Ang Taong Nais Kong Makilala - Ang Kapitan sa Capernaum

Sa palagay ko ay nais ko ang ilan sa mga Romanong kapitan na ipinakita sa Bagong Tipan, sila’y mga katangi tanging lupon. Sinabi ni R.C.Foster sa kanyang “Studies in the Life of Christ”, na “sila’y mga saksi sa mataas na antas ng kagitingan, mabuting paghatol, at katapatan bilang bahagi ng ikalawang hanay ng mga pinuno ng hukbo ng mga Romano.” Ang pinakatanyag na kapitan na ating nabasa sa kasulatan ay si Cornelius sa Caesarea, ang unang Hentil na nabautismuhan at pumasok sa kaharian; walang pag alinlangan sa aking isipan na siya ang pinili ko. Maaalala rin natin ang kapitan na nakakita ng kamatayan ni Jesus sa krus, at sa katapusan ng nakasisindak at malungkot na araw na iyon ay tinanggap na lahat nang ginawa ni Jesus ay katotohanan, at ang kaalaman na “Tunay Ito ang Anak ng Diyos!” Kilala ni Pablo ang ilan sa mga kapitan. Si kapitan Lysias, na nagligtas kay Pablo mula sa mga pulutong sa Jerusalem at siya’y ligtas na ipinadala sa gobernador sa Caesarea, at ang kapitan na nangalaga kay Pablo sa kanyang paglalakbay sa Roma- ang dalawang ito ay nagpakita ng malakas na pagkatao at malaking antas ng makatuwirang paghatol sa bahagi ng buhay ni Pablo. Isang kapansin pansin para sa atin na malaman, na sa gitna ng maraming tala na ating nababasa sa kasaysayan ng Roma- ang mga kawal na namamahala ng may kasakiman at pang aapi at magulong pamumuhay, ay naroon din ang mga makatarungan at matuwid na mga lalaki na nakakita ng liwanag at humatol nang may ma tapat na puso na nakita nila sa ebanghelyo ni Kristo.

Ang kapitan sa Capernaum ay mayroon ding katanyagan na kasintaas at kilala tulad ni Cornelius. Ito ang kapitan na ipinakilala ni Mateo at Lucas. Siya ay isang makapangyarihan, kaibig ibig at mabuting tao na kasama sa pag sakop ng mga Romano sa Galilee at kaibigan ng mga tapat na Judio doon at nais ko na makilala ko siya.

Sa pagbabalik tanaw sa kalakihan ng kaharian ng Roma, ay mauunawaan natin na ang Roma ay walang sapat na mamamayan upang sakupin ang lahat ng malawak na mga bansa na nasakop at naging lalawigan ng kaharian ng Roma. Kaya, ang Roma ay nakita ang panganga ilangan na mangalap ng karapatdapat na mga lalaki sa iba’t ibang bansa na kanilang nasakop upang mapabilang sa Hukbo ng Roma; isang kaugalian na nakikita hanggang ngayon. Ang ganitong uri ng pangangalap ay nagbigay sa Roma na patatagin ang hukbo na pangalagaan at ipagtanggol ang malaking kaharian. Ang mga Judio ay nagbigay ng suliranin sa Roma; ang mga Judiong lalaki ay hindi pumayag na maglingkod sa hukbo ng mga Romano, samakatuwid ang pangangalaga sa mga lalawigan kung saan ang mga Judio ay naninirahan ay isang hamon. Sa maraming taon ng pagsisikap, ang Roma ay tumigil na sa kanilang pagpupunyagi, at hindi nila ipinasunod ang pagpapatala sa Palestina. At ang bunga, ang pulisya ng Palestina ay kinuha sa Greece at Samaria, nguni’t tiniyak ng Roma na ang mga lalawigan ay pinamamahalaan ng mga pinuno ng hukbo ng mga Romano.

