Pagsasalita at Pamumuhay Nang May Katapangan
Sa Kawikaan 28:1, tinuran ng guro ang “Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, nguni’t ang matapang ay tulad ng leon.”
Ang talatang ito ay tumatalakay sa magka ibang pag iisip at kilos ng masama at mabuting tao, at tila ba naaangkop sa nalalapit nang pagwawakas sa pagtalakay sa pananggalang ng Diyos.
Ang pagtakas sa digmaan ay ang pangwakas na tanda ng kaduwagan. Bilang mga kawal ni Kristo, ang ating pananggalang ay nagbibigay ng wastong kagamitan upang manatili sa pakikipaglaban at sa wakas ay matapang na magsalita sa iba, himukin ang iba na tumayo kasama ang Diyos. Pinagkatiwalaan tayo ng katotohanan, ng mensahe ng kapayapaan at ng Salita. At pinagkalooban tayo ng pananampalataya, kaligtasan at katuwiran ng Diyos. Ano pa ang kailangan natin ?
Ang isa sa mga paborito noong bata pa ako ay sina Shadrach, Meshach at Abednego sa Daniel 3.
Ang tatlong lalaking ito ay nahaharap sa gipit na kalagayan. Nahuhulaan ko na alam na natin ang kuwentong ito. Si Nebuchadnezzar ay nagpagawa ng isang rebultong ginto, at inanyayahan ang lahat ng mga pinuno at kagalang galang ng mga opiyales mula sa ibat ibang lalawigan para dumalo sa pagtatalaga ng nasabing rebulto. At pangkaraniwan, ay mayroon musika sa pagtatalaga, at ang lahat ng naroon ay sinabihan na kapag ang musika ay tinutugtog, sila ay dapat na lumuhod at sambahin ang rebulto. Ang parusa sa hindi susunod ay agad na ipatatapon sa “naglalagablab na hurno.”
Ang lahat ay naganap ayon sa balak ng hari, hanggang ang ilan sa mga nagseselos na pinuno ng Babilonia ay napansin na ang tatlong lalaking Judio na binigyan ng katungkulan sa Babilonia- ay hindi sumunod sa utos.
Ang tatlo ay dinala sa harap ng hari at binigyan ng karapatang pumili sa pagsamba o pagsunog. Sinabi pa ng hari, “sinong Diyos ang makapagliligtas sa inyo sa aking kamay?”
Ang katapangan ng kanilang tugon ay nakamamangha sa katiyakan- at sa kanyang kapayakan. Ang tatlong lalaki ay nagsabi kay Nebuchadnezzar na hindi nila kailangan na sumagot sa kanya. Ang matapang nilang tugon ay mahinahon pa rin. Hindi nila kailangan isipin ang balak na iyon. Walang labanan sa pagitan ng utos ng hari at ang utos ni Jehovah. Sinabi nila kay Nebuchadnezzar na ang Diyos na kanilang pinaglilingkuran ay kaya silang iligtas mula sa apoy ng hurno ng hari at gayundin sa kamay ng hari.
Sinabi pa nila na kung sakaling hindi sila ililigtas ng Diyos, ay wala silang balak na lumuhod sa rebulto. Ang banta ng kamatayan ay hindi nagpatigil sa kanila sa pagsasalita; hindi ito nagpatigil sa pagtitiwala sa Diyos. Alam nila na sila’y iingatan ng Diyos mula sa apoy, kahit na wala silang katiyakan dito.
Alam natin ang wakas ng kuwento. Ang galit na hari ay iniutos na pagdingasin pa ang hurno nang pitong ulit na mainit kaysa dati; ito’y napakainit na ang mga kawal na nagtapon sa tatlo ay nasunog. Subalit ang kamay ng Diyos at Kanyang pamamagitan, sina Shadrach, Meshach at Abednego ay lumabas sa hurno na walang pinsala, hindi man lang nag amoy usok ang kanilang buhok at damit.
Ang bunga nito ay pinuri ni Nebuchadnezzar ang Diyos ng tatlong lalaki- ang Diyos ng Israel. Kinilala niya ang pananampalataya ng tatlong kabataang lalaki at paanong ang kanilang Diyos ay mataas kaysa alinmang Diyos . Sa kanyang pagtatapos ay sinabi niya, “walang ibang Diyos na makapagliligtas katulad ng kanilang Diyos.”
