Laging Maging Handa

By Karen Padgett

Noong 1941, ang Pearl Harbor ay sinasabing hindi malulusob. Ito ay isang ay nasa isang ligtas na lugar at napapaligiran ng isa sa mga malalakas at protektadong sandatahang presensiya ng militar sa mundo. Si U.S. Navy Admiral Kimmel ay naghahanda sa paglalaro ng golf sa araw na iyon ng Linggo, ika 7 ng Disyembre, na hindi nababahala sa maaaring maganap na pagsalakay. Pinawalang bahala niya ang mga babala mula sa ibayong dagat. At sa umagang iyon, ay hindi binigyan ng pansin ang ulat ng papalapit na mga eroplano at ulat ng isang espiyang submarino na namataan sa labas ng kanlungan ng mga sasakyang pandagat. Dahil sa kapabayaang iyon, ang kanyang mga tauhan ay nahuling hindi handa sa pagsalakay ng mga Hapones. At ang bunga ay nawasak ang 328 na mga eroplano, 19 na mga barko at 2,403 na mga buhay ang nasawi.

Sa Efeso 6, ay inilalarawan ang digmaang espirituwal na ating kinakaharap at ang pananggalang na dapat nating isuot upang maingatan tayo laban sa kaaway. Sa katapusan ng paglalarawan nito, sa talata 18, ay nagbigay ng lakas ng loob na “huwag magpabaya at patuloy na manalangin.” Ano ang mabuti sa isang malakas na hukbo kung ito ay hindi handa? Ano ang mabuti sa pinakamalakas na sandata kung ang kawal ay hindi nagbabantay? Masasabi ko na nakita natin ang mga mahal nating kapatid, na tila hindi handa sa digmaan, nagapi ng kaaway sa isang pagkakataon na sila’y mahina. Marami ang nagapi, dahi hindi sila naging handa.

Ang pagiging handa ay ang mabilis na pagkaunawa at pagkilos. Ito ang unang hanay ng depensa, pisikal o espirituwal man. Mayroon tayong mga kamera sa ating mga beranda at mga “apps”sa kalagayan ng panahon sa ating mga telepono upang makatulong sa ating pangsariling kaligtasan. Nguni’t ang espirituwal na kaligtasan ay mas mahirap na sukatin. Salamat, ang Panginoon ay nagbigay ng maliwanag na larawan sa kasulatan kung ano ang dapat na bantayan at paano dapat magbantay. Tayo ay makakaunawa at makakakilos.

Sa 1Pedro 5:8, sinasabi na “Humanda kayo at mag ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.” Sa Genesis 4:7, sinabi kay Cain, “Dahil hindi mabuti ang ginagawa mo, ang kasalanan ay maghahari sa iyo.” Mula sa larawang ito, na kailangan natin magbantay sa kaaway na malapit sa atin at hindi mag aatubili na tayo’y silain sa tamang panahon.

Tayo’y nahaharap sa isang bihasang kaaway na hindi natin maaaring maliitin. Sa Efeso 6:11, binigyan tayo ng lakas ng loob na “Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos para malabanan ninyo ang mga lalang ng diablo.” Si Satanas ay malikhain. Gumagamit siya ng iba’t ibang mga kasangkapan at panlilinlang upang makuha tayo paulit ulit, sa mga bagong paraan, parehong katanungan na inilalarawan sa ating isipan tulad sa halamanan: “Totoo bang pinagbawalan kayo ng Diyos...?”

Ang ating kultura ay tinanggap ang katanungang ito bilang watawat. Ang Katotohanan ay kung ano ang nais natin sa anumang sandali. Ang sinabi ng Diyos na kasalanan, ay nakikita ngayon na kaibig- ibig at mabuti, kahit na sa mga nagsasabi na sila’y tagasunod ni Kristo. Ang kamunduhan at maling turo ay inilalarawan ang kanilang sarili sa kulay na makatuwiran. Ang mga pagsalakay ni Satanas ay malimit na dumarating, sa lahat ng patutunguhan at maaaring makagulo ng isipan.

