Si Ginang Zebedee at Ang Ating Mga Katanungan

Bilang guro, naririnig ko sa mga magulang ang iba’t ibang katanungan sa kanilang mga anak...

Kumain ka na ba? Ginawa mo na ba ang iyong takdang aralan? Ano ang iniisip mo?

Bilang ina, ay itinanong ko rin ang mga katanungang iyon.

Ang mga katanungan sa araw araw ay ganoon lagi... mga pang araw araw na pag papaalala, pagmamahal o pagbabala.

Ang aking hula na sa lahat ng kultura, sa lahat ng bansa, ang mga ina ay nagtatanong sa kanilang mga anak nang magkatulad na katanungan. Ito ay pangkaraniwang ginagawa ng mga ina.

Gayunman, bilang Kristiyanong mga ina, tinatanong ba natin ang ating mga anak ukol sa kanilang mga gawain bilang Kristiyano? Ito ba ay mahalaga na ang ating mga anak ay nag aaral ng Biblia tuwing Linggo tulad din din ng paggawa nila ng mga aralin sa Algebra? Tinatanong ba natin sila kung sila ay nagdasal sa umaga bago sila pumasok sa paaralan, o tinanong ba natin sila kung ano ang gagawin nila sa araw na iyon?

Wala na akong pinapalaking anak, at para sa mga walang anak, iminimungkahi ko na isipin ang mga katanungan tungkol sa ating sarili, tungkol sa ating gawain, tungkol sa ating pinansiyal, tungkol sa hinaharap natin. Tayo ay nagbabalak ng maraming bagay, ginugugol ang maraming oras sa pag iisip ng mga sari saring bagay dito sa mundo... tinatanong ba natin ang ating sarili tungkol sa ating espirituwal na paglago?

Hindi ko inimumungkahi na huwag tayong magbalak para sa ating sarili, at hindi ko iniisip na mayroong masama sa pagtatanong tungkol sa takdang aralin o sa pang araw araw na pagkikita. Gayunman, kung hindi tayo magiging maingat, ang mga dapat na unahin sa buhay ay magiging mali- nakatuon sa mundo- at nakakalimutan natin ang mas mahalagang bagay sa buhay espirituwal ng ating sarili at mga anak.

Sa kultura na pinahahalagahan ang edukasyon at pagpapataasan sa daigdig, ang atin bang mga katanungan ay naaayon sa mga bagay na pansamantala sa halip na sa mga bagay na pang kalangitan?

Isipin natin ang ina nina Santiago at Juan, ang asawa ni Zebedee. Siya ay isang ina na nag aruga nang maayos sa dalawang anak na lalaki. Sila ay sumunod kay Hesus at nabibilang sa pinakamalapit na kaibigan ng Tagapagligtas dito sa daigdig. Maliwanag na may ginawang tama si Ginang Zebedee.

Gayunman, ang tanong niya kay Hesus sa Mateo 20 ay nagpapakita ng pan daigdig na bagay. Sa tala ng Mark 10, sinasabi na sina Santiago at Juan ay walang pag aalinlangan, na sila’y bahagi ng katanungan, nguni’t tila ang kanilang ina ang nagpumilit ng bagay na ito kay Hesus. Sinabi ni Mateo na siya’y lumuhod sa harap ni Kristo at nakiusap na ang kanyang mga anak ay maupo sa tabi Niya sa pagtanggap Niya ng kaharian.

Sa kanyang pagtatanggol, si Ginang Zebedee ay naniniwala na si Hesus ang Kristo. Alam niya na si Hesus ang maghahari at Siya ang may kapangyarihan kung sino ang makakasama Niya. At nais niya na ang kanyang dalawang anak ay umupo sa tabi Niya- isa sa Kanyang kanan at ang isa ay sa Kanyang kaliwa.

 Ang kanyang pag aalala marahil ay hindi makalupa...nguni’t ito’y makatao at hindi maka langit. Sa kabanata 19, sinabi ni Hesus sa isang mayaman at batang tagapamahala na upang maka pasok sa kaharian ng langit, ay kailangan niyang ipagbili ang lahat at sumunod sa Kanya.

Nang umalis ang lalaki, ang mga alagad ay namangha. Tinanong nila na kung ang isang tao ay sumunod sa mga utos ay hindi maliligtas, kung ang mayaman at makapangyarihan ay hindi maliligtas, ay sino nga ang maliligtas? Ipinahayag ni Pedro na iniwan nila ang lahat... ano ang mapapala nila?

Inaliw ni Hesus ang mga alagad at sinabi na tanging ang Diyos ang makagagawa na ang imposible ay magiging posible, at sinabi Niya na sila’y upon sa trono sa buhay na walang hanggan.

