Ang Mga Propeta
Nais kong mag simula ng isang serye ng mga lathalain tungkol sa mga propeta, nguni’t inisip ko na ang pagpapakilala ay makatutulong. Alam ko na sa aking kabataan ay mayroon akong maliit na kaalaman tungkol sa mga propeta. Alam ko ang pambatang kuwento tungkol kay Jonah at alam ko ang mga pangalan, nguni’t mayroon lang akong di maliwanag na kaalaman sa paksa. Natatandaan ko pa ang usapan ng mga kapwa ko mag aaral sa kolehiyo kung saan tinalakay kung maaari o may posibilidad ba na makaharap ang isa sa mga maliliit na propeta sa langit at kung mayroon ba na ideya o kuro kuro kung ano ang ukol sa kanyang aklat. Ito ay parang gumising sa akin at nagbigay ng pagnanais na pag aralan ang mga propeta nang maayos.
Kung titingnan mo ang buhay ng isang karaniwang propeta, ito ay tunay na mahirap. Si Elijah ay nanalangin na mamatay na lang sana siya. Si Isaiah ay sinabihan na ipakita ang kahubaran sa loob ng tatlong taon. Si Hosea ay inutusan na mag asawa ng babaeng nangangalunya. Si Jeremiah ay itinapon sa isang malalim na balon. Si Ezekiel ay inutusan na mahiga nang nakatagilid ng mahigit sa isang taon. At ang masakit pa, ang kanyang asawa ay mamamatay at hindi siya magdadalamhati. Ito ay sa kabila ng pagpapahayag ng mensahe na hindi kinagigiliwan ng mga tao. Ito ay hindi madaling buhay.
Ngayon, ano ba talaga ang propeta? Ang diksionaryo ay pinakakahulugan na siya ay isang guro o tagapag balita na kinasihan ng Banal na Espiritu upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Si Moses ay tinawag na propeta at ang kapatid na si Miriam ay isa ring propeta na umawit ng kanyang awitin matapos na tumawid sa Dagat na Pula. Si Samuel ay tinawag ding propeta, at gayon din sina Elijah at Elisha sa panahon ni Ahab. Ang mga propeta ay hindi lamang ang nakatala sa huling mga aklat ng Lumang Tipan. Sa ibang mga bahagi, maaaring mayroon lang tayong isa o dalawang talata tungkol sa propeta. Sa bawat isang aklat na ipinangalan sa mga propeta,ang mga ito ay isinulat ang kanilang mensahe. Ang mga malalaking propeta ay may ganitong paglalarawan, dahil sa haba ng aklat- at sa magkatulad na paraan, ang mga maliliit na propeta ay tinawag dahil sa maikling aklat. Si Moses sa Deuteronomio 13, ay inisa isa kung paano matitiyak kung ang isang propeta ay mula sa Diyos. Kung ang propeta ay sinabi na sundin ang ibang diyos- ay malalaman mo na “Hindi” sila propeta ng Diyos. Ito ay isang mahalagang pagsubok dahil pag sapit mo sa aklat ng Mga Hari, ay makikita mo na ang salitang propeta ay naka ugnay sa mga propeta ni Baal. Ang propeta ng Diyos ay siyang nagpapahayag ng kalooban ng Diyos.
Bakit kinailangan ng Diyos na ipadala ang mga taong ito? Ito ang nagtuturo ng Kanyang malalim na pag ibig at awa na patuloy Niyang ipinadadala ang mga taong ito upang tawagin muli ang Kanyang mga hinirang. Sa 2 Cronica24:19, sinasabi na, “ Nagpadala ang Panginoon ng mga propeta sa mga tao para pabalikin sila sa Kanya, pero hindi sila nakinig.” Ang pakay ay upang ibalik ang mga tao sa Diyos. Ito ang mga lalaki na magiging gabay ng mga tao at magbigay ng babala tungkol sa magiging bunga kung sila’y mananatili sa kasamaan.
Isang bagay na dapat isipin habang binabasa ang mga propeta ay ang pagkakasulat ay hindi katulad ng ating nakasanayan. Mayroon mga kasaysayan na isinama sa aklat, tulad ng Isaiah, Jeremiah at Daniel- nguni’t marami sa mga aklat na ito ay gumagamit ng wika na parang tula at kaalaman sa mga Hebreong panitikan na paulit ulit. Mayroon ding mga nakakatakot na pananalita na gumagamit ng mga salita at simbolo ng kasukdulan. Gayunman, ang isang bagay na dapat ilagay sa isip habang binabasa ang mga propeta ay ang pagsusulat ng mga aklat na ito ay nababatay sa pinagmulan na Tipan na ginawa sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang mga tao sa Genesis at Exodus. Isipin atin na ang Tipan ay hindi kontrata ng negosyo, tulad ng iniisip natin ngayon, nguni’t ito’y isang kasuduan na palagian sa pagitan ng dalawang
panig, na batay sa katapatan, pagsunod at pagtitiwala. Mahalaga na maunawaan natin ang simulain ng pakikipagtipan, at maunawaan ang tunay na pagkakaiba ng estilo ng pagsusulat upang maunawaan at ipaliwanag ang mga propeta nang wasto.
Bakit kailangan pag aralan ang mga aklat na ito ngayon? Sa totoo lang, ang mga mensahe ay patuloy pa ring mahalaga at totoo ngayon tulad din ng nagdaang panahon. Kung tunay mong binabasa ang mga aklat na ito, ay iyong matutuklasan na magkatulad sa ating panahon at ang mga bagay na kinakaharap natin. Tulad ng sinabi ni Solomon sa Ecclesiastes- walang nangyayaring bago sa mundo. Sa parehong paraan,ang payak na mensaheng ito ay hindi nagbabago. Nauunawaan din natin na ang Diyos ay ayaw ng mga walang kabuluhang gawain mula sa Kanyang mga tao, nguni’t ang tunay na gawa ng katapatan- naghahanap ng katarungan, nagmamahal ng may awa, lumalakad nang may kababaang loob. Sa wakas, ito ay nagbibigay ng malalim na kayamanan at kaalaman sa Kasulatan ng Bagong Tipan kung saan ang mga propetang ito ay madalas na binabanggit at tinutukoy. Sa 2 Pedro 3:2, sinabi ni Pedro na ito ay kanyang isinulat sa kanyang tagapakinig upang tulungan sila na maalala ang salita ng mga propeta at ang mga utos ni Jesus. Kailangan nating malaman ang salita ng mga propeta upang maalaala at maunawaan ang kahalagahan ng kasulatan. Ang aking panalangin ay sama sama tayo na pag aralan ang mga aklat na ito at tuklasin ang mensahe na nais nilang ibahagi.