Si Lucas ang nagtala tungkol sa ugnayan ng mga Judio sa isa sa nga kapitan na nakatalaga sa Capernaum, isang siyudad kung saan naninirahan sina Mateo, Zebedee, Santiago, Juan, Pedro, Andres at ang kanilang pamilya. Si Lucas, isang Hentil, ang nagsabi sa Lucas 7:1-10, ng araw na ang banayad na mandirigmang ito ay nakaharap ang Panginoon. Sinabi niya na “May isang kapitan doon ng hukbong Romano na may aliping malubha ang sakit at naghihingalo. Mahal niya ang aliping ito. Kaya nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Jesus, sinugo niya ang ilang pinuno ng mga Judio para pakiusapan si Jesus na pumunta sa bahay niya, at pagalingin ang kanyang alipin. Pagdating nila kay Jesus, nakiusap silang mabuti sa Kanya. “Kung maaari po sana’y tulungan Ninyo ang kapitan dahil mabuti siyang tao. Mahal niya tayong mga Judio at ipinagtayo pa niya tayo ng isang simbahan.” Ako ay namamangha kung

inisip ni Pedro ang kapitan na ito na magtayo ng simbahan kung saan siya nananambahan tuwina nang siya ay pumasok sa tahanan ni Cornelius sa Caesarea makalipas ang ilang taon.

Hindi natin alam kung paano itinayo ang simbahan. Maaaring siya ay mayaman o maaaring may buwis upang maipagawa ang simbahan,nguni’t anuman ang kalagayan, ang mga Judio ay nararamdaman ang napakalaking kabaitan at kabutihang loob sa kanila na sila’y ipinagtayo ng simbahan sa Capernaum. Ibinilang siya na isang kaibigan at pinangalagaan ang kanyang kalagayan.

Ang simbahan sa Capernaum ay hinukay- at kahit marami sa mga gusali sa Capernaum ay itinayo sa pamamagitan ng mga itim na bato- ito ay hindi; ito ay itinayo sa pamamagitan ng pinagsama samang puting ‘limestones’ at ito’y isang kahanga hangang gusali. Ang mga haligi na nagdadala ng bubong ay inukit ng hugis puso. Sinasabi na ang mga batong ito na ginamit sa pagtatayo ng simbahan ay nanggaling pa sa malayong lugar, at pinamahalaan ng kapitan na ito.

Ang mga kapitan ng Roma, na tunay sa mga kasapi ngayon, ay tapat sa kanilang tungkulin. Ang mga kawal na ito ay may gawain na pangalagaan at tiyakin ang kaayusan ng mga liblib at maligalig na mga lalawigan. Kung minsan, ang kanilang mga gawain ay nagkakaloob ng gantimpala o papurihan upang tumaas ang karangalan sa Roma. Sa kabilang dako, si Foster ay nagbigay ng pansin na sa kasaysayan ang mga kawal na ito ay humaharap sa mga pagkakataon upang sayangin ang kanilang kabuhayan sa magulong pamumuhay.Sinabi pa ni Foster,” Ang hukbo na sumakop sa isang bansa ay hahantad sa malaking antas ng tukso ng kasakiman, pang aapi at magulong pamumuhay. Ito ay totoo kahit ngayon. Si Heneral MacArthur ay nag labas ng pinaka taimtim na babala sa mga Amerikanong kawal na nakatalaga sa Japan pagkatapos ng ika lawang digmaang pandaigdig. Ipinaalala niya kung ano ang mangyayari sa mga hukbo ng pananakop.”

Maliwanag sa ating paksa, na ang kapitan na ito ay hindi kabilang sa mga namumuhay na may kahibangan at magulong pamumuhay. Ang ating paksa ay nagsasaad ng “ Kaya sumama sa kanila si Jesus. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, sinugo ng kapitan ang ilang mga kaibigan niya para salubungin si Jesus at sabihin, “Panginoon, huwag na po Kayong mag abalang pumunta sa bahay ko, dahil hindi ako karapatdapat na puntahan Ninyo ang tahanan ko. Kaya hindi na rin ako naglakas loob na lumapit dahil hindi ako karapatdapat na humarap sa Inyo. Sabihin Nyo na lang po at gagaling na ang utusan ko. Alam ko ito dahil nasa ilalim ako ng nakatataas na opisyal, at may nasasakupan din akong mga sundalo. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon’, pumupunta siya. Kapag sinabi kong ‘Halika’, lumalapit siya. At kahit na ano pa ang iutos ko sa aking alipin ay sinusunod niya. Nang marinig ito ni Jesus, namangha Siya sa kapitan at sinabi Niya sa mga taong sumusunod sa Kanya, “ Hindi pa Ako nakakita ng isang tao sa Israel na may ganitong pananampalataya.” Nang bumalik sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nakita nilang magaling na ang alipin” ( Lucas 7:6-10 ).

