Ang Masamang Tao
Mayroon isang lalaki sa buhay ni David na nakalilito sa akin- si Joab.
Ang totoo, sa mga binasa ko tungkol kay Joab, sa aking kabataan, ay isinama ko siya na sakop ng mga “ masamang tao”- nguni’t naramdaman ko na marahil ay iba siya. Si Joab ay nagsabi kay David na hindi magandang gawin na bilangin ang mga tao. Pinaalalahanan ni Joab si David tungkol sa kanyang mga tapat na kawal pagkatapos ng paghihimagsik ni Absalom, at si Joab ang nanguna sa Hukbo ni David sa maraming tagumpay. Ang totoo, walang ulat na si Joab kailanman, ay hindi natalo sa digmaan.
Sa pagsasaalang alang ng nabanggit, bakit si Joab ay ibinilang ko sa “masamang tao”? Sapagkat pinatay niya sina Abner at Amasa, nang ibinigay ni David ang gawain ni Joab sa dalawa. Hindi niya binigyan ng pansin ang utos ng hari na bigyan ng awa si Absalom, at pinatay pa niya ito. Kinampihan niya si Adonijah sa huling bahagi ng buhay ni David. Mukha siyang mapusok, marahas at mahilig sa pagpatay.
At idagdag pa ang kaguluhan sa mga ito, parang may namamagitan na hidwaan kay David at Joab. Si Joab ay pamangkin ni David ( anak ni Zeruiah, kapatid ni David ). Sa isang kaharian,ay karaniwan na ang pamilya ay inaatasan na maglingkod sa hari. Gayunman, sa ganitong bagay, si Joab ay isang mabuting pagpipilian sapagkat siya ay pangahas, matapang at makapangyarihan. Bakit may pagsasalungatan?
Sa pag iisip ko ng kanilang kaugnayan, higit akong naniwala na si Joab ay ang kabuuan ng pansariling pakikipagtunggali para kay David. Si David ay tinawag na ang lalaking malapit sa puso ng Diyos, at mahal niya ang Panginoon at nais lamang na gawin ang tama. Nguni’t- ang kapangyarihan ay nakakasama- kahit na para kay David. Ang totoo, kung titingnan natin ang unang dalawang hari ng Israel, Makikita na si Saul,sa panlabas na kaanyuan, ay walang kapintasan na hari, ay naging masama rin at naging baliw din sa kapangyarihan. At makikita rin si David, ang mabuting pinili para maging hari, ay naging masama rin dahil sa kapangyarihan at at nag wakas sa masalimuot na kasalanan at mga pampamilyang kaguluhan matapos niyang maupo sa trono. Nguni’t ano ang kaugnayan nito kay Joab? Si Joab ang tao na lubos na naka kakilala kung ano ang kailangan ni David upang manatili sa kapangyarihan. Kahit na ito’y pagseselos ( at paghihiganti sa kaso ni Abner ) na nagtulak sa kanya upang patayin si Abner at Amasa, ito ay maaari rin naunawaan niya ang galaw ng politika, at ang mga lalaki ay hindi talaga mapagkakatiwalaan. Naunawaan niya na si Absalom ay hindi mananatili batay sa maka mundong pag iisip. Si Joab ay maaaring ang lalaki na handa para gawin ang maraming gawain na kailangan upang manatili sa kapangyarihan- at marahil ay ito ang nagbigay kay David nang hindi mapalagay, sapagkat ito ay pansariling pakikipaglaban ni David. Bilang katibayan ng paki kipaglaban na ito, si David ay muling kinuha si Michal bilang asawa, ang pagbilang ng mga tao, at ang huling pakikipag usap sa kanyang anak kung sino ang aalisin na maaaring kaaway sa politika ( kasama si Joab). Ngayon nga ay may pagsasalungatan- si Joab ay kumakatawan sa pansariling pakikipaglaban ni David.
Ang huling buhay ni Joab ay nakalilito rin para sa akin. Ang katunayan na siya ay manatili na matatag at ayaw lisanin ang altar at hiniling na siya’y patayin doon ay nagbigay sa akin ng paniniwala na siya’y tumatayo sa kanyang huling pasya. Ngayon, paano ko titingnan si Joab? Siya ay mananatiling isang misteryo sa akin sapagkat ang Biblia ay hindi nagbigay ng maliwanag na komentaryo tungkol kay Joab. Nguni’t narito ang aking napag alaman mula kay David at Joab. Sila ang “masasamang tao”. At hulaan ninyo, ako rin ay masamang tao,at kayo rin. Maaaring masakit ito para sa inyo- nguni’t sa paglipas ng araw, LAHAT tayo ay may
kakayahan na gumawa ng malaking kasamaan. Ang pagkakaiba lamang ay kusang pagkilala nito at kung sino ang pupuntahan upang iwasto ang kamalian. Hindi natin kailanman na maitatama ang kamalian sa ating kaparaanan, tanging ang Diyos ang makagagawa upang tayo’y maging matuwid.
Ang mga bayani ng Biblia ay yaong mga tao na nalaman na kung walang Diyos, sila ay hindi magiging bayani. Sila ang mga bumagsak at nahulog nguni’t tumayong muli at nagtungo sa Diyos. Sila ang masasamang tao na ginawa ng Diyos na mabuti. At Iyan ang balita- ang magandang balita- na tulad ni David, makagagawa tayo ng malaking kamalian, nguni’t sa awa ng Diyos, ang kuwento ng ating buhay ay hindi magtatapos doon.