Panulukan ng mga Nagpapahayag

“ Idalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako na bigyan ako ng Diyos ng wastong pananalita para maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon. Sapagkat isinugo ako ng Diyos para mangaral ng Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat.”

Kami ay nanirahan sa London, England mula 1992 hanggang 1995, at habang naroon kami, ay dinalaw namin ang “ Speakers’ Corner” nang maraming ulit. Ang “ Speakers’ Corner” ay matatagpuan sa Hilagang Silangan ng Hyde Park sa London at ginagamit noon na pook para sa ipakita sa taong bayan ang pagbigti sa mga salarin, at ang pook kung saan ang salarin ay makapagsasalita ng kanyang “huling wika”. Ito ay itinatag noong 1872 bilang utos ng parliamentaryo; tulad nina Karl Marx, Vladimir Lenin, at George Orwell ay nakapagsalita nang malaya ukol sa kanilang mga paniniwala at pilosopiya.

Ayon sa Royal Parks website, noong 1930’s, ang mga “soapbox” na mamahayag ay nakikita sa mga palengke, sa mga panulukan ng daan at mga parke. Ang humigit kumulang na 100 na ginagamit sa pagsasalita, ay matatagpuan tuwing linggo sa London noong 1855-1939, ang “Speakers’ Corner” ang naging huli.

Ang mga nagsasalita na pinili ang pulutong ng mga taong namamasyal tuwing araw ng Linggo ay ginagawa iyon dahil sa malalim at tiyak na paninindigan tungkol sa kanilang paksa. Ang mga nagtatalumpati ay pinapayagan na magsalita ukol sa anumang paksa, habang ang mga pulis ay itinuturing na ang mga pahayag ay naaayon sa batas, at ang nagtatalumpati ay nakatayo sa isang kahon o ginawang kayarian na hindi nakasayad sa lupa ng Britannia.

Ang aking maghapon ay ginugol ko sa pagmamatyag sa ipinakitang paninindigan tuwing Linggo sa panulukan ng Hyde Park. Tiyak, na para sa mga Kristiyano na maging tagamasid sa ganitong pook ay nangangailangan na suriin ang katapangan na ibahagi ang ating minamahal na mensahe ng ebanghelyo. Isang bagay, na walang pasubali, ang mga taong may paninindigan ukol sa anumang paksa ay kumikilos na ang hangarin ay akitin at himukin

ang iba. Hindi mahalaga sa akin kung anong pilosopiya ang ipinahahayag; ang pumukaw sa akin ay ang katapangan at walang pag aatubili na pakay ng bawat nagsasalita, kahit na mayroong pagkutya at paghamak galing sa mga tao.

Malimit, sa panahon sa Hyde Park, ay iniisip ko si Pablo sa Mars Hill, sa Athens, Greece. Sa paglapit niya sa mga pilosopo at matatalino na walang iniisip kundi mag isip ng bagong ideya at mag balak ng bagong paraan upang mag isip at mag aral.

Sa Gawa 17:16-17, “ Habang si Pablo ay naghihintay kay Silas at Timothy sa Athens, nakita niyang maraming diyos diyosan doon. At lubos niyang ikinabahala ito. Kaya pumasok siya sa sambahan ng mga Judio at nakipag diskusyon sa kanila at sa mga hindi Judio na sumasamba rin sa Diyos. Araw araw ay pumupunta siya sa plasa at nakikipag diskusyon sa sinumang makatagpo niya roon.” Pagkatapos, ang mga nakarinig sa kanya ay dinala siya sa Areopagus, at sinabi, “Gusto naming malaman ang bagong aral na itinuturo mo. Bago kasi sa aming pandinig ang mga sinasabi mo, kaya gusto naming malaman kung ano iyan.” Si Pablo ay tumayo sa gitna ng mga Athenians at mga dayuhan upang ipahayag ang tila di pangkaraniwan at pagtatalunan na katotohanan. Si Pablo ay mayroong pagtitiwala at paninindigan na ibigay sa mga tao, sa unang pagkakataon sa kanilang buhay, ang kakayahan na makilala ang nag iisa at buhay na Diyos. Samantalang nais ni Pablo, na magpunta sa ibang lugar, o magkaroon ng

kasama, ay nakaya niya na magsalita ng katotohanan sapagkat mayroon siya, at ang iba ay wala. Ang katotohanan ay walang kinalaman sa kanya, ang kanyang kakayahan, o ang kanyang kaalaman; ito ay ukol sa pagbabahagi ng kanyang kayamanan sa ibang tao na walang paraan upang makuha ito. Hindi ba kaya tayo nagsasalita nang may katapangan? Hindi ba kaya tayo nagbabahagi ng ebanghelyo?

