Pagkabaog

Isang mayelong taglamig, nang ako’y makakita ng isang pahayag sa social media. Isang kaibigan at kapatid mula sa nakaraan ay nagpakita ng isang larawan sa ‘sonogram’ at sa ibabaw noon ay nakasulat ang “I am so crafty, I made a baby.” Sana’y mapatawad ninyo ako kung sasabihin ko sa inyo na ang aking unang inisip ay hindi maganda. At nang malaman ko na aking puso ay hindi mabuti, ay pinagsikapan ko sa aking sarili kung bakit ang kasiya siyang balitang ito ay mahirap para sa akin. Ako ba ay nagseselos? Ako at ang aking asawa, si Dan, ay mayroong dalawang anak na minamahal at kinagigiliwan namin na higit sa inaasahan namin. Ang aming pamilya ay nagtungo sa Ethiopia upang ampunin ang aming mga anak. At ako’y nakatitiyak na nakuha ko ang pagiging ina sa aking paninirahan sa Ethiopia kasama ang aking ina at dalawang maliliit na anak sa loob ng limang buwan. Ito ay isang pakikipagsapalaran, at minahal ko na kami’y pinagpala sa ginawang ito. Ang katotohanan, ang pag iisip na magkaroon ng isa pang anak ay nakakatakot. Hindi, ang dahilan ng aking pakikipagtunggali ay dahil sa kayabangan. Ang aking mabuti at maka Diyos na kapatid ay nakagawa ng isang bagay na hindi ko magagawa, kahit na sinubukan nang maraming taon— siya ay nakagawa ng bata.

Alam ninyo, sa araw na iyon, ako ay nakaratay sa ospital at inalisan ng walong bukol. Ang aking katawan ay hindi makagagawa ng mga bata—mga bukol lamang. Bago iyon, ang aking doktor ay inihalintulad ang aking bukol sa isang prutas. Ako ay nasa Germany, at ipinaliwanag niya ang paraan sa paggamit ng ibang panukat—na bilang Amerikano, ay nahihirapan ako. At ipinaliwanag na ako ay mayroong ilang’mansanas’, 3 o 4 na ‘kahel’—na mas malaki kaysa karaniwang kahel—at isang ‘milon’ na nasa loob ng aking tiyan tulad ngmga maliliit na manika ng Russia na nagbibigay sa akin ng matinding sakit. Ang isang ‘milon’ ay na pag alaman ko, ay humigit kumulang sa 6 na pulgada ang haba at sukat ng isang bata na may 34 na linggo ang gulang. Ang aking doktor ay sinabi pa na hindi lamang ang mga bukol ang aalisin kundi pati ang sangkap kung saan ang mga ito ay naroon. At pagkatapos, ay ibinigay niya ang nag iisang kopya ng ‘sonogram’ na aking matatanggap at pinauwi ako upang ihanda ang mga gamit na kailangan ko sa ospital.

Mga kapatid, kung kayo ay nakikipaglaban sa pagiging baog—hindi kayo nag iisa. Marami tayo! Depende kung nasaan kayo sa daigdig—10-25% ng mga mag asawa ay nakikipaglaban sa pagiging baog. Noong unang malaman ko na ako’y hindi magkaka anak, ang isang minamahal na kapatid at kaibigan ay naglahad ng kanyang sariling kuwento sa pagiging baog at nagbigay ng suporta at lakas ng loob. Ako ay magpakailanman magpapasalamat sa kanyang kabutihan, pagmamahal at kusang loob na ibahagi ang isang bagay na personal. Ang aking pakay sa pagsusulat ay sa pag asang makatulong sa ibang kababaihan na tulad ng ginawa niyang pagtulong sa akin sa nagdaang mga taon. Ito ay biyaya ng kapatiran sa Panginoon. Nguni’t makakakita rin tayo ng malaking pag asa at walang pasubali—ang karunungan sa Kasulatan.