Ang magkakaibang mensahe ng doktrina at maling turo ng relihiyon ay dapat na magbigay sa atin ng babala para sa ating nagmamasid. Kung tayo’y nag aalinlangan, kailangan nating alalahanin” kinukumbinsi naming silang sundin ang mga utos ni Kristo “ (2 Corinto10:4-5). Kailangan nating harapin ang mga tanda “ng mga karunungan mula sa Diyos “, laban sa

 “makamundo, likas at mula sa diablo”(Santiago 3:14-18). Kailangan nating timbangin ang mga gawa ng laman sa mga bunga ng Banal na Espiritu (Galatians 5:19-23). Kailangan nating makilala ang mga huwad na propeta na lumalapit na parang mga maamong tupa, at “makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa”(Mateo7:15-20). At ang pinakamahalaga, kailangan nating malaman ang Salita ng Diyos (1Tesalonica 2:13).

Habang alam natin kung ano ang dapat na bantayan, kailangan natin magbantay na may malinaw na mata, Buo ang kamalayan ng nangyayari sa harap natin. Sa Mateo 26, habang ang Panginoon ay nananalangin sa Gethsemane sa paghihirap na Kanyang babatahin, Siya ay bumalik ng 3 ulit at nakitang natutulog sina Pedro, Santiago at Juan. Sa talata 40-41,binalikan ni Hesus ang 3 Niyang tagasunod at dinatnan Niya silang natutulog. Sinabi Niya kay Pedro, “Hindi ba kayo makapagpupuyat na kasama Ko kahit isang oras lang? Magpuyat kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu ay handang sumunod, nguni’t mahina ang laman.” Si Hesus ay mamamatay sa isang nakakikilabot na kamatayan sa krus, ginawa ang huling pag aalay para sa sangkatauhan. At ang mga alagad ay iiwan Siya at ipagkakanulo. Nakikita lamang nila ang Panginoon na nananalangin sa halamanan— hindi ang pagsubok sa kanilang mga kaluluwa sa harapan nila. Hindi nila nakita ang totoo, kaya sila’y natulog.

Mga kapatid, wala tayong oras para matulog habang patuloy nating tinitingnan ang kalawakan sa mga espirituwal na pagbabanta. Balikan natin ang Efeso 6:18, “At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin ninyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal.” Napansin mo ba na ang pagiging handa ay nakapaloob sa dalawang kaisipan ng panalangin? Ang matiyagang pananalangin ay nagbibigay sa atin ng patuloy na pakikipag ugnayan sa ating Hari at Pinuno, na ang Kanyang mga utos ay nasa harapan ng ating pag iisip. Kaya ito ang sinasabi ng Diyos “ laging manalangin.”

Kailangan din nating tandaan na ang panalangin ay hindi likas na gawain, nguni’t ito ay isang espirituwal. Ito ay gawa o kilos ng pagtitiwala at pagpapasailalim sa Diyos Ama. Sa Santiago 4: 7-8, “ Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diablo at lalayo ito sa inyo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit Siya sa inyo.” At tayo’y magtiyaga sa pamamagitan nang palaging pananalangin.

Ang espiritu ay handang sumunod, nguni’t ang ating katawan ay mahina. Malimit tayong pagod, nanglulumo at naguguluhan sa mga pisikal na katotohanan sa ating kapaligiran. Kailangan nating makita nang maliwanag ang espirituwal na panganib sa ating harapan, at manalangin na nakatayo nang matatag para sa atin at sa lahat ng pinabanal. At habang nagmamasid tayo nang may pag iingat, tayo ay nagmamasid din nang may pag asa para sa mas mabuti. Tayo ay nagbabantay sa pagbabalik ng ating Panginoon. Sinasabi sa atin sa Marcos 13:33, “Kaya mag ingat kayo at laging magbantay, dahil hindi ninyo alam kung kailan Ako darating.” Ang muling pagbabalik ni Kristo ay nagbibigay sa atin ng hangarin sa dako pa roon na magbantay dito at ngayon. Sa kaalaman na nagwagi na si Kristo sa digmaan, tayo ay tatayo nang matagumpay sa pamamagitan Niya. Sa ganitong pag asa, ay magpapatuloy tayo nang walang takot at walang kapaguran, nananatili sa pagiging laging handa !

Previous
Previous

Pagkabaog

Next
Next

Si Ginang Zebedee at Ang Ating Mga Katanungan