Ngayon, ano ang nagtutulak sa lakas ng loob, paghahangad, at pagpapasakop upang ipahayag ang paniniwala? Sinabi sa atin na si Pablo ay nabahala nang makita niya ang kawalan ng kalagayang panrelihiyon ng Athens. Naunawaan ni Pablo ang kanilang hangarin na makilala ang “Hindi Nakikilalang Diyos”, (“Unknown God”) na kanyang kilala. Samakatuwid, masigla niyang ipinahayag nang may katapangan, ibinahagi ang kayamanan ng kanyang pagtitiwala,at baka itakwil niya ang iba na ipinagkaloob ang biyaya sa kanya.

Narito ang Mabuting Balita sa atin, baka isipin natin na tayo’y mga bigo dahil wala tayo sa panulukan ng mga lansngan. Nais kong isipin ang mensahe sa Mateo 5-7 na aking magagawa sa prinsipyo ng aking buhay. Sinabi ni Jesus kung ano ang gagawin ng Kanyang mga alagad upang turuan ang iba tungkol sa Kanya at mamuhay nang may katapangan upang makita Siya sa atin: “Kayong mga tagasunod Ko ang magsisilbing asin sa mundo. Nguni’t kung mag iba ang lasa ng asin,wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak tapakan na lang ng mga tao. Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago. Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay liwanag sa lahat ng nasa bahay. Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Paliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit”( Mateo 5:13-16 ).

Makikita, na ang asin ay pinapanatili at nagbibigay ng bisa at hindi nagbabago, nguni’t walang alinlangan na ito’y payak sa kanyang kaanyuan. Ang ilaw ay buong tapang na nakahantad sa kanyang kalikasan kung ito’y nasa kadiliman. Ang mga tagasunod ni Kristo ay ipapahayag nang buong tapang kung ano ang kanilang pinaniniwalaan- sa sulok ng kalsada, sa hapag kainan, sa maikling pagkikita ng magkapitbahay, sa ating araw araw na pakikipag usap at kilos na nakikita at naririnig ng iba. Tulad ni Pablo at ng mga nakatayo sa mga kahon- ibinibigay, itinuturo at ipinahahayag ang katotohanan na buhat sa malalim na pagpukaw ng puso.

Araw araw, ipinahahayag natin ang alam natin at minamahal. Ito man ay sa salita at kilos, ang ating buhay ay pinag iisipin kung ano ang pinaniniwalaan, kung minsan, ay hindi na namamalayan kung ano ang naririnig at nakikita ng iba. Nagsasalita tayo nang may katapangan tungkol sa politika, nutrisyon, palakasan, mga libangan ,mga anak, at gawain. Sinabi ni Jesus na ang Kanyang tagasunod ay mabibigyan ng pansin ang malaking pagbabago ng mga taong nasa paligid nila- tulad ng asin at ilaw. Tayo ay binibigyan ng lakas ng loob na huwag itago ang ilaw sa ilalim ng buslo, nguni’t hayaan itong magliwanag sa salita at gawa na ipahayag nang buong tapang ang dakila at maluwalhating mensahe ng ebanghelyo ng “Hindi nakikilalalang Diyos” at ang Kanyang Anak. Sa kasamaang palad, ang ganitong uri ng katapangan ay hindi magbibigay ng katiyakan na ligtas tayo sa mga pangungutya, panunukso at pagsalungat ng iba tulad ng mga nagsasalita sa Hyde Park. Sa totoo,ang pagsalungat ay nakakasakit, galing sa mga malalapit sa atin; ang ating pamilya, ang ating tinuturuan, mga kasama sa trabaho at paaralan. Kaya nga, ang ating espiriritu ay dapat na pukawin sa loob natin, na ang ating ilaw ay tumugon sa kadiliman at ang asin ay patuloy na maging mabisa at mapanatili ang lasa.

Previous
Previous

Pagsasalita Nang May Katapangan

Next
Next

Ang Paglago sa Kaharian