Nakamamangha, mayroon lamang 7 (marahil 8) na babae sa Biblia na tinatawag na “baog.” Ang mga tanyag ay sina: Sarah, ang ina ni Isaac ( Genesis11:30 ), Rebekah, ang ina ni Jacob at Esau ( Genesis 25:21 ), Rachel, ang ina ni Joseph at Benjamin, ( Genesis 29:31), ang asawa ni Manoah, ang ina ni Samson (Judges13:2), Hannah, ang ina ni Samuel (1 Samuel1:2), at Elizabeth, ang ina ni Juan Bautista ( Luke1:7). Ito ang tama! Halos lahat ng baog na babae na binanggit sa kasulatan ay hindi lamang nagka anak, kundi ang anak ay lumaki upang pangunahan ang bansa ng Diyos sa ibang paraan.

Ang 2 pang halimbawa ay si Michal at ang Shunammite na babae. Si Michal ay anak ni Haring Saul at naging unang asawa ni David. Makikita natin sa 2Samuel 6, na si Michal ay ikinahiya ang kanyang asawa at hari at siya’y pinarusahan sa kanyang ginawa. Ang kapitulo ay nag

tapos sa talata 23 ng “ Dahil dito, hindi nagka anak si Michal hanggang sa mamatay siya.” Sa tradisyon ng mga Judio, ay namatay si Michal sa pagluluwal ng sanggol. Ang Mishna (ang batas sa mga Judio) ay marubdob sa paglalarawan ng pgsisilang at ng sanggol. Kahit na ito’y nakakawili at posible, ito ay labas sa Biblia. Maraming mga Kristianong pantas, ay naniniwala na si Michal ay pinaalis ni Haring David, at ang hindi pagsiping ang pinakahuling pagpipigil. Kung ang kanyang kawalan ng anak ay kaparusahan sa ganitong usapan, alinmang teorya ay hindi siya mapapasama sa ating pag uusap ngayon. Maaari din natin idagdag ang babaeng Shunammite mula sa 2 Kings 4. Sinasabi sa Kasulatan na siya’y walang anak. Kahit na ito’y nangangahulugan na wala siyang anak, o walang anak na lalaki, ay walang paraan upang ito’y malaman. Gayunman,para sa kapakanan ng pagtatalakay, ay isasama siya sa talaan at pag uusapan siya.

Katunayan, bilang mga tao ng Diyos, nauunawaan natin na ang espirituwal at pagiging maka Diyos ay hindi nababatay sa kakayahan na mag asawa at magkaroon ng anak, sapagkat marami tayong mga tapat na kapatid na hindi nag asawa at hindi nagkaroon ng anak. Nguni’t sa maraming pagkakataon, ang “idea” o palagay o kuro kuro sa katuwiran ng mga babae ay nagpapakilala ,nang hindi sinasadya, kahit sa mga kasama nating mga kapatid. Ito ay isang kasinungalingan, ito ay nakakasira at hindi maka Kristiyanong pag iisip. Nakita ko ang mga malakas,mga batang Kristiyanong babae na nawawala sa pananampalataya kung ang kanilang buhay ay hindi nagagawa ang inaasahan sa kanila na inilagay nang mali sa kanila. Ipinaalala sa akin ang bulag na lalaki na pinagaling ni Jesus sa simula ng John 9: “Habang naglalakad si Jesus, may nakita Siyang isang lalaki na ipinanganak na bulag. Tinanong si Jesus ng mga tagasunod Niya, Guro, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya? Sumagot si Jesus, “Hindi Siya ipinanganak na bulag dahil nagkasala siya o ang mga magulang niya. Nangyari ito upang ipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapagaling sa Kanya.” Nang Ako at ang aking asawa ay nasa kalagitnaan ng lahat ng ito, matapos na tanggapin ang ika 15 negatibong resulta ng pagbubuntis, ang mga tao ay madalas na nagtatanong tulad ng, “ nananalangin ba kayo nang taimtim?” o “Sa palagay mo ba ay hindi kayo pinagtitiwalaan ng Diyos na maging magulang?” o , ang aking personal na paborito, “Inisip mo ba na alam ng Diyos na hindi ka magiging mabuting ina?” Ang mga tao nagsasalita ng mga bagay na ang akala nila sila ay nakakatulong nguni’t nakakasakit ng damdamin—sa totoo lang walang paghatol dito. Tulad ng mga alagad,sa palagay ko, minsan ay mayroon tayong intensyon na makatulong habang sinusubukan na maunawaan ang hindi makatarungan sa buhay na ito. Sa totoo lang, ay nauunawaan ko kung saan nanggagaling ito.