Ang kilos ng mga kabataang lalaking ito ay higit na malakas at matapang sa lakas ng kanilang salita.
At nais kong bigyan ng pansin na kahit na tayo’y magsalita nang may katapangan ng Salita ng Diyos, kailangan nating tiyakin na ang ating salita at buhay ay hindi magkasalungat.
Habang ako’y tumatanda, ang kahulugan ko ng pagsasalita nang may katapangan ay nag iba.
Sa aking kabataan, ang akala ko ang katapangan ay makapangyarihan at malakas... marahil mas mapangahas kaysa matapang. At piniliit ko pa na ang “ pagsasalita” ay kasangkot lamang sa tuwirang pag uusap. Sa pagkaka idad, tila ang katapangan ay mas tahimik kaysa aking iniisip at ang pagsasalita ay hindi nangangailangan ng salita.
Ang tatlong kabataang Judio na bihag sa Babilonia ay tunay na nag salita na may katapangan, nguni’t hindi nagsalita na may karahasan. Hindi sila nakipagtalo sa hari. Sila ay nakipag usap nang maayos at may paninindigan, nguni’t hindi ito salungatan ng kalooban laban kay Nebuchadnezzar. Hindi sila nakipagkasundo para sa kanilang buhay. Ang kanilang kalooban ay nagpasya na at ang kanilang kilos ay hindi nagbago tulad ng kanilang salita. Alam nila kung sino ang Diyos, at alam nila na sila’y ililigtas kahit na ang pasya ay hindi gawin iyon- at ang sinabi nila at ang kilos ay totoo.
Sa buong buhay natin, ay inisip natin na totoo ang isang bagay. Iyan ang kalagayan ng bawat tao dito sa lupa.
Ano ang masasabi natin sa ating buhay na totoo? Ang buhay ba natin ay matapang na nagsasalita ng ebanghelyo ni Kristo? Marami sa atin ang nagsasalita nang may katapangan, nguni’t nagsasalita ba tayo tulad ng ating ikinikilos ?
Ang buhay ko ba ay walang takot na ipinahahayag na ako ay sugo ni Kristo?
Nakalulungkot na sabihin na maraming panahon na ang aking buhay ay hindi. Ito ay nakakahiya at hindi ko ipinagmamalaki ito.
Isa sa mga bagay na sinasabi ko sa mga kabataan, ay hindi magulo upang malaman kung sino o ano ang tao. Kailangan mo lang pagmasdan sila. Makinig ka sa mga salita nila, nguni’t maraming tao, Kristiyano man o hindi, ang salita ay salita lamang. Makapagsasalita kung ano ang nais mo, nguni’t kung dumating ang oras na itulak ka, ano ang gagawin mo?
Isang mahalagang bagay na isipin ito, sapagkat ang ating kilos at pananalita ay katapangan din. Sa totoo, ay iniisip ko na sila’y nagsasalita nang higit na may katapangan,sapagkat nagsasabi sila ng katotohanan kung sino tayo.
Bigyan natin ng pansin ang mensahe na ating ipinahahayag sa ating pang araw araw na buhay. Nagsasalita tayo nang may katapangan kung umalis tayo sa silid kung saan ang mga tao ay nag uusap nang walang kabuluhan tungkol sa buhay ng ibang tao, at nagsasalita tayo nang may katapangan kung hindi tayo dumalo sa pagsasanay ng soccer upang dumalo sa pananambahan. Nagsasalita tayo nang may katapangan sa mga sandaling walang nagmamasid sa atin at naglilingkod na hindi pinupuri ang sarili, tinatalakay ang lahat ng ginawa, o nagrereklamo kung kailangang maglingkod.
Ang Ama ang nakakakita, at naniniwala ako , na “naririnig” ng iba na tayo’y nagsasalita tungkol sa mga hiwaga ng ebanghelyo ni Kristo. At iyan ay kung tayo ang tunay na asin at ilaw at mga sugo kasama nina Pablo at Shadrach, Meshach at Abednego, ipinakikita sa mga tao ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng ating buhay.