Pagsasalita Nang May Katapangan

By Paula Walker

“ Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Diyos ng wastong pananalita para maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon” ( Efeso 6:19 ).

Ang pagsasalita nang may katapangan ay walang kinalaman sa lakas o tunog. Ito ay magagawa sa mahina nag tinig, sa isang pribadong lugar, at gayundin sa hayag na lugar. Ang lakas ng loob na magsalita nang may katapangan ay nagbibigay sa atin kung may nakita tayong tao na hindi pinatutunguhan nang mabuti,o kung nararamdaman natin na tayo’y tinatakot. Hindi ko alam ang tungkol sa iyo, nguni’t ako ay hindi likas na matapang, o isang namumuno, nguni’t maaari akong maging matapang.

Naalala ko ang aking ina na matapang upang ipagtanggol ang kanyang mga anak kung ang isa sa amin ay pinagtutulungan ng kapitbahay. Hindi ako sumasama sa kanya kung siya ay lumalabas ng bahay upang harapin ang problema o ang taong nagbibigay ng problema, nguni’t nakikita ko sa kanyang mukha na maayos na ang pangyayari.

Nang kina usap ni Pablo ang mga taga Efeso na ipanalangin siya na magkaroon ng katapangan, dahil Siya ay nasa mahirap na kalagayan. Siya ay ikinulong na, at ang mga hukom ay magagawa na lalo pang maghirap ang kanyang buhay. Sila ay may kapangyarihan ng buhay at kamatayan kay Pablo. Kailangan niyang maging matapang kahit na ano pa ang mangyari.

Sa Daniel 3:17, sina Shadrach, Meshach at Abednego ay binalaan ni Haring Nebuchadnezzar na sila’y dapat na lumuhod at sambahin ang rebultong ginto kung maririnig nila ang musika o kung hindi ay itatapon sila sa naglalagablab na hurno. Ang sabi ng hari “ Tingnan natin kung may Diyos na makakapagligtas sa inyo.” Ang kanilang sagot ay, “ Mahal na hari, wala po kaming masasabi tungkol diyan. Kung talagang ganyan ang mangyayari, ililigtas kami ng Diyos na aming pinaglilingkuran,mula sa naglalagablab na hurno. Ililigtas Niya kami sa inyong mga kamay.”

Sa Marcos 15:43, si “ Jose ng Arimatea, isang iginagalang na miyembro ng korte ng mga Judio, at isa sa mga naghihintay sa pagdating ng paghahari ng Diyos, ay lakas loob na pumunta kay Pilato upang hingin ang bangkay ni Jesus.” Pinawalang halaga niya ang kanyang katayuan, ang kanyang pagiging pinuno at ang pag galang ng mga tao.

Gayundin sa Gawa 4:13, tinuran ni Lucas ang pagkamangha ng mga tao sa mga alagad sa Araw ng Pentekostes. “ Namangha sila kina Pedro at Juan dahil sa lakas ng loob nilang magsalita, lalo na nang malaman nilang mga karaniwang tao lamang sila at walang mataas na pinag aralan. Namukhaan din nilang sila’y mga kasama ni Jesus noon. Magsasalita pa sana sila laban sa himalang ginawa nina Pedro at Juan,pero dahil ang taong pinagaling ay nakatayo mismo sa tabi ng dalawa, wala na silang masabi.” Kaya pinalabas muna nila sina Pedro at Juan sa kanilang pinagtitipunan at nag usap usap sila. Sinabi nila, “ Ano ang gagawin natin sa mga taong ito? Sapagkat kumalat na ang balita sa buong Jerusalem na nakagawa sila ng himala, at hindi natin ito maikakaila. Kaya para huwag nang kumalat ang kanilang pangangaral sa mga tao, balaan natin sila na huwag nang magturo tungkol kay Jesus.” Ipinatawag nila sina Pedro at Juan at sinabihang huwag magsalita o magturo tungkol kay Jesus. Pero sumagot sina Pedro at Juan, “ Isipin nga ninyong mabuti kung alin ang tama sa paningin ng Diyos; ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Diyos? Hindi pwedeng Hindi namin ipahayag ang aming nakita at narinig.”

Sina Shadrach, Meshach at Abednego ay nanganib din ang buhay, nang buong tapang nilang sinagot ang tanong ng hari. Tumanggi silang lumuhod kahit ano pa ang mangyari.

Si José ng Arimatea ay nakiusap na kunin ang katawan ni Jesus. Kahit ano pa ang mangyari.

Sina Pedro at Juan ay nanganib din sa mga pag uusig at pagkabilanggo, nguni’t kailangan nilang ipahayag ang kanilang nakita at narinig, kahit ano pa ang mangyari.

Nguni’t ang katapangan na ito ay hindi lamang sa mga lalaki.

Si Esther ay nanganib din ang buhay upang sagipin ang kanyang mga kalahi. “ At pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na laban sa batas. At kung papatayin ako, handa akong mamatay “

( Esther 4:16 ). Maaari siyang mamatay, nguni’t pupunta siya, kahit ano pa ang mangyari.

