Ang Paglago sa Kaharian

Itong taon na ito, ako ay nagsisikap na pagtuunan ang lingguhang talaan ng mga babasahin sa Kasulatan sa loob ng isang taon. Sa totoo lang, mayroon mga linggo na nagagawa ko, at mayroon din naman mga linggo na hindi, nguni’t ang kamakailan na lingguhang pagbabasa ay ang kuwento ni Elijah at ang 450 na propeta ni Baal sa 1 Hari 18. Ito ay isang magandang kuwento- ito ay isa sa mga paborito ng aking anak. Isang nakagugulat na tagumpay kay Elijah, at sa talata 39, ang lahat ng tao ay lumuhod at nagpahayag na ang Panginoon ay Diyos. Walang katanungan sa wakas ng kabanata na ang hindi maikakaila na kapangyarihan ng Diyos ay naipakita.

Subali’t sa kabanata 19, si Elijah ay tumatakas, at sinabi na siya na lamang ang natitira na gumagawa nang tama- naramdaman niya na siya’y nag iisa at hiniling sa Diyos na bayaan na lang siya’y mamatay.

Sa sermon ng paksang ito, ang aking bayaw, si Russ, ay sinabi na ang suliranin Elijah ay ang mga bagay ay hindi nangyari tulad nang inaasahan niya. Inaasahan niya na ang maningning na pagtatalo ng mga propeta ni Baal ay muling magpapabalik sa Israel kaagad... at bakit niya inisip iyon? Ang mga tao ay nagpatirapa at nag puti sa Diyos, ang mga propeta ni Baal ay natalo at pinapatay- nguni’t si Ahab ay buhay pa at si Jezebel ay masigasig na siya’y mapatay. Inaasahan niya ang agad agad na pagbabago,at nang hindi ito dumating ay tumakas siya, at ang pakiramdam ay malungkot at nag iisa.

Sinabi ni Elijah sa Diyos na ginawa niya ang lahat na iniutos sa kanya- siya ay masigasig kahit ang lahat ay tinanggihan ang Diyos- giniba ang mga altar, pinatay ang mga propeta, at hindi tinanggap ang Kanyang mga batas. Pakiramdam ni Elijah na pinupukpok niya ang kanyang ulo sa pader upang kausapin ang isang matigas ang ulong mga tao. Siya ay sumusunod sa mga utos ng Diyos, at dahil sa kanyang pagsunod, ay nais siyang patayin. Hindi ito ang dapat mangyari.

Gayunman, sa talata 18, sinabi ng Diyos na hindi siya nag iisa, mayroon 7,000 na mga tao na hindi lumuhod kay Baal upang manambahan. Kung alam ito ni Elijah o hindi, ay mayroon espirituwal na pagbabago sa Israel.

Hindi ko alam kung makakaugnay kayo kay Elijah, nguni’t ako’y malimit na nakakaramdam ng kabiguan sa paggawa sa kaharian, nguni’t tila walang nangyayari. Nakapapanghina ng loob, kung minsan na gumawa, at pagkatapos ay walang makitang bunga. At napakadali na maramdaman na nag iisa ka.a

Sa Isaiah 55:6-10, ang Diyos ay nag salita sa Israel sa pamamagitan ni Isaiah at ipinaliwanag na ang pag iisip at pamamaraan ng Diyos ay hindi tulad ng paraan ng tao at hindi mauunawaan ng tao. Pinaalalahanan ng Diyos ang Israel na Sya ang Diyos; sa mga talata 10-11, sinabi ng Diyos na tulad ng pagpapadala Niya ng ulan upang diligin ang lupa at makapagpalago,

“ Ganyan din ang Aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang Aking ninanais at isasagawa ang Aking layunin kung bakit Ko ito ipinadala.”

Ang kaharian ng Diyos ay lalago kung kailan at kung paano Niya pagpapasiyahan.

Si Jesus ay tinalakay din ito sa Marcos 4 sa talinghaga ng binhi. Sa talinghagang ito, sinabi ni Jesus na kung paano ang binhi ay lumbago ay isang hiwaga sa isang magbubukid. Ang

magbubukid ay hindi ito maipaliwanag o nauunawaan kung paano ito lumago. Ang paglago nito ay labas sa wala sa kontrol ng magbubukid.

Tinutulungan ni Jesus ang mga alagad na makita na kahit hindi pa dumarating ang kaharian na kanilang inaasahan, ito ay inihahasik at ito’y lumalago na kahit hindi nila alam kung paano ito nangyayari.

Para sa atin, ang pagsasagawa ay maliwanag. Tayo ang magbubukid, at patuloy tayong naghahasik ng binhi. Gayunman, tulad ng mga alagad, hindi natin nauunawaan kung paano ang kaharian ay lumalago.

Binigyan diin ni Jesus ang puntong ito sa Marcos 4:28, sa talinghaga na sinabi Niya, “Ang lupa ang nagpapatubo at nagpapabunga sa tanim.”

Isang komentaryo o pansin na sa wikang Griego, ang parirala na “sa kanyang sarili” ay ang salitang “automatos”- na sa English ay “automatic”, at tumutukoy sa isang bagay na nangyayari na walang makitang dahilan. Sa orihinal na Griego, ang pariralang ito ay nakalagay sa simula ng pangungusap na may diin. Kaya ang parirala ay maaaring isalin “For by itself the earth yields crops”o sa wikang Tagalog, “ sa kanyang sarili ang lupa ay nagbibigay ng bunga.”

Sa pagsasabi ni Jesus na ang binhi ay lumalago “sa kanyang sarili” ay nangangahulugan na wala tayong magagawa na ang binhi ay lumago... hindi dahil walang gumagawa noon... kailangan nating maunawaan na ang Diyos ang gumagawa noon.

