Ang Mga Huli ay Mangunguna
Noon nakalipas na isang taon, ay nilisan ko ang Europa upang dalawin ang aking ama sa kanyang pagkakaratay. Iyon ang huling pag uwi ko upang makita siya.
Sa mga sumunod na mga linggo, maraming mga naging huli. Huling pag uusap, huling salita ng pang aaliw at pasasalamat, huling paghahawak kamay, huling yakapan, at huling pagtitinginan...huling mga sandali, huling mga panalangin, at huling hininga.
Kami ay nag aawitan tuwing gabi sa paligid ng kanyang higaan, at sinisikap na umawit din... nguni’t wala ng tinig, mga matang lumuluha, hinahawakan ang aming mga kamay para sa kanyang huling awit ng papuri dito sa lupa para sa Diyos.
Alam namin na iyon ang mga huling oras namin na makapiling siya. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa mga huling iyon.
Nguni’t, ito’y nagbigay sa akin na isipin ang lahat ng mga huling panahon na hindi ko akalain ay magiging huli na.
Bilang ina, iniisip ko ang huling panahon na hawak ko ang kamay ng aking anak, o ginamot ang kanyang tuhod. Ang huling panahon na pinaliguan ko ang kanyang buhok, o gugulin ang panahon habang namamasyal sa sasakyan. Ang huling panahon na kami’y naglalakad, o ang huling panahon na siya’y sinabihan ko na magmadali sa umaga. Wala akong kuro kuro na iyon ang mga huli, at ang panahon ay lumipas.
Tayo ay nabubuhay na umaasa na mayroon pang darating. Maraming oras, maraming pagkakataon, maraming oras para sabihin ang dapat sabihin o gawin ang dapat gawin. Ako ay guro sa pagpapaliban; ito ay isang kasanayan na aking nagawa at galing sa kuro kuro na ako’y mayroon pang oras na gawin ang mga bagay na dapat gawin.
Nguni’t walang ipinangako sa atin at binalaan na ang isang sandali ay maaaring maging huli. Sa loob ng Kasulatan, tayo ay pinaalalahanan na ang buhay ay parang hamog na lilitaw nang sandali at mawawala pagkatapos ( James 4:14 ). Tulad tayo ng mga bulaklak sa parang, at Kapag umihip ang hangin, ito’y mawawala at hindi na makikita( Psalms 103:15, 1 Peter 1:24 ). Tiyak, na habang tayo’y tumatanda, ay nararamdaman natin ang bilis ng panahon. Nguni’t, lagi nating inaakala na mayroon pang panahon.
Kung alam natin na ang isang sandali ay ang huli, mag iiba kaya ang paraan kung paano ito lapitan ? Sa palagay ko ay oo.
Sa tala ni Juan sa Huling Hapunan,si Jesus ay inihanda ang Kanyang mga alagad kung ano ang mangyayari sa kanila. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad sa Juan 13 na Siya’y aalis, at kung saan Siya pupunta, ay hindi sila makasusunod. Hindi ko lubos na maisip na anumang balita ay magbibigay ng dalamhati sa kanila tulad nito.
Hinugasan ni Jesus ang paa ng mga alagad, kinilala ang magkakanulo sa Kanya, at sa huling bahagi ng kabanata, ay sinabi Niya,na Siya’y aalis at hindi sila makasusunod. Ang mga lalaking ito na iniwan ang lahat upang sumunod sa Kanya sa loob ng tatlong taon- ngayon ay sinabi sa kanila na ang kanilang panahon sa pagsama kay Jesus ay magwawakas na... na ito ang Huling Hapunan kasama Siya bago ang Kanyang pagpapako sa krus.
Alam ni Jesus na ito’y magbibigay ng kaguluhan sa labindalawa; ang kaisipan tungkol sa paghihiwalay ay magbibigay ng labis na ligalig.
Sa Juan 14:1-4, sinabi ni Jesus sa kanila, “ Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Diyos at magtiwala rin kayo sa Akin. Sa tahanan ng Aking Ama ay maraming silid. Pupunta Ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi Ko ito sasabihin kung hindi ito totoo. Kung naroon na Ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik Ako at isasama kayo upang kung Nasaan Ako ay naroon din kayo. At alam ninyo ang daan papunta sa pupuntahan Ko.”
Sinabi ni Jesus na pagtiwalaan Siya. Ang palagay na mawawala Siya ... dahil ito ang huling pagsasalo salo nila ay hindi lubos na maisip. At ang mga bagay ay magiging kasindak sindak, nguni’t tiniyak ni Jesus na hindi laging kalagim lagim. At tunay na HINDI ito ang huli.
Sinabi Niya na sila’y paroroon sa tahanan ng Ama kung saan sila’y magkakasamang muli.
Sa Diyos, ay wala talagang huli. Palaging may huling panahon dito sa pisikal na mundo, hanggang ito ay magkakaroon ng huling sandali ng buhay.
Nguni’t para sa mga tapat, mayroong bagong buhay.
Sa mga huling sandali ng aking ama, kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga pangako ng una. Ang kanyang unang tanaw sa kaharian, unang pagtitipon sa mga mahal sa buhay na naunang lumisan, ang unang tunay na pamamahinga, at unang karanasan ng tunay na kapayapaan.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung ang Espiritu ay lumisan na sa katawang lupa; ito ay isa pa ring hiwaga sa atin. Tinatanggap ba tayo ni Jesus, o naghihintay ba tayo na makita Siya sa paghuhukom? Tayo ba ay kasama ng iba o tayo’y nasa kalagayan ng pamamahinga? Ako ay tunay na mausisa tungkol dito. Ang totoo, ako’y naupo sa tabi ng aking ama nang siya’y matapos na mawalan ng hininga, at hindi ko napigilan na bumulong sa Kanya, “ Ano ang ginagawa mo?” Hindi ko nais na bumalik siya sa kanyang katawan, nguni’t nais kong malaman kung ano ang alam niya at marinig kung ano ang nakikita niya ! Ang aking utak ay hindi maisip kung ano ang naroon.
Nguni’t ako’y sabik na malaman, at malalaman ko- sa huling sandali ng aking hininga dito sa lupa, at sa pag mulat na muli ng aking mga mata ay masisilayan ko na ang kaluwalhatian !