Ang Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita

Sa isang pangkat ng mga kabataang mag aaral kung saan ako nananambahan, ay pinag aralan namin ang tungkol sa pananampalataya. Nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga sa mga pag uusap nang nakaraang buwan ukol sa Hebreo 11.

Sa Hebreo11:1, ang manunulat ay ibinigay ang tanging kahulugan ng pananampalataya na nakikita sa Biblia. Maraming halimbawa ng pananampalataya,na samakatuwid,

ang manunulat ay doon pupunta, nguni’t sa tuwirang kahulugan ay ito.

“Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging siguradong sa mga bagay na hindi natin nakikita.”

Ang salitang ‘substance’,(katiyakan),ay parang wala sa tamang lugar para sa akin.

Ang katiyakan ay karaniwang nakikita at nahihipo, at ang buong ideya ng pananam

palataya ay nasa mga bagay na hindi pisikal. Subalit ang manunulat ay ipinakita na ang pananampalataya ay konkreto...ito ay mayroon katiyakan...at ang ating pananampalataya ay siyang nagbibigay ng katiyakan sa mga bagay na inaasahan natin sa sandaling ito.

At nagbibigay ng katibayan sa mga bagay na hindi pa natin nakikita ngayon. Ang mga bagay na tinitingnan natin sa hinaharap ay walang katiyakan ngayon para sa akin, sila’y

nabibilang sa hinaharap at sa mga huling araw ng ating buhay. Kung nakikita natin sila, magkakaroon sila ng katiyakan kung tayo ay nasa espirituwal na kaharian. Sa palagay ko,

ay walang katanungan na sa espirituwal na kaharian , ang mga bagay ay magkakaroon ng katiyakan- ang langit ay totoong kaligayahan at ang impiyerno ay tunay na kapinsalaan.

Ngayon, ang manunulat ay binibigyan tayo ng lakas ng loob na mamuhay nang matatag

sa pananampalataya upang hindi natin makaharap ang kalungkutan kung tayo’y mawawala sa Ama. Ang mga bagay na ating inaasam ay hindi gawa ng ating imahinasyon- wala tayong pananampalataya sa mga kuwentong hindi totoo at mga engkanto. Isinulat ni Pedro ang bagay na ito sa 2 Pedro 1, noong sinabi niya sa mga Kristiano na dumaranas ng pag uusig na ang kanilang pananampalataya ay hindi nababatay sa mga kuwentong hindi totoo, nguni’t sa mga patunay ng mga nakakita ng “Kanyang kadakilaan.” Ang ating pananam- palataya ay may katiyakan- magkatulad sa mga patunay na pinasiglang salita ng Diyos.

Samantalang ang karaniwang kahulugan ng katiyakan ay may kaugnayan sa pisikal na bagay na binubuo ng isang bagay, kung paghihiwalayin ang salita, ito ay nagbibigay ng ibang kahulugan. Ang “sub” ay ginagamit na ang kahulugan ay “under” o ilalim, at ang “stance” ay nangangahulugan ng kalagayan o paninindigan. Ngayon, ang salitang “substance” sa kanyang literal na anyo, ay nangangahulugan na tumayo sa ilalim. Kaya nga hindi tayo umuurong sa mga pagsubok ng buhay o hindi lumulubog sa mga hirap ng mundo at sa kanyang malungkot na kalagayan. Ang ating pananampalataya ay matatag na nakatayo sa ilalim natin at dinadala ang mga bigat na ibinigay sa atin. Mayroon tayong pagtitiwala sa ating pananampalataya at pag asa sa mga oras ng kaguluhan.

Sa Hebreo11:2-3, “Dahil sa pananampalataya ng mga ninuno natin, kinalugdan sila ng Diyos. Dahil sa pananampalataya,alam natin na ang sanlibutan ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, kaya ang mga bagay na nakikita natin ay galing sa mga bagay na hindi nakikita.”

Bagaman hindi pa natin nakikita ang kalangitan, ang mga anghel, o si Jesus sa kaanyuan ng laman, ang ating pananampalataya ay pinapatunayan sa ating isipan ang mga bagay na hindi pa natin nakikita. Hindi kailangan na maging saksi tayo sa kaluwalhatian ni Kristo upang magkaroon ng pananampalataya. At ang pananampalataya ang magbibigay sa atin ng dahilan para kumilos.

