Sa Katapusan, Laging Maging Handa

By Joetta Roberts

Sa Efeso 6:11, sinasabi sa atin na “Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos para malabanan ninyo ang mga lalang ng diablo.” Sa talata 18, “At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Huwag kayong magpabaya, patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng pinabanal...”

At sa ganitong kaisipan, ating isaalang alang ang pangkaraniwang balak na gamit ni Satanas upang tayo’y mawala sa tamang landas— ang panlilibang. Kung tayo’y nililibang ni Satanas, ay makukuha niya ang ating tunay na pansin sa espirituwal na bagay. Ang kanyang panlilinlang ay hinahadlangan tayo na sumunod sa pinakamahalagang utos, “Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag iisip at nang buong lakas, at mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”

( Marcos 12: 29-32 ).

Tayo ay binalaan ni Hesus ukol sa talinghaga ng maghahasik:

“Ang lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi, ay ang mga taong nakinig sa salita ng Diyos. Nguni’t sa katagalan, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan ng mundong ito, kaya hindi sila lumago at hindi namunga” ( Lucas 8:14 ).

Ang Kanyang paglalarawan ng “binhi na nahulog sa mga tinik”, si Jesus ay inilarawan ang mga mananampalataya na hindi handa, na nalinlang at nagkagayon ay mawala ang pansin sa Panginoon. Ito ay nangyayari sa lahat bg bahagi ng ating buhay. Ating isaalang alang ang mga panlilinlang na maaaring dumating sa iba’t ibang bahagi ng buhay.

Ang maagang bahagi na tatawagin nating “Unang Bahagi”, nang tayo’y naghahanap ng maka kasama sa buhay. Nakita natin, at tayo’y nalulong sa taong iyon, at ang panahon natin sa Panginoon ay nabawasan. Dahil hindi tayo handa, hindi tayo kumikilos nang may karunungan. Ang paghahanap ng isang asawa ay nagpabago ng ating pansin.

Ang “ikalawang bahagi” ay matatagpuan sa pag aasawa. Ang ating pinagkakaabalahan ay nasa ating asawa at hindi sa Panginoon. Ito ay makikita sa 1 Corinto 7:34-35 :

“Kung ang isang babae ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang paglilingkod sa Panginoon, at nais niyang ilaan ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa Kanya. Nguni’t ang babaeng may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo, kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa. Sinasabi ko lamang ito para sa inyong kabutihan. Hindi ko kayo pinagbabawalang mag asawa. Gusto ko lamang hanggat maaari aymaging maayos at walang hadlang ang inyong paglilingkod sa Panginoon.”

Ang “ikatlong bahagi” ay kung mayroon na tayong mga anak at nagsisimula nang palakihin ang pamilya. Maraming hadlang ang bahaging ito. Ang pagtataguyod ng mga pangangailangan ng pamilya ay nagbibigay ng pansin sa pisikal sa halip na espirituwal. Ito ang tinuran ni Jesus sa Lucas10: 38-42, kung saan pinuri Niya si Maria na ang pansin ay sa espirituwal at binalaan si Marta sa pagkabalisa sa pisikal.

Ang patuloy na pagkawala ng pansin para sa mga batang pamilya ay nangyayari dahil hindi sila handa. Bilang magulang, nais natin na ang ating mga anak ay magkaroon ng pagkakataon sa buhay nila. Nais natin na sila’y magtagumpay sa lahat ng nais nilang gawin, kahit na walang

kabuluhan. Maaaring sa larangan ng palakasan,maaaring sa mga gawain sa paaralan. Maaaring sa musika. Maaaring sa subukan (scouts). At ang makamundong hangarin, kahit na kasiya siya, ay hindi lamang naka aabala sa atin, kundi nagtuturo sa ating mga anak ng maling prioridad, o ano ang dapat unahin. Naririnig ko sa mga bata sa Bible class, na nagsasabi na “wala akong panahon ang mga pag aaral ng Biblia, sapagkat ako’y abala sa linggong ito.”

Ang mga bunga ng pang aabala ay hindi pa makikita sa ngayon. Ito ay mapapansin lamang at malimit ay huli na. Kung ang mga anak ay lumaki na, kung sila at ang mga magulang ay nalibang sa mga nakawiwiling kasiyahan at mga gawaing makamundo, sila ay natututo na mawala ang pansin sa Panginoon.

Kaninang umaga, ang isang lalaki ay nanalangin sa pananambahan. Siya ay nanalangin na tulungan ang mga magulang na alalahanin na “walang mga laro sa langit.” Ang ating mga anak ay nakikita kung ano ang ating pinag uukulan ng panahon.

Ang “ika apat na bahagi” ay nangyayari sa huling bahagi ng buhay. Kahit na ang mga may idad na mga Kristiano ay nag aalala at nakakalimutan na magtiwala sa Diyos. Kung minsan, sila ay nag aalala sa kanilang kalusugan, nakakalimutan na ang Diyos ang nakaka alam. Isang halimbawaay sa 11Cronica 16, kung saan si Asa ay nagtiwala sa mga manggagamot sa halip na sa Panginoon. Kung minsan, tayo ay naaabala ng kayamanan, nguni’t ito ay nangyayari sa lahat ng bahagi ng buhay.

Ngayon ay aking nalaman, sa aking katandaan, na kahit paano, ay natutunan ko sa aking sarili na maging handa at mapansin kung ako’y nawawala ang pokus. Kung ako’y nagsisimula ng isang proyekto, ito’y pinaglalaanan ko ng oras hanggang sa ito ay matapos at napababayaan ang iba. At iyon ay nagsisimula na mawala ang pansin sa Panginoon, kaunti na lamang ang panahon sa pagbabasa at pagninilay sa Kanyang Salita. Kung ito’y nangyayari, ako ay hindi mapalagay at alam ko ang mali sa akin.

Kailangan natin na makagawian na tayo’y hindi mapalagay kung tayo ay hindi ginugugol ang oras sa salita ng Diyos. At kailangan nating gumawa ng paraan ukol dito. Kailangan natin na bantayan ang mga pang aabala o panlilinlang na dumarating sa ating buhay. Ang mga pang aabala o libangan ay maaari nating mahalin bilang kapalit sa Panginoon. Alam natin kung ano ang mas mahal natin. Ito ay ang malimit nating isipin at pag usapan. Kailangan nating suriin nang mabuti ang ating sarili at sikapin na makita ang ating sarili tulad nang kung paano tayo nakikita ng Diyos.

Ngayon, paano ako magtitiyaga hanggang sa huli? Kailangan kong laging maging handa hangang sa huli. Una, kailangan kong maging bukas ang kamalayan sa lahat ng pang aabala sa lahat ng bahagi ng buhay, at kailangan kong suriin ang aking sarili kung ako ay nawawala sa daan dahil sa mga pang aabalang ito.

Gayon din, kailangan ko rin palaguin ang mga pagsasanay na makatutulong sa akin na hindi mawala ang aking pansin. Ang mga pagsasanay na ito ay magaganap sa lahat ng bahagi na ating pinagdadaanan. Marinig sa mga mensahe habang naglilinis ng bahay, o kaya ay nag eehersisyo. Magpatala upang magturo sa mga Bible class. Sambahin ang Panginoon nang mag isa sa pamamagitan ng pag Awit at pananalangin. Ipanalangin ang bawat isa at huwag mawala ng pag asa— magtiyaga !

Previous
Previous

Ang Taong Nais Kong Makilala - Ang Kapitan sa Capernaum

Next
Next

Pagkabaog