga ginawa ni Jesus, kaya inutusan niya ang kanyang mga tagasunod upang tanungin si Jesus, “ Kayo po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” Sumagot si Jesus sa kanila, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang narinig at nakita ninyo: Nakakita ang mga bulag, nakalakad
ang mga lumpo, gumagaling ang mga may malubhang sakit sa balat, nakarinig ang mga bingi, muling nabuhay ang mga patay, at ipinangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
. Mapalad ang taong hindi nagdududa sa Akin.”
Nakawiwiling pagnilayan ang buhay ni Juan- maaaring ang kanyang matandang mga magulang ay pumanaw nang siya’y kabataan pa. Sa katunayan, ang paksa ay nagsasabi na siya’y nasa ilang noong kabataan niya, at siya’y mamamatay sa gulang na 31 o 32, matapos na siya’y makulong sa madilim na selda sa palasyo ni Machaerus ng ilang panahon. Si Juan ay hindi duwag kung humaharap siya paminsan minsan kay Herod Antipas, nguni’t siya’y nag iisa at durog ang puso sa paglipas ng panahon, at ang kanyang isip ay hindi na nakatitiyak sa kanyang sigaw sa ilang ng Judea. Ang kanyang sariling misyon-na tiyak para sa kanya-ay naging maikli, at ang pagtitiwala sa kanyang misyon at layunin ng Mesiyas ay tila ba naglalaho sa kanyang pag iisa sa kulungan.
Bagaman, ang panghihina ng kalooban ay makikita sa kanyang pagpapadala ng mga tagasunod upang tanungin si Jesus, ay hindi makikita sa kanyang malinaw na pagpapahayag at babala kay Herod Antipas at sa kanyang kalaguyo, si Herodias,(na asawa ng kanyang kapatid na si Philip), tungkol sa kanilang kilos at ugnayan. Ang totoo, ang mensahe ay napakalinaw sa Biblia ay nagsasaad na si Herod ay kinatatakutan si Juan at si Herodias ay napopoot kay Juan dahil sa kanyang hatol at kilos.
Ang isa sa ilang mga kasaysayan na may kaugnayan sa Bagong Tipan na isinulat ng manunulat na sekular ay ang pahayag ni Josephus na “si Juan ay ikinulong at pinugutan ng ulo sa kastilyo ni Machaerus sa silangang bahagi ng Patay na Dagat.” Si Herod Antipas ay nagpatayo ng kastilyo sa mabangis at baku bakong lugar ng Perea; sinasabi na si Herod ay nabighani sa mga mabangis at nakatatakot na kapaligiran at tanawin kaya siya nagpatayo ng kastilyo. Hindi ko maisip ang mga oras na ginugol ni Juan sa lugar na ito, nananalangin. Araw at gabi sa kulungang ito-ginugol ni Juan ang mga oras sa ipinahayag niyang mga mensahe, at kung hindi dahil sa kanyang tapat na tagasunod, na pinayagan na dalhan siya ng kanyang pangangailangan- ay mapag iisa na lamang siya.
Ating alalahanin, na si Juan ay hindi gumawa ng mga tanda at himala tulad ni Jesus. Si Jesus ang unang gumawa ng mga nakamamanghang tanda ng mga bagay. Sa ilang panahon, ang mga tao ay pinag uusapan si Juan na tila ba siya ay may mahaba at matagumpay na buhay- na nabuhay nang matagal-mayaman sa espiritu na tumugon sa tawag-mga taon na nakamit para sa paglilingkod kay Kristo. Nguni’t ating nalaman, na si Juan ay ipinanganak ng matandang magulang, na marahil ay namatay noong siya ay bata pa. Siya ay lumaki sa disyerto at ilang bahagi ng Judea. Hindi natin kailanman nakita o kumain sa isang bahay. Hindi natin nakita na natulog sa higaan(tulad ni Jesus sa 30 taon). Hindi natin siya nakitang kumain liban sa balang at pulot pukyutan. Wala siyang kasuotan na ginawa sa hinabing tela. At sa mahigit na 30 taon, ay sinimulan ang isang napakalaking kilusan na gumimbal sa buong bansa sa kanyang pagkakatulog at makamundong pamumuhay. Ang kanyang buhay ay nagwakas sa kanyang paglilingkod para sa Diyos,hindi nagkaroon ng pagkakataon na maging bahagi ng kaharian na kanyang ipinahayag nang buong balak.
Huwag nawa nating sukatin ang halaga ng paglilingkod sa sukatan ng mundo. Naiisip mo ba na kung ang tagumpay at pangyayari sa buhay ni Juan ay sinukat sa paraan ng mundo sa halip na sukatan ng langit ? Nais ko siyang makilala.