Nakita nila si Hannah na taimtim na nananalangin para sa isang anak, na inakala nila na siya’y lasing (1Samuel1:9-18). Sa Hebreo 11:11,sinabi na, “Sa pananampalataya, si Sarah rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kanyang gulang, palibhasa’y inaari Niyang tapat ang nangako.” Ang babaeng Shunammite ay pinagkalooban ng anak na lalaki dahil sa kanyang kabutihan sa propeta ng Diyos,si Elisha (2 Kings 4:8-17). Ito ay isang tumpak na isipin na ang pananampalataya, kabutihan at maka Diyos na panalangin ng babaeng ito ay narinig at sa wakas ay pinagkalooban ng anak. Nguni’t ito ay maka mundong kaisipan, at tulad ng bulag na lalaki, ay nais kong imungkahi na sila’y pinagkalooban ng anak, hindi upang ipakita ang kanilang katuwiran, nguni’t para ipakita “ang kapangyarihan ng Diyos sa kanila.” Tunghayan natin ang kuwento ng babaeng Shunammite. Ang mayamang alipin ng Diyos ay pinagkalooban ng anak bilang “pasasalamat” mula kay Elisha. Sa dako pa roon ng salaysay, ay nakita natin ang kanyang anak ay namatay sa kanyang bisig at muling binuhay ng propetang iyon. Ang handog mula kay Elisha ay hindi lamang ang anak, kundi ang pagkakataon na makita ang himala ng Diyos ng dalawang ulit. Sa anim na mga ina na nakatala —ang Diyos ang nagbigay ng buhay kung saan wala na, nguni’t lumikha ng mga magigiting na bayani para sa Kanyang mga hinirang. At habang ang mga babaeng ito ay maka Diyos; sina Isaac, Jacob, Joseph, Samson, Samuel at Juan Bautista ay mga halimbawa ng kabutihan ng

 Diyos, hindi ng kanilang mga ina. Tulad ng anak ng babaeng Shunammite, sila ay gagamitin na palakasin ang pananampalataya at maging halimbawa na ang Diyos ang tunay na dahilan.

At ngayon, saan tayo patutungo? Maraming mga babae ang nagsisikap nang maraming taon at sa wakas ay biniyayaan ng anak nang hindi nila inaasahan. Ang iba ay pinili ang makabagong panggagamot, at ang iba’y naghanap ng kasiyahan sa pagbibigay ng pagmamahal at suporta sa ibang nagpapalaki ng anak. Para kay Dan at sa akin, ang aming panalangin ay tinugon sa pamamagitan ng pag aampon—at anong laking biyaya iyon ! Nguni’t kahit na anong pagpipilian ang gawin natin—o kung anuman ang pagpili na ginawa para sa atin—ang nag bubuklod sa atin ay hindi ang pagkakaroon ng anak. Ang nagbubuklod sa iyo at sa akin ay ang magkatulad na bigkis sa lahat ng kapatid na babae at lalaki : at iyan ay si Kristo! “Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Judio at hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae, kayong lahat ay iisa na dahil kayo’y nakay Kristo na.” (Galatians 3:28). At bilang nagkakaisang tao kay Kristo, tayo ay gagamitin upang ipahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa lahat—sa lahat ng panahon (1 Peter1:10-12).

Matapos ang pansariling pagsusuri at pagmumuni muni, ay na pag alaman ko na ang aking mapagmataas na puso ay humahadlang sa akin upang natin ko ang tunay na kaibigan at katulad kong ina sa isang makabagong himala. Ako ay nananalangin para sa kapatawaran, bilangin ang maraming biyaya at batiin siya ng isang ”heart emoji.” At habang ang aking katawan ay hindi makagagawa ng bata—mga bukol lamang—ito ay isa lamang katawang pan lupa. Ako ay pinangakuan ng isang katawan sa langit, kasama ang aking malikhaing kapatid, at kami ay pinagkalooban ng tunay na pagkakakilanlan kay Kristo—hindi mga ina , kundi mga anak at mga kapatid.


Previous
Previous

Sa Katapusan, Laging Maging Handa

Next
Next

Laging Maging Handa