Sa lahat ng bahagi ng buhay, mayroong mga tao na ang puso ay nagpapakita ng mga bagay na hindi pang karaniwan. Ang kapitan na ito sa Capernaum ay naghahanap ng isang bagay na hindi ibinibigay ng mundo. Tila sa ating paksa, ang kapitan ay pinangasiwaan ang himpilang ito nang maraming taon- at maaaring ito ay isang mahalagang pook ng pangangalakal. Ito ay naghahantad na sa maraming taon ng pakikipag ugnayan sa mga tao sa simbahan doon, ay napagnilay nilayan niya ang paniniwala na mayroon isang Diyos. Sa paninirahan sa Capernaum, maliwanag na siya ay mayroon ng kamalayan sa mensahe ng ebanghelyo at sa mga tanda at kahanga hangang ginawa ni Jesus upang siya’y magkaroon ng malaking paniniwala (sinabi ito ni Jesus sa atin).

Sa ibang bagay, ang isang ito ay nahikayat,kahit na hindi siya tunay na bahagi ng bayan ng mga Judio roon. Hindi ako magugulat kung siya ay isa sa mga Hentil na nabautismuhan, kasunod ni Cornelius.

Lahat ng mga kapitan na ito, ay nagpapaalala sa atin na huwag gamitin ang paghatol sa tunay na katauhan ng sinuman. Madalas nating ipagwalang bahala na ang mga tao na isinilang, May katungkulan o kapangyarihan, ay tila ba na para sa atin ay makatatayong mag isa, walang pakikipag ugnayan at hindi interesado sa mga espirituwal na bagay. Habang ako’y nag kakaidad, higit kong binigyan ng halaga ang mga paksa sa kasulatan na nagpapaalala sa akin na walang pagkatao, walang kapanangakan, walang pangyayari na magtutulak sa puso na makita ang Diyos. Ako ay nagpapasalamat sa mga kapitan na ito, na namulat sa kaalaman tungkol sa Panginoon; sila ay tapat sa kanilang kultura at ang katotohanan ay ipinakita sa kanila. Sa palagay ko ay pinili ko ang isang ito na mayroong tapat at malinis na puso na walang maibibigay ang Roma tulad ng kapangyarihan ni Kristo; walang manggagamot, lunas o diyos sa Roma na naging tagumpay sa gawain na tulad ng ginawa ni Kristo sa siyudad na ito. Sa palagay ko, ay pinili ko ang isang ito na lumapit sa mga pinuno ng simbahan- na nagpaalis kay Jesus, na sabihin sa kanila na siya ay naniniwala na si Jesus ay may kapangyarihan na magpagaling. Sa palagay ko, ay pinili ko ang isang ito na may kababaang loob na kilalanin ang kapangyarihan na higit sa kanya, pumunta kay Jesus na may pangamba at damdamin na hindi karapatdapat sa Kanyang harapan. Sa palagay ko, ay pinili ko ang isang ito na may kabutihan at nagpipilit na pagalingin ang kanyang minamahal na alipin, mula sa nag iisa na nagkakaloob ng pag asa at nagpapagaling. Hindi ba nakamamangha na ang kanyang pananampalataya ay nakahihigit sa mga pinuno ng mga Judio na namanhik para sa kanyang pakiusap.

At ngayon nga, ang aking pag iisip ay nasa paligid ng mga taong ito ; ang mga kapitan na tayo’y nagkaroon ng karapatan na makilala sila, at limiin ang mga pagkakataon na ibibigay sa kanila sa mga taon na darating. Mapapakinggan ba nila ang mensahe ng mga Apostol ? Makikilala ba nila si Cornelius at ang mga kasambahay? Makakapasok ba sila sa kaharian na ang mga Judio ay nauunawaan lamang nang bahagya sa loob ng maraming taon ? Ako ay tunay na umaasa sapagkat nais kong makilala silang lahat.

Previous
Previous

 Ang Mga Huli ay Mangunguna

Next
Next

Sa Katapusan, Laging Maging Handa