Sa 1 Samuel 25, pinatigil ni Abigail si David na huwag patayin ang kanyang sambahayan. Buong tapang at pagpapakumbaba na humarap kay David at nag alay ng kapayapaan. Iniligtas niya ang kanyang sambahayan at hindi na naghiganti si David at hindi na dumanak pa ang dugo nang walang dahilan, at hindi niya alam na inilagay niya ang kanyang sarili sa kapanatagan sa hinaharap. Inilagay niya ang kanyang buhay sa hanay ng kaparusahan. Kahit ano pa ang mangyari.

Ano ang nagbibigay sa atin ng dahilan na magsalita nang buong tapang? Tulad ng aking ina, ako handa na ingatan at ipagtanggol ang aking pamilya. Ako ay mapagparaya, nguni’t may pagkakataon kung kailan ako dapat na magsalita sa pagtatanggol ko sa mga mahal ko sa buhay. Kung ang pagkakaisa ng iglesya ay may banta ng tsismis at paninirang puri, kailangan kong magsalita upang ipagtanggol ang pamilya ng Diyos. Kung ang Diyos ay kinukutya ng mga hindi naniniwala, kailangan kong magsalita. Kung ang paaralan ay nagtuturo sa aking mga anak ng walang kahalagahan, kailangan kong magsalita at kumilos- kahit ano pa ang mangyari. Inaakala natin na ang katahimikan ay ginto, nguni’t ang pananahimik ay hindi katapangan. Ang pagsasalita, ang pagtayo at ang pananalangin ay nangangailangan ng katapangan.

Kung ang mga tao ng Diyos ay hindi handa na gawin iyon, sino ang gagawa? Ano ang nakataya para sa atin? Hindi tayo binabantaan tulad nina Shadrach, Nicodemus, Esther, hindi ba? Mawawala ba ang ating ikinabubuhay, ang mga mahal sa buhay, ang ating sariling buhay? Maaaring hindi.

Ako ang matandang babae sa Titus 2, na sinabihan ng, “Turuan mo silang mamuhay nang maayos.” At ito ang maayos, “May oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita”

( Ecclesiastes 3:7 ). Ang karunungan ng idad at karanasan ay makatutulong sa atin kung kailan dapat pakawalan ang mga bagay at kung kailan dapat magsalita.

Nguni’t kailangan kong alalahanin na ang pagsasalita nang buong tapang, ay hindi ko dapat kalimutan ang Kawikaan 15:1, “Ang malumanay na sagot ay nakapapawi ng poot”, o ang

1 Pedro 3:4, “Sa halip, pagandahin ninyo ang inyong kalooban, ang mabuting pag uugali ay hindi nagbabago. Maging mahinhin kayo at laging mabait. Ito ang mahalaga sa paningin ng Diyos.”

Ang aking asawa, si Ralph, at ako ay nagpunta sa mataong Walmart isang Sabado ng hapon. Habang kami’y naghahanap ng himpilan ng sasakyan, ay nakita namin ang dalawang lalaki sa gelid ng gusali. Parang nakikita ko na nagdadamayan ang bawat isa, magkahawak ang kamay,ang ulo ng isa ay bahagya get nakayuko. Inisip ko na sila’y nananalangin. Ako ay ibinaba ni Ralph sa tabi ng pintuan upang mauna na akong mamili habang naghahanap siya ng mapaparadahan. Sa pagpasok ko sa tindahan ay nakita ko ang ilang babae na may dalang mga papel sa kanilang kamay at nagsisikap na makipag usap sa mga taong papasok sa

 tindahan. Narinig at naunawaan nang sapat na nagsisikap silang ibahagi ang ebanghelyo. Tinanong ko kung taga saan sila at nagkaroon kami ng maikling espirituwal na pag uusap. Sinabi ko na ako’y nag aaral ng paksa ng pagsasalita nang may katapangan, na isulat ang paksang ito, at kinuha nila ang pagkakataon na ipagdasal ako sa oras na iyon. Ang isang babae ay itinaas ang kanyang kamay, inilagay ang isang kamay sa aking balikat at malakas na nanalangin na pagkalooban ako ng Diyos ng katapangan na magsalita sa Kanyang pangalan. Pagkakataon? Kapalaran? Hindi ako tiyak. Hindi ako sumasang ayon sa kanilang paniniwala, nguni’t sa araw na iyon ay naging huwaran sila kung ano ang pagsasalita nang buong tapang para kay Jesus.

Maaaring hindi ko magagawa kung ano ang ginagawa nila. Nguni’t hindi iyon nangangahulugan na wala akong pagkakataon na magsalita nang buong tapang para sa pangalan ni Jesus. Kahit na sa panganib na ako’y iwasan at layuan,tingnan nang may kababaan, pintasan at pagtawanan.

Tulad ni Pablo, dalangin ko na bigyan ako ng Salita upang buksan ang aking bibig nang buong tapang at ipahayag ang hiwaga ng ebanghelyo.

Kahit ano pa ang mangyari.


Previous
Previous

Ang Mga Propeta

Next
Next

Panulukan ng mga Nagpapahayag