Tayo ang naghahasik, at kailangan nating magpatuloy sa paghahasik ng binhi, at sa palagay ko ay nakapagbibigay ng pag asa at ang tagumpay ng paglago ay hindi batay sa atin. Ang naghahasik ay hindi kailangan ang mataas na antas ng pag aaral sa Teolohiya upang maghasik ng bunhi, nguni’t kailangan ang mabuting binhi. Kung ang aking binhi ay hindi mabuti, hindi lamang ako magiging mabisa, makagagawa pa ako ng kasiraan. Nguni’t hindi ko natitiyak ang puso ng makikinig...ang lupa sa talinghaga ng maghahasik. Ang magbubukid ay nagtatanim, inaalagaan ang binhi sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang pagkain at pagkatapos ay pupunta na sa susunod na hanay.

Ito ay isang kaalaman na dapat nating isaloob at baka tayo mag isip na mayroon bago at mas mabuting paraan sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos upang makamit ang inaasahang bunga. Ang kuro kuro na magagawa nating higit na pasiglahin, higit na angkop na nais natin, ay magbibigay sa atin na pagitan, baguhin at lisanin ang huwaran ng Diyos sa pananambahan at kapangyarihan ng Biblia.

Ang “paglisan” ay pumapasok sa iglesya ng Panginoon na pangkaraniwan, sapagkat mayroon tayong “mabuting kuro kuro” at nais mag isip ng “labas sa kahon.” Ang ganitong pag iisip ay direktang nakikita sa talinghaga; hindi tayo ang nagpapasya kung paano ang binhi ay lumalago. Kung tayo magiging maingat, magkakaroon tayo ng binhi na hindi na ang salita, at matatagpuan natin ang ating sarili sa maling lupa.- naghahasik ng binhi na hindi ang ibinigay sa atin na itanim. Ang “mabuting binhi” ay nanggagaling lamang sa Diyos, at kailangan nating maging tiyak na ang mabuting binhi ang itatanim.

Ang aking ama ay laging sinasabi na sa mga bagay na espirituwal at balangkas ng iglesya at pananambahan, ang ating gawain ay “mag isip sa loob ng kahon.” Ipinagkaloob ng Diyos ang kahon; ipinagkaloob Niya ang binhi. Maaaring hindi natin nauunawaan ito, at mayroong iba’t ibang kuro kuro, nguni’t ang pag iisip sa labas ng Kanyang kahon ay hindi ang ipinagagawa Niya sa atin. Tayo ay maghahasik ng Salita ng Diyos na walang bayad, at hindi nababahiran ng ating mababaw na kaisipan: “Ang pag iisip Ko ay hindi katulad ng pag iisip ninyo at ang pamamaraan Ko ay hindi katulad ng pamamaraan ninyo.”

Pagkatapos na maitanim ang binhi, ang magbubukid ay naghihintay na ito’y lumago. Maaaring tayo ay mabigo sa gawain, at maaaring hindi makita ang paglago, nguni’t hindi ito nangangahulugan na hindi ito nangyayari. Ang layunin ng Diyos ay mangyayari. Ito ay “automatos.”

Ang layunin ng Diyos sa Israel ay hindi maliwanag kay Elijah, nguni’t hindi nangangahulugan na hindi mangyayari ito. Mayroon 7,000 na tao na naghihintay sa Diyos, namamalaging tapat, tumangging maglingkod kay Baal. Ang layunin ng Diyos ay laging nananaig. Kailangan lang na gumawa tayo.

Sa talata 15, sinabi ng Diyos kay Elijah, “At ngayon...” Inutusan ng Diyos si Elijah na siya’y mag bangon at bumalik sa gawain. Sa talinghaga, ang magbubukid ay patuloy na naghahasik ng mabuting binhi. Tulad din natin, kahit na tayo’y pinanghihinaan ng loob, at nakararamdam ng pag iisa, kailangan nating magpatuloy sa paggawa at pagtuturo, at malaman na ito’y hindi tungkol sa atin. Hindi ako ang may pananagutan sa paglago ng kaharian- ang totoo, hindi ko ito nauunawaan.

Sa aklat na Glimpses of Eternity: Studies in the Parables of Jesus, sinabi ni Paul Earnhart,

“... ang nangyayari sa itinanim na binhi ay hindi nakasalalay sa ating kakayahan o sa kakulangan nito, nguni’t sa salita ng Diyos.Hindi natin kailangan na ayusin ang lahat ng bagay sa lahat ng oras, laging nagsisikap na pulutin ang nawaglit. Kailangan lang na sa payak na pananalita ang sinabi ni Jesus na ang makapangyarihan at walang hanggang salita ang ga gawa habang tayo’y natutulog ! Oo, ako’y may ka tungkulin na gumawa, magturo at magmahal, at may katungkulan ako na maging tiyak kung ang itinuturo ko ang itinuro ni Kristo, nguni’t hindi ko mapalalago ang binhi. Ito ay ginagawa ng Diyos.

Ginawa natin ang ating bahagi. Gagawa tayo habang kaya natin, at sa Kanyang panahon, at sa Kanyang paraan, ang Diyos ang magpapalago ng kaharian. Kailangan lang natin na magtiwala sa paraan at maghintay- kahit na ang mga bagay ay hindi ang paraan na nais natin. Hindi tayo nag iisa, at ang paglago ay nagaganap. Nakasisiya na makita ito, at kahit na hindi makita ito, ang Kanyang binhi ay ginaganap ang Kanyang kalooban, at ang kaharian ng Diyos ay lumalago.


Previous
Previous

Panulukan ng mga Nagpapahayag

Next
Next

 Ang Mga Huli ay Mangunguna