Tunay, na ito’y patuloy na naririnig ng ina nina Santiago at Juan. Nawala sa isip niya na ang una ay magiging huli at ang huli ay magiging una. Nawala sa isip niya ang talinghaga ng ubasan na sumagot sa katanungan ni Pedro kung ano ang mapapala nila. Hindi maliwanag kung narinig ng ina ang sinabi ni Hesus tungkol sa Kanyang kamatayan, nguni’t kung narinig man niya o hindi, nais pa rin niyang balikan ang tungkol sa mga trono !

Ang espirituwal na katotohanan sa pagiging mayaman at makapangyarihan ay hindi niya lubos na maunawaan at siya’y naghahangad ng kapangyarihan at katanyagan para sa kanyang mga anak, at tila sina Santiago at Juan ay masigasig din malaman ang kanilang tatanggapin. Ito ay kayabangan o labis na pagpapahalaga sa sarili na nagbibigay sa ating kaisipan ukol sa pagkakaroon ng posisyon at kapangyarihan. Walang iba na nagbibigay ng sigalot sa mga kapatid kundi ang hangarin na umasenso. Nakamamangha na hindi natin nakikita ang mga alagad ni Hesus na nag aaway,maliban na lamang kung may pangyayari na pinagmulan. Kung hindi natin nakikita na ito ay lason ni Satanas na panghinain tayo, ngayon ay hindi tayo nagbibigay ng tamang pansin !

Ang sagot ni Hesus sa Mateo 20:22, na hindi ang kaluwalhatian at kapangyarihan, ang bigyan ng pansin, kundi ang paghihirap na darating: “ Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong tiisin ang mga pagdurusang titiisin Ko?” Ngayon, ito ang tanong sa inyo!

Sina Santiago at Juan ay nakatitiyak sa kanilang sagot na makakaya nila ang anumang paghihirap na darating, nguni’t hindi nila alam kung ano ang kanilang hinihiling.

Si Santiago ang unang alagad na pinatay dahil sa kanyang pananampalataya na nagtala sa Gawa 12. Gayunman, si Juan ang pinakahuli sa mga alagad, na ako’y naniniwala na siya’y naghihirap ang kalooban na makita ang kanyang mahal na mga kapatid na naunang umuwi sa tahanan ng Diyos.

Kung tayo’y naghahanap ng posisyon at makamundong pagsulong, para sa ating sarili at mga anak, hindi natin alam kung ano ang ating hinihingi.

Hindi mahalaga kung saan nag aaral ang iyong mga anak. Hindi mahalaga kung anong karangalan ang natanggap mo sa iyong trabaho. Kung saan ka nakatira, kung anong koste ang sasakyan mo, kung magkano ang kaloob mo sa araw ng Linggo, ang lahat ng iyan ay hindi mahalaga.

Kung iyan ang nakukuha natin bilang pabuya, ay nawala ang tunay na punto. Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo na nais lamang na ipagmalaki sa ibang tao na natanggap na nila ang kanilang pabuya... ito ay makamundo sapagkat ang kanilang hangarin ay makamundo. Walang espirituwal na kasiyahan sa kayabangan.

 Ngayon, ano ang ating mga katanungan? Anong mensahe ang ipinararating natin kung ano ang mahalaga sa atin?

Ang mga tao ay makikilala tayo kung ano ang inuuna natin sa ating buhay na nakikita nila kung paano tayo mamuhay. Ang ating mga anak ang higit na nakakikilala sa atin. Ang ating mga anak na nakakasama natin sa mahabang panahon ang nakakikilala sa atin. Hindi natin sila mapaglalalanganng mahabang panahon. Alam nila kung ang ating pananampalataya ay kahon o bagay na pumapatnubay sa ating buhay- kung pinag aaralan ang salita ng Diyos o para sa isang AP na pagsusulit ay mas mahalaga. Malalaman nila sapagkat makikita nila na ginugugol natin ang oras nang higit sa isa.

At kahit na dayain natin ang ibang tao, hindi natin madadaya ang Diyos. Nakikita Niya tayo kung paano nakita ni Hesus ang mga alagad kung sino sila- mga tao lamang...may mga kaisipang pang daigdig, na nagsisikap na maunawaan ang kaharian na hindi kayang ipa liwanag sa makamundong pananalita. Kung minsan nagtatanong ng maling katanungan. Kung minsan nahahadlangan ng kayabangan, nguni’t mga alipin na inialay sa ISA na alam nila na Siyang may hawak ng Salita ng buhay.


Previous
Previous

Laging Maging Handa

Next
Next

Ang Nagmamasid na Kawal