Ang pananampalataya ay makagagawa ng mga bagay. Sa ibang talata ng Hebreo 11, ang “Roll Call of Faith”, ang pagtawag sa pananampalataya, ang manunulat ay tinalakay na

na ang pananampalataya ay ang palatandaan ng mga tao ng Diyos. Ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala. Alam natin na marami ang naniniwala-sinabi ni Jesus, “Marami ang tumatawag sa Akin ng Panginoon, pero hindi ito nangangahulugan na makakapasok sila sa kaharian ng langit. Ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng Aking Amang nasa langit ang mapapabilang sa Kanyang kaharian ( Mateo 7:21 ).

Ang mga taong binigyan ng pagpapahalaga sa ilang bahagi ng Hebreo 11, ay nais kong bigyan ng pag aaral sa mga susunod na linggo. Ang kanilang buhay ay nagpapatunay

kung paano ang kanilang pananampalataya ay may magagawa sa buhay ng isang tao.

Ang Diyos ang nagpapatunay sa katapatan ng mga lalaki at babaeng ito. Hindi sila kabilang sa mataas na antas ng lipunan. Hindi sila kinikilala na mga tauhan ng isang nobela.

Sila ay mga tao- tulad natin. Hindi madali sa kanila na magkaroon ng pananampalataya na tulad din natin. Wala silang madaling panahon upang gawin ang dapat na isa ayos tulad din natin. Mayroon silang pananampalataya- pananampalataya na nakatayo sa ilalim nila at nagbibigay ng dahilan sa kanila na isaalang alang ang katibayan na mayroon sila na nagbibigay ng katiyakan sa mga bagay na kanilang inaasam.

Ang mga lalaki at babaeng ito ay ibinigay ng Diyos upang maging halimbawa na sundin. Nakikita natin ang ating sarili sa kanila at parisan sila sapagkat ang katauhan ng isang mananampalataya- ang puso ng mananampalataya- ay ang nag papaiba sa isa na naniniwala lang mula sa isa na kumikilos sa pananampalataya.

Sa wakas ng ikatlong talata, sinabi ng manunulat na ang pananampalataya ay nagbibigay ng pang unawa. Sa pamamagitan ng pananampalataya,ay nauunawaan natin kung sino ang Diyos- na ang daigdig at lahat ng naroon ay nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.

Ako ay laging nag aalinlangan kung ang mga Kristiano ay nais na ipaliwanag ang mga bagay ng Diyos sa pamamagitan ng karunungan ng tao. Maraming taon ang nakalipas, ang mga kabataang ito at ako ay pinag aralan ang katibayan ng mga nilikha ng Diyos na nakatala sa Genesis, at pinag usapan ang katotohanan na kahit na ang agham ay nagpapatunay sa Biblia, ay hindi tayo dapat na mahulog sa bitag na gamitin ang agham na ipaliwanag kung paano ang mga tala sa Biblia tungkol sa paglalang ay ipasok sa mga kuro kuro ng tao.

Kung tayo ay binigyan ng katiyakan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos na tinubos tayo sa pamamagitan ng dugo ng Kanyang bugtong na Anak, bakit ba mahirap na paniwalaan na kaya Niyang lalangin ang lahat nang nakikita natin sa loob ng anim na araw? O, kaya’y hatiin Niya ang dagat at pangunahan ang Kanyang mga tao sa paglisan sa pagka alipin? O, kaya ay ipagwalang halaga ang batas ng kalikasan... ang Kanyang batas ng kalikasan at gawin na ang araw ay tumigil sa himpapawid? O, nagawang ingatan ang mga lalaki na hindi nasunog sa naglalagablab na hurno, o ang isang patay ay muling buhayin?

Paano na ang karunungan sa daigdig ay maipapaliwanag ang lahat ng ito? Ito ay hindi mangyayari. At dahil hindi nila maipaliwanag ang lahat ng ito, maraming taong may mataas na pinag aralan ay sasabihin na ang mga pangyayaring ito ay pawang alamat lamang.

Nguni’t ang aking pananampalataya? Ang aking pananampalataya ay nagsasabi na ang mga bagay na ito ay totoo- at mayroon silang katiyakan. Ako ay naniniwala sa isang Diyos na magagawa ang lahat at marami pang iba.

Previous
Previous

Ang Taong Nais Kong Makilala— Juan na Tagapagbautismo

Next
Next

Pagsasalita at Pamumuhay Nang May Katapangan